Mga Kahariang Selestiyal, Terestiyal, at Telestiyal

Mula sa MormonWiki

Second Coming small.jpg

Itinuro sa atin ni Jesus na may maraming mansion sa langit. Sa bahay ng aking Ama ay maraming tahanan; kung di gayon, ay sinabi ko sana sa inyo; sapagka't ako'y paroroon upang ipaghanda ko kayo ng dakong kalalagyan. (John 14:2) Huwag mabagabag ang inyong mga puso; sapagkat sa bahay ng aking Ama ay maraming amansiyon, at ako ay naghanda ng isang lugar para sa inyo; at kung nasaan ang aking Ama at ako, ay paroroon din kayo. (Doctrine and Covenants 98:18)

Ang mga kasulatang ito ay maaaring literal na nangangahulugan na maraming tahanan kung saan ang Ama mismo ay nananahan at mayroong maraming anta sang langit at maraming iba-ibang uri ng kaluwalhatian. MGA NILALAMAN • 1 TATLONG KAHARIAN SA LANGIT • 2 KAHARIANG SELESTIYAL • 3 KAHARIANG TERESTRIYAL • 4 KAHARIANG TELESTIYAL • 5 PAG-UNLAD SA PAGITAN NG MGA KAHARIAN TATLONG KAHARIAN SA LANGIT

Ang Plano ng Kaligtasan na itinuturo ng Ang Simbahan ni Jesukristo ng mga Banal sa mga Huling Araw (Mormonism) ay pinanghahawakan na ang langit ay nahahati sa tatlong magkakahiwalay na kaharian ng kaluwalhatian ( bawat isa ay binubuo ng maraming mga mansion). Ang mga Mormon ay tinatawag ang mga makalangit na kahariang ito na “Ang Tatlong Antas ng Kaluwalhatian”: ang selestiyal, ang terestriyal, at ang telestiyal. Sa mga kahariang ito ang lahat ng mga kalalakihan at kababaihan , maliban sa mga anak ng kapahamakan na mapupunta sa labas ng kadiliman (impiyerno), mapupunta matapos na sila ay mahatulan ng Diyos at mabuhay na muli ( ang kanilang espiritu ay nanumbalik sa kanilang naging walang kamatayang katawan). Ang pagpasok sa bawat kaharian ay nakasalalay sa pagiging karapat-dapat ng isang tao at sa kanyang pagpapahalaga sa mg autos ng Diyos at mga ordenansang kanyang ipinatutupad. Dahil sa ang Diyos ay ang punong hukom, ang lahat ng tao ay mahuhusgahan ng maayos at mapagkakalooban ng kaharian kung saan sila ay magiging napakaligaya at komportable . Sa Doktrina at mga Tipan ay isinalarawan na ang mga kababaihan at kalalakihan ay ipadadala sa “kanilang sariling lugar , upang makamtan ang ibig nilang matanggap” (Doktrina at mga Tipan 88:32). Maraming tao ang maipadadala sa higit na mababang kaharian “sapagkat hindi nila ginusto na makamtan yaong dapat sana ay tatamasain nila” (Doktrina at mga Tipan 88:32), iyong tinatawag na kadakilaan sa kahariang selestiyal. Magkagayunman, ang lahat ng ttlong kaharian ay kaharian ng kaluwalhatian, at kahit ang pinakamababa rito ay higit na dakila kaysa sa kayang unawain ng isang tao.

