Sakripisyo
Mula sa MormonWiki
Para sa mga miyembro ng Ang Simbahan ni Jesukristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, ang sakripisyo ay isang mahalagang aspeto ng pamumuhay na maka-Diyos at sumusunod sa mga halimbawa ng tagapagligtas na si Jesukristo. Isinakripisyo niya ang lahat, pati na ang sarili niyang buhay, upang maisakatuparan ang kalilgtasan ng bawat isa. Kapag ang mga banal sa mga huling araw ay pinag-uusapan ang tungkol sa sakripisyo, maaaring tinutukoy nila ang tungkol sa di mapantayan, walang hanggang sakripisyo ni Jesus, ang kanyang pagbabayad-sala, o maaari ring tukuyin ang maliliit na sakripisyo na ginawa ng mga tagasunod ni Kristo.
Ang Gabay sa mga Kasulatan, na ipinalimbag ng Ang Simbahan ni Jesukristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay nagpaliwanag:
Noong sinaunang mga araw, ang sakripisyo ay nangangahulugan na gawin ang isang tao o isang bagay na banal. Sa ngayon ito ay nangangahulugan na ng pagtalikod o pagtitiis na mawala ang mga makamundong bagay alang- alang sa Panginoon at sa kanyang kaharian. Ang mga miyembro ng simbahan ng Panginoon ay nararapat na kusang loob na isakripisyo ang lahat para sa Panginoon. Sa pananaw sa kawalang hanggan, ang mga biyayang nakamtan sa pamamagitan ng pagsasakripisyo ay higit kaysa sa mga naisakripisyo natin.
Matapos na palayasin sina Adan at Eba mula sa Halamanan ng Eden, ibinigay ng Panginoon ang batas ng sakripisyo. Ang batas ng sakripisyo ay nasasaklawan ang pag-aalay ng panganay sa kanilang mga kawan at isinasagisag nito ang pag-aalay sa Bugtong na Anak na gagawin ng Diyos (Moses 5:4-8). Ang tradisyong ito ay nagpatuloy hanggang sa kamatayan ni Jesukristo, na tumapos sa pag-aalay ng mga hayop bilang ordenansa ng ebanghelyo (Alma 34:13-14). Sa Simbahan ngayon, ang mga miyembro ay nakikibahagi sa sakramento ng tinapay at tubig bilang paggunita sa naging sakripisyo ni Jesukristo. Ang mga miyembro ng simbahan ni Jeukristo ngayon ay inaasahan din na mag-alay ng sakripisyo na bagbag na puso at nagsisising espiritu (3 Nephi 9:19-22). Nangangahulugan ito na sila ay mapagkumbaba,nagsisisi, at nagnanais na sumunod sa mg autos ng Diyos.
Tinutukoy din ang sakripisyong ginagawa ng mga miyembro sa paglalaan ng oras, lakas at kakayahan sa simbahan. Anng mga hindi miyembro ng Simbahan ng mga Banal sa mga Huling Araw ay nag-aakala na ang mga Mormons ay nag-aalay ng napakalaking halaga bilang pagsunod sa mg autos at pamantayan ng Simbahan. Gayunman. Kahit kung minsan ay napakahirap hatiin ang oras sa trabaho, pamilya at paglilingkod sa Simbahan, habang iniiwasan ang mga nakasanayang karangyaan sa buhay na hindi makayanan ng iba ang magpatuloy kung wala ang mga ito, ang mga Banal sa mga huling araw ay naniniwala na ipagkakaloob ng Diyos ang kanilang pangangailangan sa pamamagitan ng kanyang biyaya.
Si Elder M. Russel Ballard ng Kapulungan ng Labindalawang Apostol ay nagsabi:
Ang batas ng sakripisyo ay nagbibigay sa atin ng pagkakataon na mapatunayan sa Panginoon na mahal natin siya higit sa anipamang bagay, Bunga nito, ang daan kung minsan ay nagiging mahirap sapagkat ang bagay na ito ay ang pamamaraan ng pagiging ganap na naghahanda sa atin na makapasok sa kahariang selestiyal “upng manirahan sa piling ng Diyos magpakailanman” (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 76:60). Paano tayo natutulungan ng pagsasakripisyo na lumapit kay Kristo? Walang sinuman ang tatanggap sa tagapagligtas kung hindi magkakaroon ng pananampalataya sa kanya. Kung kaya, ang unang alituntunin ng ebanghelyo ay pananampalataya sa Panginoong Jesukristo. Kasabay nito, ang propetang si Joseph Smith ay nagpaliwanag tungkol sa mahalagang kaugnayan ng alituntunin ng pananampalataya at alituntunin ng sakripisyo: “Tunghayan natin ito, na ang relihiyon na hindi nangangailangan ng pagsasakripisyo ng lahat ng bagay kailanman ay hindi magkakaroon ng kapangyarihan na makasasapat upang magkaroon ng pananampalataya na mahalaga sa buhay at kaligtasan;…sa pamamagitan ng pagsasakripisyo ng lahat ng makamundong bagay ay nalalaman ng mga tao na ang kanilang ginagawa ay kasiya-siya sa paningin ng Diyos. Kapag ang isang tao ay inialay na bilang sakripisyo ang lahat ng mayroon siya alang –alang sa katotohanan, at hindi isinaalang-alang maging ang kanyang buhay, at naniniwalang siya ay tinawag upang gawin ang sakripisyong ito sa harap ng Diyos,dahil hinangad niyang hanapin ang kalooban Niya, hindi niya alam , nang higit na may katiyakan na tinatanggap at tatanggapin ng Diyos ang kanyang sakripisyo at handog, at hindi maaari o hindi niya magagawa na hanapin ang Diyos nang walang kabuluhan. Sa ilalim ng mga bagay na ito, kung gayon,ay maaari siyang magkaroon ng pananampalataya na mahalaga upang makaasa siyang makamtan ang buhay na walang hanggan. (Mga Turo tungkol sa Pananampalataya,[1985]. 69).
Ang buod nito: kailangan malaman at gawin natin ang kasiya-siya sa harap ng Diyos at maunawaan na ang kaalamang ito ay dumarating sa atin sa pamamagitan ng sakripisyo at pagsunod. Ang mga lumalapit kay Kristo sa ganitong paraan ay nakatatanggap ng tiwala na nagbubulong ng kapayapaan sa kanilang sariling kaluluwa at bunga nito sila ay nagkakaroon ng pag-asa na magkaroon ng buhay na walang hanggan. (“Ang batas ng Sakripisyo”, Ensign, Oktobre 1998)
