Katatagan at paglago

Mula sa MormonWiki

Talon sa: nabigasyon, paghahanap Bumalik sa pangkalahatang artikulo: Kasaysayang Mormon Bumalik sa nakaraang oras ng panahon

Nilalaman [Itago] • 1 Isang Panahon ng Kapayapaan at Paglago o 1.1 Pangkalahatang-ideya o 1.2 Ang mga Pagkakapangulo nina Wilford Woodruff at Lorenzo Snow o 1.3 Ang Pagkapangulo ni Joseph F. Smith o 1.4 Ang Pagkapangulo ni Heber J. Grant

Isang Panahon ng Kapayapaan at Paglago

Mga nilalaman

Pangkalahatang-ideya

Mula noong huling bahagi ng 1800s, nang ang Utah ay naging isang estado, hanggang sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang Mormonismo at ang Simbahang Mormon ay umunlad mula sa pagiging nakabukod na relihiyon sa Utah, sa pagkakaroon ng paggalang mula sa pangunahing lipunan ng Amerika, at ito ay naging mas nakapaloob sa bansa. Ang Mormonismo ay lumago rin sa labas ng Estados Unidos, lalo na sa Mexico, Canada, at England, habang libo-libo ang sumali sa Simbahan sa Alemanya. Ang gawaing misyonero ay nagsimula na rin sa Japan at Korea. Ang panahong ito rin ang nagpakita ng marami pagpapatatag sa pagsasanay at organisasyong Mormon. Maraming mga organisasyon ng Simbahan ay ginawang talagusan at ginawang regular sa paghahanda para sa mga pagputok na paglago ng Simbahan sa kalaunang kalahating parte ng ikadalawampung siglo. Sa katapusan ng panahong ito, lamang matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, Ang Simbahan ni Hesu Kristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay itinakda upang maging isang internasyonal na Simbahan.

Ang mga Pagkakapangulo nina Wilford Woodruff at Lorenzo Snow

150px-Lorenzo-Snow-mormon.jpg

Sumusunod sa kalagayan ng estado, na nagbigay ng maraming restriksyon sa Simbahan, ang mga pampulitikang partido na nakabase sa Utah ay inabanduna, lalo na ang mga ineendorso ng Simbahan na mga pantaong partido, at marami sa mga Mormons ang naging Demokrata, dahil sa ang mga Republikan na mga partido ay ang naging nagpasimulang lakas sa likod ng maraming pag-uusig noong mga 1880s. Dahil sa takot ng pamahalaang interbensyon kung ang mga Mormon ay lumitaw na bumoto lamang sa mga bloke, ang ilang mga lider ng Simbahan, kabilang ang Apostol na Mormon na si Joseph F. Smith, ay hinikayat ang mga Mormon upang isaalang-alang ang parehong partido. Kanya ring binanghay ang mga dahilan kung bakit ang mga Mormon ay dapat na ikonsidera ang pagiging Republikano. Bilang bahagi ng kanilang pagsisikap na ipakita ang kanilang katapatan sa Estados