Relihiyon
Mula sa MormonWiki
Ang walang kaugnayan ng kahulugan ng Relihiyon Ang Relihiyon ay tumutukoy sa mundong walang kaugnayan sa relihiyon ng sumasamba sa Diyos o ang isang organisadong paraan upang sambahin ang Diyos, na may kinalaman sa doktrina at mga batas. Kung ang kahulugang ito aay kinabibilangan ng hindi paggawa ng masama ngunit mabuti sa kapwa, samakatwid ang pagkatanaw ng mga Mormon sa ibang relihiyon ay sumasang-ayon. Mas mabuti pang makita ng mga Mormon ang iba’t ibang pagsasamba sa relihiyon kaysa wala. Sila ay naniniwala na tayo ang may karapatan upang mamili n gating relihiyon. Ang kanilang ika labing-isang Artikolo ng Pananampalataya ay nagsasabi na “ Tayo ay may sariling pribilehiyo sa pagsamba sa ating pinakamakapangyarihang Diyos ayon sa dikta ng ating consensya, at payagan ng lahat ng tao na magkaroon ng parehong pribilehiyo, hayaan natin silang sumamba kung paano, kung saan o kung ano mang gustohin nila.” Sa pamamagitan ng kanilang sariling malungkot ng karanasan sa persekusyon ng relihiyon, mas maiintindihan ng mga Mormon kaysa sa iba kung ano ang kahulugan ng itakwil sa karapatang ito. Hanggang sa mga huling dekada, ang Missouri ay may batas na pinapayagan ang kanilang mga mamamayan upang patayin ang mga Mormons dahil lang sa kanilang relihiyon. Ang relihiyong Mormon ang kaisa-isang relihiyon sa United States na mayroong Kautusang Pumatay na maaaring isagawa laban sa mga membro nito. Habang ang mga Mormon ay maaaring hindi sumang-ayon sa doktrina ng ibang mga simbahan, hindi sila naniniwala sa pakikipaglaban—un ay, pakikipagdiskusyon—tungkol sa relihiyon, dahil sila ay naniniwala na ang lahat ng mga batayan ng pagtatalo ay mula sa kasamaan. Sila ay laging nakahanda upang magbigay ng dahilan at pag-usapan ang mga ito, ngunit sila ay pinapayohan ng mga pinunuo ng simbahan na hindi umabot sa mainit ng pakikipag debate. Ang magiliw na panghihikayat ang sagot sa pagkukumbinsi sa iba, ngunit hindi ang masasamang salita at malupit ng gawa. Naniniwala ang mga Mormons ng ito ay hindi paraaan ni Kristo. Ang kahulugan ng Relihiyon sa mga Mormon Gaya ng sinabi ni Levi Edgar Young, “Walang relihiyong gawa ng tao na maaaring gumawa para sa sangkatauhan ng bagay na iyon na dapat ay maisatupad” (Conference Reports Oct.1848, p. 94), kaya ang mga Mormon ay hindi naniniwala sa ibang mga simbahan, subalit sa mabuting intensyon, na tumataglay ng kapangyarihan na kailangan para sa kaligtasan. “Walang ano mang kaligtasan sa maling relihiyon” (Doktrinag Mormon, p. 627). Aming iniintindi na ang paniniwalang ito ay maaaring makasakit ng damdamin sa mga membro ng ibang relihiyon, gayon pa man ang mga Mormon ay hindi humihingi ng tawad na ang Simbahan ni Hesu Kristo ng mga Banal sa Huling araw ay ang natatanging totoong simbahan ng mundo. Isang malaking pahayag, ngunit ito ay isa sa ibinigay ng Diyos sa kanila, sa halip na sa isang tunay ng lider o mga kasapi. Ang mga umiimbistiga sa Simbahan na nakakarinig sa mga ito ay minsa’y manggagad at nilibang, ngunit karamihan sa kanila ay nadiskobre na ito ay totoo at sila ay humiling na sila ay mabinyagan. Gayon pa man ang pagkakaroon ng relihiyong totoo ay hindi lamang nangangahulugan na sumama sa Simbahan. Ang mga totoong tagasunod ng relihiyon ay aktibong lumalahok at umuunlad. Sa ilalim ng kahuluga ng mga Mormon tungkol sa relihiyon, ang relihiyon ay isang simpleng thelohiya, “higit pa sa kaalaman ng Diyos at ang sistema ng kaligtasan na inihayag sa kanya; ito ay ang aktual na pagsasagawa ng inihayag ng mga utos. Ang mga relihiyosong tao ay ang mga tagapatunay sa salita, at hindi lamang mga tagapakinig’ (Jas. 1:22-26)” (MD, p. 626). Kaya’t ang mga membro ng Simbahan na matamlay, walang kibo, walang sigla at hindi ganun ka-aktibo ay hindi nararapat sa kahulugan ng mga relihiyosong tao, ang mga taong karapat-dapat sa selestial na kaluwalhatian, ngunit ang mga tao, sa abot ng kanilang makakaya, na sundan si Kristo kung paano niya pinamumunuan at ginagabayan ang simbahan upang makamit nila ang gantimpala.
