Kolonisasyon ng Kanluran

Mula sa MormonWiki


Ang proseso ng emigrasyon ng mga Mormon ay nagsimula noong 1840's at tinulungan ang 5000 taga-Europang nagpalit ng pananampalataya sa pangingibang-pook papunta sa Nauvoo, Illinois. Simula noong 1846, ang Simbahan ay nag-organisa ng 16,000 mga tao sa loob at paligid ng Nauvoo upang gawin ang malaking paglalakbay papunta sa Winter Quarters, Nebraska, at pumalaon ay papunta naman sa lambak ng Salt Lake. Sa taong 1890, ang mga ahente ng Simbahan ng Mormon ay itinungo ang pangingibang pook ng 83,000 miyembrong Europeano papunta sa lambak ng Salt Lake. Ipinalagay ng mga Dalubhasa ang pakikipag-ayos na ito ng Simbahan marahil bilang ang pinakamahusay na sistema ng pagayos sa imigrasyon sa kasaysayan ng Estados Unidos.

Kadalasang mga imigranteng bagong dating sa Lungsod ng Salt Lake ay ang mga unang inilagay na magtrabaho upang itayo ang kaharian sa pamamagitan ng isang gumaganang pampublikong sistema. Nakatuon sa Temple Square sa Lungsod ng Salt Lake, ang Kagawaran ng Pagawaing Bayan ng Simbahan ay nagbigay ng trabaho para sa mga dayuhan sa panahon ng kanilang unang taglamig sa Lambak ng Salt Lake. Tumulong sila sa sa karagdagan ng mga kapaki-pakinabang na istruktura ng mga kalsada, mga pader, mga bahay-pulangan, mga riles ng tren, mga linya ng telegrapo, mga kanal, ang teatro ng Salt Lake, at ang sikat na Templo ng Salt Lake at ang tabernakulo.

Nang ang mga Banal ay nasa Kirtland, pinayuhan ng Panginoon ang propetang si Joseph Smith: ... At ito ay mangyayari, na matapos ang mga ito ay maibigay sa harapan ng obispo ng aking simbahan, at matapos niyang matanggap ang mga patotoong ito hinggil sa apaglalaan ng mga ari-arian ng aking simbahan, na ang mga yaon ay hindi na makukuha mula sa simbahan, alinsunod sa aking mga kautusan, bawat tao ay bmananagot sa akin, isang ckatiwala sa kanyang sariling ari-arian, o sa yaong kanyang natanggap sa pamamagitan ng paglalaan, yayamang sapat na para sa kanyang sarili at dmag-anak. (D&C 42:32).

Sapagkat kinakailangan na ako, ang Panginoon, ay dapat apanagutin ang bawat tao, bilang isang bkatiwala sa mga makalupang pagpapala, na aking ginawa at inihanda para sa aking mga nilalang. (Doctrine and Covenants 104:13).

Sa pagsunod sa doktrinang ito, ang bawat tao ay magkaroon ng ari-ariang sapat upang suportahan ang kanyang pamilya, habang ang anumang sobra ay nauukol lamang sa kamalig ng Panginoon. Ang karapatan sa mga ari-arian ay kundisyonal na ibinigay at hindi protektado kung ang nais ng nagmamay-ari ay huwag gamitin o palaguin ang kanyang ari-arian. At, sapagkat ang mga ari-arian ay itinuturing na pagmamay-ari ng Diyos, at para sa ikabubuti ng lahat sa mga komunidad, ang mga palagay na bantiti ng lupain mula sa paggamit nito ay mahigpit na ipinagbabawal. Ang pagbili o sakim na paglalaan ng mga lupain ng bayan para sa pansariling kapakanan ng pagdaragdag ng kanilang halaga ay ipinagbabawal. Ang masakim na pag-iimbak ng salapi ay lumalabag din sa patakaran ng Simbahan.

Ang layunin ng kolonisasyong Mormon at paglilinang sa yaman, at ng bayang Mormon ay pagsasariling pang-ekonomiya. Ang isang komonwelt ng Mormon ay nangangailangnang magkaroon ng kasarinlan sa pananalapi at pang-ekonomiyang aspeto. Kahit ngayon, pinapayuhan ang mga Mormon na tumayo sa sariling mga paa. Sinabi ni Elder L. Tom Perry ang mga ito tungkol sa prinsipiyo:

Ang kasarinlan at pagtayo sa sariling mga paa ay kritikal sa ating mga espirituwal at temporal na paglago. Tuwing tayo ay pumapasok sa mga sitwasyon kung saan ay may banta sa ating pag-asa sa sarili, makikita natin na ang ating kalayaan ay napagbabantaan din. Kung ating itinataas ang pag-asa sa anumang bagay o sa kung sinuman maliban sa Panginoon, makakanap tayo ng isang agarang pagbawas sa ating kalayaang upang kumilos. Sa ipinahayag ni Pangulong Heber J. Grant, "Walang makasisira sa sariling katangian ng isang tao, isang babae, o ang isang bata ng gaya ng kabiguan sa pagtitiwala sa sarili." ("Pagtitiwala sa sarili," Sagisag, Nobyembre 1991, 64).

Ang prinsipyo ng pag-asa sa sarili ay madalas at malawak na ginagamit. Sa “Great Basin”, ang mga banal na Mormon ay inatasang gumawa ng sarili nilang mga bakal, gumawa ng sarili nilang koton, magsulid ng sarili nilang mga sutla, at gilingin ang sarili nilang mga buty -lahat ng ito nang walang panghihiram mula sa "tagalabas." Ito ay nagsasalaysay na ang kasarinlan ay isang praktikal na patakaran dahil pinagpala ng Diyos and bawat rehiyon na may mga resources na kinakailangan para sa paggamit ng mga tao at ang pag-unlad ng rehiyon na iyon. Bilang resulta ng mga prinsipyong inilalapat, ang “Great Basin” pa lang ang kauna-unahang malaking rehiyon ng Estados Unidos na ang maagang pag-unlad ay higit na nagawa nang walang panlabas na capital.

Ang ilan dito ay kasama sa mga opisyal na nasponsor na mga proyekto para sa kasarinlan:

 Ang isang bakal na misyon, na binubuo ng higit sa 200 mga pamilya na tinawag ng Simbahan na nagsikap at nagpagod upang paunlarin ang mapagkukunan ng bakal at karbon na malapit sa Lungsod ng Cedar, Utah  Ang isang asukal na misyon, na kung saan ang ilang daang mga tao ay nagkaisa noong 1850s sa pagsisikap na magtatag ng industriya ng asukal at aselga sa Utah  Ang isang tinggang misyon, na kung saan ang ilang limampung lalake ay tinawag na sa upang magtrabaho sa minahan malapit sa Las Vegas, Nevada, na magbigay ng tingga para sa pintura at bala  Ang isang koton na misyon, na nagpadala ng higit sa isang libong mga pamilya sa timog Utah upang itaas ang koton kasama ng mga olibo, mga ubas, mga anyil, mga butil batad, at mga igos  At sutlang misyon, na sangkot sa pag-unlad ng puno ng malberi at ang pagtatatag ng isang industriya ng sutla sa bawat naaayong komunidad

Kategroya: Kasaysayan ng Mormon

Mga kagamitang pansarili
Sa ibang wika