Pangalawang Tagapag-bigay Kaluwagang-loob

Mula sa MormonWiki

John-Baptist-Baptism-Jesus-Mormon.jpg

Sumagot si Jesus, Ang umiibig sa akin ay tumutupad ng aking salita; iibigin siya ng aking Ama, at kami'y tatahan at mananatili sa kanya. Ang hindi tumutupad sa aking mga salita ay hindi umiibig sa akin. Ang salitang narinig ninyo ay hindi sa akin, kundi sa Ama na nagsugo sa akin.

“Sinabi ko na sa inyo ang mga bagay na ito habang kasama pa ninyo ako. Ngunit ang Tagapagtanggol, ang Espiritu Santo na isusugo ng Ama sa pangalan ko, ang siyang magtuturo sa inyo ng lahat ng bagay at magpapaalala ng lahat ng sinabi ko sa inyo.” (Juan 14:23-26) Ang Espiritu Santo ay naninirahan sa mga tao sa pagkawala ni Kristo. Ang Espiritu Santo ay kilala bilang mga tagapag-bigay ng kaluwagang-loob

Ang Propetang si Joseph Smith ay nagwika, "Pagkatapos ang isang tao ay nanampalataya kay Kristo, nagsisi ng kanyang mga kasalanan, at mabautismuhan sa ikapagpapatawad ng kanyang kasalanan at tumatanggap ng Espiritu Santo, (sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay), na kung saan ay ang unang tagapag-bigay ng kaluwagang-loob, pagkatapos ay hayaan siyang ipagpatuloy na maging mapagkumbaba sa kanyang sarili sa harap ng Diyos, gutom at uhaw sa katuwiran, at nabubuhay sa pamamagitan ng bawat salita ng Diyos. . . sa gayon ay magiging kaniyang pribilehiyo ang tanggapin ang iba pang tagapag-bigay ng kaluwagang-loob , na ipinangako ng Panginoon sa mga Santo. . . . Ngayon ano nga ba itong ibang tagapag-bigay ng kaluwagang-loob? Ito ay walang iba kundi ang Panginoon HesuKristo mismo "(mga aral ni Propeta Joseph Smith, 150-51).

Kaya, si Kristo Hesus ay kilala bilang miyembro ng Ang Simbahan ni HesuKristo ng mga Banal sa mga Huling Araw bilang ang Ikalawang tagapag-bigay ng kaluwagang-loob Sinabi ni Hesus “Idadalangin ako sa Ama, upang kayo'y bigyan niya ng isa pang tagapag-bigay ng kaluwagang-loob na magiging kasama ninyo magpakailanman.”(John 14:16)

Yaong mga tumanggap sa Ikalawang tagapag-bigay ng kaluwagang-loob , o ang pangako ng buhay na walang hanggan, ay may mga pribilehiyo ng personal na komunyon at bukas sa ama ng Kabanalan at ang kanyang Anak na si HesuKristo. Ang Propetang si Joseph ay nagsalita paulit-ulit ng mga santo sa personal na komunyon kapwa sa Diyos Ama at kay HesuKristo. (Tingnan ang HC 1:283-4; 3:381; 5:530; 6:51.

Si President Joseph Fielding Smith ay sumulat: "May mga libu-libong taong naniniwala sa mga pangako ng Panginoon, 'na ang bawat kaluluwa na nagpapabaya sa kanyang kasalanan at lumapit sa akin, at tumatawag sa aking pangalan, at sumusunod sa aking tinig, at tumutupad ng aking mga utos, ay makita ang aking mukha at makikilala ako '(doktrina at mga tipan 93:1). At ang pangako na ito ay para sa lahat ng mga tao sa lahat ng dako upang ang lahat ay maaring makaalam kung kanilang nanaisin"(Panahon ng Pagpapabuti 33:726).


