Mga Panipi mula sa mga Propeta
Mula sa MormonWiki
Isa sa mga pangunahing doktrina ng Simbahan ni Hesus Kristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay ang kanyang paniniwala sa modernong paghahayag at makabagong mga propeta. Sa kasalukuyan, ang LDS (o Mormon) na Simbahan ay nagkaroon na ng labinlimang propeta. Habang ang mga Banal sa mga Huling Araw ay tumitingin sa buhay na propeta para sa pagpapahayag at patnubay, ang mga miyembro ay pinag-aaralan rin ang kahanga-hangang buhay at pamalagiang turo ng mga nakaraang propeta. Ang mga sumusunod ay mga panipi mula sa bawat isa sa mga propeta ng pananauli. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa bawat propeta i-klik ang mga naka-haylayt na pangalan.
Joseph Smith 1830-1844
• "Tiyak ako na aking napagnilayan ang mga bagay-bagay tungkol sa Diyos." (Kasaysayan ng Simbahan 5:554)
• “Malaking mga biyaya ang nakaantabay para sa atin sa panahong ito, at sa lalong madaling panahon ay ibubuhos sa atin, kung tayo ay nananampalataya sa lahat ng bagay, sapagkat tayo ay may karapatan para sa mas higit na espirituwal na biyaya kaysa sa kanila [ang mga nananampalataya sa panahon ni Kristo], dahil kasama nila si Kristo upang turuan sila tungkol sa dakilang Plano ng Kaligtasan. Ang Kanyang personal na presensya ay wala sa atin, kung kaya tayo ay nangangailangan nang mas higit na pananampalataya.” ( Mga Turo ng Propetang Joseph Smith, sel.Joseph Fielding Smith [1976], 90.)
• “[Ang Diyos] ay hindi kailanman gagawa ng isang ordinansa o magbibigay ng isang utos sa Kanyang mga tao na hindi kinalkula ang likas na katangian nito upang itaguyod yaong kaligayahan na kanyang dinesenyo, at kung saan ito ay hindi magwawakas sa pinakamalaking halaga ng kabutihan at kaluwalhatian sa mga taong naging tagapagtanggap ng Kanyang batas at mga ordinansa.” (Kasaysayan ng Simbahan, 5:135.)
Brigham Young 1844-1877
• “Ang pagkakaiba sa pagitan ng Diyos at ng Demonyo ay ang Diyos ay lumilikha at nag-aayos, habang ang buong pag-aaral ng Demonyo ay ang manira." (Mga Diskurso ni Brigham Young, sel. John A. Widtsoe [1954], 69.)
• "Ako ay mas takot na ang mga tao ay may malaking tiwala sa kanilang mga pinuno na hindi na sila magtatanong sa Diyos para sa kanilang sarili kung sila ay kanyang pinamumunuan. Ako ay natatakot na sila ay tumira sa isang estado ng bulag na seguridad para sa sarili. Hayaan na ang bawat tao lalaki man o babae ay malaman, sa pamamagitan ng pagbulong ng Espiritu ng Diyos sa kanila, kung ang kanilang mga pinuno ay naglalakad sa landas na idinidikta ng Panginoon o hindi.” (Mga Diskurso ni Brigham Young, sel. John A. Widtsoe [1954], 135.)
John Taylor 1877-1887
• “Mas nanaisin kong magtiwala sa buhay na Diyos kaysa sa anumang iba pang mga kapangyarihan sa lupa.” (Deseret News Semi-Weekly, Hunyo 10, 1884, 1.)
• "Naniniwala kami na sa muling pagkabuhay ng patay at sa kabilang buhay na darating; at hindi lamang sa muling pagkabuhay ng mga lalaki, ngunit sa pagkabuhay muli rin ng mga babae. Naniniwala rin kami sa walang hanggang mga pagsasama, pagsasama sa daigdig at sa langit. At habang ang kalangitan ay ipinapahayag ang kaluwalhatian ng Diyos, at ang mga bituin at kalawakan ay gumugulong ayon sa mga walang hanggang batas na inilagay sa kanila ng Diyos, at ginagawa ang kanilang mga pag-ikot sa sunod-sunod na mga taon, ang tao ay patuloy na uunlad at darami- ang kanyang sarili, ang kanyang mga asawa, kanyang mga anak- sa kawalang hangganan na darating.” (Ang Ebanghelyo ng Kaharian, sel. G. Homer Durham [1943], 14.)
