Selestiyal na kasal

Mula sa MormonWiki

Oquirrh Sealing Room.jpg

Ang Selestyal na kasal ay isang kataga na ginagamit ng mga Mormons upang ipahiwatig ang isang uri ng kasal na idinesenyo at inilaan upang magtagal sa kabila ng libingan at sa magpakailanman. Ang salitang selestiyal ay nangangahulugang makalangit, kung kaya ang selestiyal na kasal ay isang makalangit na kasalan. Ang kasal ay hindi nangyayari sa langit, ngunit ito ay isang uri ng kasal na may makalangit na katangian- ito ay banal sa kayang pinanggalingan at potensyal.

Ang mga Mormons ay naniniwala na upang ang Selestiyal na kasal ay mangyari, ilang mga tiyak na takdang mga bagay ang dapat na maisagawa. Una, ang magkapareha ay dapat na maselyuhan sa templo sa pamamagitan ng isang humahawak sa awtoridad mula sa Diyos na isagawa ang ganoong pagseselyo. Pangalawa, ang magkapareha ay dapat humingi, ng buong puso, na mag-isa o magkapareha nilang susundan si Hesu Kristo. Ikatlo, ang pagseselyo ay kailangang ikumpirma ng Diyos sa pamamagitan ng kanyang espiritu.


Mga nilalaman

Pagseselyo sa pamamagitan ng awtoridad

Nang si Hesus ay tumapak sa mundo, ibinigay Niya ang kanyang awtoridad sa iba’t ibang mga indibidwal upang kumilos sa kanyang ngalan. Halimbawa, naitala sa Bibliya na inordena Niya ang kanyang mga apostoles at ibinigay sa kanila ang “kapangyarihan upang lunasan ang mga sakit, at magpalayas ng mga demonyo.” (Marcos 3:14-15) Sa isa sa kanyang mga apostoles, kay Pedro, ibinigay niya ang higit na kapangyarihan- na “ang ipagbawal mo sa lupa ay ipagbabawal sa langit, at ang ipahintulot mo sa lupa ay ipahihintulot din sa langit." (Mateo 16:19)

Ang awtoridad at kapangyarihan na ito na ibigkis ang mga bagay na parehong galing sa lupa at sa langit sa panahon ngayon ay tinutukoy na kapangyarihan nang pagseselyo. Ang kapangyarihang ito, na nawala sa pagkamatay ng mga sinaunang apostoles ay ipinanumbalik kay Joseph Smith, ang unang propetang Mormon. Ang parehong kapangyarihan na ito ay ipinagkaloob sa pamamagitan ng makalangit na pasiya ng mga apostol sa panahon ngayon, at ito ay ginagamit upang selyuhan ang mga kasal. Ang layunin ay upang lumikha ng mga walang hanggang pamilya- ang uri ng mga pamilya na nais ng Diyos na taglayin ng kanyang mga anak.

Kung ang isang lalake at babae ay ikinasal sa pamamagitan ng isang kinikilalang magalang na kapangyarihan (tulad ng isang pamahalaan o kinatawan ng isang relihiyon), ang magkapareha ay maaaring selyuhan ng magkasama upang ang kanilang kasal ay "nakatali" sa parehong lupa at sa langit. Kung ang pares ay hindi dating ikinasal, sila pareho ay maaaring makasal at maselyuhan nang magkasama sa parehong panahon, kaayon ng batas na lokal.

Ang pagseselyo ay isa sa mga banal na palatuntunan na maaaring isagawa lamang sa mga templo. Ang isang pagseselyo ay itinuturing na isa sa mga pinakamataas na ordinansa na maaaring matanggap ng mga Mormons, at naniniwala ang mga Mormons na ang walang hanggang kasal ay isang bagay na kanais-nais at lubhang banal.

Pagsunod kay Kristo

Ang mga walang hanggang kasal ay hindi lamang nangyayari; sila ay hindi itinuturing na isang "checklist item" na maaaring isagawa sa isang tiyak na lugar at oras at pagkatapos ay habambuhay na tapos na. Sa halip, ang walang hanggang kasal ay isang patuloy na gawain na umuunlad. Habang ang simula ng walang hanggang kasal ay maaaring napetsahan sa punto kung saan ang pagtatatak ay isinagawa nang may tamang awtoridad, ang pares ay dapat mamuhay sa isang paraan na karapatdapat sila sa pagpapala ng walang hanggang kasal.