Karanasan sa Ikalawang tagapag-bigay ng kaluwagang-loob

Ang Nakatatandang si Orson F. Whitney, isang batang misyonero sa silangang estado, ay nagsabi na isang gabi sa isang pangitain: “Ako tila ay nasa Hardin ng Gethsemane, naging saksi sa matinding paghihirap ng tagapagligtas. Nakita ko siya ng malinaw gaya ng pagkakakita ko sa kahit sino. Nakatayo sa likod ng isang puno sa harapan, nakita ko si Jesus, kasama ni Pedro, Santiago at Juan, habang sila ay padating sa isang maliit na pasukan sa aking kanan. Iniwan niya ang tatlong Apostoles doon, pagkatapos ay sinabi sa kanila na lumuhod at manalangin, ang Anak ng Diyos ay tumawid sa kabilang ibayo, kung saan siya rin ay lumuhod at nanalangin. Ito ay ang parehong panalangin na pamilyar sa lahat ng mambabasa ng bibliya: 'Oh aking Ama, kung ito ay posible, hayaan mo na ang kopa na ito ay dumaan mula sa akin; gayon pa man hindi bilang ako , ngunit bilang sa ibig mo.'

Habang siya ay nanalangin umagos ang luha pababa sa kanyang mukha, na tila ito ay papunta sa akin.Ako ay naantig sa aking nakita na pati din ako ay umiyak,dahil sa purong pakikiramay.Naantig ang aking buong puso sa kaniya; minahal ko siya ng buong kaluluwa ko, at inasam na maging kasama niya gaya ng wala na akong inaasam pa na iba

Kasalukuyan siyang bumangon at lumakad sa kung saan ang mga Apostoles ay nakaluhod-nahihimbing! Niyugyog niya ang mga ito ng marahan,sila ay ginising, at sa isang tono ng malambot na kahihiyan, di makulayan ng kahit kaunting pakita ng galit o pagkayamot, ay nagtanong sa kanila kung hindi ba sila maaaring magbantay sa kanya kahit sa sandaling oras. Nandun siya, na may mga kakila-kilabot na bigat ng kasalanan ng buong mundo sa kaniyang mga balikat, sa mga pagpapahirap ng bawat lalake,babae at mga bata na tumatagos sa kanyang sensitibong kaluluwa-at hindi nila siya kayang bantayan kahit man lang sa loob ng sandaling oras!.

Siya ay bumalik sa kanyang lugar, muli niyang inalay ang panalangin katulad ng kanina; pagkatapos ay bumalik at muling natagpuan ang mga ito natutulog. Muli ay kaniya itong ginising, muli silang pinagsabihan , at minsan pa ay bumalik at nanalangin. Tatlong beses na ito na nangyari, hanggang sa ako ay ganap na ganap na nagiging pamilyar sa kanyang hitsura-, kilos at paggalaw. Siya ay may marangal na tangkad at may maharlikang tikas-hindi kasing katulad ng mahina, parang babae na kagaya ng iginuguhit ng mga pintor; ngunit isang tunay na Diyos na dapat siyang maging,at kagaya din ng maamo at mapagpakumbaba tulad ng isang musmos na bata.


Bigla- biglang nagbago ang mga pangyayari , ang mga tanawin na naiwan ay parang katulad pa din. Sa halip na gaya kanina , ito ay matapos ang pagkapako sa krus, at ang Tagapagligtas, kasama ang tatlong apostol, na ngayon ay nakatayo na magkakasama sa isang grupo sa aking kaliwa. Sila ay nakatakdang umalis at umakyat sa langit. Hindi ko na ito kayang tiisin pa. Tumakbo ako mula sa likod ng puno, nagpatirapa sa kaniyang paanan, yumakap sa kanya sa paligid ng kanyang mga tuhod, at nagmakaawa sa kaniya na isama na ako sa kanya.

