Mga Rito ng mga Mormons

Mula sa MormonWiki

Ang rito ay isang seremonya o ritwal – na karaniwang kaugnay sa mga kagawian ng isang relihiyon. Ang mga ritwal ay iba-iba mula sa isang relihiyon kumpara sa ibang relihiyon at isang simbahan kumpara sa ibang simbahan. Ang ilang mga relihiyon ay punong puno ng ritwal na may konting pagsamba na hindi sumasangayon sa mga kahirapan ng mga ritwal. Ang iba pang mga relihiyosong gawi ay halos malaya ang istilo – ang mga nananamba ay binibigyan ng motibasyon sa pamamagitan ng Espiritu upang lumahok kung ito ay nakikita nilang naaayon.

Ang Simbahan ni Hesu Kristo ng mga Banal sa mga Huling Araway itinatag noong 1830 sa estado ng New York. Ito ay isang panahon ng pagkabangon muli ng Kristiyanismo sa Hilagang Silangang bahagi ng Estados Unidos at karamihan sa mga bagong myembro ng Simbahan ay mga dating Protestante. Marami ang nakaranas ng mga espiritwal na pagpapahayag upang sila ay ihanda na tanggapin ang naibalik na ebanghelyo ni Hesu Kristo. Ang Mormonismo, na naging tawag dito di kalaunan, ay hindi isang Protestanteng simbahan. Sa halip, ito ay isang may inspirasyong panunumbalik ng sinaunang Simbahan ni Hesu Kristo na kasama ang kapangyarihan at awtoridad na kumilos nang naaayon sa ngalan ng Panginoon. Maraming mga bagong myembro ang lumago ang pagtataka sa kanilang sariling mga simbahan at hinanap ang nag-iisang tunay na simbahan na naihayag mula sa kapangyarihan ng Diyos. Samakatuwid, ang mga bagong myembro sa panahong iyon ay sensitibo sa espiritwal na mga bagay-bagay at hindi naghahanap ng mga ritwal na gawain ng pagsamba.

Ang ritwal, gayunman, ay may mga katangian na kapakipakinabang sa Panginoon upang tulungan ang katapatan ng mga taong sumusunod sa Kanya: • ang ritwal ay nagbibigay ng isang angkla para sa pananampalataya. Ito ay patuloy at maaasahan at nakadaragdag ng isang sigurado at nabadya na aspeto ng pagsamba

• Ang ilang mga bahagi ng pagsamba ay idinikta ng Panginoon at kailangan na gawin ito ng eksakto upang magarantiya ang integridad ng doktrina at pag-uugali. Ang mga ordinansa at mga tipan ay ilan sa mga halimbawa.

• Ang mga ritwal, dahil sa kanilang pagiging pareho sa paglipas ng panahon, ay naging mga tradisyon na puno nang mapanghawak na kapangyarihan para sa mga hinaharap na mga henerasyon. Madalas, ang tradisyon ay mas malakas kaysa sa paniniwala.

• Ang mga ritwal ay simboliko. Ang simbolismo ay tumutulong upang mapalakas ang pananampalataya at pang-unawa sa mga doktrina.

• Ang ilang mga ritwal din ay nagiging mahahalagang hakbang sa buhay o sa pag-unlad ng mga miyembro ng isang simbahan. Sa Hudaismo, ang bar mitzvah ay isang halimbawa; sa Katolisismo, ang komunyon ay isang halimbawa.

