Utos ng pagpuksa
Mula sa MormonWiki
Ang utos ng pagpuksa ay isang militar na utos na nilagdaan ng Gobernador ng Missouri na si Lilburn W. Boggs noong Oktubre 27, 1838, na nagtutulak na ang mga Mormon ay dapat na mahiwalay sa estado o sila ay lilipulin. Kung babasahin, ang nilalaman nito ay:
"Punong-himpilan ng milisiya," Lungsod ng Jefferson, Ika-27 ng Oktubre, 1838. Heneral John B. Clark: Sir mula ng naibigay ang utos sa inyo ngayong umaga, na inuutusan kayo na magsanhi ng apat na raan na inimuntar na tao upang maitaas sa loob ng iyong dibisyon, aking natanggap mula kay Amos Reese, Esq., ng probinsya ng Ray, at Wiley C. Williams, Esq., isa sa aking mga tagatulong, ang impormasyon mula sa mga pinaka nakapanghihilakbot na karakter, na lubos na nagpabago sa mukha ng mga bagay-bagay, at nilagay ang mga Mormon sa loob ng isang bukas na pagsuway ng mga batas, at ng pag-umpisa ng digmaan sa bayan ng estado na ito. Ang inyong mga utos ay, samakatuwid, upang madaliin ang inyong operasyon sa lahat ng posibleng pagpapabilis. Ang mga Mormon ay dapat na ituring bilang mga kaaway, at dapat na lipulin o palayasin sa mga estado kung kinakailangan, para sa pampublikong kapayapaan - ang kanilang sumpong ay lampas pa sa lahat paglalarawan. Kung maaari niyong dagdagan ang inyong lakas, kayo ay may pahintulot na gawin ito sa anumang lawak na maaari ninyong ikonsidera na kinakailangan. Lamang ako ay may inisyu na mga utos kay Maj. Gen. Willock, ng probinsya ng Marion upang magkaroon ng limang daang kalalakihan, at imartsa sila sa hilagang bahagi ng Daviess, at doon ay makiisa kay Gen. Doniphan, ng Clay, na inutusan na magkaroon ng limang daang mga tao upang magpatuloy sa parehong punto sa layunin na harangin ang pagtakbo palayo ng mga Mormon sa hilaga. Sila ay tinuruan na makipag-usap sa inyo sa pamamagitan ng ekspres, maaari ring kayong makipag-usap sa kanila kung nakita niyo ito na kailangan. Sa halip nga na magpatuloy sa unang itinuro na ibalik ang mga mamamayan ng Daviess sa kanilang mga tahanan, kayo ay magpapatuloy kaagad sa Richmond at pagkatapos ay patatakbuhin laban sa mga Mormon. Si Brig. Gen. Parks ng Ray, ay inutusan na ang apat na raan ng kaniyang brigada ay maging handa na samahan kayo sa Richmond. Ang buong lakas ay malalagay sa ilalim ng inyong mga utos. Ako ay tunay na gumagalang, ang iyong ob't serv't, "L. W. Boggs, Punong Komander. " Ang reaksyon ng gobernador ay isang reaksyon sa impormasyon na ipinarating sa kaniya sa pamamagitan ng dalawang tao na mula sa Richmond, Missouri. Ang impormasyon ay ukol sa hindi pagkakasunduan sa pagitan ng mga Mormon at ng mga taga hilagang-kanlurang Missouri at kasinungalingan na umano'y ang Mormon na mga milisya ay pinatay ang ilang bilang ng mga tao at sinusunog ang mga bayan sa Missouri. Ang mga Banal ay napaalis na ng probinsya ng Jackson noong 1833, probinsya ng Clay noong 1836, at probinsya ng Carroll, dalawang linggo bago ang utos ng pagpuksa (Hartley, p. 6). Ang probinsya ng Carroll ay