Maria, Ina ng diyos

Mula sa MormonWiki

Sino si Maria?

Ang Simbahan ni Hesu Kristo ng mga Banal sa Huling-araw ay may ibang klaseng pagkilala kay Maria, ang ina ng Panginoon, kaysa sa simabahang katoliko. Ang mga Banal sa Huling-araw ay naniniwala na namuhay na tayo sa isang pre-mortal na lugar bago pa man tayo ipanganak, isang banal na buhay sa piling ng Banal na Ama. Sa na lupain, na tinatawag ng mga Banal sa Huling-araw na "unang anyo," mayroong mga marangal at dakilang espiritu na naipakilala ang kanilang mga sarili. Ang mga ito ay napili at pahalang na nakalaan sa mga tiyak na tungkulin upang ipalaganap ang gawa ng Diyos sa panahon ng kanilang pamumuhay sa lupa. Ang Panginoon ay napatotoo sa katutuhanang it okay Abraham, tulad ng nakatala sa Pearl of Great Price: Ngayon ipinakita ng Panginoon sa akin, si Abraham, ang mga akatalinuhang binuo bbago pa ang mundo; at sa lahat ng ito ay marami ang cmarangal at dakila; At nakita ng Diyos ang mga kaluluwang ito na sila ay mabubuti, at siya ay tumayo sa gitna nila, at kanyang sinabi: Ang mga ito ang gagawin kong mga tagapamahala; sapagkat siya ay nakatayo sa mga espiritung yaon, at kanyang nakita na sila ay mabubuti; at kanyang sinabi sa akin: Abraham, isa ka sa kanila; ikaw ay apinili bago ka pa man isinilang(Abraham 3:22-23) .

Ang mga Mormons ay naniniwala na si Maria ay napili na noon pa sa kanyang tungkulin na maging ina ni Kristo, at upang makamit ang karangalang iyon, siguradong naging isa siya sa mga pinaka-tanyag na mga espiritong anak ng Diyos-matuwid, matalino, at tapat. Isang walang kasalanang pagbubuntis?

Ang mga banal sa mga huling-araw ay naniniwala na si Maria ay hindi walang kasalanan, na ang tanging walang kasalanan na tao na kailanman ay nanirahan sa lupa ay si Kristo mismo at siya lamang. Ang karagdagang mga kasulatan na mahahanap sa mga banal sa mga huling-araw kumimpirma sa tala ng Bibliya na si Maria ay isang birhen na magma-ari ng isang napakalaking pisikal at espirituwal na kagandahan, at na siya ay ginagabayan at prinoprotektahan sa pamamagitan ng Banal na Spirito. Walang mga banal na kasulatan patungkol sa kanyang pagkabata o pag-aalaga.

Mga Propesiya tungkol kay Maria sa mga Banal na Kasulatan ng mga LDS

May mga propesiya ng birheng-kapanganakan sa Aklat ni Mormon. Ang propetang si Nephi ay may sinulat na isang pangitain na nakita niya sa ilang sandali lamang matapos ang pagdating nila sa America mula sa Jerusalem, halos 600 na taon bago ang kapanganakan ng Tagapagligtas: At ito ay nangyari na, na sinabi niya sa akin: Tingnan! At tumingin ako na sa wari ay titingin sa kanya, at hindi ko siya nakita; sapagkat lumisan siya mula sa aking harapan.

At ito ay nangyari na, na tumingin ako at namasdan ang dakilang lunsod ng Jerusalem, at iba pang mga lunsod. At namasdan ko ang lunsod ng Nazaret; at sa lunsod ng aNazaret ay namasdan ko ang isang bbirhen, at siya ay napakaganda at napakaputi. At ito ay nangyari na, na nakita kong bumukas ang akalangitan; at isang anghel ang bumaba at tumayo sa aking harapan; at sinabi niya sa akin: Nephi, ano ang namamasdan mo? At sinabi ko sa kanya: Isang birhen, pinakamaganda at kaakit-akit sa lahat ng iba pang birhen. At sinabi niya sa akin: Nalalaman mo ba ang pagpapakababa ng Diyos? At sinabi ko sa kanya: Alam kong mahal niya ang kanyang mga anak; gayon pa man, hindi ko nalalaman ang ibig sabihin ng lahat ng bagay. At sinabi niya sa akin: Masdan, ang abirheng iyong nakikita ang bina ng Anak ng Diyos, ayon sa laman.