Hindi ko makalimutan ang mga mabait at magiliw na paraan na kung saan siya ay yumuko, ako ay itinaas, at ako ay niyakap. Ito ay sobrang linaw, sobrang totoo . Naramdaman ko ang tunay na init ng kanyang katawan,habang ako ay kanyang ginagap sa kaniyang mga bisig at sinabi sa malambing na tono; 'Hindi, aking anak, ang mga ito ay natapos na ang kanilang trabaho; sila ay maaari ng sumama sa akin; ngunit kailangan mong manatili at tapusin ang sa iyo.' Gayunman ako ay nanatiling nakayakap sa Kanya. Nakatingalang nakatingin sa kanyang mukha-dahil siya ay mas matangkad kesa sa akin –ako ay humiling sa kanya ng taimtim: ‘ Kung ganon, ipangako mo sa akin na ako’y makakasama sa iyo sa huli.' Ngumiti siya ng matamis,at kanyang sinabi, 'Iyon ay depende lahat sa iyong sarili.'”


Habang siya ay nasa kanyang paglilibot sa buong mundo at papalapit sa Apia, Samoa, sa isang sasakyang pandagat , Si Pangulong David O. McKay "ay nakita sa pangitain ang isang bagay na kahanga-hangang walang katapusan":

Sa malayo nakita ko ang isang magandang puting lungsod. Kahit malayo pa ako tila aking napagtanto ang mga puno na may masarap bunga, mga palumpong ng makukulay na marikit na dahon, at mga bulaklak sa perpektong sibol na sagana sa lahat ng dako. Ang malinaw na langit sa itaas ay tila sumasalamin sa mga magagandang klase ng kulay. Pagkatapos ako din ay nakakita ng isang malaking kalipunan ng mga tao na papalapit sa bayan. Ang bawat isa ay may suot na isang puting umaagos na balabal, at isang puting palamuti sa ulo. Agad ay tila napunta sa sentro ang aking paningin sa ibabaw ng kanilang lider, at bagaman ang aking nakita lamang ay ang hugis ng kanyang mga katangian at katawan, kinikilala ko siya agad bilang aking Tagapagligtas! Ang uri ng kulay at liwanag ng kanyang mukha ay maluwalhating pagmasdan! Nagkaroon ako ng kapayapaan sa kanya na tila kahanga-hanga-ito ay banal!

Ang lungsod, ayon sa aking pagkakaunawa ay siya. Ito ay ang Lungsod ng Walang Hanggan; at ang mga tao na sumusunod sa kaniya ay sumunod doon sa kapayapaan at walang hanggang kaligayahan.

Ngunit sino nga ba sila?

Tila ba ang Tagapagligtas ay kayang basahin ang aking mga saloobin, siya ay sumagot sa pamamagitan ng pagturo sa isang kalahati na bilog at pagkatapos ay lumitaw sa itaas ang mga ito, at doon ay nasusulat sa ginto ang mga salita: Ito sila ang mga taong dumaig sa mundo –Ang mg taong tunay na ipinanganak na muli! "


Ang Ikalawang tagapag-bigay ng kaluwagang-loob at "Pagtawag at Eleksyon"

Kahit na ang proseso ng pagkamit ng pagkadakila ay patuloy kahit sa espiritu ng sanlibutan, ang mga kaalaman na ang isa ay maaring maging mataas na may mga pribilehiyo ng patuloy na sa buhay na walang hanggan ay maaaring maging tiyak na sa buhay na ito. Ito ay ang paggawa ng pagtawag sa isang tao at eleksyon ay sigurado at patungkol sa lahat.

Pinayuhan ni Pedro ang mga unang mga banal na "gawing sigurado ang inyong pagtawag at eleksyon," at si Apostol Pablo ay nagpasalamat sa Panginoon para sa pagbibigay ng ganitong uri ng pagpapasyahan . (Tingnan ang 2 Pedro 1:10-11, Efeso 1:13-14.) Sa karagdagan, ang Propetang si Joseph Smith ay ginamit ang parehong pagpapahayag ng pagtatalumpati sa pamamagitan ng pagsasalaysay ni Pedro at sa mga turo ni Pablo. (Tingnan ang mga aral, pp 305, 149.)

