Sa loob ng Templo
Mula sa MormonWiki
Ang mga Templo ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay nakapalibot na ngayon sa globo,napakaraming tao na sa buong mundo ang nakakita na sa panlabas na anyo ng templo ng Mormon. Ang mga templo ay dinesenyo at inihandog sa pamamagitan ng kapangyarihan ng pagkasaserdote maging mga tahananng Panginoon. Ang mga ito ay tanggulan mula sa mga kasamaan mula sa mundo. Ang kabanalan at ispiritwalidad ng mga templo ay matatanto na mula pa sa malayo. Karamihan sa mga ito ay nakatirik sa mga burol at napapalibutan ng liwanag upang magningning sa gabi. Ang mga hardin na pumapalibot sa templo ng Mormon ay payapa at tahimik. Bago ihandog ang mga templo kung saan mga karapat-dapat na mga Banal sa mga Huling Araw lamang ang maaaring pumasok. Nililibot ang kabuuan nito upang makita ng ibang tao ang itsura sa loob ng isang templo.
Mga nilalaman |
ISANG LUGAR NA IBINUKOD-TANGI SA MUNDO
Ang loob ng Templo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay dinesenyo nang buong ingat at itinayo at pinalamutian ayon sa pinakamataas na pamantayan. Ang disenyo ng templo ay laging ibinibigay sa pamamagitan ng paghahayag,dahil ang templo ay tahanan ng Panginoon. Lahat ng manggagawa na nagtatayo ng templo ay mga Banal sa Huling Araw na karapat-dapat pumasok sa templo kapag ito ay naitayo na at naihandog. Ibig sabihin nito,na sila ay mayroong temple recommend na nagsasaad ng kanyang pagiging karapat-dapat. Ang mga templo ay puno ng liwanag. Ito ay hindi itinayo upang mamangha ang nagpupunta dito sa mga magagarbong tanawin,katulad sa mga naglalakihang katedral,ngunit upang lumikha ng kapaligiran na puno ng kapayapaan at kalinisan.
Para sa mga nakahanda,ang templo ay isang”banal na lugar”kung saan ang espiritu ng Panginoon ay malayang nakakapanahan. Ang templo ay isang lugar para sa pananalangin,pg-iisip at paghahayag.
ISANG LUGAR PARA SA MGA BANAL NA ORDENANSA
May mga banal,espesyal na ordenansa na maisasagawa lamang sa loob ng templo. Ang mga ordenansa sa templo ay simple,mga seremonyang binubuo ng mga simbolo na isasagawa uoang ipaalala ang mga tipan sa isinasagawa ng miyembro ng simbahan at ng Diyos.
Sa loob ng templo,mayroong dalawang pangunahing ordenansa na isinasagawa para sa mga miyembro ng simbahan. Ang una sa mga ordenansang ito ay ang tinatawag na endowment sa templo,at ang pangalawa bilang pagbubuklod na ordenansa,susi sa kasal na walang hanggan. Ang unang ordenansa ay dinesenyuhan para sa mga indibidwal,at ang ikalawa ay dinesenyuhan para makalikha ng walang hanggang pamilya. Ang mga ordenansang ito ay sagrado at banal,kaya ang mga tapat na Mormons ay hindi pinag-uusapan ang mga detalye nito sa labas ng templo,kahit sila-sila lamang.
MGA ORDENANSA PARA SA IBA
Ang mga templo ay ipinagkaloob sa atin hindi lamang para magsagawa ng ordenansa para sa mga buhay. Sapagkat ang mga ordenansa ay maaari ding isagawa para sa mga namatay na. Ang mga Mormons ay naniniwala na ang mga ordenansa dito sa mundo ay nararapat na isagawa para doon sa mga wala ng kakayahang isagawa ang mga ordenansang ito para sa kanilang sarili. May ilang bilyon na ang tao ang nanirahan dito sa mundo at hindi na nila narinig man lang ang pangalan ni Cristo,ni hindi nila maunawaan ang sakripisyong nagawa Niya para sa kanila. Paagkatapos namatay,ang mga taong ito ay nananatili bilang mga espiritu sa daigdig ng mga espiritu,habang hinihintay ang paghuhukom. Bilang mga espiritu,nabiyayaan din sila ng kalayaan na pumili,tulad ng ipinagkaloob sa kanila bilang mga mortal na nanirahan sa mundo. Si Cristo at ang mga kinatawan ni Cristo ay nagturo sa mga espiritu sa daigdig ng mga espiritu(tignan sa Doktrina atmga Tipan,bahagi 138).
Kung mayroon man sa mga espiritung ito ang tumanggap sa ebanghelyo ni Cristo,kinakailangang may magsagawa ng mga ordenansa para sa kanila. Lahat ng mga ordenansang ipinagkakaloob ng templo sa mga buhay na miyembro ay isinasagawa rin ng mga kahalili para sa mga pumanaw na. Ang kasal sa templo,pagbubuklod,at endowment ay isinasagawa ng isang kumakatawan para sa mga taong ito na namatay na.Ang mga namatay nang ito ay may kalayaang tanggapin o tanggihan ang mga ordenansa.
