Kultong Mormon

Mula sa MormonWiki

Ang mga kritiko ng Simbahang Mormon (Ang Simbahan ni Hesu Kristo ng mga Banal sa mga Huling Araw) ay itinuturing ito na isang kulto. Ang salitang ito ay ginamit bilang pang-iinsulto at pang-aakusa. Ang artikulo na ito ay tatalakay sa nilalaman ng mga sabi-sabi na ito kumpara sa katotohanan ukol sa Mormonismo.

Ano ang isang kulto?

Ang online na Merriam-Webster na diksyonaryo ay nagbigay ng limang kahulugan para sa salitang kulto:

• pormal na relihiyosong pamimitagan

• isang sistema ng relihiyosong paniniwala at ritwal; gayundin; ang katawan ng tagasunod nito

• Isang relihiyon na tinuturing na hindi tanggap at hindi totoo (unorthodox)

• Isang sistema para sa pagpapagaling ng sakit base sa iglesia na ginawa ng nagpasimula nito ( tulad ng mga kulto ukol sa kalusugan)

• dakilang katapatan ng loob para sa isang tao, ideya, bagay, kilusan, o gawain

Ang mga sumusunod ay nagbibigay ng literal na kahulugan sa salitang kulto- ang mga literal na kahulugan ay nakaaalis ng emosyonal na nilalaman

• Kahit anong grupo na taliwas sa kinikilala o makasaysayang Kristiyanismo

• isang grupo na nagsasabing nakikiayon sa katotohanan ng Bibliya subalit sa katunayan ay taliwas dito

• isang grupo na mayroong awtoritaryan, makarismang pinuno na may katangi-tanging paghawak sa kanyang mga tagasunod

• grupo na nagsasabing sila ang tanging paraan patungo sa Diyos

• isang grupo na gumagamit ng pananakot at manipulasyon para makakuha at makapanatili ng mga miyembro

• isang grupo na umaangkin sa mga pinansyal na pagmamay-ari ng kanyang mga myembro

• isang grupo na nagmomonopolisa sa oras at pag-iisip ng kanyang mga myembro, na naghahatid sa kanila upang iwasan ang ibang koneksyon at gawain

• isang grupo na hindi hinahayaang gumawa ng sariling desisyon ang isang myembro ng walang pahintulot ng pinuno

• isang relihiyon o sekta na itinuturing ng pangkalahatang lipunan bilang naniniwala sa pagkalabis, mapanganib o hindi ayon sa kaugalian

Madalas, ang mga bagong relihiyon ay tinatagurian ng lipunan bilang mga kulto. Ang mga relihiyon na ito ay nawawala nalang at nagtatago o kaya naman ay nakakukuha ng mga myembro at nagiging tanggap, kung kaya’t nawawala ang bansag sa kanila sa simula bilang isang kulto. Halimbawa, ang mga unang tagasunod ni Hesu Kristo ay itinuring na mga Hudyo na ganap na tumalikod sa katotohanan, o mga Hudyo na sinusubukang bumuo ng isang kulto kasama si Hesus, isang makarismang pinuno. Nang ang Kristiyanismo ay lumaganap sa mga Hentil, ito ay tinignan ng mga paganong lipunan bilang isang kulto ng ito ay pinakilala sa kanila. Ilang daang taon din ang lumipas bago naipatatag ang Kinikilalang Kristiyanismo. Ang kultosismo ( para sa mga Kristiyano) ay nangangahulugan na may relasyon sa pinagkaugalian..

Kailangan tandaan na ang kahulugan ng mga salitang kulto at sekta sa Ingles ng mga taga Bretanya ay kasalungat ng sa Ingles ng mga Amerikano. Para sa mga Amerikano, ang sekta ay isang sangay o dibisyon ng isang malaking relihiyosong grupo at sa kabilang dako ang kulto ay isang labis o di kinikilalang grupo. Para naman sa mga taga Bretanya, ang kulto ay isang sangay o dibisyon ng isang malaking relihiyosong grupo, at ang sekta ay isang labis o di kinikilalang grupo.

