Paguusig Sa Pagtatapos ng Digmaang Sibil
Mula sa MormonWiki
Ang Paguusig Sa Pagtatapos ng Digmaang Sibil at Pagtatapos ng Poligamya:
Ang pagtatapos ng Digmaang Sibil ay nagtangka upang wakasan ang Mormonismo:
Ang Utah ang higit na naalis mula sa takot dulot ng digmaang Sibil ng Estados Unidos (1861-1865). Ang mga Mormons patuloy na tumira sa malaking damuhan na natabas sa Kanluran ng Amerika at nagtayo ng mga magandang lungsod, tulad ng Lungsod sa Salt Lake. Ang Templo ng Salt Lake ay sinimulan noong 1853, binuo ang bantog na Tabernakulo, at ang Koro ng Tabernakulo ng Mormon, pinangalanan para sa kanyang mga sikat na lugar, ay inumpisahan ng mga imigranteng Welsh. Ang Iglesya ay muling inorganisa kasunod ng paglabas ng mga paghihirap mula sa Nauvoo. Ang Samahan ng Kaginhawaan ay muling pinalakas ni Eliza R. Snow, sikat para sa kanyang mga tula, ang naging Pangulo. Ang Samahan ng kaginhawaan ay naglathala ng magasin. Sila ay nangamapanya para sa mga karapatan ng mga kababaihan at itinatag ang unang ospital sa Utah. Gayunman, noong ang Digmaang Sibil ay nagwakas at ang pang-aalipin ay natapos, ang Pederal na pamahalaan ay bukas sa muling pagbalik sa Utah upang tapusin na ang iba pang “relikya ng barbarismo” poligamya, o pag-aasawa ng higit pa sa isa . Madalas na tinutukoy ng mga Mormon ang poligamya bilang "Ang Prinsipyo." Noong 1862, ang batas Morrill laban sa bigamya ay pinasa, na kung saan ginawa nitong iligal na magkaroon ng higit sa isang asawa. Ang bigamya ay mahirap na patunayan, kaya iilan lamang ang nauusig sa ilalim ng batas na ito. Si Brigham Young ay naaresto, ngunit sa huli ay pinakawalan nang walang paglilitis.
Ang paghihiwalay ng Utah at pagsasarili ay siyang nagpahirap upang palakasin ang pagusig sa mga Mormon na may higit pa sa isang asawa. Sa buong natitirang bahagi ng buhay ni Brigham Young, tanging maliit na pagsisikap lamang ang ginawa upang atakihin ang pag-aasawa ng higit sa isa. Sa halip, ang paglipat sa Utah at ang Simbahan ang isinulong .Binantayan maigi ni Brigham Young ang konstruksiyon ng mga templo ng Utah sa St. George, Logan, at Manti. Noong 1869, ang Simbahan na itinatag sa unang inkorporadang departamentong tindahan sa mundo, ang Institusyon ng Sion sa Kooperatibang Pangangalakal, karaniwang tinatawag na ZCMI. Noong 1870, ang Utah ang naging unang estado na nagbigay sa mga kababaihan ng karapatan na bumoto, bagaman at ipinagkaloob din ng Wyoming ang parehas na karapatan noong sumunod na taon at ginanap ang kanilang mga eleksyon bago ang sa Utah; kung kaya ang Wyoming ay naging ang unang estado na kung saan ang mga kababaihan ang tunay na bumoto. Ang mga pwersa na laban sa mga Mormon ay inasam na ang mga kababaihan ay bumoto ng laban sa mga tao sa Simbahan, ngunit hindi ito ang kaso. Patungo sa dulo ng kanyang buhay,inorganisa ni Brigham Young ang isang lipunan para sa mga batang kababaihan, na tinatawag na Samahan ng Maliit na Puwersa, at muling inorganisa ang korum at mga katawan ng mga Pagkasaserdote upang maging mas mahusay at mas may pagkakaisa sa mga pahayag na ibinigay sa Propetang si Joseph Smith. Noong Agosto 29, 1877, Si Brigham Young ay namatay habang bumibisita sa bayan ng St. George sa dakong timog ng Utah.
Nalungkot man sila sa pagpanaw ng kanilang dakilang lider, muling nagpatuloy ang mga Mormon at ang Mormonismo ay patuloy sa paglaki, dahil walang isang tao si Hesus Kristo na sentral sa kanyang misyon at mga aral. Ang korum ng Labindalawang Apostoles ang namuno sa Simbahan hanggang si John Taylor, isang naakay na Briton, ang naging ikatlong pangulo noong 1880. Noong taon na iyon ang Iglesya ay ipinagdiwang ang isang malaking anibersaryo sa pamamagitan pagpapatawad sa mga pagkakautang at humawak ng maraming mga partido. Sila rin ay tumanggap ng Perlas ng Malaking Gantimpala bilang isa sa mga pamantayan ng mga gawa, o ng Kanon ng kasulatan, ng Mormonismo.
