Pagpapakabanal
Mula sa MormonWiki
Ayon sa mga doktrina ng Ang Simbahan ni Jesukristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, ang pagpapabanal ay nangangahulugan ng pamamaraan ng pagiging malaya mula sa mga kasalanan, pagiging dalisay, malinis at banal sa pamamagitan ng pagnanayad-sala ni Jesukristo(tingnan sa Moses 6:59-60). Si Jesukristo lamang ang nag-iisang tao na namuhay ng perpekto at walang kasalanan, tayong lahat ay nakadepende sa pagsisisi na naging possible dahil sa pagbabayad-sala upang mapabanal. Ang mga pinuno ng simbahan ng mga banal sa mga huling araw ay madalas paalalahanan ang mga miyembro na ngayon ang oras upang maghanda at maging banal. Si Elder Jeffrey R. Holland ay nagsabi: “Sinabi ni Josue’ Pabanalin ang inyong sarili: sapagkat bukas ang Panginoon ay gagawa ng mga kamangha-manghang bagay sa inyo’.[ Kakaunting tao lamang ang nakauunawa ] kung kalian at kung paanong hindi inaasahan ang pagdating ng kinabukasan at sa ilang pagkakataon kung gaano kaikli ang panahon upang makagawa ng nagmamadali,huling paghahanda”
Upang mapabanal,kailangan nating kumilos. Ayon kay Elder D. Todd Christofferson, “Ang katarungan at kabanalan ay nakakamtan sa pamamagitan ng biyaya ni Kristo,kung saan ang nasabing biyaya ay isang kaloob sa tao ayon sa kanyang pananampalataya. Subalit an gating moral na kalayaan sa pagpili ay isa ring mahalagang element sa banal na pamamaraang ito. Kinakailangan nating magkusang loob na magsisi at isagawa ang pagsisisi. Kinakailangan nating piliin na magpabinyag attanggapin ang Espiritu Santo,at kinakailangan nating piliin ang manatili sa ating mga tipan pagkatapos upang matanggap ang kaloob ng [pagpapabanal]. Kinakailangan nating kumilos ayon sa pamamaraan na kanyang itinakda.”
Ipinaliwanag pa ni Elder Christofferson na ang unang hakbang ay magkaroon ng katarungan: Dahil sa “hindi masukat na katangian ng kanyang dakilang sakripisyo na pagbabayad –sala , matutugunan ni Jesukristo o ‘masasagot ang pangangailangan ng batas’ sa ating katayuan. Ang kapatawaran ay makakamtan sa pamamagitan ng biyaya niyaong nakatugon sa mga pangangailangan ng katarungan dahil sa kanyang sariling paghihirap, ‘ang walang kasalanan para sa makasalanan’- upang iharap kayo sa Diyos”(1 Pedro 3:18). Inalis niya an gating mga kaparusahan nang hindi inaalis ang batas. Tayo ay napatawad at inilagay sa kalagayan ng katuwiran kasama niya. Tayo ay naging katulad niya na walang kasalanan. Tayo ay tinutulungan at pinangangalagaan ng batas, ng katarungan[…] Ang mapabanal sa pamamagitan ng dugo ni Jesukristo ay magiging dalisay, malinis at banal. Kung ang katarungan ay inalis ang kaparusahan ng nagawang kasalanan, ang pagpapabanal ay nag-aalis ng mantas o epekto ng kasalanan.”
Sa gayon ang pagpapabanal ay kasunod lagi ng katarungan, at kapuwa nakakamtan sa pamamagitan ng pagbabayad-sala ni Jesukristo para sa ating lahat. Kung tayo ay magsisisi at makikipagtipan sa kanya sa pamamagitan ng pagpapabinyag . Sa aklat ni Moses, na matatagpuan sa Mahalagang Perlas , isa sa mga batayang kasulatan na kinikilala ng mga Mormons, ay nagpapahayag na: “sa pamamagitan ng tubig[ ng pagbibinyag] sinusunod niyo ang mga kautusan; sa pamamagitan ng espiritu santo kayo ay nabibigyang katarungan at sa pamamagitan ng dugo ni Jesus kayo ay napapabanal” (Moses 6:60)