Ang Mormonismo ba ay isang kulto sa literal na kahulugan? Ang unang literal na kahulugan ng salitang kulto bilang isang pormal na relihiyosong pamimitagan ay nagsasalaysay sa lahat ng relihiyon sa mundo. Ang Mormonismo ay isang relihiyon at isang simbahan. Ito rin ay isang sistema ng mga relihiyosong paniniwala at ritwal, na sumasang- ayon sa ikalawang kahulugan ng kulto tulad ng lahat ng relihiyon. • Ang Mormonismo ba ay hindi ayon sa kaugalian o orthodox?Ang kasagutan sa tanong na ito ay nakadepende sa pagtingin ng isang tao sa mga bagay-bagay. Ang Kristiyanong pinagkaugalian (Christian orthodoxy) ay nagsimula pa noong panahon ng pagkakaroon ng mga konseho upang gumawa ng mga desisyon patungkol sa doktrina pagkatapos mamatay ang mga Apostoles. Ang Protestant orthodoxy naman ay nagsimula pa noong Protestanteng Repormayon na pinasimulan ni Martin Luther noong 1517. Kung ang isang tao ay titignan at susukatin ang Doktrinang Mormon laban sa mga kaugalian at mga tinatanggap na mga ito, ang Mormonismo ay maituturing na hindi umaayon sa kaugalian. Subalit, ang mga Mormons ay naniniwala na itinuro ng Diyos ang totoong doktrina kay Adan at sa bawat propeta na sumunod kay Adan, gayundin na ang kinaugalian ay isang pagtalikod mula sa totoong doktrina na naitaguyod kasama si Adan at lahat ng mga propeta. Samakatuwid, ang Mormonismo ay ang panunumbalik ng totoong doktrina ng Diyos at lahat ng iba pang sekta ng Kristiyanismo ay maaaring tignan bilang hindi naaayon sa kinaugalian o unorthodox. • Diyos ang natatanging makasasagot ng katanungan na ito, at ang Diyos ay nakahanda na sagutin ang tanong na ito ng kahit sino na magtatanong sa kanya ng buong katapatan. “At kapag inyong matanggap ang mga bagay na ito, ipinapayo ko sa inyo na itanong ninyo sa Diyos, ang Amang Walang Hanggan, sa pangalan ni Cristo, kung ang mga bagay na ito ay hindi totoo; at kung kayo ay magtatanong ng may matapat na puso, na may tunay na layunin, na may pananampalataya kay Cristo, kanyang ipaaalam ang katotohanan nito sa inyo, sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo. At sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo, malalaman ninyo ang katotohanan ng lahat ng bagay.” (Moroni 10:4-5) • Ang Mormonismo ba ay isang Kultong Pangkalusugan? Hindi. Hindi rin panghalili ang Mormonismo sa kalinga para sa kaulusugan. Ang mga Mormons ay humihingi ng tulong medikal kapag sila ay may sakit o nasaktan o napahamak, gayundin, humihingi sila ng banal na tulong sa pamamagitan ng pananalangin o biyaya mula sa mga pinagkalooban ng pagkakasaserdote. Ang mga Mormons ay sumusunod sa isang alituntuning pangkalusugan na ibinigay ng Diyos, na tinatawag na “Salita ng Karunungan” na matatagpuan sa ikawalumput-siyam na kabanata ng Doktrina at mga Tipan. Ang mga Banal sa mga Huling Araw ay binigyan ng payo ng kanilang mga pinuno na huwag lumihis sa kung ano ang ibinigay at huwag magbasa sa mga alituntuning pangkalusugan na ito ng mga hindi naman naroroon. “Kapag ginawa natin ang isang batas ukol sa kalusugan at iba pang prinsipyo bilang isang uri ng relihiyosong panatismo, tayo ay tumitingin ng lampas na sa marka.” • Ang mga Mormons ba ay nagpapakita ng dakilang debosyon sa isang tao, ideya, bagay, kilusan o gawain? Ang mga Mormons ay deboto kay Cristo. Ang Mormonismo ba ay isang kulto ayon sa Emosyonal na Kahulugan? Sumasalungat ba ang Mormonismo mula sa kinaugalian o makasaysayang Kristiyanismo? Oo, ngunit hindi sa orihinal na Kristiyanismo na ibinigay kay