Paano ginagawa ng isang pares na ipakita ang kanilang patuloy na pagnanais upang maging walang-hanggan ang kanilang kasal? Sa pamamagitan ng pagsunod kay Kristo sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay. Ang mga nananampalatayang mga Mormons na naselyuhan ng magkasama ay nagsisikap upang malaman at sundin ang mga utos ng Diyos. Sinusubukan nila na maging tulad ni Kristo, na nagsisikap upang maging mapagpakumbaba, mapasensya, matapat, masunurin, mapagmahal, mapagpatawad, at mabuti. Ang mga ito ay ilan lamang sa mga banal na mga katangian na sinubukan nilang makintal sa kanilang buhay at sa kanilang relasyon sa pamilya.

Pagkumpirma sa Pagseselyo

Pagkatapos na maselyuhan ang magkapareha sa pamamagitan ng nararapat na awtoridad, at pagkatapos na kanilang isahalimbawa ang kanilang pangako para sa isang walang hanggang kasal sa pamamagitan ng kanilang mga patuloy na aksyon, sila ay magkakaroon ng pagkakataon na makumpirma ang kanilang pagseselyo sa pamamagitan ng banal na espiritu ng Diyos. Ito ay hindi isang makalupang mga ordinansa o karanasan; ito lamang ay dumarating sa pamamagitan ng paghahayag mula sa Diyos ng direkta sa mga indibidwal sa kasal. Ang isang banal na kumpirmasyon na gaya nito ay maaaring mangyari sa buhay na ito o sa susunod.

Sa maraming mga paraan, ang kumpirmasyon ng pagseselyo ng isang pares ay isang "selyo ng pag-aproba," na ibinigay ng Diyos, na kinikilala Niya na ang kanilang unyon ay walang hanggan. Ito ang tunay na kahulugan ng isang Selestiyal na kasal- isang kasal na pinagpapatibay sa pamamagitan ng Diyos bilang nasa ganap na puwersa at ineepektuhan hindi lamang ang buhay na ito, ngunit pati na rin sa buhay na darating.


Pagbuo ng mga walang-hanggang pamilya

Ang kapangyarihan ng pagseselyo na mahalaga sa paglikha ng isang Selestiyal na kasal ay maikakabit rin sa buong pamilya. Ang mga bata ay maaaring maiselyo sa kanilang mga magulang sa pamamagitan ng parehong kapangyarihan, na mayroong pag-asa na ang buong istraktura ng pamilya ay maaaring malampasan ang buhay na ito at palawigin sa hinaharap. Kung ang pares ay naiselyo ng magkasama bago ang kapanganakan ng kanilang mga anak, at pagkatapos ay ang mga batang iyon ay, ayon sa Mormon na terminolohiya, ipinanganak sa mga tipan, sila ay karamay sa mga banal na pangako na posible sa pamamagitan ng mga pagseselyo ng mga magulang. Kung ang magkatipan ay naiselyo pagkatapos na ipinanganak ang kanilang mga anak, ang mga anak ay maaaring maiselyo sa kanilang mga magulang sa pamamagitan ng isang espesyal na seremonya na isinasagawa lamang sa mga banal na templo.

Hindi madali na bumuo ng isang walang hanggang pamilya. Ito ay nangangailangan ng pananampalataya, nang pangako, at isang pulutong ng mga pagsisikap. Ang isang pamilya kagaya nito ay tinitingnan ng mga Mormons, bilang ninanais at uliran para sa kanilang sariling pamilya. Hindi lahat ay matagumpay, ngunit ang isang uliran ay hindi sinusukat sa pamamagitan ng mga taong hindi nakuha ito. Ang mga nananampalatayang mga Mormons ay mayroong pag-asa na ipinagkaloob ng Diyos na sa pamamagitan ng tatlong mga sangkap na napag-usapan ay maaari silang makarating ng malapit sa uliran na posible at kumuha ng bahagi, sa pamamagitan ng pagpapala ng Diyos, sa Selestiyal na pamilya na kanilang ninanaiis.

Mga kagamitang pansarili
Sa ibang wika