Labanan sa Ilog Crooked
Mula sa MormonWiki
Sa labanan ng Ilog Crooked, ang mga mamamayan ng Missouri ay hinarap ang mga myembro ng Simbahang Mormon. Noong ika-6 ng Agosto 1838, isang samahan ng mga masasamang tao na umaabot sa 100 katao sa eleksyong polls ng Gallatin, Bansang Daviess, ay hindi hinayaaang bumoto ang mga Banal. Isang maingay na pagaaway ang sumunod at ilang tao ay nasaktan. Nang marinig ni Gobernador Lilburn W. Boggs ang magulo at maingay na pagaaway na ito at ang ilang mga aktibidad ng mga samahan ng mga masasamang tao, inutos niya sa samahan ng mga taong sinanay na panatilihin ang kapayapaan. Isa sa mga opisiyal ng samahang ito ay si Kapitan Samuel W. Bogart, na namuno sa 75 katao, at malapitang nakipag-ugnayan sa samahan ng mga masasamang tao. Sapilitan niyang tinanggalan ng armas ang mga Banal sa Huling Araw at inutos na lisanin nila ang kanilang mga tahanan. Nagdisisyon siyang magbigay ng kagulohan sa pamamagitan ng pananakip ng tatlong Banal na LDS, si Nathan Pinkham Jr., William Seely, at si Addison Green. Dinakip at itinago sila bilang kanilang mga bihag sa kanyang Campo malapit sa Crooked River sa Ray County, Missouri. Nang nalaman ng mga Banal sa Huling Araw ang pananakip na iyon, lumala ang mga haka-haka, at sinabi sakanila na papatayin ng mga samahan na iyon ang tatlo nilang kapatiran. Isang grupo ng mga Banal sa Huling Araw na sinanay upang protektahan ang mga kabahayan na umaabot sa 75 katao ay pinamunuan ni David W. Patten, isang Apostol, at sila ay binigyan ng armas at ipinadala upang iligtas ang tatlo nilang kapatiran.
Nakarating sila sa campo ng Ilog Crooked noong ika-25 ng Oktobre 1838 sa kalagitnaan ng gabi. Habang papalapit sila sa kampo isang boses ang sumigaw ng "sinong nandiyan?" Ito ay sinundan agad ng mga putok ng baril, at isa sa mga kabataan ng samahan ng mga Banal sa Huling Araw, si Pat O’Banion, ay natumba nang may mga tama sa katawan. Inutosan ni David W. Patten ang mga samahang iyon ng LDS na kumasa at magpaputok sa kapaligiran. Dahil sa pagsugod na ito ang state militia ay nagsimulang tumakas. Iniwan nila lahat ng kanilang mga alagang hayop at mga kagamitan at tumakbo sa lahat ng direksyon at karamihan sakanila ay nagbigay ng maling ulat na ang LDS militia ay pinatay silang lahat at ang tanging nakaligtas ay ang nag-ulat. Kaya sana ng samahang LDS militia na iyon na iligtas ang tatlong bihag, subalit marami sa samahang LDS militia ay sugatan, at tatlo ay namatay dahil sa mga tama at sugat na nakuha sa Labanan ng Ilog ng Crooked, isa sa kanila ay si David W. Patten.
Kahit na ang mga aksyon ni Samuel Bogart at ang kanyang mga kasamahan ay matindi at masama, ginamit ni Governor Lilburn W. Boggs ang Labanan sa Ilog Crooked bilang ehemplo kung bakit ang "utos na pagwasak" ay dapat isakatatuparan. Sa kasamaang-palad, isinulat ni Governor Boggs ang utos nang may kaalaman lamang sa mga pinalalang impormasyon tungkol sa Labanan na nag-uulat na pinatay ng mga samahang LDS militia ang halos kalahati sa mga tao ni Bogart. Ang katotohanan ay isa lamang ang namapatay. Ang utos o ang batas ay inilabas sa publiko noong ika-27 ng Oktobre, 1838. Sa pangunahing ulat sa utos o batas na iyon ay makikita ang ilang linya na nagsasabing, “Ang mga Mormon ay dapat ituring bilang mga kaaway, at dapat patayin o paalisin sa lugar natin kung kinakaylangan, para sa kapayapaan ng mga mamamayan---walang sino man ang makakapagpaliwanag ng kanilang kasamaan at tapang.” Ang mga opisyal ng samahan ng bansa ay inutusan para gawin ang utos.