Pagsasapakatan ng mga Mormon
Mula sa MormonWiki
May mga ilan na umakusa sa Simbahan ng Mormon, na mas kilala bilang Ang Simbahan ni HesuKristo ng mga Banal sa mg a Huling araw, na may balak umanong agawin o kunin ang pamamahala ng Estados Unidos ng Amerika. Ang mga akusasyong ito ay nagmula sa isang di pagkakaunawaan sa kasaysayan ng Simabahan at ng mga rebelasyong natanggap ng mga propeta ng Aklat ng Mormon at ng Simabahan Ang Pamahalaang pinukaw ng Saligang Batas ng Estados Unidos Hinulaan ng mga propeta ng Aklat ng Mormon ang ilang mga pangyayari na may kinalaman sa pagtatag ng Estados Unidos. Si Nephi ay ang unang propeta na nagtala ng kanyang mga pahayag sa kalaunan ay kinikilalang ang Aklat ng Mormon. Sa 1 Nephi 13 (naitala sa panahong 600 BC). Nakasaad dito:
At tumingin ako at namasdan ang isang lalaki sa mga Gentil, na nahihiwalay mula sa mga binhi ng aking mga kapatid ng maraming tubig; at namasdan ko ang aEspiritu ng Diyos, na ito ay bumaba at binunsuran ang lalaki; at naglayag siya sa maraming tubig, maging hanggang sa makarating sa mga binhi ng aking mga kapatid, na nasa lupang pangako.
13 At ito ay nangyari na, na namasdan ko ang Espiritu ng Diyos, na ito ay nagbunsod sa iba pang mga Gentil; at sila ay tumakas mula sa pagkabihag, sa maraming tubig. 14 At ito ay nangyari na, na namasdan ko ang anapakaraming tao ng mga Gentil sa blupang pangako; at namasdan ko ang poot ng Diyos, na ito ay napasa mga binhi ng aking mga kapatid; at cnakalat sila sa harapan ng mga Gentil at binagabag. 15 At namasdan ko ang Espiritu ng Panginoon, na ito ay napasa mga Gentil, at sila ay umunlad at natamo nila ang alupain bilang kanilang mana; at namasdan ko na sila ay mapuputi, at labis na kaakit-akit atbmagaganda, tulad ng aking mga tao bago sila cnapatay. 16 At ito ay nangyari na, na ako, si Nephi, ay namasdan na ang mga Gentil na nagsitakas sa pagkabihag ay nagpakumbaba ng kanilang sarili sa harapan ng Panginoon; at ang kapangyarihan ng Panginoon ayanapasakanila. 17 At namasdan kong sama-samang nagtipon sa mga tubig ang kanilang mga inang Gentil, at gayon din sa lupain, upang makidigma sa kanila. 18 At namasdan ko na ang kapangyarihan ng Diyos ay nasa kanila, at gayon din na ang poot ng Diyos ay napasa mga yaong sama-samang nagtipon upang makidigma laban sa kanila. 19 At ako, si Nephi, ay namasdan na ang mga Gentil na nagsitakas mula sa pagkabihag ay analigtas mula sa mga kamay ng mga ibang bansa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos. (1 Nephi 13:12-19). [A prophecy of the Revolutionary War] SA ibang propesiya sa aklat ng Mormon, nakasaad dito na sino man ang nakatira sa kontinente ng Hilagang Amerika ay dapat sambahin ang Diyos at anatilihin ang kanyang mga utos o maitangay nito—
AT ito ay mangyayari, na kung makikinig ang mga aGentil sa Kordero ng Diyos sa araw na yaon na ipakikilala niya ang sarili sa kanila sa salita, at gayon din sa bkapangyarihan, sa bawat gawa, hanggang sa pag-aalis ng kanilang batong ckinatitisuran—2 At hindi patitigasin ang kanilang mga puso laban sa Kordero ng Diyos, sila ay mabibilang sa mga binhi ng iyong ama; oo, sila ay amabibilang sa sambahayan ni Israel; at sila ay magiging mga bpinagpalang tao sa lupang pangako magpakailanman; hindi na sila muling madadala pa sa pagkabihag; at ang sambahayan ni Israel ay hindi na muling malilito pa.(1 Nephi 14:1, 2).
Anupa’t, ako, si Lehi, ay nagpopropesiya alinsunod sa pamamatnubay ng Espiritu na nasa akin, na awalang ibang makapaparito sa lupaing ito maliban kung sila ay dalhin ng kamay ng Panginoon.
7 Kaya nga, ang alupaing ito ay inilaan para sa kanya na siya niyang dadalhin. At kung mangyayari na kanilang paglilingkuran siya alinsunod sa mga kautusang kanyang ibinigay, ito ay magiging lupain ngbkalayaan sa kanila; anupa’t, hindi sila kailanman madadala sa pagkabihag; kung magkagayon man, ito ay dahil sa kasamaan; sapagkat kung ang kasamaan ay lalaganap ay csusumpain ang lupain ng dahil sa kanila, ngunit sa mabubuti, ito ay pagpapalain magpakailanman. (2 Nephi 1:6, 7).
