Tabernakulo sa Kanesville

Mula sa MormonWiki

250px-Kanesville tabernacle.jpg

Ang Kanesville na Tabernakulo sa Council Bluffs, Iowa, ay ngayon ay isa ng sentro ng bisatahan ng SImbahang Mormon.

Noong Hunyo 27, 1844, ang presidente, ang propeta, at ang lider ng Ang Simbahan ni Hesu Kristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, na si Joseph Smith, ay pinatay ng mga katakot-takot na tao. Sa pagkamatay ng propeta, ang pamumuno ng Simbahan ay naging responsibilidad ng korum ng Labindalawang Apostol. Sa oras na iyon, si Brigham Young ay ang Pangulo ng Labindalawa. Sa lalong madaling panahon matapos na si Joseph Smith ay pinatay, marami sa mga Mormon ay hinimok paalis mula sa kanilang mga tahanan sa Nauvoo, nanalagi sa kanilang mga pansamantalang tahanan sa Iowa upang sila ay maghandang maglakbay sa Utah.

Sa Disyembre ng 1847, ang mga apostol ng Simbahan ay naatasang buuing muli ang pamumuno ng Simbahan. Sa oras na ito, ang Labindalawang Apostoles ay pinamumunuan na ang Simbahan para sa nakalipas na tatlo at kalahating taon. Sila ay nabigyan ng inspirasyon na suportahan si Brigham Young bilang ang susunod na presidente at propeta. Sina Apostoles Heber C. Kimball at Willard Richards ay natawag bilang ang mga una at pangalawang tagapayo. Ang prinsipyo ng karaniwang pahintulot ay isang bahagi ng Simbahan mula pa sa simula, at kahit na sa ngayon, ang mga pinuno ng Simbahan ay hinihingi ang pahintulot ng mga miyembro nito (kilala bilang ang pagtutukod) kapag ang mga tao ay tinatawag sa mga bagong mga posisyon. Ang pagtutukod sa isang bagong presidente ay karaniwang iniuutos sa isang "dakilang kapulungan" kung saan ang mga kasapi ay maaaring mag-alok ng kanilang karaniwang mga pahintulot sa pagtawag. Dahil ang mga Santo ay hinimok mula sa kanilang mga tahanan at sila ngayon ay nasa pansamantalang tirahan pa, walang lugar kung saan ang isang malaking pulong ay maaaring ganapin. Si Henry W. Miller, na noon ay isang obispo at isa sa mga unang mga Banal na nakarating sa lugar, ay inatasan ng mga pinuno ng Simbahan upang bumuo ng isang gusali sa Council Bluffs, Iowa, na may kapasidad na humawak ng 1,000 na mga tao. Sa panahon ng kalagitnaan ng taglamig, si Miller at 200 na mga lalake ay nakumpleto ang istraktura sa loob lamang ng dalawa at kalahating linggo. Ang gusali ay naging kilala bilang ang Tabernakulong Kanesville. Ang gusali ay 60 na talampakan ang haba at 40 na talampakan ang lapad, at noon ay isang milagro sa panahon, dahil ito ay isa sa mga pinakamalaking gusali na kailanman ay binuo. Ang Tabernakulo ay idenidika noong Ika- 24 ng Disyembre 1847.

Noong Disyembre 27, 1847 ang mga kasapi ng Simbahan ay nagpunta sa Tabernakulo. Mahigit sa 1,000 na mga kasapi ay dumalo. Ang bagong tatag na Unang pagkapangulo ay iniharap sa mga miyembro. Ang mga kasapi pagkatapos ay hiniling na ituloy ang pagtutukod sa mga ito, o ibigay ang kanilang pag-apruba sa mga bagong Unang pagkapangulo. Ang kaganapan na ito ay makabuluhan sa kasaysayan ng Simbahan dahil ito ay ang unang pagkakataon na ang mga kasapi ay matutukod ang bagong Propeta at Unang pagkapangulo, at dahil ito ang nagtatag ng proseso na sinusundan na sa pagtawag ng isang bagong Propeta at Unang pagkapangulo (Tingnan ang Pagpili ng isang Propeta). Sa pagdating ng tagsibol, ito ay natuklasan na ang tabernakulo ay itinayo sa ibabaw ng isang batis at ang mga kahoy na malapit sa ilalim ng gusali ay nagsisimula ng mabulok. Ang gusali ay ginamit parin sa loob pa ng tatlong taon para sa iba't-ibang mga pagpupulong, ngunit ito ay nagsilbi na ng kanyang layunin. Nang naging malinaw na ang mga kahoy ay patuloy nang nabubulok, ang mabuting mga kahoy ay kinuha na lamang at ginamit para sa iba pang mga gusali.

Ang isang kopya ng Kanesville na Tabernakulo ay ipinatayo, at ginagamit ng Simbahan bilang isang Sentro ng bisitahan. Ang sipi ay idenidika noong Hulyo 1996. Sa loob, ang mga bisita ay maaaring malaman pa ng higit ang tungkol sa pandarayuhan ng mga Banal patungo sa Kanluran. Ito ay isang magandang lugar upang pamahayan ng impormasyon tungkol sa mga tagapanimulang Mormon, dahil ang Kanesville ay isang itinuturing na panimulang punto at mga pangunahing poste para sa mga tugaygayan.

Kategorya: Mga lugar ng Interes ng Simbahan

Mga kagamitang pansarili
Sa ibang wika