Si Joseph Smith ay nakatanggap ng maraming mga tagubilin mula sa Panginoon habang itinatatag ang simbahan. Kung mga pulong ang pinag-uusapan, natanggap niya ang mga sumusunod na tagubilin mula sa kanyang pagsasalin ng Aklat ni Mormon: At ang mga kasapi sa simbahan ay madalas na nagtitipun-tipon upang mag-ayuno at manalangin, at makipag-usap sa bawat isa hinggil sa kapakanan ng kanilang mga kaluluwa. At sila ay madalas magtipung-tipong magkakasama upang makibahagi sa tinapay at alak, sa pag-alaala sa Panginoong Hesus. (Moroni 6:5,6). At masdan, kayo ay magtipun-tipon nang madalas; at huwag ninyong pagbabawalan ang sinumang tao mula sa pagsama sa inyo kung kayo ay nagkakatipong magkakasama, kundi pahintulutan ninyo na sila ay sumama sa inyo at huwag ninyo silang pagbawalan. (3 Nephi 18:22). At hindi na sila lumakad pa sa pagsunod sa mga pagganap at ordenansa ng mga batas ni Moises; kundi, sila ay lumakad alinsunod sa mga kautusang natanggap nila mula sa kanilang Panginoon at kanilang Diyos, nagpapatuloy sa pag-aayuno at panalangin, at sa madalas na pagtitipong magkakasama kapwa upang manalangin at makinig sa salita ng Panginoon. (4 Nephi 1:12). Mula sa tuwirang tagubulin mula kay Kristo, Si Joseph Smith ay natanggap ang mga sumusunod: Ang mga elder ay kinakailangang pangasiwaan ang mga pagpupulong habang sila ay ginagabayan ng Espiritu Santo, alinsunod sa mga kautusan at paghahayag ng Diyos…At tiyakin na ang simbahan ay madalas na sama-samang nagtitipon, at tiyakin din na lahat ng kasapi ay gumagawa ng kanilang mga tungkulin…Ang ilang elder na bumubuo ng simbahang ito ni Kristo ay magtitipun-tipon sa isang pagpupulong minsan sa tatlong buwan, o sa pana-panahon sa pag-aatas o pagtatakda ng naturang kapulungan; At ang mga naturang kapulungan ay magsasagawa ng anumang gawain sa simbahan na kinakailangang gawin sa panahong yaon. (Doktrina at mga Tipan, bahagi 20:45, 55, 61). Mula sa pangunahing tagubilin na ito, maaari nating ipunin na ang mga pagpupulong ng mga Mormons ay isinasagawa ayon sa paghahayag sa pangkalahatang simbahan at maging sa mga lokal na pamunuan ng simbahan. Ang mga pagpupulong sa sakramento at mga purok, istaka at mga pangkalahatang kumperensya ay itinatag ayon sa disenyo na ihinayag sa mga propeta at naaayon sa malawakang simbahan. Ang nilalaman ay halos nasa ilalim ng direksyon ng lokal na pamumuno, bagaman ang mga kasulatan ng pagtuturo sa mga klase ay pareho sa buong simbahan. Gayunpaman, sa mga pulong ng sakramento, mayroong ritwal na palagiang pareho. Ang mga panalangin sa sakramento ay dapat na perpektong binibigkas. . (Maaari mong basahin ang mga ito sa pamamagitan ng pag-klik dito.)

Ang sakramento ay binubuo ng tinapay at tubig na kumakatawan sa katawan at dugo ni Kristo, na nagdusa at namatay para sa ating mga kasalanan. Kapag ang mga Mormons ay sumasalo sa sakramento tuwing Linggo, kanilang napapanibago ang mga tipan na ginawa nila sa kanilang bautismo – na taglayin para sa kanilang sarili ang ngalan ni Kristo at ang lagi Siyang alalahanin, nang mapasakanila ang kanyang espiritu upang makasama nila.