ISANG SULYAP SA LOOB NG TEMPLO
Ang loob ng templo ay idenesenyo ayon sa mga layuning nabanggit sa taas. Sa bungad ng bawat templo,mayroong silid kung saan maaaring maghintay ang mga miyembro ganoon din ang kanilang mga pamilya. Mayroon ding tanggapan ng recommend kung saan ipinapakita ng mga miyembro ang kanilang temple recommend sa mga manggagawa sa templo na nakatalaga sa tanggapan. Ang recommend ang nagpapatunay na sila ay karapat-dapat na pumasok sa banal na tahanan ng Diyos. May isa pang silid kung saan maaaring maghintay ang mga dumadalo sa templo na nasa likuran ng tanggapan ng mga recommend. May mga opisina para sa Pangulo ng templo,mayroons silid para sa paupahan ng damit na isinusuot lamang sa templo,may silid din para sa talaan ng mga pamilya na maaaring maging sanggunian para sa genealogy,at iba pang mga silid para sa pagpapanatili at pagpapaandar ng gusali. Lahat ng manggagawa sa templo ay nagsusuot ng puti. Ang mga nagpupunta sa templo ay nagsusuot ng angkop na damit para sa paglilingkod sa simbahan at nagpapalit ng putting kasuotan habang sila ay nananatili sa templo.
Ang baptistry ay lugar kung saan ang pagbibinyag para sa mga patay ay isinasagawa. Ang mga baptistry ay dinesenyo kung paano ang itsura nito mula pa noong una-nakapatong ito sa likod ng labindalawang kalabaw. Hiwalay ang silid na bihisan na ipinagawa para sa baptistry.
Ang plano ng kaligtasan ay mahalagang bahagi ng pagtuturo ng endowment. Ang plano ng Diyos para sa kanyang mga anak ay ibinabahagi. Dahil ang plano ng kaligtasan ay plano ng pag-unlad,ang mga sinaunang templo ng Mormon ai dinesenyo upang ang mga miyembro ay magpalipat-lipat sa bawat silid habang itinuturo ang plano. Ngayon sa mga higit na makabagong templo,ang mga dumadalo sa endowment ay nananatili sa iisang silid lamang na sadyang ginawa para sa endowment. Ang bilang ng silid para sa endowment ay nakasalalay sa kung gaano kalaki ang templo,at ang sukat ng templo ay depende sa kung gaano karami ang banal sa lugar kung saan ang templo ay nakatayo. Ang mga sinaunang templo na ipinatayo ng simbahang Mormon ay may mga larawan na nakapintura sa mga dingding ng silid ng endowment na nagpapakita ng paglikha at ibang mga tanawin na naisalaysay sa aklat ng genesis. Ngayon,ang mga silid para sa endowment ay higit na simple,bagamat napapalamutian ng mga banayad na kulay at mga kagamitan.
Pagkatapos ng endowment,tumutungo ang mga miyembro sa silid na selestiyal ng templo,king saan sila ay nananatili sa pagmumunimuni at pagdarasal. Ang silid na selestiyal ng isang templo ay laging katangi-tangi ang kagandahan. Ang mga palamuti ay laging pino at kagalang-galang. Walang ordenansa na isinasagawa sa loob ng silid ng selestiyal sa templo.
Ang pagbubuklod,ito man ay isinasagawa bilang bahagi ng kasal na walang hanggan o ibubuklod ang mga anak sa kanilang magulang ay mga ordenansang nauukol sa walang-hanggang kalikasan sa pamilya. Isinasagawa ang mga ito sa silid ng pagbubuklod. Ang silid ng pagbubuklod ay mayroong altar sa gitna. Ang nobyo ay lumuluhod sa isang bahagi,at ang nobya ay lumuluhod sa kabilang bahagi. Ang mga silya ay nakaayos ng paikot sa silid para sa mga panauhin na ibig masaksihan ang pagbubuklod. May mga napapalamutiang salamin na nakasabit sa magkabilang dingding,upang pauli-ulit nilang makita ang isa’t-isa sa kawalang-hanggan,ito ang sumasagisag sa walang hanggang tipan. Ang mga panauhin na dumadalo sa kasal sa templo ay hindi kionakailangang magpalit ng kasuotang puti. Sila ay ginagabayan patungo sa silid kung saan maaari silang maghintay,at patungo sa silid ng pagbubuklod,pagkapasok nila sa templo ang nobyo at nobya ay nagsusuot na puti,at ang nobya ay maaaring magsuot ng damit pangkasal,kung ito ay puti mainam ang tabas. Ang asawang lalaki at asawang babae na ibubuklod sa kanilang mga anak ay nagsusuot ng putting kasuotan ng puting kasuotan na pangtemplo at ang mga bata ay nagsusuot din ng putting damit.