Unidos, ang Simbahang Mormon ay gumawa ng isang pahayag na sumusuporta sa Estados Unidos laban sa Espanya sa Digmaang Espanyol-Amerikano noong 1898. Ang panahong ito rin ay nakakita ng maraming mga simula. Noong Nobyembre ng 1896, si Pangulong Wilford Woodruff ay itinuro na ang unang Linggo ng bawat buwan ay kailangang ilaan para sa pag-aayuno. Ang linggo ng Pag-aayuno, na tawag ng mga Mormon dito, ay ginagawa pa rin. Sa araw na iyon, ang mga Mormon ay hindi kumakain at umiinom ng anumang bagay sa loob ng 24 na oras at binibigay ang mga alay upang makatulong sa mga mahihirap. Noong una, ang mga handog na ito ay sa iba’t ibang uri, tulad ng mga manok, gatas, itlog, o damit. Sa unang bahagi ng 1900s, ang kontribusyon ng iba’t ibang uri ng bagay ay hindi na ipinagpatuloy. Noong 1897, ang magasin na Pagpapabuting Panahon o “Improvement Era”ay sinimulan, na kung saan ito ay pinalitan ng pangalan bilang Ang bandila o “Ensign” noong 1970s, at nagpatuloy bilang opisyal na magasin ng Simbahang Mormon. Ang unang nag-iisang, babaeng misyonero misyonero ay ipinadala palabas noong 1898. Si Pangulong Wilford Woodruff ay namatay noong 1898, at si Lorenzo Snow ang naging pangulo at propeta ng Simbahan pagkatapos. Noong Oktubre ng 1898, Si Pangulong Snow ay nag-isyu ng mga bono upang makatulong na alisin ang Simbahan sa pagkakautanga na sanhi ng matinding pag-uusig noong 1870s at 1880s. Noong Mayo 1899, habang naglalakbay sa tagtuyot na lugar ng St. George, Utah, siya ay nakatanggap ng isang paghahayag na ang mga miyembro ng Simbahan ay hindi nagbabayad ng buong ikapu, iyon ay, 1 / 10 ng kanilang taunang kita, na iniutos ng Panginoon. Kaniyang ipinangako sa kanila na kung ito ay kanilang babayaran, ang ulan ay babalik at ang Simbahan ay makaaalis na sa pagkakautang. Sa loob ng ilang buwan, ang halaga ng ikapu na binabayaran ng ay domoble at sigurado nga, ang ulan ay dumating. Noong 1907, ang Simbahan ay inihayag na sila ay labas na sa utang. Ang ikadalawampung siglo ay nagsimula nang mayrrong 271,681 miyembro, halos lahat sa isang sinturon mula sa hilagang Mexico hanggang sa timog Canada. Ang gawaing misyonero ay nagpatuloy, at si Lorenzo Snow ay binigyan ng direksyon ang mga misyonero na magturo sa Japan noong 1901. Si Pangulong Snow din ay ipinalabas muli ang Manipesto [1] dahil sa ilang mga miyembro ng Simbahan, lalo na ang mga hindi sa Estados Unidos, ang naniniwala na hindi ito nararapat para sa kanila. Si Pangulong Snow ay namatay noong ika 10 ng Oktubre 1901.

