Panahon ng New York
Mula sa MormonWiki
Ang tunay na kasaysayan ng Simbahan ng Mormon sa panahon na ito ay ang kuwento ni Joseph Smith at ng kanyang pamilya (tingnan sa Lucy Mack Smith ), at nagsisimula noon pang bago ang Simbahan ay pormal na isinaayos. Karamihan sa mga mananalaysay ay nagtakda na ang panahon na ito ng kasaysayan ng Simbahan ay sa pagitan ng 1820 at 1830, ilang sandali lamang matapos ang pormal na pagsasaayos ng Simbahan. Ang panahong ito ay nagpapaloob ng maraming mga makabuluhan at mapanghubog na mga kaganapan hindi lamang para sa Simbahan, subalit ganun din sa buhay ni Joseph Smith.
Mga Maka-Anghel na Pagdalaw
Noong Setyembre 21, 1823, mga tatlo at kalahating taon pagkatapos ng kanyang Unang Pangitain, si Joseph Smith ay pinangunahang muli upang manalanging para sa kapatawaran ng kanyang mga kasalanan, at upang malaman ang kanyang katayuan sa harapan ng Diyos. Bagamat kanyang iniulat na ang kanyang nakaraang karanasan ay naghantong sa kanya upang lubos na umasa ng kasagutan, kahit ng isang mahiwagang paghahayag, ang nilalaman ng kasagutang iyon ay kanyang kinamangha. Siya ay binisita ng gabing iyon ng isang anghel na inihayag ang kanyang sarili bilang si Moroni, at nagsabi kay Joseph ng pagkakaroon ng mga talaan na nakaukit sa mga lami ng ginto. Sinabi ng anghel kay Joseph na ito ay kanyang responsibilidad na makuha ang mga lami, na kung saan ay nakahukay sa isang dalisdis ng bundok (na kinalaunan ay tinawag na “Burol ng Cumorah”) na malapit sa kanyang bahay, at isalin ang mga nilalaman nito. Ang anghel ay tumukoy ng ilang mga propesiya mula sa Banal na Bibliya, na nagsasabi na ang mga ito ay malapit ng maganap, at binigyan si Joseph ng mga karagdagang tagubilin. Ang anghel ay bumalik ng dalawang beses pa noong gabing iyon at inulit ang mga tagubilin na kanyang ibinigay, at muli sa sumunod na araw. Si Joseph ay nagtungo sa lugar na ipinahiwatig ng anghel at tinangka na makuha ang mga lami, ngunit ang anghel ay nagpakita at sinabi sa kanya na hindi pa tama ang panahon. Tinuruan niya si Joseph na magbalik sa lugar na iyon taon-taon sa petsang iyon (Setyembre 22) para sa mga karagdagang tagubilin. Ito ang ginawa ni Joseph, at pinahintulutang na makuha ang mga lami sa kanyang huling pagdalaw noong 1827.
