Rebelasyon

Mula sa MormonWiki

Prima visione.jpg

Ang Paghahayag ay inilarawan bilang pakikipag-ugnayan ng Diyos sa kanyang mga anak sa lupa.Ang paghahayag ay maaaring manggaling sa pamamagitan ng liwanag ni Cristo at ng Espiritu Santo sa pamamaraan ng inspirasyon,mga pangitain,panaginip o pagdalaw ng mga anghel.Ang paghahayag ay nagbibigay ng patnubay na makakaakay sa matatapat sa kaligtasang walang hanggan sa kahariang Selestiyal.Ang pagiging Mormon ,tulad ng samahang panrelihiyon ng magkakaibigan(quakers) ay isa lamang sa mga bibihirang Kristiyanong samahan na naniniwalang ang paghahayag ay nagpapatuloy sa ngayon;ang mga higit na makabagong paghahayag ay natanggap at naitala sa mga banal na kasulatan ng simbahang Mormon.Isinasaad ng ika-siyam na Saligan ng Pananampalataya:

“Naniniwala kami sa lahat ng ipinahayag ng Diyos,sa lahat ng kanyang ipinahahayag ngayon,at naniniwala rin kaming magpapahayag pa siya ng maraming dakila at mahahalagang bagay hinggil sa kaharian ng Diyos” Ang Pinagmulan ng Paghahayag

Ang mga Mormon ay naniniwala na ang paghahayag bilang inspirasyon mula sa Espiritu Santo,propesiya,panaginip,pangitain,pagbisita ng mga anghel,at iba pa ay nagpapatuloy sa ngayon.Itinuturo ng Mormonism na bawat miyembro ng simbahan at bawat taong may pananagutan ditto sa mundo na matapat at masigasig na naghahayag na malaman ang kalooban ng Diyos sa kanyang buhay ay makatatanggap na paghahayag mula sa Diyos.Ang paghahayag na iyon ang magtuturo sa kanya kung ano ang nararapat niyang gawin upang maging maligaya.Ang kaligayahan ay nagmumula sa pagsunod sa mga turo ni Hesukristo,pagtanggap ng gabay mula sa liwanag ni Kristo,at pagkakaroon ng patnubay ng Espiritu Santo.

Ang paghahayag ay bahagi ng Simbahan ni Hesukristo,higit na sa mga pinuno ng simbahan na kinikilala bilang propeta.Sa aklat ni Amos 3:7,mababasa natin”Tunay na ang panginoon ay walang gagawin,kundi kanyang ihahayag lihim sa kanyang mga lingkod na mga Propeta” Ang unang panguluhan at ang kapulungan ng labindalawa ay itinalaga sa simbahan bilang mga propeta,tagakita at tagahayag habang ang pangulo ng sumbahan ang siya lamang binigyan ng karapatan ng Panginoon na makatanggap ng paghahayag para sa simbahan,ang mga miyembro rin naman ay maaari ring makatanggap ng paghahayag para sa kanilang sarili,para sa kanilang pamilya,at para sa kanilang mga nasasakupan sa simbahan.itinuro ng propetang si Joseph Smith:

“Aking ipinahahayag sa inyo na salungat sa kalooban ng diyos na ang isang miyembro ng simbahan,o maging ang sinuman,na makatanggap ng paghahayag para sa mga may katungkulan na higit sa kanila;sa gayon ay makikita ninyong hindi dapat maniwala sa kanila;subalit ang isang tao ay nakatanggap ng pangitain mula sa makalangit na tagapaglingkod,ito ay para sa kanyang kabutihan at kaalaman;sapagkat ang mga mahahalagang alituntunin,pamumuno at doktrina ng simbahan ay napapaloob sa mga susi ng kaharian…At muli hindi kami humihiling sa kamy ng Diyos ng natatanging paghahayag na makakatugon sa pangagailangan ;at sa kapulungan ng mataas na Saserdote.(Kasaysayan ng simbahan 7 Tomo 1:338;339)

Bawat karapat-dapat na miyembro ng simbahang Mormon ay pinagpala ng kaloob ng Banal na Espiritu.Sinabi ni Joseph Smith,”Ang banal na Espiritu Santo ay tagapagpahayag,walangb sinumang tumanggap ng banal na espiritu ang hindi makakatanggap ng mga paghahayag”.Bawat tao ay may karapatang tumanngap ng paghahayag para sa kanyang sariling kapakanan.Silang mga may katungkulang mamuno sa simbahan ,kagaya ng Bishop o Stake President,ay maaaring tumanggap ng paghahayag para sa kanilang mga nasasakupan.Ganunpaman ang isang bishop ay hindi maaaaring tumanggap ng paghahayag para sa buong stake sapagkat ang kanyang nasasakupan ay ward lamang.Ang mga magulang ay maaari ring tumanggap ng paghahayag para sa kanilang pamilya at sa kanilang mga anak.