Ang kaalaman tungkol sa Tatlong Antas ng Kaluwalhatian ay ipinagkaloob sa mga banal sa mga huling araw sa isang paghahayag na mula sa Diyos sa pamamagitan ng pangitain ni Joseph Smith na propeta, at Sidney Rigdon, sa Hiram, Ohio, noong Pebrero 16, 1832 (Kasaysayan ng Simbahan 1: 245- 252). Sa panimula ng kanyang talaan tungkol sa pangitaing ito, isinulat ng propeta na: “Sa aking pagbabalik mula sa pagtitipon sa Amberst, ipinagpatuloy ko ang pagsasalin sa mga Banal na Kasulatan. Mula sa mga sari-saring paghahayag na natanggap ko na, maraming mga mahahalagang bagay tungkol sa kaligtasan ng tao ang inalis mula sa Biblia, o nawala bago pa man ito natipon. Malinaw na ipinapakita mula sa mga naiwang katotohanan , na kung ginagantimpalaan ng Diyos ang bawat isa ayon sa mga nagawa niya sa laman, ang tinatawag na ‘ langit ‘ na itinalaga bilang walang hanggang tahanan ng mga banal ay mayroong kahariang higit kaysa isa. Kaugnay nito, habang isinasalain ang ebanghelyo ayon kay San Juan, (kapitulo 5) ako at si Elder Rigdon ay nakita ang sumusunod na pangitain”. Ang pangitaing ito ay isinalarawan sa Doktrina at mga Tipan, bahagi 76.

KAHARIANG SELESTIYAL

Sila ang mga yaon na ang mga pangalan ay anakasulat sa langit, kung saan ang Diyos at si Cristo ang bhukom ng lahat. Sila ang mga yaong amatwid na tao na ginawang bganap sa pamamagitan ni Jesus, ang tagapamagitan ng bagong ctipan, na nagsakatuparan ng ganap na dpagbabayad-salang ito sa pamamagitan ng pagbubuhos ng kanyang sariling edugo. Sila ang mga yaong ang katawan ay aselestiyal, na ang bkaluwalhatian ay gaya ng sa caraw, maging ang kaluwalhatian ng Diyos, ang pinakamataas sa lahat, na ang kaluwalhatian, ang araw sa kalangitan ay nasusulat bilang isang sagisag. (Doctrine and Covenants 76:68-70). Dahil dito, alahat ng bagay ay kanila, kahit ang buhay o kamatayan, o mga bagay na kasalukuyan, o ang mga bagay na darating, lahat ay kanila at sila ay kay Cristo, at si Cristo ay sa Diyos. (Doctrine and Covenants 76:59).

Ang kahariang selestiyal ay ang pinakamataas at pinakadakila sa lahat ng antas ng kaluwalhatian, at ito ay isinasalarawan ng simbolo ng araw. Sa kahariang ito ang Diyos mismo ang naghahari. Ipinaunawa na sa atin na ang kahariang selestiyal ay mayroong maraming antas ng kaluwalhatian. Ang sinuman na magmamana ng alinmang antas sa kahariang selestiyal ay mananahanan sa piling ng Diyos.

Ayon sa paghahayag mula sa Panginoon, ang mga naikasal lamang at nabuklod sa templo ( maaaring sa buhay na ito o may kinatawan o sa panahon ng milenyum) ay maaaring makamtan ang pinakamataas na kaharian ng Selestiyal na Kaharian. Bilang pagsang- ayon sa turo ng apostol na si Pablo, na “alinman sa ang lalaki na walang babae, o ang babae na walang lalaki, sa Panginoon” (1 Corinto 11:11). Ang simbahang Mormon ay nagtuturo na ang kasal ay hindi itinatag lamang para sa kabanalan, ngunit ito ay mahalaga at may kabuluhan. Sinuman sa babae o lalaki ay hindi makakamtan ang kadakilaan sa kanyang sarili lamang. Ang simbahang mormon ay nagtuturo rin na hindi lahat ng tao ay may pagkakataon na magpakasal sa buhay na ito, kaya’t bibigyan sila ng pagkakataon sa pamumuno ni Kristo sa Milenyo matapos ang kanyang Ikalawang Pagparito. Karagdagan nito, Ang simbahang mormon ay nagtuturo rin na ang mga nasa pinakamataas na kaharian ng selestiyal lamang ang mananatiling kasal at bumuo ng walang hanggang pamilya. Sila ang mga gumawa ng walang hanggang tipan sa kasal ditto sa mundo, kaysa sa tipan na natatapos sa kamatayan.