At ito ay nangyari na, na namasdan ko na siya ay natangay sa Espiritu; at matapos siyang matangay sa aEspiritu ng ilang panahon, nangusap sa akin ang anghel, sinasabing: Tingnan! At tumingin ako at namasdang muli ang birhen, may dalang isang abata sa kanyang mga bisig. At sinabi sa akin ng anghel: Masdan ang aKordero ng Diyos, oo, maging ang bAnak ng Walang Hanggang cAma! Nalalaman mo na ba ang kahulugan ng dpunungkahoy na nakita ng iyong ama? (1. Nephi 11:12-21)!

Nagbigay siyang muli ng propesiya sa mga tao:

Samakatwid, ang Panginoon sa kanyang sarili ang magbibigay sa inyo ng palatandaan—Masdan, maglilihi ang isang abirhen, at magsisilang ng isang anak na lalaki, at tatawagin ang kanyang pangalang bEmmanuel. (2. Nephi 17:14) .

Noong mga 124 B.C. isang hari sa Ang Aklat ni Mormon na nagngangalang Benjamin ay nagnais na dalhin sa kanilang mga sarili ang pangalan ni Kristo at maghintay sa Kanyang pagbalik. Ang mga taong ito ay umaasa na si Kristo ay magpapakita sa kanila pagkatapos ng Kanyang paghahayag ng hula ng pagkabuhay na maguli. Sila ay namuhay ng naaayon sa Batas ni Moises na umaasa sa panahon na ito ay isasakatuparan ni Kristo. Sila din ay namuhay ng naaayon sa “Plano ng Kasiyahan”, o ang ebanghelyo ni Kristo. Si Haring Benjamin ay nagsabi sa kanyang mamamayan: At siya ay tatawaging aJesucristo, ang Anak ng Diyos, ang Ama ng langit at lupa, ang Lumikha ng lahat ng bagay mula sa simula; at ang kanyang dina ay tatawaging Maria.

At masdan, siya ay paparito sa kanyang kalahi, upang ang akaligtasan ay mapasa mga anak ng tao, maging sa pamamagitan ng bpananampalataya sa kanyang pangalan; at maging matapos ang lahat ng ito siya ay ituturing nilang isang tao, at sasabihin na siya ay may sa cdiyablo, at dpahihirapan siya, at siya ay eipapako sa krus. At siya ay ababangon sa bikatlong araw mula sa patay; at masdan, siya ay tatayo upang chatulan ang sanlibutan; at masdan, lahat ng bagay na ito ay mangyayari upang ang makatwirang hatol ay sumapit sa mga anak ng tao. (Mosiah 3:8-10).

Ang Aklat ni Mormon na propeta na si Alma ay nagsabi noong mga 82 B.C.:

At masdan, siya ay aisisilang ni bMaria, sa may Jerusalem na clupain ng ating mga ninuno, siya na isang dbirhen, isang mahalaga at piniling nilikha, na lililiman at emaglilihi sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo, at magsisilang ng isang anak na lalaki, oo, maging ang Anak ng Diyos. (Alma 7:10).

Kinikilala ba ng mga Banal sa Huling Araw si Maria?

Ang mga Banal sa mga Huling Araw ay may dakilang paggalang para kay Maria at pagpapahalaga sa kanyang tungkulin sa mga anak ng Diyos. Kanilang iginagalang ang kanyang sakripisyo at sinasabi ang kanyang kwento, lalo na sa Pasko at pasko ng pagkabuhay. Ang pagbibigay halaga sa kanya ay naihahayag sa mga gawang musika at sining. Subalit, ang mga Mormon ay nananalangin sa Diyos Ama sa pangalan ni JesuCristo at naniniwalang ang pananalangin kay Maria ay wala sa ayos sa plano ng Diyos para sa kanyang mga anak.

Mga kagamitang pansarili
Sa ibang wika