Adan at sa lahat ng propeta na sumunod kay Adan. Sinasabi nga ba ng Mormonismo na nakikiayon sila sa Bibliya subalit ang totoo ay sumasalungat dito? Ang Mormonismo ay ganap na sumasang -ayon sa katotohanan ng Bibliya. Ilan sa mga halimbawa: 1. Ang Bibliya ay naniniwala na si Hesu Kristo ay nabuhay muli. Ang mga Mormons ay naniniwala na si Kristo ay isang pa ring katauhan na nabuhay muli. 2. Binanggit ni Apostol Paul ang tungkol sa pagbibinyag para sa mga yumao, isang ordinansa na makikita lamang sa Simbahan ni Hesu Kristo ng mga Banal sa mga Huling Araw (1 Korinto 15:29) 3. Si Kristo ay nagdasal kay Diyos Ama. Ang mga Mormons ay naniniwala na si Kristo at ang Diyos Ama ay dalawang magkahiwalay na Katauhan (Juan 14:16) 4. Bininyagan si Kristo sa pamamagitan ng paglulubog sa tubig. Ito lamang ang nag-iisang tanggap na paraan ng pagbibinyag sa mga Mormons. • Ang Mormonismo ba ay mayroong makarisma, awtoritaryan na pinuno na may pambihirang panghawak sa mga myembro ng simbahan? Ang mga nag-aakusa sa Mormonismo bilang isang kulto ay naniniwala na si Joseph Smith ay isang uri ng pinuno na tulad ng nabanggit. Si Joseph Smith ay kinikilala bilang unang propeta sa mga huling araw at bilang isang tao na may matatag na patotoo na may di mapukaw na katapangan. Siya nga talaga ay makarisma, sa paraang siya ay nakakita ng pangitain, nakipag usap sa Diyos at sa mga anghel at nakagamit ng mga espiritwal na kapangyarihan tulad ng propesiya at pagpapagaling (katulad ng lahat ng mga naging propeta) Subalit, si Kristo ang tunay na binibigyang kapitagan ng mga Mormons, at si Kristo ay namumuno gamit ang kanyang maamong mga kamay, parating naggagarantiya ng kalayaang pumili sa kanyang mga tagasunod. • Ang Mormonismo ba ay nagsasabing ito ang tanging daan pabalik sa Diyos? Naniniwala ang mga Mormons na ang tanging daan pabalik sa Diyos ay sa pamamagitan ni Kristo. Subalit, hindi hahatulan ang mga tao na walang karunungan ukol dito. Ang Diyos ay tumitingin sa puso kapag Kanyang hinuhusgahan ang sanlibutan. • Ang Simbahan ni Mormon ba ay gumagamit ng pananakot at manipulasyon upang ito ay makapangalap at makapanatili ng mga myembro? Hindi. Kapag, tinuturuan ng mga misyonero ang mga tagasiyasat, pinapayuhan sila agad-agad na magdasal upang malaman nila ang katotohanan sa kanilang sarili. Ang kalayaang pumili at inspirasyon mula sa itaas ay gitna sa mga gawain ng simbahan. Totoo na ang mga karapat-dapat na myembro ng simbahan lamang ang maaaring makapasok sa templo. Isang kritiko ang maaring magsabi na ang pagkakait ng biyaya ng templo ay isang uri ng pananakot. Simple lamang, ang templo ay tahanan ng Diyos at walang maruming bagay ang maaaring makapasok dito. • Ang Mormonismo ba ay umaangkin sa mga pinasyal na pagmamay-ari ng kanyang mga myembro? Ang Simbahan ni Mormon ay walang binabayarang kapisanan ng mga pari o pastor. Ang simbahan ay nagbibigay sala sa “huwad na pagkakasaserdote”, yaon ay ang paggamit ng relihiyon upang makakuha ng tubo, at gayundin ang simbahan ay walang mga ministro na nagtuturo upang makakuha ng pera. Ang mga dedikadong myembro ng simbahan ay nagbabayad ng ikasampung bahagi- ito ay sampung porsiyento ng kita ng isang tao. Isang beses sa bawat buwan, ang mga Mormons ay hindi kumakain ng dalawang kainan at ibinibigay ang katumbas na halaga ng kanilang pagkain sa mga mahihirap. Mayroon din silang pagkakataon na magbigay ng donasyon sa trabahong pangmisyonero at makataong tulong. Lahat ng donasyon ay ibinibigay ng bukal sa