Wilford Woodruff 1887-1898
• “Nais kong mabuhay hanggang maaari kong magawa ang mabuti; ngunit hindi kahit isang oras na mas mahaba sa panahon na kaya kong mamuhay sa pakikisama sa Banal na Espiritu, sa aking Ama na Nasa Langit, sa aking Tagapagligtas, at sa mga Banal sa mga Huling Araw. Ang mamuhay nang mas mahaba kaysa rito ay paghihirap ng kalooban at pagpapakasakit para sa akin. Kung ang aking trabaho ay tapos na, ako ay handa nang umalis; ngunit, nais kong gawin kung ano ang kailangan mula sa akin. “(Deseret News Weekly, 15 Setyembre, 1869, 380.)
• “Ang Simbahan ng Diyos ay hindi mabubuhay ng dalawamput-apat na oras na walang natatanggap na pagpapahayag.” (Ang mga Diskurso ni Wilford Woodruff, sel. G. Homer Durham [1946], 61.)
• “Sinasabi ko sa mga Banal sa mga Huling Araw na ang mga susi ng kaharian ng Diyos ay naririto, at ang mga ito rin ay mamamalagi rito hanggang sa pagbabalik ng Anak ng Diyos. Hayaang maintindihan ng lahat ng Isaraelita na… Walang tao na kailanman ay nahinga ang hininga ng buhay ay maaaring humawak ng mga susi ng Kaharian ng Diyos at pamunuan ang mga tao sa maling landas.” (Ang mga Diskurso ni Wilford Woodruff, sel. G. Homer Durham [1946], 73-74.)
Lorenzo Snow 1898-1901
• “Kung ano ang tao ngayon, gayon ang Panginoon minsan noon; Kung ano ang Diyos ngayon, yaon ring maaaring makamit ng tao.” (Mga Turo ni Lorenzo Snow, ed. Clyde J. Williams [1984], 1.)
• Walang Banal sa mga Huling Araw na namatay matapos mamuhay ng tapat na pamumuhay ang mawawalan ng kahit anuman dahil sa pagkabigo na gawin ang ilang mga bagay-bagay kapag ang pagkakataon ay hindi ibinigay sa kanya. Sa ibang salita, kung ang isang binata o dalaga ay hindi nagkaroon ng pagkakataon na maikasal, at nanatili sila na mamuhay ng tapat na pamumuhay hanggang sa kanilang kamatayan, sila ay magkakaroon ng mga biyaya, kadakilaan at kaluwalhatian na maaaring makuha ng bawat tao kung sila ay nagkaroon ng pagkakataon at kanila itong pinabuti. Ito ay sigurado at positibo.” (Mga Turo ni Lorenzo Snow, ed. Clyde J. Williams [1984], 138.)
Joseph F. Smith 1901-1918
• “Ang gawin ng mabuti ang mga bagay na inilaan ng Diyos bilang karaniwang pulutong ng buong sangkatauhan, ay ang pinakatotoong kadakilaan. Ang maging isang matagumpay na ama at matagumpay na ina ay higit pa sa pagiging isang matagumpay na heneral o matagumpay na estadista. Ang isa ay pangkalahatan at walang hanggang kadakilaan, at ang iba ay panandalian.” (Doktrina ng Ebanghelyo, 5th ed. [1939], 285.)
• “Ang purong katalinuhan ay binubuo hindi lamang ng kaalaman, kundi pati na rin ng kapangyarihan na gamitin ng maayos ang mga kaalamang ito.” (Doktrina ng Ebanghelyo, 5th ed. [1939], 58.)
Heber J. Grant 1918-1945
• “Kung mayroong isang bagay na maaaring magdala ng kapayapaan at lugod sa puso, at sa pamilya, ito ay ang mamuhay sa loob ng ating paraan. At kung may anumang isang bagay na nakasasakit at nakapanghihina sa loob at nakatatakot, ito ay ang utang at obligasyon na hindi maaaring matugunan.” (Pamantayan ng Ebanghelyo, Comp. G. Homer Durham [1941], 111.)