Ang mga ninunong tagapagtatag ay ibinangon ng Panginoon upang magtatag ng isang bansang Malaya:
At ngayon, katotohanang sinasabi ko sa inyo hinggil sa mga batas ng lupain, aking kalooban na ang aking mga tao ay tumupad sa lahat ng bagay anuman ang aking ipinag-uutos sa kanila. 5 At ang yaong abatas ng lupain na naaayon sa bsaligang-batas, itinataguyod ang alituntunin ng kalayaan sa pagpapanatili ng mga karapatan at pribilehiyo, ay para sa buong sangkatauhan, at makatwiran sa harapan ko. 6 Samakatwid, ako, ang Panginoon, ay nagbibigay-katwiran sa inyo, at sa inyong mga kapatid sa aking simbahan, sa pakikipagkaibigan sa batas na yaon na siyang saligang-batas ng lupain; (Doctrine and Covenants 98:4 - 6). Alinsunod sa mga batas at asaligang-batas ng mga tao, na aking pinahintulutang maitatag, at dapat na panatilihin para sa mga bkarapatan at kaligtasan ng lahat ng laman, alinsunod sa matwid at banal na mga alituntunin;
80 At dahil sa layuning ito aking itinatag ang aSaligang-batas ng lupaing ito, sa pamamagitan ng kamay ng matatalinong tao na aking ibinangon sa tanging layuning ito, at tinubos ang lupain sa pamamagitan ngbpagdanak ng dugo. (Doctrine and Covenants 101:77, 80).
Naniniwala ang mga Mormon na kung ang saligang batas ay sisirain ng kasamaan ng mga taong bayan ng Amerika, ang mga Mormon ang patuloy na magtataguyod nito, dahil ito ay inaprubahan at pinabisa sa pamamagitan ng Diyos. May mga hulang ibinigay ng mga naunang propeta ng SImbahan na unang humula sa mga problema ng Saligang batas. “Makikita niniyo ang saligang batas ng Estados Unidos na halos masira. Ito ay sasabit katulad ng sinulid na kasing nipis pa sa hibla ng manipis na sutla. ‘Sa panahong iyon, ang bakas sa mukha ng propeta ay nagging malungkot dahil isinaad niyang’ Mahal ko ang Saligang Batas. Ito ay ginawa sa pamamagitan ng inspirasyon ng Diyos. Isang nakakakilabot na rebolusyon ang mangingibabaw sa kalupaan ng Amerika na kailanman ay hindi nakita noon.. Sa panahong ito ang [Simbahan] ay nangangalap ng lakas, nagpapadala ng mga dalubhasaupang mangalap ng tapat sa puso.. ang mga mamamayan ng Estados Unidos na nakikiusap sa kanilang tumayo sa tabi ng saligang batas ng Estados Unidos dahil ito ay ibinigay mula sa inspirasyong nanggaling sa Diyos.” Ang rebelasyong nakasaad sa taas ay buong pusong tinanggap ni Jospeh Smith, ngunit hindi ito maberipika sa pamamagitan talaan ng kasaysayan ng Simbahan. Ang iba sa mga naunang propeta ng simabahan ay ipinanipi ito, at ang ilan ay may katulad na pahayag, sapat na sumusuporta na ang prediksyon ay nakapasok sa Alamat ng Simbahan at inspirasyon sa pagtatalaga sa saligang batas bilang isang inspiradong dokumento. Isinaad ni Propeta Brigham Young, “ Ang saligang batas ba ay masisira? Hindi. Ito ay hindi lalabagin ng mga tao; at, gaya ng isinaad ni Joseph Smith, ‘Darating ang oras kung saan ang tadhana ng bansa ay sasabit sa isang hibla ng pisi. Sa kritikal na oras na iyon, itong mga tao ay magsisimulang humakbang at ililigtas ito mula sa nagbabadyang katapusan.’ At mangyayari ito” (Brigham Young Journal of Discourses, Vol. 7, July 4, 1854, p. 15).
Ang mga mormon na aktibo sa mga pampulitikang bagay ay magkakaroon ng lahat ng klase ng pulitikal na paninindigan, bagaman karamihan ay kadalasang konserbatibo. Tandaan na ang liberal na si Harry Reid at ang konserbatibong si Mitt Romney ay parehong mga Mormon, kaya walang pulitikal na ideyolohiyang pinapanigan ang mga Mormon. Walang sabwatang nangyayari upang agawin ang pamamahala sa Estados Unidos mula sa panig ng mga Mormon. Lamang ang inaasahan na kung ang Saligang Batas ay masisira, gagawin lahat ng mga Banal sa mga Huling Araw ang kaya nilang gawin upang itaguyod ito. See also Constitution of the United States Category: Controversial Topics
