Mga Laminang Kinderhook
Mula sa MormonWiki
Ang mga Laminang Kinderhook ay anim na tanso, na hugis-kampanang plato na nalalakipan nang mga ukit na ipinakita kay Propetang Joseph Smith noong Abril, 1843 habang siya ay naninirahan sa Nauvoo, Illinois. Dahil siya ay kilala dahil sa pagkasasalin niya sa Aklat ni Mormon mula sa gintong mga plato, at sa Aklat ni Abraham mula sa sinaunang papyri, ang ilang lokal na tao ay nagpasya na subukin siya sa pamamagitan ng pagbubuo ng mga plato at lokohin siya na isalin ang mga ito. Nang ang mga plato ay lumitaw, marami sa Nauvoo ang lubos na nagaganyak tungkol sa kanila. Ang ilan ay naisip na marahil ang mga ito ay karagdagang mga plato na tulad ng mga gayon na ginawa ang Aklat ni Mormon. Ang mga plato ay parang natagpuan sa pamamagitan ni Ginoong Robert Wiley sa kanyang sakahan sa Kinderhook, probinsya ng Pike, sa Illinois. Ang mga plato ay nilinisan daw at dadalhin sa Nauvoo sa pamamagitan ni WP Harris na ibinahagi ang balita ng pagkatuklas sa mga sabik na mga Mormon sa Nauvoo. Walang direktang pahayag mula sa Propetang Joseph Smith ang lumabas ukol sa ano ang tingin niya sa mga ito. Ang ilang mga sanggunian sa mga dyaryo at periyodiko ng ibang mga residente ng Nauvoo ay tila nagpapahiwatig na ang Propeta ay itinuturing ang mga ito na mga tunay sinaunang kagamitan. Gayunman, wala siyang ginawang pagtatangka na pag-aralan o isalin ang mga nasa plato at sa lalong madaling panahon ang insidente ay higit na nakalimutan. Maraming mga taon kinalaunan, ang isa sa mga lalaki na gumawa ng huwad na mga plato ang umamin sa panlolokong ginawa. Kanilang binalak na hamakin ang Propetang Mormon sa pamamagitan ng pagsisiwalat ng palsipikasyon matapos niya na maisalin ang mga ito, ngunit ang kanilang mga plano ay nabigo ng si Joseph ay hindi gumawa ng kahit anong pagtatangka. Sa unang bahagi ng ikadalawampung siglo, isa sa mga plato ay natagpuan. Ito ay isinumite para sa mga pagsusulit sa Chicago Historical Society noong 1920. Noong 1980, ang mga plato ay isinumiteng muli para sa karagdagang mga pagsusuri na nagpapakita na ito ay gawa gawa lamang noong ikalabing siyam na siglo . Maraming mga laban sa mga Mormon na manunulat ang tinangka na gamitin ang insidenteng ito upang ipakita na ang Mormonismo ay hindi totoo, dahil ang Propetang Mormon ay parang naloko ng isang kabataang panloloko. Gayunman, dahil si Joseph Smith ay hindi nahulog sa bitag at hindi kailanman tinangka ang anumang bagay na lampas sa sinasabi nila na lumilitaw na tunay, at kahit na ang pahayag ay lumitaw lamang sa isang gunita ng sinuman makalipas ang maraming taon, ang insidenteng ito ay nagpapatunay ng wala at nabanggit ng marami bilang pagkumpirma na si Joseph Smith ay isang propeta, dahil hindi siya naloko at hindi niya kailanman sinubukang isalin ang mga ito.