• “Mayroon pa ring maliit na tinig na sinasabi sa atin kung ano ang tama, at kung tayo ay makikinig sa maliit na tinig na ito, tayo ay lalago at tataas ang ating lakas at kapangyarihan, sa patotoo at sa ating kakayahan hindi lamang upang isapamuhay ang ebanghelyo kundi pati sa pagbibigay ng inspirasyon sa iba na gawin rin ito.”(" Ang Landas ng Kaligtasan, "Improvement Era, Disyembre 1937, 735.)
George Albert Smith 1945-1951
• “Si Joseph ay isang propeta na ibinigay ang kanyang buhay para sa isang dahilan. Si Hyrum ay isang patriyarka na ibinigay ang kanyang buhay, at marami pang iba ang nagbuwis ng kanilang buhay para rin sa ebanghelyo ni Hesu Kristo. Ito ay ang gawain ng Panginoon. Ang kanyang kapangyarihan ay nakadeposito sa Simbahang ito, at wala saan man sa mundo maliban sa simbahan. Sa nalamang ito, ako ay masaya na naririto kasama ninyo. Ako ay lubos na nasisiyahan na ako ay nakapagsasamba kasama ninyo sa tahanang ito na banal para sa ating lahat. Aking ipinagdarasal na kapag tayo ay umalis mula rito, ang bawat isa sa atin ay babalik sa ating mga tahanan na mayroong panibagong determinasyon na tayo ay magiging karapat-dapat sa Kanya na nagbibigay sa atin ng mga biyaya, na tayo ay magiging karapat-dapat sa isa’t isa kung tayo ay namumuhay ng magkasama sa ating mga tahanan, biniyayaan sa pamamagitan ng kabutihan sa ating buhay.”(Conference Report, Abril 1947, 167.)
• Ako ay nagtataka minsan kung ating napagtatanto ang kahalagahan ng musika. Ako ay nagtataka kung alam natin na ang Panginoon mismo ay nag-aalala para sa mga ito. Siya ay nagbigay sa atin ng impormasyon na ang mga awit ng papuri ay mga panalangin para sa Kanya. Sa ating mga araw, Siya ay nagbigay ng pagpapahayag ukol sa musika. Siya ay nagbigay ng kautusan kay Emma Smith na likumin ang mga himno na maaaring kantahin sa Simbahan.” (“Pamumunong Salita ni Pangulong Joseph Smith,”Balita ng Simbahan, 16 Pebrero 1946, 8.)
David O. McKay 1951-1970
• “Ang bawat myembro ay isang misyonero!” (Conference Report, Abril 1959, 122.)
• “Walang tao ang tapat na magagamit sa kanyang araw-araw na pamumuhay ang mga turo ni Hesus ng Nazareno na hindi nararamdaman ang pagbabago sa kanyang sariling likas na katangian. Ang parirala na “ipinanganak muli,” ay mayroong mas malalim na kahulugan kaysa sa idinidikit na kahulugan dito ng maraming tao. Ang pagbabago ng pakiramdam na ito ay maaaring hindi mailalarawan, ngunit ito ay tunay.” (Conference Report, Abril 1962, 7.)
Joseph Fielding Smith 1970-1972
• "Kailangan nating magtiis hanggang sa wakas;. . . Kailangan nating mamuhay upang makamtan ang katangian ng kabanalan at maging uri ng tao na maaring matamasa ang kaluwalhatian at ang kababalaghan ng Selestyal na Kaharian.” (Ang Plano ng Kaligtasan: Ensign Nobyembre, 1971, 5)
• "Naniniwala kami na ang pagsamba ay mas higit pa sa panalangin at pangangaral at pagganap ng ebanghelyo. Ang kataas-taasang kilos ng pagsamba ay ang pagsunod sa mga utos, upang sundin ang mga yapak ng Anak ng Diyos, na gawin ang mga bagay na makapagpapalugod sa Kanya. Ito ay isang bagay nang pagbibigay ng serbisyo sa Panginoon; Naiiba ang paggalang at pagbibigay karangalan sa Kanyang nais sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanyang halimbawa na Kanyang itinakda para sa atin.” (“I Know That My Redeemer Liveth,” Ensign, Desyembre. 1971, 27.)