Paghuhukay para sa Pera
Sa pagitan ng panahon, may mga makabuluhang mga kaganapan ang nangyari sa buhay ni Joseph. Ang kanyang hinangaang kuya, na si Alvin, ay namatay dalawa lamang na buwan matapos ang unang pagdalaw ni Moroni. Sa kabila ng pagkawalang ito, ang kanyang pamilya, sa pamamagitan ng maraming hirap na pagtatrabaho, ay nagsimulang umunlad. Ang mga bali-balita sa mga pangitain ni Joseph ay nagsimulang kumalat sa pamamagitan ng nakapaligid na kanayunan, sa resulta na si Joseph ay inusig at nayamot pati na rin ang paghahangad sa kanyang ituring na higit sa karaniwang talento. Marahil sa kadahilanang ito, noong 1825 siya ay ginawang kawani ni Josiah Stowell, isang mayamang residente ng South Bainbridge sa rehiyon ng Chenango, New York, upang tulungan siyang hanapin ang isang minahan ng pilak ng Espanyol na pinaniniwalaang nasa paligid ng lugar. Bagamat ang negosyong ito ay hindi matagumpay, ito ay nagdala ng bunga sa ibang paraan. Habang nagtatrabaho para kay Stowell, si Joseph at ang kanyang ama ay nangupahan sa bahay ni Isaac Hale. Doon ay nakilala ni Joseph ang anak na babae ni Hale, si Emma, at kalaunan ay kanyang napangasawa. Siya rin ay nagkaroon ng kanyang unang opisyal na karanasan ng pag-uusig, noong ang isa sa mga karelasyon ni Stowell, na maliwanag na naninibugho sa pakikipagkaibigan ni Joseph kay Stowell, ay umisip ng paraan upang siya ay maaresto sa walang mga katotohanang paratang. Siya ay dinala sa harap ng isang lokal na mahistrado at pinalabas ng walang paglilitis. Ang mga bali-balita tungkol sa kaganapang ito, na sa pamamagitan ng lahat ng matibay na ebidensiya ay nagbigay-daan lamang sa paglahok ni Joseph sa industriya ng “paghuhukay ng pera”, ay inilatag ng ilan niyang taga-usig bilang isang matagal na panahong hanap-buhay ng paghuhukay ng pera at ng isang kriminal na kaso, ni ng kung saan ay maaaring maipagpatuloy sa pamamagitan ng mga ebidensiya.
Pagsasalin sa Aklat ni Mormon at Pagtatayo ng Simbahan
Noong tagsibol ng 1827, si Joseph noon ay 21 taong gulang, at ng edad ng legal na mayorya, at may asawa. Pagkatapos makuha ni Joseph ang mga lami, siya ay lumipat sa Harmony, Pennsylvania, at sinimulang subukan na isalin ang mga lami. Sa pinakahuli ay nakayanan niyang gawin ito, sa tulong ng kanyang asawa na si Emma, Martin Harris, at lalo na si Oliver Cowdery, isang lokal na guro ng paaralan, na siyang nagtrabaho bilang eskriba habang si Joseph ang nagsalin. Noong Marso ng 1830, ang naisaling gawa ay nailathala bilang ang Aklat ni Mormon. Ang mga sariling paglalarawan ni Joseph sa mga kaganapang ito ay matatagpuan sa kasulatan ng Simbahan. Ilang sandali lamang pagkatapos ng Ang Aklat ni Mormon ay nailathala, si Joseph ay nakatanggap ng isang banal na utos na isaayos ang Simbahan. Ang pagsasaayos na ito ay nagyari noong Abril 6, 1830, sa tahanan ni Joseph Knight, sa Fayette, New York. (Ang ilang mananalaysay ay pinaniniwalaang ito ay sa Palmyra, ngunit ang mga ebidensiya na sumusuporta sa lokasyon na ito ay malamya, at ang lugar ay isang relatibong hindi importanteng detalye.) Kaagad, pagkatapos na ang Simbahan ay naitatag, ang mga misyonero ay nagsimulang nangaral. Ang unang misyonero ay ang sariling kuya ni Joseph, si Samuel H. Smith. Ang mga misyonerong ito ay nakapagbalik-loob sa marami sa paligid na lugar ng Fayette, Colesvile, at Manchester, New York. Ang mga misyonero ay ipinadala sa lahat ng direksyon. Ang isang grupo noong tag-araw noong 1830 ay nagtungo sa kanluran upang mangaral sa mga katutubong Amerikano Indiyo. Sa kanilang paglalakbay, sila ay nagturo at nakapag-balik loob sa marami sa paligid ng Kirtland, Ohio. Ang Simbahan ay lumago ng lubusan at nakahikayat ng higit na pansin sa mga local na mamamahayag. Kahit na ang karamihan sa mga mamamahayag ay negatibo, ang bagong Simbahan, na kinalaunan ay tinawag na Simbahan ni Kristo, ay lumago ng mabilis sa New York.