mayroon na ring inisyu na kanyang sariling utos ng pagpuksa laban sa mga Banal, na nagbabanta na "pupuksain ang mga banal nang walang patungkol sa kanilang edad o kasarian" kung hindi nila iiwanan ang mga probinsya pagdating ng Oktubre (Anderson, 27-83). Ang inggitan sa pagitan ng mga taga-Missouri ay nagsimula sa pamamagitan ng tindig ng simbahan laban sa pang-aalipin, sa layunin ng Simbahan upang matatag ang Sion sa Missouri, ang kaugalian ng mga Banal na magtipon sa mga grupo at magkalakalan ng halos sila-sila lamang, ang patuloy na paglago ng populasyon ng Simbahan, at relihiyosong pagkapanatiko na pinasimulan ng mga Protestanteng pinuno. Ang mga kamakailang pahayag ng mga pinunong Mormon, lalo na ang mga binigay ng ekspert na mananalumpati na si Sidney Rigdon, ay ipinahayag na ang mga Mormon, sa wakas ay kaya ng ipagtanggol ang kanilang mga sarili. Ang tinatawag ng mga taga Missouri bilang ang "Digmaang Mormon" ay nag-umpisa noong tag-init ng 1838. Ang digmaang Mormon ay kinabibilangan ng mga pagbaril, pagsusunog ng mga tahanan, paninira ng mga pananim at hayop, at maliit na labanan na tinatawag na ang Labanan sa Baluktot na Ilog noong ika- 24 ng Oktubre kung saan ilan ang nawalan ng buhay, at ang pagpatay na ginawa sa kiskisan ng Haun noong Oktubre 30 [malamang bago ang balita ng utos ng pagpuksa ay nakaabot sa mga taga-Missouri] na kung saan ang labing pitong inosenteng Mormon ay marahas na pinagbabaril sa kamatayan at labing apat na iba pa ang nasugatan sa pamamagitan ng higit sa dalawang daang bihilanteng taga Missouri "(Hartley, p. 6).
Si Gobernador Boggs, na kumikilos sa kanyang kakayahan bilang punong komander ng milisiya ng Missouri, ay iniutos kay Heneral John B. Clark na magmartsa sa probinsya ng Ray sa isang dibisyon ng milisiya upang isagawa ang operasyon laban sa mga armadong Mormon. Ang isang kopya ng utos ay nakaabot kay Heneral Samuel D. Lucas sa mga oras na siya ay dumating sa labas ng LDS na bayan sa Malayong Kanluran, sa probinsya ng Caldwell, noong Oktubre 31, na may 3,500 na sundalo sa milisiyang estado. Nagkaroon lamang ng 200 na mga tao sa Malayong Kanluran, ngunit kanilang natukoy na subukang ipagtanggol ang kanilang sarili. Si Joseph Smith ay nagpadala ng mga kinatawan sa kampo ng milisiya ng estado upang makiusap kay Heneral Alexander W. Doniphan, na mayroong isang reputasyon sa pagiging makatarungan sa mga Banal. Si Lucas ay nagbigay ng kopya ng utos ng pagpuksa sa LDS Kolonel na si George M. Hinkle at sa iba pang mga kinatawan ng Simbahan, at sa kanila'y nagdikta ng tuntunin ng pagsuko, at ito ay ipinakita nila kay Joseph Smith. Ang mga tuntunin ng pagsuko ay apat-1) Ang mga pinuno ng mga Mormon ay kukunin sa kostodiya; 2) ang mga personal na ari-arian ng mga Banal ay kukumpiskahin upang bayaran ang mga gastos, danyos, utang na nadusa ng mga mamamayan sa estado ng Missouri; 3) lahat ng mga armas na pag-aari ng mga Banal ay kukumpiskahin; at 4) ang lahat ng mga Mormon ay kailangang umalis ng estado.