Ang doktrina ng mormon ay nagtuturo rin na ang mga bata na namatay bago umabot sa gulang ng pananagutan (gulang na walo, kung kalian ang mga bata ay higit na nakauunawang magpasya para sa kanilang sarili kung ano ang tama at mali) ay maliligtas sa Kahariang Selestiyal ( Doktrina at mga Tipan 137: 10). Ang mga Mormon ay naniniwala rin na ang mga kababaihan at kalalakihan na namatay na walang kaalaman sa ebanghelyo,” subalit maaaring tinanggap nila ito kung nagkaroon lamang ng pagkakataon na sila ay nanatili,ay magmamana ng kaharian sa selestiyal na kaharian ng Diyos” gayundin yaong mga” lahat ng mga namatay mula ngayon na walang kaalaman dito, ngunit maaaring tinanggap nila ito( ebanghelyo) nang buong npuso, ay magmamana ng kahariang iyon” (Doktrina at mga Tipan 137:7-8).

Maliban sa mga maliliit na bata, ang mga umaasang mapatunayan na sila ay karapat-dapat na makamtan ang buhay na walang hanggan sa alinman sa mga mansiyon ng Kahariang Selestiyal ay nararapat na taglayin ang sumusunod na katangian na matatagpuan sa Doktrina at mga Tipan 76:50-53: • Tumanggap at maging matatag sa patotoo kay Jesukristo • Mabinyagan sa pangalan ni Jesukristo • Tanggapin ang kaloob ng Espiritu Santo • Sundin ang mg autos ng Diyos • Mahugasan at malinisan mula sa mga kasalanan • Magkaroon ng pananampalataya at magtiis hanggang wakas • Mabuklod sa Espiritu ng Pangako

      Si Pangulong James E. Faust ng Unang Panguluhan ay nagpaliwanag na “ ang magkaroon ng tipan o ordenansa na natatakan ng Espiritu Santo ng Pangako ay nangangahulugan na ang  kasunduan ay nakabuklod sa langit at sa lupa”. (“Ang kaloob ng Espiritu Santo- Isang Tiyak na Gabay”, Ensign, Mayo 1989, 31)

Ang kahalagahan ng pagsasagawa ng mga Tipan at tanggapin ang mga ordenansa sa laman ang dahilan kung bakit isinasagawa ng mga mormon ang Pagpapabinyag sa mga Patay, kasal na walang hanggan, at pagbubuklod na mga tipan sa kanilang mga templo. Ang pagpapabinyag para sa mga patay ay hindi isinasagawa para sa mga bata na namatay na wala pang walong taong gulang. Ang ebanghelyo ay itinuturro rin sa Daigdig ng mga Espiritu sa mga namatay ng tao na hindi pa nabubuhay na muli. Kapag ang mga ordenansa ng kaligtasan ay naisagawa na para sa kanila ng isang kumakatawan sa kanila,maaari nilang piliin jung tatanggapin nila o hindi ang mga ito.

Ang kalalagyan ng kahariang Selestiyal ay ditto sa mundo matapos na ang mundo ay mapanibao. Ang hguling kahahantungan nito ay maging niluwalhati at naging dakila (Doktrina at mga Tipan 77:1-2; 130:8-9). Ang mundo ay magiging walang hanggang mana ng mga numuhay ng karapat-dapat sa kadakilaang selestiyal (Doktrina at mga Tipan 88:14-26). Tatamasain nila ang mabuhay sa piling ng Ama at ng Anak.(Doktrina at mga Tipan 76:62) KAHARIANG TERESTRIYAL Sila ang mga yaong tumanggap ng kanyang kaluwalhatian, subalit hindi ng kanyang kaganapan. Sila ang mga yaong tumanggap sa Anak, subalit hindi ng kaganapan ng Ama. Dahil dito, sila ang mga akatawang terestriyal, at hindi katawang selestiyal, at naiiba sa kaluwalhatian gaya ng pagkakaiba ng buwan sa araw. Sila ang mga yaong hindi amatatatag sa pagpapatotoo kay Jesus, dahil dito, hindi nila natamo ang putong ng kaharian ng ating Diyos. (Doctrine and Covenants 76:76-79).