Ang Pagkapangulo ni Joseph F. Smith

150px-Joseph-F-Smith-mormon.jpg

Si Joseph F. Smith, pamangkin ni Pangulong Joseph Smith na ang unang Pangulong Mormon, ipinanganak na isang Mormon at ang huli na nagkaroon ng pagkakataon na makilala si Joseph Smith, ay ang naging pangulo ng Simbahan noong 1901. Siya at ang kanyang kahalili na si Heber J. Grant, ang nakakita ng isang panahon ng pagtaas ng pambansang pakikisalamuha at respeto, kahit na may kaisa pa ring maraming hamon. Kanila ring pinamunuan ang pagbili at pangangalaga ng maraming mga mahahalagang makasaysayang lugar. Ang mga problema ukol sa mga Pederal na Pamahalaan ay nagpatuloy, at maraming mga Mormon ang nahirapan na makakuha ng mga pampublikong opisina. Noong 1898, si BH Roberts ng korum ng mga Pitumpu, ay inihalal sa kapulungan ng mga Kinatawan ng Estados Unidos, ngunit ang Kongreso ay pinagbawalan siya mula sa pagkuha ng kanyang pwesto. Noong 1903, si Reed Smoot, isang Apostol, ay nahalal sa Senado ng Estados Unidos. Ang kanyang pagkakahalal ang nagpasimula ng isang dalawang taon na paglilitis sa kanyang pagtatangka upang makuha ang kaniyang pwesto. Sa huli, marami sa mga pinuno ng Simbahan ay ipinatawag na humarap sa Kongreso. Si Pangulong Joseph F. Smith ay inilitis ng mahabang panahon. Ang isyu ay ang pagpapatuloy ng ilang mga Mormon ng pag-aasawa ng higit sa isa, at takot na si Reed Smoot ay hindi kayang paghiwalayin ang kaniyang relihiyon at pampulitikang mga obligasyon. Si Theodore Roosevelt man ay humingi ng tulong kay Smoot, na noon ay isang Republikano. Noong 1904, Si Pangulong Smith ay naglabas ng pangalawang Manipesto, na nagbabawal sa pag-aasawa ng higit sa isa sa buong Simbahan. Nagdulot ito na ang dalawang Apostoles na Mormon na sina John W. Taylor at Matthais F. Cowley na magbitiw. Si Taylor ay iniskomulgado mula sa Simbahan. Sa huli, si Smoot ay kinuha ang kanyang upuan at nagsilbi sa senado ng Estados Unidos ng kahanga- hanga nang halos tatlumpung taon. Sa ilalim ng Pangulong Joseph F. Smith ang Simbahan ay nagtatag ng mga bagong magasin tulad ng Balita ukol sa Simbahan (“Church News”), at Ang Kaibigan ng mga Bata (“The Children's Friend”), na nagpapatuloy sa araw na ito. Kaniya ding pinangasiwaan ang dalawang ospital na binuo ng Simbahan, ang “LDS Hospital” at “Primary Children's Hospital”, parehong nasa Salt Lake City. Noong 1903, ang Akademya ng Brigham Young ay opisyal na naging Unibersidad ng Brigham Young, ang pinaka sikat na kolehiyo ng Simbahang Mormon, kahit na ang Simbahan ay nagpapatakbo ng ilan pang mga kolehiyo sa Utah, Idaho, Hawaii, at New Zealand, pati na rin ang maraming iba pang mga sekundaryong mga paaralan sa Isla Pasipiko at sa Mexico. Sa huli, ang Simbahan ay inalis ang sarili sa karamihan sa mga institusyong ito, maliban na lamang sa BYU at ang kanyang mga kasunod na mga paaralan sa Hawaii at Idaho, at ang ilan pang mga iba. Si Joseph F. Smith ay kilala para sa kanyang maraming malalalim na dogmatikong turo. Siya ay nagpalabas ng pahayag sa pinagmulan ng sangkatauhan, ang kalikasan ng Pagkadiyos, ang papel ni Hesu Kristo, at iba pa. Siya ay isang malaking tagapagtaguyod ng edukasyon at noong 1912, ang programa ng seminaryo ay pinasimulan sa Lungsod ng Salt Lake. Ang programa ay nagbibigay ng araw-araw edukasyong panrelihiyon para sa mga tinedyer na mga Mormon at ito ay patuloy pa rin ngayon. Kaniya ring pinangasiwaan ang paghiram ng programa ng Boy Iskaut, isang pakikipagtulungan na kung saan ay nagpapatuloy mula pa ng panahong iyon. Noong 1913, siya ay nagbasag lupa para sa unang templong Mormon sa labas ng Estados Unidos, sa Alberta, Canada. Noong 1915, siya ay nagbasag lupa para sa isang templo sa Hawaii, ang unang templo sa labas ng kontinental na Estados Unidos. Saglit na panahon bago siya namatay, siya ay nagkaroon ng isang pangitain sa kaligtasan ng mga patay at ng kahalagahan ng mga gawain sa templo. Ito ay kinalaunang naisama sa mga Doktrina at mga Tipan seksyon 138. Siya ay namatay noong Nobyembre. Dahil sa epidemya na trangkasong espanyol, ang kanyang libing ay hindi bukas sa publiko, at para sa mga sumunod na mga buwan ang mga malalaking pulong ng Simbahan ay kinansela.