"Si Joseph ay interesado sa pagpigil sa pagdanak ng dugo, ngunit malamang ay hindi pa siya handa para sa mga serye ng mga panganib, panloloob at pagkakanulo na naghihintay pa sa kaniya. Siya ay sumang-ayon na makipagkita sa mga pinuno ng milisiya upang maiwasan ang pagdanak ng dugo, ngunit siya ay ibinilanggo at nahatulan na barilin nang walang paglilitis" ( Jeff Lindsay.com). Siya at ang iba pang mga pinuno ay pinagtulungan at iniwan sa labas ng magdamag sa hindi magandang panahon, na dinadala ang pag-uyam ng kanilang mga manghuhuli. Ang mga sumusunod na maikling diskurso ay sa pagitan nila Heneral Lucas at Doniphan:
"Para kay brigadyer-Heneral Doniphan: Sir: Kukunin mo si Joseph Smith at ang iba pang mga bilanggo sa pampublikong parisukat sa Malayong Kanluran, at barilin sila pagsapit ng alas nwebe bukas ng umaga. Samuel D. Lucas, Pangunahing Heneral, nag-uutos.” Sa mga pahayag na ito, si Doniphan ay kaagad na sumagot, "Ito ay isang malupit na pagpatay. Hindi ko susundin ang inyong utos. Ang aking brigada ay magmamartsa para sa Kalayaan bukas ng umaga, sa oras ng 8:00;.. at kung inyong papatayin ang mga mga kalalakihang ito, akin kayong gagawing responsable sa harap ng isang makalupang tribunal, kaya tulungan mo ako Panginoon. AW Doniphan, Brigadyer Heneral "(Hill, p. 241). Si Joseph Smith at ang ilan pang mga iba ay ginugol ang limang buwan sa bilangguan sa paghihintay ng paglilitis para sa diumano'y pagpatay, pagtataksil, panununog, at iba pang mga singil. Ito ay isang madilim na oras para sa Propeta, ngunit ay sinamahan ng malakas na mga pahayag mula sa langit at panibagong kalakasan (tingnan ang Doktrina at mga Tipan 121-123). Ang isang paglilitis ay hindi kailanman ginawa. Noong Abril 15, 1839, habang inililipat para sa isang pagbabago ng lugar, at pagkatapos na ang halos walang pinunong mga Banal ay napaalis at nalantad sa mga pinsala ng isang sapilitang pandarayuhan sa panahon ng taglamig, Si Joseph at si Hyrum ay tahimik na pinahintulutan upang makatakas, tila upang makatulong sa Estado ng Missouri na mailigtas ang kanilang reputasyon (Jeff Lindsay.com).
Bago pinakawalan si Joseph, isang paghihiganti laban sa mga Banal sa mga Huling Araw ang ginawa. Kahit pagkatapos na ang militar na mga gawain ay natapos (dahil ang mga Mormon ay sumang-ayon na lamang na umalis), ang mga mamamayan ng Missouri ay patuloy na naghiganti laban sa mga Mormon, sinisira nila at sinusunog ang kanilang mga tahanan, tinatakot ang mga kababaihan, pinapatay ang mga hayop, at sinisira ang mga pananim, at ito ay nagtapos lamang sa sapilitang pag-alis sa Missouri ng halos lahat ng mga miyembro ng Simbahan sa panahon ng taglamig at unang bahagi ng tagsibol noong 1838-1839. Ang mga Banal ay tumakas mula sa Missouri sa ilalim ng katakut-takot na mga pangyayari. Maraming mga naghihirap na mga Mormon ay walang sapatos, walang pagkain, walang tirahan, walang karwahe, walang mga kabayo-ang lahat ay kinuha ng mga taga-Missouri. Ang taglamig ay mapait, at marami ang namingpahaluna sa nyebe, umaasa para sa kaligtasan. Daan-daang mga may sakit at nilalamig na mga nakatakas ang nagsama sama sa Malayong Kanluran at sa malapit kay Brigham Young at ang iba ay gumawa ng kasunduan sa bawat isa upang tulungan ang mga pinaka naghihirap na mga Banal. Kinalaunan, sila ay nagtagumpay. (Ang mahirap na pangangalakal ay siguradong nakatulong sa paghanda kay Brigham Young upang maisaayos ang kinalaunang paglisan patungong Utah, at sa pagbuo ng mga sistema na natulungan ang mga mahihirap na mga Mormon na makarating sa kanluran sa mga sumunod na taon.)
Karamihan sa mga Banal sa mga Huling Araw na umalis ng Missouri ay nagtungo sa Illinois, lalo na sa Quincy, kung saan ang mga mamamayan ay inalok ang maraming kawanggawa upang matulungan ang mga ito. Ang mga Banal ay hindi makapagpasiya kung sila ay magtitipong muli, at ang ilang mga pinuno ay naisip na sila ay dapat na ikalat sa mas maliliit na mga populasyon. Ang mga malalayong Banal ay kailangan na nigyang muli ng katiyakan na ang Simbahan ay patuloy pa ring gumagana. Pero si Joseph Smith ay pinagsama-samang muli ang mga Banal sa Commerce, Illinois, kinalaunang pinangalanan na Nauvoo. Ang sapilitang pagpapatapon ng higit na 10,000 na mga Banal sa mga Huling Araw ay nagkaroon ng madalian at matagalang kahinatnan:
Ang mga Mormon ay nagdusa ng malubhang pagkalugi sa ari-arian at hindi nakatanggap ng mga kabayaran. Ang mga Mormon ay nagdusa sa pisikal na aspeto mula sa kawalan, paglalantad, istres, sakit, at troma. Kung kaya, marami sa mga nalantad sa mga bana ng malarya ng Nauvoo ay napahina na ng kanilang karanasan sa Missouri.