Harold B. Lee 1972-1973
• “Hindi kailanman mas higit na maganda ang ebanghelyo ni Hesu Kristo kaysa sa mga oras ng matinding pangangailangan, o sa mga oras ng matinding bagyo sa kalooban natin bilang mga indibidwal, o sa panahon ng pagkalito o gulo.” (“A Blessing for the Saints,” Ensign, Enero 1973, 133.)
• “Ang pinaka mabigat na pasanin na maaaring dalhin ng isang tao sa buhay na ito ay ang pasanin ng kasalanan.” (“Stand Ye in Holy Places,” Ensign, Hulyo 1973, 122.)
Spencer W. Kimball 1973-1985
• "Kailangan nating habaan ang ating hakbang at kailangan gawin na natin ito ngayon." (“Always a Convert Church: Some Lessons to Learn and Apply This Year,” Ensign, Setyembre. 1975, 3.)
• "Walang ama, anak, at ina, ang dapat na maging sobrang abala na hindi na siya nagkakaroon ng panahon upang pag-aralan ang mga banal na kasulatan at mga salita ng mga makabagong propeta. Wala sa atin ang dapat na maging sobrang abala na karamihan na sa atin ay hindi nakapagmumuni-muni at nakapagdarasal. Wala sa atin ang dapat na maging abala sa mga pormal na gawain ng Simbahan sa puntong wala na tayong nalalaan para sa tahimik na serbisyong Kristiyano sa ating mga kapit-bahay.” (“Boys Need Heroes Close By,” Ensign, Mayo 1976, 47.)
Ezra Taft Benson 1985-1994
• “Ang Aklat ni Mormon ang ‘keystone’ nang ating relihiyon, at ang Doktrina at mga Tipan ang ‘capstone’, na mayroong patuloy na pagpapahayag sa mga huling araw. Parehong ibinigay ng Diyos ang selyo ng kanyang pag-apruba sa ‘keystone at capstone’. (“Ang Aklat ni Momon at Ang Doktrina at mga Tipan,” Ensign, Mayo 1987, 83.)
• "Ang dakilang gawain sa buhay ay ang alamin ang kalooban ng Panginoon at pagkatapos ay gawin ito." (“The Great Commandment-Love the Lord,” Ensign, Mayo 1988, 4.)
Howard W. Hunter 1994-1995
• Ang pinakamalalim na pagnanais ng aking puso ay ang makita ang bawat miyembro ng Simbahan na karapat-dapat na pumasok sa Templo.” (Conference Report, Oktubre. 1994, 8.)
• Kailangan mong ipahayag ng palagian sa iyong asawa at sa iyong mga anak ang iyong paggalang at pagrespeto para sa kanila. Sa katunayan, ang isa sa mga pinakadakilang bagay na maaaring gawin ng isang ama para sa kayang mga anak ay ang mahalin ang kanilang ina.” (“Being a Righteous Husband and Father,” Ensign, Nobyembre. 1994, 50.)
Gordon B. Hinckley 1995-2008
• “Ang oras ay dumating na upang tayo ay tumindig nang mas matangkad, mag-angat ng ating mga mata at palawakin ang ating mga kaisipan sa higit na pag-unawa sa dakilang sanlibong taong misyon nito, Ang Simbahan ni Hesu Kristo ng mga Banal sa mga huling Araw.” (Conference Report, Apr. 1995, 95.)
• Ang sanhing ito ay gugulong patungong kamaharlikaan at kapangyarihan na maaaring punan ang mundo. Ang mga pinto na ngayon ay sarado para sa pangangaral ng ebanghelyo ay magiging bukas na. Ang Makapangyarihang Diyos, kung kinakailangan, ay maaaring yanigin ang mga bansa upang sila ay maging mapagkumbaba na magsasanhi upang sila ay making sa mga tagapaglingkod ng buhay na Diyos. Anuman ang kinakailangan ay mangyayari.”(“Look to the Future,” Ensign, Nobyembre. 1997, 68.)
