L. Tom Perry

Mula sa MormonWiki

L Tom Perry.jpg

Si L. Tom Perry ay isang kasalukuyang miyembro ng Korum ng Labindalawang Apostol ng Ang Simbahan ni Hesu Kristo ng mga Banal sa mga Huling Araw.

L. Tom Perry, isang apostol na Mormon Si Lowell Tom Perry ay ipinanganak noong Agosto 5, 1922, sa Logan, Utah. Siya ay ang pinamatandang anak na lalaki at siya ay may limang kapatid. Ang kanyang mga magulang ay malakas na kaanib ng Simbahan at hinihikayat ang kanilang mga anak na lumahok sa pamamagitan ng pagsama sa kanila sa paggawa ng kanilang mga sariling tawag. Si Elder Perry ay sinabi sa kanyang pamilya na mahirap na hindi magkaroon ng isang patotoo dahil sa halimbawa ng kanyang mga magulang.

Noong 1942, si L. Tom Perry ay tinawag sa isang misyon sa Hilagang mga Estado. Habang siya ay nasa kanyang misyon, kaniyang nabuo ang isang mahusay na pag-ibig at pang-unawa sa Aklat ni Mormon. Si Elder Perry ay sinabi ang isang nakaaaliw na kuwento tungkol sa kanyang mga unang pagtatangka sa pagbabahagi ng ebanghelyo: "Ako ay itinalaga upang maglingkod sa Columbus, Ohio, lamang matapos na ako pa lamang ay nakarating sa aking misyon. Ako ay ganap na walang alam tungkol sa gawaing pangmisyonero at ukol sa aking nakatatandang kasamaan, na naroon na nang tatlong buwan,at may alam na kaunti kaysa sa akin. Ako ay palagiang malakas sa Simbahan, at bagaman ang aking patotoo ay hindi kailanman sinubukan, tiyak ko sa aking isip na hindi ito maaaring mawaksi. “Ang aking unang buong araw ng pagtuturo ng ebanghelyo ay ginugol ko sa pagpunta sa bahay-bahay. Wala kaming nakamit na tagumpay hanggang sa ang isang Timog na Baptist na babae ay inanyayahan kami sa kanyang bahay. Siya ay may isang malalim na kaalaman ukol sa mga kasulatan, at tingin ko, ang aking kasamahan at ako ay hindi maaaring sagutin ang kanyang mapanghikayat na mga argumento. Ako ay umuwi sa bahay sa araw na iyon na isa ng nahikayat na Timog na Baptist. "Ang mga sumusunod na araw ay hindi naging mas mahusay. Nagpunta kami sa isang tahanan ng isang metodista. At ng mga sumusunod na araw na nagdaan, ako ay nagalaw patungo sa pananampalatayang Lutheran. Kinalaunan, ako sa wakas ay nagpasya na ang bagay na aking nararanasan ay hindi dapat mangyari sa isang misyonerong Mormon. Napagpasyahan ko na bago ako magturo at magbigay ng patotoo tungkol sa ebanghelyo na ito, ako dapat ay may kaalaman muna dito sa aking sarili. "Ang aking kasamahan at ako ay nakatira sa tuktok na palapag ng isang apat na palapag na nirerentahang bahay. Ang aming kasera ay ipinagkaloob sa amin ang pribilehiyo na gamitin ang kusina, na nasa pinakababang palapag. Napagpasyahan ko na sa bawat gabi, nais kong bumaba sa kusina pagkatapos na ang aking kasamahan ay retirado na sa kama at ihanda ang isang salita, na nagsisimula sa unang apat na mga prinsipyo at ordinansa ng ebanghelyo.

"Sa unang gabi na ako ay nag-aral at naghanda ng isang pananalita ukol sa pananampalataya na aking ibabahagi sa aking madla: isang daga na aking inakit sa kanyang lungga sa pamamagitan ng isang kraker. Siya ay tumitig sa akin ng ilang minuto, kinuha ang galyetas, at nagpunta pabalik sa kanyang lungga. "Nang sumunod na gabi, ang paksa ay pagsisisi. Ang daga ay lumabas at nakinig sa akin para sa ilang oras na mas mahaba kaysa sa gabing unang nagdaan, at pagkatapos ay bumalik siya muli sa kanyang lungga. Ako ay umuunlad.