Ginawang malinaw ni Pedro na ang patotoo ni HesuKristo ay hindi sa kanyang sariling katibayan na ang pagtawag at halalan ay ginagawang sigurado. Binabanggit sa paghahayag sa Bundok ng mga Pagbabago ng Anyo ang tagapagligtas at sa kanyang kapwa apostol Santiago at si Juan (tingnan sa Mateo 17:1-8), sinabi niya na bagaman ang kanilang narinig ay ang tinig ng Ama na ipinapahayag na si Hesus ay ang kaniyang Anak, ito ay hindi sapat upang makuha ang basbas-mayroong " mas siguradong salita ng propesiya"- na ginawang sigurado ang pagtawag at halalan. (Tingnan ang 2 Pet. 1:16-19.)

Ngayon tungkol sa pagtuturo at patotoo mula kay Pedro, Si Joseph Smith ay nagwika: "Kahit na sila ay maaaring marinig ang tinig ng Diyos at alam na si Hesus ay ang Anak ng Diyos, ito ay walang katibayan na ang kanilang pagkahalal at pagtawag ay ginawang sigurado. ... Sila ngayon ay mas may nais sa siguradong salita ng propesiya, na sila ay selyado sa langit at nagkaroon ng pangako ng buhay na walang hanggan sa kaharian ng Diyos. Pagkatapos, sa pagkakaroon ng pangakong ito na selyado sa kanila, ito ay ankla sa kanilang kaluluwa, sigurado at matatag. Kahit na ang mga kulog ay maaaring gumulong at kumislap ang kidlat, at lumindol sa ilalim at magtipon ang makapal na digmaaan sa paligid, gayunman ang pag-asa at kaalaman ay susuporta sa mga kaluluwa sa bawat oras ng pagsubok, problema at pagdurusa "(mga aral, p. 298). Ano ngayon ang ginagarantiya ng pagtawag at pagkahalal ? Ang mga sumusunod na kasulatan ay nagbibigay ng kahulugan:

Ang mas siguradong salita ng propesiya ay nangangahulugan na ang isang tao ay alam na siya ay natatatakan sa buhay na walang hanggan, sa pamamagitan ng pahayag at ang espiritu ng propesiya, sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Pagkasaserdote (doktrina at mga tipan 131:5).

Bilang pagpapahayag ng nakatatandang Elder Bruce R. McConkie:

Upang magkaroon ng isang pagtawag at pagkahalal dapat ay masigurado na sila ay natatatakan sa buhay na walang hanggan; ito ay magkaroon ng ganap na garantiya ng pagpapakadakila sa pinakamataas na langit ng makalangit na mundo; ito ay upang matanggap ang kasiguruhan ng pagka-diyos; ito ay, sa epekto,na ang araw ng paghuhukom ay mapapaaga, kaya ang magmamana ng lahat ng kaluwalhatian at karangalan sa kaharian ng Ama ay Sinisiguro bago ang araw nang ang mga tapat at tunay na ang pumasok sa banal na presensiya at umupo kasama ni Cristo sa kanyang trono, kahit na siya ay ' itinala’ ng Ama sa kaniyang luklukan’( Rebelasyon 3:21).

Gaya ng nakatatandang si McConkie na nagpapatuloy upang ipahiwatig, ang "ganap na garantiya" ay nangangahulugan na ang mga aksyon ng isang tao ay ganap na naaprubahan, na "wala ng kondisyon na tutugunan ng mga masunuring tao" (P. 335). Kapag ang isang tao ay natatatakan sa buhay na walang hanggan, siya ay "natatakan laban sa lahat ng paraan ng kasalanan maliban sa kapusungan laban sa Espiritu Santo at sa pagpapadanak ng inosenteng dugo." (Mga aral ng Kaligtasan, 02:46).

Mga kagamitang pansarili
Sa ibang wika