• Sa ilalim ng plano ng kalangitan, ang mag-asawa ay maglalakad na magkatabi bilang magkasama, sinuman ay hindi dapat nauuuna ng hakbang sa isa, ngunit bilang anak na babae at anak na lalaki ng Diyos ay naglalakad nang magkatabi. Hayaan ang inyong mga pamilya na maging mga pamilya ng pag-ibig, kapayapaan at kaligayahan. Pagtipunin ang inyong mga anak sa paligid niyo at magkaroon ng mga pang-gabing pagsasama ng pamilya sa tahanan o ‘family home evenings’, turuan ang inyong mga anak ng mga paraan ng Diyos, basahan sila ng mga nilalaman ng mga banal na kasulatan, at ipaalam sa kanila ang mga mga dakilang katotohanan ng walang hanggang ebanghelyo na nakalahad sa mga salita ng Diyos na Makapangyarihan.” (“Selections from Addresses of President Gordon B. Hinckley,” Ensign, Marso. 2001, 64.)
• “Sa paglago ng Simbahan, malamang ay hindi na maaaring bumuo ng napakalaking lugar na sapat upang mapaunlakan ang lahat ng nais na sumama sa pagtitipon sa isang lugar. Gayundin, ang papalaking gastos ng pagbyahe ay hindi magagawang possible ang kanilang pagdating. Ang regalo ng syensya ay nagbigay ng mas maginhawang paraan. Kami ay naniniwala na habang ang gawain ng Diyos ay lumalawak, Siya rin ay nagbibigay ng inspirasyon sa mga tao na bumuo ng mga paraan kung saan ang bawat myenbro ng simbahan, saan man sila naroroon ay maaring mapangaralan sa malapit at pansariling paraan ng mga piniling propeta. Ang komunikasyon ay ang lakas na nagbibigkis sa Simbahan bilang isang malaking pamilya. Sa pagitan na mga kagamitan na kung saan ay maaari ng gamitin sa ngayon at ng mga yaong mga nasa abot-tanaw, tayo ay kayang makipag-usap sa bawat isa ayon sa mga pangangailangan at mga kalagayan ng panahon.” (Mula sa isang address na ibinigay sa panahon ng Oktubre 1981 General Conference.)
Thomas S. Monson 2008-Kasalukuyan
• Ang ating bahay ay dapat maging isang bahay ng kaluwalhatian. Upang ang ating mga bahay ay maging ganito, kailangan nating maging pantay sa Diyos, makatarungan sa iba, at tapat sa ating mga sarili. Ang isa ay di kayang maging isang tao at magpanggap bilang iba.” (Thomas S. Monson, “Building Your Eternal Home,” Ensign, Oktubre 1999, 2.)
• "Ang pag-aaral ng mga banal na kasulatan ay makatutulong sa ating mga patotoo at ang mga patotoo ng ating mga kamiyembro sa pamilya. Ang ating mga anak ngayon ay lumalaking napaliligiran ng tinig na humihimok sa kanila na lisanin kung ano ang tama at upang tugisin, sa halip, ang mga makamundong kaligayahan. Maliban na lamang kung sila ay magkakaroon ng isang matibay na pundasyon sa ebanghelyo ni Hesus Kristo, isang patotoo sa katotohanan, at isang pagpapasiya upang mamuhay nang mabuti, sila ay madaling makakapitan ng mga impluwensya. Ito ay ang ating pananagutan na pagtibayin at protektahan sila. “(Thomas S. Monson, “Three Goals to Guide You,” Liahona, Nobyembre 2007, 118–21.)
• Sa pagganap ng ating mga responsibilidad, aking natutunan na kapag tayo ay nakikinig sa tahimik na udyok at kumilos ayon dito ng walang pagkaantala, ang ating Amang nasa Langit ay gagabayan ang ating mga yapak at pagpapalain ang ating mga buhay at buhay ng ibang tao. Alam ko na walang karanasan na mas matamis o pakiramdam na mas mahalaga kaysa sa pag-iintindi ng pagdikta upang matuklasan na ang Panginoon ay sumagot ng panalangin ng ibang tao sa pamamagitan mo.” (Thomas S. Monson, “Peace, Be Still,” Ensign, Nobyembre 2002, 53.)