"Sa ikatlong gabi ako ay dumating sa baba at akin munang pinuno ng tubig ang palanggana at hinugasan ang ilang mga pinggan bago ako naghanda sa aking pananalita ukol sa pagbibinyag. Muli, ang aking kaibigan na daga ay dumating palabas ng kanyang butas upang makinig sa aking presentasyon. Siya ay tumayo doon at tumitig sa akin ng buong oras, at nang aking binigyang wakas na ang aking pananalita,siya ay babalik na sa kanyang butas sa gunamgunam. Ako ay kaonting mayroong ipagmamalaki sa aking sarili habang ako ay pabalik sa itaas, dahil alam ko na napahanga ko ang aking madla.

"Nang sumunod na umaga, ang aking kasamahan at ako ay nagpunta sa ibaba upang ihanda ang almusal at napansin ko na hindi ko natanggal ang tubig sa palanggana na aking ginamit noong nakaaang gabi. Ako ay lubhang nagulat nang sa ilalim ng palanggana, aking natagpuan ang aking kaibigan, ang daga. Ang aking maliit na pakikipag-usap ay talagang gumawa sa kanya ng isang impresyon. Sa kanyang tuliro na pag-iisip, siya ay gumapang patungo sa palanggana! Pagbibinyag sa pamamagitan ng paglubog! "[1]

Lamang anim na maikling linggo pagkatapos na siya ay bumalik mula sa kanyang misyon, si L. Tom Perry ay sinama sa militar sa panahon ng WWII. Siya ay nagboluntaryo na sa Marine Corps, at nang siya ay dumating sa ibang bansa, siya ay binigyan ng isang tanggapan ng trabaho. Siya ay isa sa unang naipasok sa bansang Hapon matapos na ang atomikong bomba ay inihulog at kaniyang ginawa ang lahat upang matulungan ang Hapon na ayusin muli ang kanilang bansa. Ang kanyang mga kasamahan sa militar ay iginagalang si Elder Perry, at marami sa kanila ang sumali sa Simbahan dahil sa kanyang pagpayag upang ibahagi ang ebanghelyo sa kanila.

Si Elder Perry ay nagtapos mula sa Utah State University noong 1949 na may isang pagtutok sa negosyo. Habang naroon, kanyang nakilala at niligawan si Virginia Lee. Sila ay kinasal noong Hulyo 18, 1947, at sa huli ay nagkaroon ng tatlong anak. Si Elder Perry ay nakatagpo ng trabaho sa isang kumpanya sa Idaho, at lamang matapos ang paglipat niya doon, siya ay tinawag na pangalawang tagapayo sa kapanguluhan ng pagkaobispo. Ang pamilya ay lumipat ng ilang beses kasama sa trabaho ni Elder Perry, at siya ay nagkaroon ng mga bagong mga pagtawag sa Simbahan. Nagsilbi siya bilang isang guro sa seminaryo, sa mga pagkaobispo, sa mataas na konseho, at bilang isang pangulo ng istaka. Sa lahat ng mga pangyayaring ito, si Elder Perry ay pinananatili ang kanyang pamantayan. Kaniyang pinayuhan ang iba,

Itakda ang inyong pamantayan ng mga halaga at hindi kailanman ikompromiso ito. Ito ay dapat na nakaugat mula sa ebanghelyo. Huwag matakot na ipaalam sa mga tao kung anu ano ang iyong mga pinaniniwalaan ang kung anu ano ang iyong mga isinasapamuhay. ~ Loren C. Dunn, "Elder L. Tom Perry: Paglilingkod nang mayroong sigasig," Watawat, Agosto 1986, 17

Noong Oktubre 6, 1972, si Elder Perry ay natawag bilang isang Asistant sa labindalawang apostol at dalawang taon kinalaunan, noong Abril 11, siya ay naordena bilang isang Apostol. Bilang isang Apostol, siya ay nagsilbi sa Eksekutibong Konseho ng Templo at Talaangkanan, Komite ng Serbisyo para sa Pangkalahatang Kabutihan , at sa Komite ng Edukasyon ng Simbahan.