Mga Milyaheng Ritwal ng Simbahang Mormon Pagbasbas sa mga sanggol: Ang unang milyaheng ritwal sa Simbahang Mormon ay ang pagbasbas para sa mga sanggol. Ang pagbibigay sa isang sanggol ng “isang pangalan at isang pagpapala," ay isang seremonya na isinasagawa kung nararamdaman ng mga magulang na ang oras ay tama na sa panahon ng pagkabata nang sanggol. Karamihan sa mga magulang ay nagdedesisyon na gawin ito kung ang bata ay ilang linggo na ang gulang. Ang pagbabasbas ay binibigkas ng isang lalaki na nagtataglay ng Banal na Pagkakasaserdote na Melquisedec, madalas ang ama ng sanggol. Ang iba pang kasapi ng pamilya ay nagsasama upang matunghayan ang pagbibigay ng basbas, na maaaring ganapin sa simbahan sa panahon ng pulong para sa sakramento (madalas, bago ang karaniwang pagkakasunod ng pulong) o sa tahanan. Kung ang pagpapala ay ginawa sa isang pribadong tahanan, ang Obispo nang ward na pamilya ay dumadalo. Ang kaganapan ay itinatala sa mga talaan ng Simbahan, at ang pamilya ay makatatanggap ng sertipiko. Lalake na humawak ng Pagkasaserdoteng Melquisedec - malapit na kaibigan o miyembro ng pamilya ng mga magulang – ay magtitipon sa isang bilog at hahawakan ang sanggol sa kanilang kalagitnaan. Ang Elder na nagbibigay ng pagpapala ay tinataglay ang pangalan ni Kristo at ang kapangyarihan ng Pagkasaserdote. Pagkatapos ay kanyang idedeklara ang ngalan ng sanggol na kung saan siya ay makikilala sa ibabaw ng daigdig at sa mga talaan ng simbahan. Pagkatapos ay kanya nang bibigkasin ang mga pagpapala para sa bata. Ang mga pangako na ginawa sa pagpapala na ito ay natatanggap sa pamamagitan ng pagpapahayag ng Diyos sa elder na nagbibigay ng basbas. Bautismo: Ang mga bata ay binabautismuhan sa pamamagitan ng paglubog sa edad na walo, na tinatawag ng mga Mormons bilang "ang edad ng pananagutan." Sa edad na ito, ang mga bata ay nasa hustong gulang na upang malaman nila ang tama mula sa mali, at sila ay nasa wastong edad na upang maunawaan ang proseso ng pagsisisi. Ang isang bautismo ay maaaring isagawa sa pamamagitan ng isang "Pari," isang may-hawak ng pinakamataas na istasyon ng mas mababa, o Aaronic na pagkakasaserdote. Kanyang ginaganap ang bautismo "sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo." Sa bautismo, ang bata ay nagiging isang miyembro ng simbahan. Ang mga taong higit sa walong taon ay maaaring magpabautismo, at yaon ang kaso sa mga may gulang na at malabata na nabinyagan. Ang Mormons ay isang beses lamang na nabibinyagan, maliban na lamang kung ang isang tao ay iskomulgado mula sa simbahan at pagkatapos ay nagsisi. Sa kasong yaon, siya ay maaaring binyagan muli sa simbahan. Pagtanggap ng Espiritu Santo: Pagkatapos ng bautismo, ang isang bagong miyembro ay kwalipikadong makatanggap ng tapat na pagsasama ng Espiritu Santo (hangga't siya ay nananatiling karapat dapat para sa regalo na ito). Ang Espiritu Santo ay ipinagkaloob sa pamamagitan ng isang Elder (nagtataglay ng Pagkakasaserdoteng Melquisedec) sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay. Ang elder ay ipinapatong ang kanyang mga kamay sa ulo ng mga miyembro at ibinibigay sa kanya ang Espiritu Santo. Siya ay maaari pagkatapos ay magbigkas ng isang pagpapala sa pamamagitan ng paghahayag. Pagkakasaserdote Pag-oordena: Ang unang antas ng Aaronic na Pagkasaserdote ay maaaring ipinagkaloob sa mga lalaki na nasa edad na 12. Samakatuwid, ang mga lalaki sa edad na iyon ay magsisimula na maglingkod sa "tungkulin ng pagkakasaserdote." Ito ay maihahalintulad sa Hudyo na tradisyon na bar mitzvah sa edad na 13. Kung ang isang binata ay dumadaan bilang isang aktibong Banal sa mga Huling Araw, siya ay makatatanggap ng mas mataas na pagkakasaserdote sa edad na 14, 16, at 18. Ang pagkilala sa relihiyong Mormon ay hindi ito masyadong malaritwal. Ito ay totoo, hanggang sa ang isa ay titingin sa pagsamba ng mga Mormon sa templo, na isa ring ritwal. Ang mga ritwal sa templo ay lubhang makahulugan at sinauna o walang tiyak na oras sa kanyang pakiramdam. Ang mga ritwal sa templo ay palagiang pareho. Ang mga ritwal na ito ay ibinigay sa pamamagitan ng pagpapahayag sa mga propeta. Ang mga ito ay hindi nag-iiba maliban na lamang kung ayon sa kahilingan ng Diyos, at ang mga pagsasaayos na ito ay bahagya at maliit lamang.


