Mga Disipolo ni Kristo

Mula sa MormonWiki

ANO BA SILA:

Ang mga disipulo ay mga estudyante at mga tagasunod. Sila ay mga baguhan at kung anuman ang makita nilang ginagawa ng kanilang pinuno ay ito rin ang kanilang sinusunod. Sa teolohiya ng mga Mormon, ang mga disipulo ni Kristo ay ang mga tao na nag-aaral at nagsasaliksik ng banal na kasulatan upang malaman at matutunan ang mga turo ni Kristo sa salita at sa gawa. Sinusundan nila si Kristo sa pamamagitan ng pagtulad sa kanyang mga nagawa. Dinidisenyo nila ang kanilang buhay na kawangis sa tagapagligtas. Ginagawa nila ang kanilang buhay na patotoo sa kanilang paniniwala. ipinapakita nila sa pamamagitan ng kanilang mga araw-araw na mga aksyon na sila ay dedikado, mapagmahal, at nakatuon na tagasunod.

ANO ANG HINDI SILA:

Habang ang mga Mormon ay matatag sa paniniwala na ang kaligtasan ay nanggagaling sa pagtubos ni Kristo, sila din ay naniniwala, gaya ni Pablo na “Gayon din naman ang pananampalataya na walang mga gawa, ay patay sa kaniyang sarili.” (Santiago 2:17). Kung ang isang tao ay lumapit kay Kristo at naniniwalang siya ang Messiah, gayon pa man ay ayaw na ibigay ang lahat upang siya ay sundan , siya ay nabigo na ilagay ang kanyang pananampalataya sa gawa kaya nawala ito sa kanyang layunin.

Si Kristo at ang kanyang mga apostol ay nagbigay ng di mabilang na babala at mga halimbawa sa Bagong Tipan ng kahalagahan ng mga aksyon (paggawa ng mabuting gawa, paglilingkod sa mga tao, pagbibigay ng limos, pagsunod sa mga utos, etc.) Kaya ang mga Mormons ay naniniwala na ang katapatan ng mga tao na nagpapakilalang alagad ni Kristo ay makikita sa pamamagitan ng kanilang mga kilos. Ang mga Mormons ay hindi naniniwala na ang mga tao ay maaaring lang sabihin, "ako ay nananalig,” mabautismuhan, pagkatapos ay sundin ang mga demonyo at ang kanilang sariling mga hinahangad at magiging katanggap-tanggap sa Diyos. Hindi sila naniniwala na ang kasamaan ay maaaring sakop ng isang laganap na pahayag ng pananampalataya na kung saan, sa esensya, ay isang kasinungalingan. Dahil lamang sa ang mga tao ay naniniwala, tulad ng mga Pariseo, na sila ay nasa tamang landas ay hindi nangangahulugan na sila ay nandoon. An mga Mormons naniniwala na ang mga tao ay dapat maging maingat tungkol sa mga daan na pipiliiin nila sapagkat karamihan sa mga daan na ito ay humahantong sa kapahamakan.


Pangangailangan ng mga tunay na alagad ni Kristo:

Si Kristo ay nagbigay ng maraming mga utos na dapat sundin ng mga tunay na alagad:

• Ang tunay na alagad ni Cristo ay naniniwala sa Kanyang doktrina, na kung saan ay nagsisimula sa paghahanap sa mga ito, pag-aaral dito, pagtalakay dito, pagdarasal tungkol dito, at sa pagkakaroon ng patotoo sa mga ito. Pagkatapos ay ang paglagay ng doktrina sa gawa.Naniniwala ang mga Mormons na ang mga kasulatan ay hindi lamang kagiliw-giliw na mga kuwento na dapat na basahin, ihayag sa karamihan, at pagkatapos ay kakalimutan, ngunit isang manwal sa pagsasanay na magtuturo sa kanila kung paano mabuhay.

• Ang mga Mormons ay naniniwala na ang pag-ibig sa isa't-isa ay ang pinakadakilang utos sa lahat. Ang Dyos ay pag-ibig. Si Kristo ay pag-ibig. Ginawa ni Kristo na maging malinaw sa lahat na ang kanyang mga alagad ay dapat magmahalan sa isa't isa. Dahil sa ang pag-ibig ay dapat na ilagay sa aksyon, hindi lamang sa pag-iisip, ang mga tunay na alagad ay mabait, maalalahanin, mapagbigay, at aktibong naghahanap ng tulong para sa iba, at mabuhay ng may maayos na pagsasamahan sa bawat isa.

• Pinayuhan ni Kristo ang mga tao na maging matuwid (perpekto), katulad nya. Samakatuwid, ang kanyang mga tunay na alagad ay dapat maging mahinhin, mabait, may pasensya, di-marahas, tapat,may pananampalataya, at masunurin sa lahat ng mga utos ng ebanghelyo.

• Laging nasa isip ng mga Mormons ang mga babala upang hwag maging tamad sa paggawa ng mabuti. Sila ay naniniwala na ang tunay na alagad ni Kristo ay gumaganap ng maraming mabubuting gawain sa pagkakaisa. Sinusubukan ng mga Mormons na maging sensitibo sa pangangailangan ng iba, at kapag nakikilala nila ang mga ito, sila ay nagboboluntaryo para makatulong.

• Marahil ay madalas magtaka ang iba kung bakit kaya maraming mga pamilya ng mga Mormon ang gustong ipadala ang kanilang mga pinakamamahal na mga anak sa malayo at malawak na lugar, kahit sa ibang bansa na may mabigat, magulo, at mahirap na kalagayan upang magturo ng ebanghelyo.Naniniwala ang mga Mormons sa utos ni Kristo na pumunta sa buong sanglibutan at ituro ang ebanghelyo -kaya nila itong gawin sa pamamagitan ng pagsasakripisyo na makasama ang kanilang mga mahal sa buhay pansamantala upang kanilang masunod ang mga utos. Kanilang isinasagawa ang kanilang pananampalataya. Kanila din itong ginagawa upang ang iba ay maaaring makinabang mula sa mga biyaya na kanilang matatanggap. Kanilang tinatandaan ang ang mga sinabi sa kanila ni Kristo na sa mga nais na maging kanyang mga tagasunod na kunin ang kanilang krus at hwag ipagpalit kahit na ang kanilang ina, ama, asawa, anak, o iba pang pamilya sa Kanya, o hindi sila maaaring maging kanyang mga alagad.

• Sa kasamaang palad-sa makalupang mga isip-ang pagtanggi sa sarili, kakapusan, at paghihirap ay madalas na sinasabayan ng mga tunay na alagad ni Kristo,dahil kanilang mamanahin ang kanyang paghihirap sa ilang mga antas sa pagsunod sa kanyang daan. Mula sa mga unang araw sa mundo, ang mga taong nagiging matuwid ay madalas na nakakaranas ng pag-uusig dahil sa ang kanilang mga halimbawa ay nagiging sanhi sa iba na pumili ng higit na maliit na paraan upang mahatulan

• Ang mga tunay na alagad ni Kristo ay minamahal siya ng buong puso. Wala siyang maaaring hilingin na hindi nila kayang gawin, kahit gaano man ito kahirap o kasakit. Habang sila ay maaaring nag-uurong-sulong sa simula dahil sa mga kahirapan ng mga gawain, ang mga tunay na alagad ni Kristo ay palaging susuko sa kanyang kalooban, umaasa sa kanyang pag-unawa at suporta, dahil alam nilang sila ay para sa kanya.

Mga kagamitang pansarili
Sa ibang wika