Ang paghahayag mula sa Diyos ay palaging nakasalalay sa kanyang mga walang hanggang alituntunin,sa gayun ang mga paghahayag ng Diyos ay palaging sumasang-ayon sa kanyang walang hanggang alituntunin at batas.Ito ay isang mahalagang bagay,upang angb isang tao ay malaman niya kung alin ang sa Diyos at balin ang hindi.Halimbawa ng mga alituntunin ay matatagpuan sa Doktrina at mga Tipan 50,at 1 Corinto 2:14) Kahalagahan ng Paghahayag

Ang mga miyembro ng Ang Simbahan ni Jesukristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay pinahahalagahan ang Biblia at ang Aklat ni Mormon na pinagmumulan ng paghahayag tungkol sa pagkakatatag ng simbahan ni Jesukristo,ng mga kautusan,ang plano ng kaligtasan,ang pamamaraan ng pagsisisi,mga mahahalagang pangyayaring espiritwal tulad ng buhay at ministeryo ni Kristo,at bilang halimbawa ng pakikitungo ng Diyos sa mga tao.Ganunpaman ,hindi makasasapat ang mga ito na pagmulan ng paghahayag mula sa Diyos.

Mahalaga ang paghahayag.Ang mga utos na ipinagkaloob sa mga unang salinlahi ay maaaring hindi angkop sa mga makabagong salinlahi.halimbawa,sa Lumang Tipan ipinag-utos ng Diyos ang pag-aalay ng mga hayop sa pamamagitan ng paghahayag.Ang layunin g pag-aalay ng mga hayop ay upang ipaalala sa mga tao na ang tagapagligtas ay darating at iaalay ang kanyang buhay para a ikapagpapatawad ng mga kasalanan at ililigtas ang sanlibutan.Gayunman,nang dumating si Kristo at isinagawa ito,hindi kinailangan pang mag-alay ng hayop.Isang bagong batas ng pag-aalay ang inihayag at inutusan ang mga miyembro na maglaan ng kanilang oras,kakayahan at kanilang mga talento upang makkatulong sa pagatatayo ng simbahan ni Kristo.

Sapagkat ang mga tao ay madaling magkamali at hindi nagkakaunawaan,ang mga makabagong paghahayag ay kinakailangan upang linawin at isalin ang mga sinaunang pagahahayag.Patuloy na naghahayag ang Diyos na patnubay at mag utis upang matulungan ang mga matapat na sumusunod sa kanya na maiwasan ang mga paghihirap sa mundo at maitayo ang kanyang Kaharian sa mundo.

Kailangan rin ang paghahayag upang patotothanan nag mga nilalaman ng Banal na Kasulatan.Ang Banal na Espiritu ay nagpapatotoo sa ginampanan ni Jesukristo bilang tagapagligtas at pinatotohanan din nito na ang Biblia at ang Aklat ni Mormon upang ang mga tao ay pahalagahan ang mga Banal na Kasulatan at tumanigin kay Kristo para sa kaligtasan.

Ang mga paghahayag na ipinagkaloob sa bawat tao para sa lanyang personal na buhay,kapwa sa ispiritwal at temporal na layunin,ay tinatawag na “pampersonal ng paghahayag”.Ang naturang paghahayag ay ipinagkakaloob sa isang indibidwal para maging gabay sa kanyang buhay ta upang matulungan siya na maging masunurin sa kalooban ng Diyos at sa mga salita Niya.Kahit ang mga pampersonal o pansariling paghahayag ay ipnagkakaloob ayon sa walang hanggang alituntunin tulad ng isinaad sa Lumang Tipan ng propetang si Isias 28:10,13,taludtod sa taludtod na patnubay.Ito ay dahil hindi sinasaklaw ng Diyos ang kalayaang magpasya ng sinuman at ito ay nagpapakita ng lubos na kaalaman sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkakataon sa lahat na matuto at umunlad,sa pamamagitan ng sarili niyang mga pansariling paghahayag na ipinagkaloob.

Sa Simbahan ni Jesukristo ng mga banal sa mga Huling Araw,ang mga tao ay nakakatanggap ng personal na paghahayag para makatulong sila sa kanilang mga nasasakupan.Ang nasasakupan nila ay saklaw ang mga pananagutan sa tahanan,sa pinaglilingkuran,o sa paglilingkod sa simbahan. Patuloy na Paghahayag

Ang simbahang Mormon ay may bukas na kaalaman sa banal na kasulatan.Nangangahulugan ito na ang Diyos ay patuloy sa pakikipag-ugnayan sa kanyang mga anak,at ginagawa niya ito sa tulong ng kanyang Espiritu Santo sa pamamagitan ng personal na paghahayag at gayundin sa pamamagitan ng mga propeta sa mundo.Ang simbahang Mormon ay nagsasaad na may mga propeta ngayon na tinatawag ng Diyos para maipalaganap ang katotohanan sa mundo at tipunin ang mga matapat na miyembro…at gayundin ang mga makasalanan na ibig magsisi sa kanilang mga kasalanan na ito ay tumatanggap ng paghahayag na tuloy-tuloy na pamantayan.Pag-aalo,kagalingan at kaligtasan ay makakamtan na ngayon ng sinuman na nakikinig sa kanilang mga salita.

Mga kagamitang pansarili
Sa ibang wika