Ang pag-uusig mula sa pamahalaan ay lalo lamang nadagdagan habang ang bilang ng Simbahan patuloy sa paglaki. Noong 1882, ang Batas ng Edmunds, na kung saan mahigpit na ipinagbabawal ang pagsasama ng may higit sa isang babae, ay naipasa. Upang ito ay maipatupad, ipinadala ng Presidendente ng Estados Unidos na si Chester A. Arthur ang Komisyon ng Utah. Lahat ng mga Mormon na ginagawa ang poligamya ay matitiwalag, makuha ang karapatan na bumoto o humawak ng pampublikong opisina. Sila din ay makukulong. Kahit na ito ay malinaw na lumabag sa konstitusyonal na batas ng Estados Unidos na nagbabawal sa ex post facto na mga batas, higit sa 1,300 na lalake ang ipinakulong. Sa Idaho, isang panunumpa ng katapatan ang itinatag noong 1885, na lahat ng residente ay kinakailangan na manumpa laban sa poligamya o anumang organisasyon na itinuro nito, upang bumoto. Ito ay epektibong nagpatiwalag sa lahat ng mga Mormon. Ang mga Mormon ay inapela ang mga batas na ito sa lahat ng paraan sa Korte Suprema ng Estados Unidos, ngunit mas lalo lamang naging malala. Noong 1887, ang Kongreso ng Estadios Unidos ay ipinasa ang Edmunds-Tucker na batas na nagtatanggal sa Simbahan at kunin o agawin ang halos lahat ng kanilang ari-arian. Sila ay kinakailangan na sumumpa ng katapatan mula sa mga lokal na opisyal, na magpapanatili sa mga Mormon hindi masanay ang poligamya sa paghawak ng opisina, at pinahihintulutan ang mga pederal na pamahalaan, na ihalal ang mga pinuno ng estado at kahit na kontrolin kung ano ang mga nakasulat sa aklat-aralin na maaaring pahintulutan sa mga silid aralan.
Libo libong mga Mormon ang nalugmok sa bilangguan. Ang mga hinirang na Pederal, karamihan ay galit sa mga Mormon, ay itinalaga bilang hukom at mahistrado sa teritoryo. Ang mga lider ng mga Mormon ay tumakas upang magtago. Libo-libong mga Mormon ang tumakas sa Canada at Mexico noong mga oras na iyon, kung saan ang kanilang mga lahi ay nakatira pa din sa mga panahon na ito, kahit na ang ilang mga Mormon ay tumakas mula Mexico patungo ng Estados Unidos sa panahon ng digmaan sa Poncho Villa sa unang bahagi ng ikadalawampu siglo.
Ang Pagtatapos ng Poligamya:
Noong Hulyo 1887, Si John Taylor ay namatay habang nagtatago. Ang kanyang libingan ay maliit, dahil ang mga eskribano ay naghihintay na maaresto ang sinumang mga lider ng Mormon na darating. Humigit Kumulang dalawang taon ang lumipas, si Wilford Woodruff, ang naunang naakay ng Mormonismo mula sa Ohio, ang naging Pangulo ng Simbahan. Siya ay nagsimula sa kanyang ministro ng patatago. Matapos ang maraming panalangin at diskusyon sa iba pang mga apostol, Si Presidente Woodruff ay nakatanggap ng isang paghahayag mula sa Diyos noong 1890. Ito ay nagpakita sa kanya kung ano ang mangyayari kung ang Simbahan ng Mormon ay patuloy na magsasanay ng poligamya. Lahat ng mga templo at simbahan ay nawala. Lahat ng kanilang mga lalake ay malulugmok sa bilangguan at walang misyonero maaaring maipadala. Siya ay nanalangin ng mataimtim ng malaman ang nais ng Dyos at ipinapakita na ang pinakamainam na direksyon ay ang itigil ang pagsasanay ng poligamya. Kanyang napagtanto na ang trabaho sa templo at ang trabaho ng misyonero ay mas mahalaga. Kanya rin naalala na sinabi ng Panginoon na kung minsan ay pinapayagan niya ang kanyang mga anak sa pagsasanay ng poligamya at kung minsan ay pinagbabawal ang mga ito. Noong Oktubre, 1890, ang Simbahan ay tinanggap ito bilang paghahayag ng kalooban ng Diyos. Ang pagsasanay ng poligamya ay tinigil. Ang pagtatapos ng paguusig ay nagapahintulot sa iba pang trabaho upang magpatuloy. Noong 1893, ang Templo sa Salt Lake ay natapos at nailaan, apat na pung taon sa petsa pagkatapos ng opisyal na ito ay sinimulan. Ang Koro ng Tabernakulo ng Mormon ay ginanap ang kanilang unang konsyerto sa labas ng Utah sa Pandaigdigang Tanghalan Ng Chicago. Unang naabot ng mga misyonero na bahagi ng Timog Pasipiko at Asya. Noong 1901, sila ay nangangaral sa Hapon. Noong 1894, Si Wilford Woodruff ay muling nakatanggap ng isa pang paghahayag na nagpapakita na ang anak dapat na maselyuhan, o nakatali sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Pagkasaserdote sa kanilang mga magulang, sa templo. Gayundin sa taon na iyon, Si President Grover Cleveland, na nagkaroon ng matagal na pagkakaibigan sa mga Mormon at tutol sa Batas Edmunds-Tucker, ay ipinatawad ang lahat ng gumawa ng poligamya. Noong 1896, Utah ay tinanggap ng mga unyon bilang ika- 45 na estado. Noong Setyembre, 1898, Si Wilford Woodruff ay namatay habang bumibisita sa kongregasyon ng Mormon sa California.
