Pag-asa
Mula sa MormonWiki
Ang Pag-asa ay higit pa sa pag-hiling o pag-asam ng mga bagay na gusto mong makamtam, isa din ito sa mga pundasyon na prinsipyo ng mga salita ni Cristo, kasama ng Pananampalataya and Pagkukusa o Pagbibigay.
Ang pag-asa ay ang paniniwala at pag-asam ng mga ipinangakong gantimpala ng kaluwalhatian. Madalas na sinasabi sa banal na kasulatan ang tungkol sa Pag-asa na makakamtan ang Buhay na Walang-hanggan sa pamamagitan ni HesuCristo. Sa natural na lengwahe, ang salitang pag-asa ay may koneksyon din sa salitang Pag-dududa, ngunit sa lengwahe ng banal na kasulatan, “ang perpektong magandang kahulugan ng Pag-asa” ay nangangahulugang ang paniniwala na ikaw ay maisasalba. Ang kabaliktaran nito ay Kalungkutan, o kawalan ng pag-asa.
“Kung sino man ang nanininawala sa Diyos ay siguradong meroon ding paniniwala sa pag-asa para sa mas magandang mundo, oo, maski ang lugar sa kamay ng Dioys, kung saan ang Pag-asa ay nagmumula sa Paniniwala, ay makakatulong sa kaluluwa ng mga tao, na magiging daan upang siya ay maging sigurado, hindi magbabago, laging may kaakibat na magagandang Gawain, na nag-uugnay sa kaluwalhatian kasama ng Diyos.” (Ether12:4)
Ang kasulatan ng pag-asa ay ang pag-asam ng pagtanggap ng kapayapaan sa mundong ito at sa susunod pang panibagong mundo. (Tignan ang Doktrina at Covenants 59:23)
“Ano nga ba ang dapat mong asahan? Makinig ka, ang sinasabi ko sa iyo ay dapat kang magka-roon ng pag-asa sa pamamagitan ni Kristo at sa kanyang muling pagka-buhay, patungo sa buhay na walang hanggan, at ito ay dahil sa paniniwala mo sa kanyang ipinangako.” (Moroni 7:41)
Ang prinsipyo ng pag-asa ay sumasakop hanggang sa walang hanggann, ngunit ito ay pwedeng gamitin sa pang-araw araw na mga pag-subok sa ating buhay. “Masaya ang taong,” sabi ng Psalmist, “katulong ang Diyos ni Jacob, ang taong meroong pag-asa at paniniwala sa Diyos na Ama.” (Salmo 146:5).
Dahil sa Pag-asa, mahahanap natin ang kaligayahan sa buhay. Magkakaroon tayo ng “pasensya, at kayanin ang mga problema, gamit ang matigas na pag-asa o paniniwala na isang araw ikaw ay makakawala sa lahat ng iyong problema” (Alma 34:41). Kaya nati itong lagpasan sa pamamagitan ni Kristo, dala ang perpektong liwanag ng pag-asa, hanggang sa huli, making ka, tulad ng sinabi ng Ama, Magkakaroon ka ng buhay na walang hanggan.” (2Nephi 31:20).
“Ang Pag-asa ay ang pagtitiwala sa mga pangako ng Diyos, paniniwala na pag tayo ay kumilos ngayon, ang lahat n gating hinihiling na biyaya ay ating makakamtan sa hinaharap/Abraham “ang tutol sa paniniwala sa pag-asa, na siya ay magiging ama ng maraming nasyon.” Kabaliktaran ng paniniwala ng tao, nagtiwala siya sa Diyos, “buong pagtitiwala” na naniwala siya na tutuparin ng Diyos ang lahat ng kanyang ipinangako na ibibigay niya kay Abraham at Sarah ang isang sanggol sa kanilang pagtanda. “Ang kapayapaan sa buhay na ito ay base sa paniniwala at sa kanyang sinasabi. Lahat tayo ay matatagpuan ang pag-asa sa ating personal na mga panalangin at makakamtan ang kasaganaan sa banal na kasulatan. Ang mga biyaya ang nag-aangat at bumubuhay sa atin. Ang Pag-asa ay maari ding magmula sa direktang personal na pagpapahayag, na kung saan iyon ay ating makukuha kung tayo ay mapagkakatiwalaan. Mayroon din tayong seguridad na mabuhay sa panahon kung kaylan ang propetang may hawak and nangangalaga sa mga susi ng kaharian ng Diyos ay nasa lupa.
“Ang walang hanggang pinagmumulan ng ating pag-asa ay ang paniniwalang tayo ay mga anak ng Diyos at na ang kanyang Anak na si Kristo, ay iniligtas tayo mula sa kamatayan. Paano natin malalaman na si Hesus ay ang totoong tagapag-ligtas at tagapag-tanggol? Sa lengwahe ng mga tao ang kanyang katauhan ay hindi mabigyan ng kahulugan, ngunit ang kanyang presensiya ay nalalaman ng walang pagdududa sa pamamagitan ng Ispirito kung patuloy lang tayong maninirahan sa silong ng anino ng kanyang impluwensya. Sa libro ng mga Mormon, nabasa natin ang tungkol kay Aaron na ipinapamahagi ang kasulatan sa ama ni Lamoni. Ang niya dito, ‘Kung ikaw ay yuyuko sa Diyos...at iyong tatawagin ang Kanyang pangalan na may pag-asa at tiwala, iyong makakantam ang pag-asa na iyong inaasam-asam.
Ang matandang hari ay sinundan ang liham na ito at kanyang natanggap ang katotohan na ibinahagi ni Aaron. Bilang tugon, siya at ang lahat ng kanyang kasam-bahay ay nagbago at kilala ang Diyos bilang Panginoon. “Ang aming pinaka-malaking pag-asa ay ang kaalamang ang Tagapag-ligtas ay nasira ang bigkis ng kamatayan. Kanya kaming patatawarin kapag kami ay nagsisi. Sa Hardin ng Gethsemane nanggaling ang isang nananalangin na iyak, “ O Ama ko, kung maaari, payagan mong ang basong ito ay maipasa sa akin: hindi dahil sa aking kagustuhan, kung hindi dahil sa iyong kagutuhan.” Tinukoy ni Lukas ang intensidad ng paghihirap: ‘at dahil sa pagkakalagay sa kaguluhan higit pa siyang nagdasal ng mataimtim: at ang kanyang pawis ay nagsilbing parang malalaking patak ng dugo na nahuhulog sa lupa!” (Nanggaling kay James E. Faust, “Hope, an Anchor of the Soul,” Ensign, Nobyembre 1999,59.)