Noong Disyembre 1974, ang asawa ni Elder Perry na si Virginia ay yumao, at noong 1983 ang kanilang anak na babae ay yumao din; at sa kasamaang-palad nawalan rin ang kanyang pamilya ng dalawang apo. Kabilang ang mga pagsubok na ito, si Elder Perry ay inilagay lamang ang kanyang pananampalataya kay Kristo.Ang Panginoon ay napakabait. Kahit na ang ilang mga karanasan ay mahirap, Kaniyang binabaha ang iyong pag-isip ng mga alaala at nagbibigay sa inyo ng iba pang mga pagkakataon. Ang buhay ay hindi nagwawakas ng dahil lamang mayroon kang naranasang isang trahedya-may isang bagong bundok na kailangang akyatin. Huwag gamitin ang maraming oras sa pagrereklamo ukol sa mga nawala mo. Magpatuloy sa pag-akyat ng bagong bundok.

Noong 1976, si Elder Perry ay ipinakilala kay Barbara Dayton at sila ay kinasal noong tagsibol. Si Perry ay kilala sa pagdala ng tula na, "Aking Tatlong puting Bistida" sa kasikatan. Ang tula ay naisulat ng anak na babae ni Elder Perry, na si Linda Gay Perry Nelson. Si Perry ay binanggit ang tula sa kanyang pananalita noong Oktubre 1993 na Pangkalahatang Kumperensiya, Piliin ang Tama. :: "Piliin ang Tama," Watawat, Nob 1993 [2]. Ang tula ay regular na ibinebenta sa LDS na mga bentahan ng libro ngayon.

Mga panipi mula kay Elder L. Tom Perry:

Lumilitaw sa akin na ang mga panlaban ni Satanas ay saklaw at nakasentro sa mga asawang lalaki at ama. Ang midya ngayon, halimbawa, ay hindi humuhupa sa kanilang mga atake – kinukutya at minamaliit ang mga asawang lalaki at ama sa kanilang mga papel na ipinagkaloob ng Panginoon .... Si Satanas, sa kanyang maingat na ginawang plano upang sirain ang pamilya, ay ninanais na paliitin ang papel na ginagampanan ng mga ama. Ang pagtaas ng karahasan sa kabataan, krimen ng kabataan, mas mataas na kahirapan at pang-ekonomiyang buway, at ang kabiguan ng pagtaas ng mga bilang ng mga bata sa ating mga paaralan ay nagbibigay ng malinaw na katibayan ng kakulangan ng isang positibong impluwensiya ng ama sa tahanan. Ang pamilya ay nangangailangan ng isang ama na magpapatibay dito. ~ "Pagka-ama, isang walang hanggan pagtawag," Watawat, Mayo 2004

Ang ating komunidad ng mga Banal ay hindi isang pagbubukod ngunit isang pagsasama, na binuo sa pundasyon ng mga apostol at mga propeta, si Hesu Kristo mismo ang punong pundasyon nito. Ito ay bukas sa lahat sa atin na umiibig, nagpapasalamat, at nakikiramay para sa mga anak ng ating Ama na Nasa Langit. Ang dalawang pundasyon ng ating pang-ekonomiyang kagalingan ay ang mga prinsipyo ng kawanggawa at pagsisikap. Ito ay isang umuunlad na komunidad kung saan kailangan nating turuan ang ating mga kabataan ukol sa kagandahang-loob at pagkamagalang at din sa mas malalim na katotohanan ng ipinanumbalik na ebanghelyo. Ang ating komunidad ay may espirituwal na sentro, na nagpapahintulot sa atin upang mabuhay sa pagsasama ng Banal na Espiritu na ang gabay at ang siyang namamahala sa atin, sa ating mga buhay. ~ "Pagbubuo ng isang komunidad ng mga Banal," Watawat, Mayo 2001

Panlabas na mga Kaugnayan

L. Tom Perry – Mga pahina sa grampa bill ukol sa mga pangkalahatang awtoridad

LDS na silid-basahan nang artikulo ukol kay L. Tom Perry

Mga kagamitang pansarili
Sa ibang wika