loob at pinapanatiling kompidensyal. • Ang Mormonismo ba ay nagmomonopolisa ng oras at pag-iisip ng kanilang mga myembro kung kaya’t ang mga myembro ng simbahan na ito ay umiiwas sa ibang koneksyon at gawain? Ang mga Mormons ay malaya na magbigay ng kanilang oras para sa serbisyo sa simbahan. Ang mga Mormons ay pinayuhan na tumanggi sa mga imbitasyon na magbigay serbisyo kapag ang serbisyong ito ay makaaagaw ng kanilang oras para sa kanilang pamilya. Ang mga programa ng simbahan ay ginawang organisado upang hindi nito makuha ang oras para sa pamilya. Minsan, kapag ang isang tao ay nagpabinyag sa simbahan, ang kanyang mga kapamilya at kaibigan ay inaalimura at iniiwan siya. Ang simbahan ay nagtuturo ukol sa pagpapasensya at sa mapagmahal na komunikasyon. Kung kaya naman sa paglipas ng panahon, ang mga kaibigan at kapamilya ng mga nagpabinyag sa simbahan ay lumalambot din ang puso at matatagpuan na ang relasyon sa pamilya ay maaari pa ring maging tulad ng dati. • Ang Simbahan ni Mormon ba ay nilalagay sa kompromiso ang abilidad ng isang tao upang gumawa ng sarili niyang pagpili o desisyon ng walang pahintulot o payo ng kanyang mga pinuno? Ang mga pinuno ng Simbahan ay nanunungkulan gamit ang kanilang mga kakayahan sa organisasyon, pagtuturo at pagpapayo. Sa proseso ng pagsisisi sa kanilang mga kasalanan, ang mga myembro ng simbahan ay maaaring humingi ng payo sa kanilang obispo o Pangulo ng istaka. Lahat ng ginagawa sa simbahan ay sa pamamagitan ng boluntaryong pamamaraan. Ang mga pagpili ay pansarili at ang mga myembro ay pinayuhan na maghanap ng inspirasyon mula sa Banal na Espiritu patungkol sa mga pansariling mga bagay-bagay. • Ang Mormonismo ba ay kinikilala ng pangkalahatang lipunan bilang naniniwala sa pagkalabis, mapanganib at taliwas sa kaugalian o unorthodox? Oo. Yaon ay bago ito makilala ng husto ng lipunan.. Nakukuha ng mga Mormons ang respeto ng kanilang pamilya, kapit-bahay, komunidad at mga bansa sa pamamagitan ng kanilang responsableng pag-uugali, katapatan at pangkalahatang kagandahang asal. Ang ikalabindalawa at ikalabintatlong Saligan ng Pananamalataya ang nagbubuod ng pag-aangkop ng pag-uugali ng mga Mormons. 12. Naniniwala kami sa pagpapasailalim sa mga hari, pangulo, namamahala at hukom, sa pagsunod, paggalang at pagtataguyod ng batas. 13. Naniniwala kami sa pagiging matapat, tunay, malinis, mapagkawanggawa, marangal at sa paggawa ng mabuti sa lahat ng tao; sa katotohanan, maari naming sabihing sinusunod namin ang payo ni Pablo- naniniwala kami ng maraming bagay, at umaasang makapagtitiis sa lahat ng bagay. Kung may anumang bagay na marangal, kaaya-aya o magandang balita, o maipagkakapuri, hinahangad namin ang mga bagay na ito Paano Sumasagot ang mga Mormons Iniimbitahan ng mga Mormons ang mga nagsusulong ng mga kontrobersiya na magturo ng katotohanan at hindi ng mga kasinungalingan ukol sa simbahan. Inaanyayahan din ng mga Mormons ang mga taong wala pang karunungan tungkol sa simbahan na magtamo ng kaalaman tungkol sa mga Mormons at sa Mormonismo. Kahit na ang mga pagkukutya, maling paglalarawan at kasinungalingan patungkol sa mga Mormons at sa Mormonismo ay isang patuloy na suliranin,ang pamunuan ng simbahan ay pinayuhan ang mga myembro na huwag tumauli o makipagtalo bagkus panatilihin ang kanilang mga sagot “ sa uri na makapagbibigay ng positibong eksplanasyyon ng mga doktrina at gawain ng simbahan.” (Mga Balita ng Simbahan, Disyembre. 18, 1983, pahina 2.) en;Mormon cult

Mga kagamitang pansarili