Ang mga Mormon ay nagdusa na ng maraming mga kawalan ng katarungan at troma sa pag-iisip, na sa oras na sila ay namalagi na sa Nauvoo, sila ay nagkaroon na ng isang uri ng "hindi na muli" na kaisipan. Sa Nauvoo, sila ay nagtatag ng isang milisiya at mga batas upang maitaguyod ang kanilang pagtatanggol sa sarili.
Pagsasawalang-bisa ng utos ng pagpuksa
Ang legalidad at pagiging angkop ng utos ni Bogg ay masiglang naging debate sa kongreso ng Missouri sa panahon ng kanyang 1839 na sesyon. Ang utos ay suportado ng karamihan sa mga mamamayan ng hilagang-kanlurang Missouri, ngunit ay kinikwestiyon o denunsyado ng iba. Gayunpaman, walang pagpapasiya sa legalidad ng utos ang kailanma’y ginawa. Noong Hunyo 25, 1976, si Gobernador Christopher S. Bond ay nag- isyu ng isang eksekutibong utos na pinapawalang bisa ang utos ng pagpuksa, at kinilala ang legal na pagkawalang bisa nito, at nagbigay ng isang pormal na paghingi ng tawad sa ngalan ng estado ng Missouri para sa mga paghihirap na naidulot nito sa mga Banal sa mga Huling Araw.
Sapagkat, noong Oktubre 27, 1838, ang Gobernador ng Estado ng Missouri, na si Lilburn W. Boggs, ay inisyu ang isang utos ng pagtawag para sa pagpuksa o pagpapatalsik sa mga Mormon mula sa Estado ng Missouri; at
Sapagkat, ang utos ni Gobernador Boggs ay malinaw na labag sa karapatan sa buhay, kalayaan, ari-arian at sa relihiyosong kalayaan bilang ginagarantiya ng Saligang Batas ng Estados Unidos, at pati na rin ng Saligang-Batas ng Estado ng Missouri; at
Sapagkat, sa taong ito ng dalawang daang taon, habang ating pag-iisipan ang pamana ng ating bansa, ang pag-ehersisyo ng relihiyosong kalayaan ay walang tanong bilang isa sa mga pangunahing aral ng ating libreng demokratikong republika;
NGAYON, SAMAKATUWID, ako, si Christopher S. Bond, Gobernador ng Estado ng Missouri, sa pamamagitan ng kabanalan ng kapangyarihan na ibinigay sa akin ng Saligang Batas at ng mga batas ng Estado ng Missouri, ay ipinag-uutos ang lahat ng sumusunod:
Kasama ang pagpapahayag sa ngalan ng lahat ng mga taga-Missouri ng aming malalim na panghihinayang para sa kawalan ng katarungan at sobra-sobrang paghihirap na naisanhi ng utos ng 1838 na utos na ito, aking ipinapawalang-bisa ang Eksekutibong Utos Bilang 44 petsang Oktubre 27, 1838, na inisyu ni Gobernador Lilburn W. Boggs.
Mga sanggunian at Kaugnayan:
§ Richard L. Anderson, "Paglilinaw ng Utos ni Boggs at konstitusyonalismo ni Joseph Smith," Pangrehiyong Pag-aaral sa Kasaysayan ng mga Banal sa mga Huling Araw: Missouri, Arnold K. Garr at Clark V. Johnson, eds. § Donna Hill, Joseph Smith: Ang Unang Mormon, Doubleday at Company, Garden City, NY, 1977. § William G. Hartley: "Ang 1838 na utos ng pagpuksa sa Missouri at Sapilitang pagpapaalis sa mga Mormon patungo sa Illinois" § Brigham Young University LDS FAQ, "Ano ang utos ng pagpuksa"? § Wikipedia: utos ng pagpuksa § Light Planet