Mga Rito sa Templo

Binyag para sa mga Patay: Ang unang ritwal sa templo ay bautismo sa pamamagitan ng paglulubog sa ngalan ng mga namatay. Dahil ang mga ordinansa ay pisikal na pagsasagawa, ang mga yumao na, bagaman patuloy sila sa pagkatao at kalooban sa kawalang hangganan, ay hindi kayang gampanan ang mga ordinansa para sa kanilang sarili. Kung kaya’t ang bautismo ay ginaganap sa pamamagitan ng isang kinatawan sa pamamagitan ng isang buhay na tao. Ang namatay ay maaaring pumili, at pagkatapos, kung kanyang tatanggapin o tatanggihan ang mga ordinansa. Pagkakaloob ang Espiritu Santo: Pagkatapos ng bautismo, ang Banal na Espiritu ay ipinagkakaloob sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay. Isang elder ang naglalagay ng kanyang mga kamay sa ulo ng mga kinatawan para gawin ang ordinansa. Ang tao ay hiniling upang "tanggapin ang Espiritu Santo." Paghuhugas at pagpapahid: Sa paghahanda para sa mas mataas na mga palatuntunan ng templo, ang bawat patron ng templo ay sa pagsisimbolo ay hinuhugasan at pinapahiran ng isang beses para sa kanyang sarili, at pagkatapos ay para naman sa mga namatay. Ang isang patak ng langis o isang dulo ng daliri na nakalubog sa tubig ay nagbibigay ng mga simbolismo para sa mga sinaunang seremonya ng paghuhugas at pagpapahid. Ang mga ordinansa na mga panalangin ay binibigkas mula sa memorya ng mga manggagawa sa templo, at dapat ay palaging eksakto. Ang Kaloob sa Templo: Ang kaloob sa templo ay pinagkakalooban ang patron ng templo ng kapangyarihan mula sa itaas. Ang seremonya ng pagkakaloob ay itinatanghal ang Plano ng Kaligtasan na nagsisimula sa paglalang at paunlad patungo sa walang hanggang buhay. Ang mga tipan ay ginagawa kasama ang panginoon sa panahon ng pagkakaloob. Ang mga tipan na ito ay mga pangako upang ang isa ay mamuhay ng matuwid na buhay, at panatilihing dalisay ang sarili at hindi narurungisan ng mundo. Sa katapusan ng seremonya ng kaloob,ang mga patrons (na nakabihis nang puti) ay nagpapatuloy mula sa kwarto ng pagloloob sa “kwartong Selestiyal,” na iniayos upang maging representasyon ng makalangit na kaharian. Doon, ang patron ay maaaring umupo para maglining o manalangin. Ang mga tipan nang pagkakaloob ay dapat na binibigkas ng eksakto. Pagbubuklod: Sa templo, ang karapatdapat na miyembro ng simbahan ay maaaring ibuklod sa magulang o sa kanyang asawa para sa kawalang hangganan. Ang pagbubuklod sa templo ng mag-asawa ay walang hanggang kasal. Kasal, siyempre, ay isang milyaheng ritwal, at ang mga kwalipikasyon ay mahigpit. Upang maging itinuturing na karapatdapat sa templo, ang mga kalahok ay dapat panatilihin ang mga Salita ng Karunungan (batas ng kalusugan), magbayad ng isang buong 10% ikapu sa simbahan, at mabuhay ng isang dedikadong Kristiyanong buhay. Huling Rito

Kapag ang isang tao ay namatay, siya ay bihisan sa damit sa templo ng paglilibing. Ang katawan ay hinuhugasan at isang pagpapala ang binibigkas. Ang pagbibihis at paghahanda sa mga patay sa paglilibing ay isa pang rito ng simbahan. Matapos ang libing, ang libingan ay binibigyan ng dedikasyon sa pamamagitan ng isang may-hawak ng Pagkasaserdote na Melchisedec. Ito ang huling milyaheng rito ng Simbahang Mormon.

Mga kagamitang pansarili
Sa ibang wika