Ang kahariang terestriyal ay isinasagisag ng buwan. Ito ay kahalintulad ng buwan na kahit hindi siya nagbibigay ng liwanag na katumbas ng araw,(Selestiyal) nagbibigay ito ng liwanag (kung pagmamasdan mula sa mundo)na higit kaysa sa mga bituin( Telestiyal). Habang ang mga tao sa Terestriyal na kaharian ay makatatanggap rin naman ng kaluwalhatian ng Diyos, hindi nila mararanasang mamuhay na kasama siya.

Ang mga tao ay maaaring magmana ng kahariang terestriyal dahil sa mga sumusunod:)(tingnan sa Doktrina at mga Tipan 76:72-79) • Namatay sila na walang alam sa mga batas • Nagkaroon sila ng patotoo kay Kristo matapos ang buhay na ito • Sila ay naging mga kagalang-galang na tao ngunit hinayaan nila ang kanilang sarili na mabulag sa mga kasamaan sa mundo • Hindi naging matatag ang kanilang patotoo kay Jesukristo Ang mundo ng mga espiritu aymatatagpuan ditto sa mundo sa ibang dimensiyon. Kung minsan kapag ang tabing ay manipis, makikita natin ang mga espiritu sa mundo ng mga espiritu sa kabilang tabing.

ANG KAHARIANG TELESTIYAL Sila ang mga yaong nagsasabi na sila ay sa isa at ang iba ay sa isa pa—ang iba kay Cristo at ang iba kay Juan at ang iba kay Moises, at ang iba kay Elias, at ang iba kay Esaias, at ang iba kay Isaias, at ang iba kay Enoc; Subalit hindi tinanggap ang ebanghelyo, ni ang patotoo ni Jesus, ni ang mga propeta, ni ang awalang hanggang tipan. Ang pinakahuli sa lahat, silang lahat ang yaong hindi titipunin kasama ng mga banal, na aisasama sa bsimbahan ng Panganay, at tatanggapin sa alapaap. Sila ang mga ayaong bsinungaling, at mga manggagaway, at mga cnakikiapid, at mga patutot, at sinumang nagmamahal at gumagawa ng kasinungalingan. Sila ang mga yaong magdaranas ng apoot ng Diyos sa mundo. (Doctrine and Covenants 76:100-104).


Sa simbahang Mormon ang kaluwalhatian ng kahariang telestiyal ay maihahalintulad sa mga bituin. Ang mga taong mapupunta sa kahariang Telestiyal ay sila ang mga huling mabubuhay na muli at hindi makapananahanan kung saan naroon ang Diyos at si Jesukristo. Ang huling pagkabuhay na muli ay mangyayari pagkatapos ng Milenyum. Ayon sa Doktrina at mga Tipan, ang magmamana ng kahariang telestiyal ay silang mga: • Tinanggihan ang ebanghelyo,ang patotoo kay Jesukristo, ang mga propeta at ang walang hanggang tipan • Naging mga sinungaling,nakikiapid,magnanakaw, at lahat ng pagsuway sa mg autos ng Diyos PAG-UNLAD SA PAGITAN NG MGA KAHARIAN

Isang pangkaraniwang tinatanong ng mga miyembro ay kung maaari kayang ang isa ay makalipat mula sa Telestiyal na kaharian tungo sa Terestriyal na kaluwalhatian, o kaugnay nito, mula terestriyal tungo sa selestiyal na kaluwalhatian. Ang iba ay ikinukumpara ito sa mga gulong ng tren, maaari mong maunahan ang iba subalit sila ay nananatiling nasa unahan mo.

Sina Bruce R. Mc Conkie(Pitong Nakamamatay na Kasinungalingan), Spencer W. Kimball (Milagro ng Pagpapatawad) at Joseph Fielding Smith (Mga Doktrina ng Kaligtasan) ay nagsabi ng kapag ang isang tao ay nasa isang kaharian ng kaluwalhatian,siya ay mananatili sa kahariang iyon magpakailanman; walang sinuman ang maaaring lumipat mula sa isang kaharian tungo sa ibang kaharian. Gayunman marami ang nagbabakasakali na maaaring magkaroon ng pag-unlad sa bawat kaharian.

Mga kagamitang pansarili
Sa ibang wika