Pisikal na kamatayan
Mula sa MormonWiki
Kapag tinutukoy ng karamihan sa tao ang kamatayan, halos madalas nilang ibig sabihin ay ang kamatayan ng katawan, na kung saan ay sanhi ng paghihiwalay ng katawan mula sa walang hanggang espiritu. Ang apostol Santiago sa Kapitulo 2, bersikulo 26, ay nagsasabi sa atin na “Ang katawan na walang espiritu ay patay.” Ang katawan ay babalik sa alabok o sa mga elemento na kung saan ito ay nilikha, habang ang espiritu ay pupunta sa mundo ng mga espiritu upang hintayin ang personal na pagkabuhay na maguli. Si Jacob sa Aklat ni Mormon ay tumutukoy sa pisikal na kamatayan bilang “ang libingan”. Ang pisikal na kamatayan ay kadalasang iniuugnay sa “temporal na kamatayan,” isang kataga mula sa Aklat ni Mormon.
Kahulugan – Ano ang tunay na kahulugan ng kamatayan
Tingin ng maraming tao ang kamatayan bilang isang malungkot na pangyayari, madalas ay dahil naniniwala sila na ang tao ay nalipol o yaong di na nila makikita ang mga itong muli, ngunit ang mga Mormons, habang sila ay naghihinagpis sa pagkawala ng kanilang mahal sa buhay, ay tinitignan nila ang kamatayan sa kaibang liwanag. Si Wilford Woodruff, isang dakilang LDS na propeta, sinabi, “Napakarami ang naniniwala na kapag ang isang tao ay namatay ay iyon na ang hangganan niya, at wala ng magpamula-ngayon. Mayroon bang matinong tao na maniniwala na ang Diyos ng langit ay lumikha ng dalawa o tatlong daan libong milyong mga espiritu, at binigyan sila ng tabernakulo [pisikal na katawan], lamang na pumarito at mabuhay sa ibabaw ng mundo at pagkatapos ay lilipas na sa limot at malilipol? Mukhang para sa akin ay walang taong nagwawari ang pagisipan ang ganitong paniniwala. Ito ay taliwas sa karaniwang kamalayan at sa seryosong pagbubulay.” Kaya habang ang mga Mormons ay nagdadalamhati sa pagkawala ng pagsasama ng kanilang mahal sa buhay, sila ay nabibigyang ginhawa na ang pagkawala ng isa sa kamatayan ay nakagawa ng “pakinabang, dahil ito ay ang paglakad ng pag-unlad, pag-usad at pagsulong.” Ang kamatayan sa mga Mormons ay nangangahulugang paghihiwalay mula sa isang estado at paglipat sa isa pa – mula sa kamatayan sa bago-mortal na estado sa kapanganakan sa motal na estado, at gayon din naman, mula sa kamatayan sa mortal na estado patungo sa kapanganakanl sa immortal na estado. Sila din ay naniniwala na ang magpamula-ngayon ay mas mabuti kaysa dito, ang lugar ng mga pagsubok at pagsusulit, lalo na kung ang mga tao ay namuhay na sa kanilang paniniwala sa kung ano ang tama. “Kung ang kamatayan ang perpektong estado, sa gayon ang kamatayan ay magiging isang kabiguan, ngunit ang ebanghelyo ay nagtuturo sa atin na walang trahedya sa kamatayan, maliban lamang sa kasalanan (“Pinagpala ang mga patay na nangamatay sa Panginoon” Ang Doktrina at mga Tipan 63:49).
Nakita sa ganung liwanag, ang mga Mormons ay nasusumpungan nilang imposible na magdalamhati para sa tao na namatay, sapagkat iniwan na nila ang isang mundo ng kahirapan at kalungkutan at pumasok sa isang mas masayang lugar at kalagayan. Sa mga Mormons, ang maghinagpis na ang mga tao ay namatay ay tulad ng paghihinagpis dahil sila ay nagtapos mula sa kolehiyo, lilisanin ang hirap ng pag-aaral, pagsusulit at scrimping behind them. Bilang karagdagan, ang mga Mormons ay naniniwala na ang kanilang relasyon sa mga “lumisan” ay maaaring magpatuloy sa magpamula-ngayon dahil ang mga miyembro ng pamilya ay maaaring maselyohan sa bawat isa magpawalang hanggan. Ang iba pang mga relasyon ay maaring ring magpatuloy.
Pagpapakilala ng Pisikal na Kamataya sa Mundo
Ang mga Mormons ay naniniwala na ang kamatayan ay naunang dumating sa mundo sa pamamagitan ng Pagkahulog ni Adan (“Sapagka't kung paanong kay Adam ang lahat ay nangamamatay, gayon din naman kay Cristo ang lahat ay bubuhayin.” 1 Cor. 15:21-23), at ang Muling Pagkabuhay mula sa kamatayan ay dumating sa pamamagitan ng Pagtubos ng Tagapagligtas. Bilang karagdagan, sila ay naniniwala na mayroon lamang isang pisikal na kamatayan dahil pagkatapos na ang tao ay mamatay sila ay mabubuhay na maguli at di na maaaring mamatay pa (Alma 11:42-45). Ang kamatayan ay bahagi ng plano nga ebanghelyo, at sa gayon ay hindi dapat pangilabutan ot katakutan.