Ang Pagkapangulo ni Heber J. Grant

150px-Heber-j-grant-mormon.jpg Si Heber J. Grant ang unang Propeta ng Simbahang Mormon na ipinanganak sa Utah. Siya ay naging pangulo noong Nobyembre, 1918. Ang kanyang pagkapangulo ang nakakita ng paglago ng Simbahan sa buong Estados Unidos, at sa kaniyang panahon, maraming mga Mormon ang tumaas ang katanyagan sa Amerika, na nakatulong na iwaksi ang maraming katha at mga sabi-sabi tungkol sa Simbahan. Ang kanyang pagiging tanyag bilang isang tagapagsalita, kahit na sa gitna ng mga hindi Mormon, ang naghantong sa kanya upang magsalita sa buong bansa sa maraming mga magkakaibang mga pagtitipon na sumusuporta sa mga moral at pampulitikang dahilan. Siya ang nagdedika ng templo sa Hawaii noong 1919, at ang templo sa Alberta, Canada noong 1923, na nagmarka sa paglago ng Simbahan sa labas ng Utah. Noong 1920, Si Pangulong Grant, isang malakas na tagapagtaguyod ng kalusugan, ay muling binigyang diin ang kahalagahan ng Salita ng Karunungan, na kung saan maraming mga Mormon ang naging pabaya sa pagsunod nito. Siya rin ay nangampanya ng maiigi para sa pagbabawal nito. Noong 1922, ang Simbahang Mormon ay tumulong na simulan ang KZN, ngayon ay KSL radio, at si Pangulong Grant ay ang siyang unang nagsalita sa mga ito, na ang unang istasyon ng radyo sa Bulubunduking Kanluran. Noong 1928, ang Mormon na Tabernakulong Koro ay nasimulan ang kanyang nanalo ng parangal na Musika at ang Sinasalita Salita, na mula noon ay naging ang pinakamahabang tumatakbong brodkast sa kasaysayan ng radyo. Si Pangulong Grant ay kilala para sa kanyang pag-aalala para sa iba at para sa kanyang pangangaral sa isang Ebanghelyo ng pagmamahal. Siya nga ang nag-instuto sa programa ng Tahanang Pagtuturo kung saan ang dalawang tao ay bumibisita ng mga miyembro ng isang kapisanan upang turuan sila ng Ebanghelyo at gawaran sila ng tulong. Ang mga tahanang guro kung sila ay tawagin ay naging isang mahalagang aspeto ng buhay Mormon. Noong 1925, Si Pangulong Grant ay itinatag ang Tahanang Misyonero, ang mga tagapagpagpauna ng Sentro ng Pagsasanay ng mga Misyonero, karaniwang tinatawag na MTCs ng mga Mormon. Sa sumunod na taon, 1926, ang Simbahan ay sinimulan ang programa ng Instituto ng Relihiyon na nagbibigay ng edukasyong panrelihiyon para sa kolehiyong mga Mormon. Si Pangulong Grant din ay hinikayat ang mga Mormon na magbigay ng oras bilang magkakapamilya, na humantong sa kung tawagin ng mga Mormon na Pantahanang Gabi ng Pamilya o “Family Home Evening”, kung saan ang mga pamilyang Mormon ay nagtatabi ng isang gabi sa bawat linggo, kadalasan sa Lunes, sa pag-aaral ng Ebanghelyo, o lamang maging kasama ang bawat isa. Tulad ng sa lahat ng dako ng mundo, ang malaking depresyon ay matindi ang naging epekto sa Utah. Pagkatapos ng ilang taon, si Harold B. Lee, isang hinaharap na pangulo ng Simbahan, ay nagsimula ng isang programa upang magbigay ng trabaho at tulong para sa mga Mormon sa kanyang lugar. Ang Simbahan pagkatapos ay inumpisahan ang programang ito sa mga Simbahan sa buong mundo noong 1936 bilang ang Programa ng Seguridad ng Simbahan, na kinalaunang tinawag na Programa ng Kapakanan. Ito ay nakatulong sa libu-libong mga pamilya na masuportahan ang kanilang sarili sa panahon ng malaking depresyon at patuloy na tumutulong sa marami sa mga araw na ito. Ang mga kaganapang pandaigdig ay patuloy na nakaapekto sa Simbahan, lalo na nang ito ay lumago sa ibang bansa. 11,000 na mga tao ang sumali sa Simbahang Mormon sa Alemanya noong 1920s. Ang Simbahan ay inayos ang kanyang unang mga istaka sa labas ng Utah noong 1920s. Ang MAringal na Pagtatanghal sa Burol ng Cumorah ay nagsimula noong 1937 at patuloy na nakaaakit ng libu-libong mga bisita sa bawat taon sa mga lugar kung saan ang Aklat ni Mormon ay nahukay at naisalin. Maraming mga makasaysayang mga lugar ang binili at ang mga sentro ng mga bisita, na tulad ng sa Temple Square ay itinatag. Gayunman, ang mga kaganapan sa Europa ay ang naging dahilan kug bakit napilitan ang Simbahan na bawiin ang kanyang mga misyonero mula sa karamihan ng mga bansa noong Agosto ng 1939, isang linggo lamang bago nasalakay ni Hitler and Poland. Sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang mga Mormon ay natagpuan ang kanilang sarili sa magkabilang panig. Sa oras na ito na ang Simbahang Mormon ay itinatag, kahit na sa maliliit na mga kongregasyon, sa halos lahat ng mga kalahok na mga bansa, Allied at Axis. Si Pangulong Grant ay inilabas ang isang pahayag noong 1942, na sinasabi na ang responsibilidad para sa mga digmaan ay nakapasan sa mga pinuno ng mga bansa at habang ang mga Mormon ay laban sa digmaan, kanila ring sinusuportahan ang batas at dahil dito ang mga Mormon ay maaaring maging bahagi ng militar. Upang matulungan ang mga Mormon sa militar, ang Simbahan ay itinakda si Hugh B. Brown, isang Canadian na abugado, na maging isang tagapag-ugnay para sa mga sundalong Mormon. Ang Simbahan din ay nagpalimbag ng espesyal, mas maliliit na mga kopya ng Aklat ni Mormon at ang Bagong Tipan na pinahihintulutan ang mga sundalo upang dalhin ang mga kasulatan na ito sa panahon ng digmaan. Gayunpaman, maraming mga Mormon sa Europa ang nagpakasakit. Sa Alemanya, ang mga Mormon ay naglakad ng isang pinong linya at habang hindi kailanman sila ay ang naging pinatatamaan ng pag-uusig tulad ng mga Hudyo o Saksi, ang kanilang mga pagpupulong ay binantayan. Tatlong kalalakihang Mormon, sa pamumuno ni Helmuth Hübener ay nagpakalat ng isang propaganda laban sa mga Nazi. Si Hübener kinalaunan ay nahuli at pinatay, kaya siya ang naging ang pinakabatang hinatulan ng kamatayan at pinatay ng mga Nazis sa labas ng mga kampo ng kamatayan. Ang kanyang dalawang mga kasama ay ipinadala sa mga kampo ng bilangguan. Ang iba pang mga Mormon, natatakot para sa kanilang mga buhay, ay pinutol ang relasyon kina Hübener at sa kanyang mga kasama, kahit na siya noon ay simula ng pangaralan bilang isang pambansang bayani sa Alemanya. Ito ay isang napakahirap na oras, na may mga taong natatakot para sa kanilang buhay at naiipit sa pagitan ng nagkokontrahang katapatan. Sa Estados Unidos, ang katibayan ng mas malawak na pagtanggap ng Simbahan ay ipinakita sa pamamagitan ng dalawang komisyonerong barko ng hukbong dagat ng Estados Unidos, ang USS Joseph Smith at ang U.S.S. Brigham Young. Sa kalaunan, ang digmaan ay natapos na, ngunit hindi bago nawasak ang Europa. Gayunman, ang tao na pinamunuan ang Simbahang Mormon mula sa kalabuan at pag-uusig sa mas pangkalahatang pagtanggap ay hindi nabuhay na makita ang pagtatapos na ito. Siya ay namatay noong Mayo 14, 1945. Sa panahon ng kanyang ministeryo, at sa ministeryo ni Joseph F. Smith, maraming mga Mormon ang umangat sa katanyagan at ang kanilang magandang halimbawa ay nakatulong upang mabukas ang pintuan para sa Simbahan. Ang una ay si Reed Smoot na ang karera bilang isang Senador ay nagpanalo sa kaniya ng maraming parangal. Ang iba tulad nina Edgar B. Brossard at J. Reuben Clark, Jr ay nagsilbi sa matataas na mga posisyon sa pamahalaan. Si Clark sa huli ay naging embahador ng Estados Unidos sa Mexico. Si Richard W. Young ay naging isang heneral sa panahon ng Unang Digmaang Pandaigdig at nagsilbi bilang isang komisyonado sa Pilipinas. Ang mga sundalong Mormon ay kadalasang ibinabahagi ang ebanghelyo sa kanilang kapwa sundalo at maging sa mga mamamayan ng mga bansa na kanilang nilalabanan. Ito ay naghantong na ang Simbahan ay naitatag sa Japan, Pilipinas, at Korea kung saan ang daang libong mga Mormon ay nakatira. Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang bagong presidenteng Mormon na si George Albert Smith ay nilapitan ang pangulo ng Estados Unidos na si Harry Truman at nagbigay ng sampu-sampung libong libra ng tela, kumot, at pagkain maitayong muli ang Europa. Siya at si Ezra Taft Benson, na kinalaunang nagsilbi bilang Kalihim ng Agrikultura sa Pangulong Eisenhower, at pagkatapos ay bilang Pangulo ng Simbahan, ay lumibot sa Europa upang ipamahagi ang mahigit sa 90 karga ng tren na mga pagkain at damit para sa mga tao sa Europa. Sila rin ay nakipag-ugnayan sa mga Mormon na nahiwalay sa panahon ng digmaan. Pagkatapos ng digmaan, ang Mormonismo ay nagsimulang ipalaganap ng mabilis sa buong mundo at ang Simbahang Mormon ay naging isang tunay na pandaigdigang simbahan. Magpatuloy sa susunod na panahon.

Mga kagamitang pansarili
Sa ibang wika