Katarungan at Habag

Mula sa MormonWiki

He that is without sin - Liz Swindle.jpg

Ang katarungan ay nagpapahiwatig ng kaitaasan at sa partikular ay matuwid na paghatol na may kaugnayan sa sangkatauhan sa pagsunod sa mga utos ng Diyos. Ang katarungan ay nangangailangan ng kabayaran. Ang Diyos ay kapwa makatarungan at maawain. Habag ay ang kabaitan at biyaya ng Diyos na ipinakita sa kanyang mga anak sa pamamagitan ng walang hanggang pagtubos na kabayaran sa utang para sa ating mga kasalanan kung tayo ay magsisisi.Mahihigtan ng habag ang katarungan at mabibigay ng mga paraan kung saan ang sangkatauhan ay maaaring gamitin ang pananampalataya sa pagsisisi (tingnan sa Alma 34:15-17) at mapatawad.


Mga nilalaman

Mga turo ng Kasulatan

• Alma 12:15—… tayo ay kailangang lumabas at tumayo sa harapan niya sa kanyang kaluwalhatian, at sa kanyang kapangyarihan, at sa kanyang lakas, kamahalan, at pamahalaan, at kilalanin sa ating walang hanggang kahihiyan na ang lahat ng kanyang mga hatol ay makatarungan, na siya ay makatarungan sa lahat ng kanyang mga gawa, at na siya ay maawain sa mga anak ng tao, at na taglay niya ang lahat ng kapangyarihan upang iligtas ang bawat taong naniniwala sa kanyang pangalan at namumunga ng bunga na karapat-dapat sa pagsisisi.

Tayo ay tatayo sa harapan ng Panginoon at kung tayo ay mabait, makakramdam tayo ng katulad kay Moroni kung saan tayo ay magpupulong “sa harapan ng nakalulugod na hukuman ng dakilang Jehova” (Moroni 10:34); datapwat, kung tayo’y nagkasala ng walang pinagsisisihan, makakaramdam tayo ng katulad kay Alma bago siya nagsisi. “…ang isipin lamang na magtungo sa kinaroroonan ng aking Diyos ay giniyagis ang aking kaluluwa ng hindi maipaliwanag na masidhing takot” (Alma 36:14). Ang susi ay ang magsisi ng buong puso-saka ipapalawig sa atin ang habag ng Panginoon.

• Alma 42:24-25—Sapagkat masdan, isinasagawa ng katarungan ang lahat ng kanyang hinihin gi, at inaangkin din ng awa ang lahat ng kanya; at sa gayon walang maliligtas kundi ang tunay na nagsisisi. Ano, iyo bang ipinalalagay na ang awa ay makaaagaw sa akatarungan? Sinasabi ko sa iyo, Hindi; kahit isang kudlit. Kung magkakagayon, ang Diyos ay titigil sa pagiging Diyos. Kailan ma’y wag nating kalimutan na upang maging karapat-dapat sa habag ay dapat tayong magsisi, kung hindi, dapat tayong magdusa sa kahihinatnan nito (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 19:15-19). Kapaki-pakinabang na basahin ang buong paliwanag na ibinigay ni Alma sa kanyang anak na lalaki na si Corianton ang mahalagang paksa nito (tingnan sa Alma 42:1-31).

• Alma 41:3— At hinihingi ng katarungan ng Diyos na ang mga tao ay nararapat hatulan alinsunod sa kanilang mga gawa; at kung ang kanilang mga gawa sa buhay na ito ay mabuti, at ang mga pita ng kanilang mga puso ay mabuti, sila rin, sa huling araw, ay manunumbalik doon sa mabuti. Tandaan na tayo ay resulta ng ating mga saloobin at mga hinahangad. Tayo ay kumikilos batay sa kanila at gayunpama’y magiging mga “gawa” natin. Kung tayo’y naging mabuti, ang doktrina ng muling pagbabalik ay malinaw: nakakatanggap tayo ng kabutihan sa pagiging mabuti (tingnan sa Alma 41:3-15). Mahalagang tandaan na ang ating mabubuting gawa ay hindi sapat upang iligtas tayo. Pagkatapos natin magsisi, tayo ay nagiging karapat-dapat sa pagtanggap ng biyaya ng Panginoon sa pamamagitan ng pagtubos ng Kanyang anak. Ang biyayang iyon ang makakapagbawi sa ating kakulangan at magbibigay-daan upang tayo’y maging mataas.


Salita ng mga Makabagong Propeta

Ang mga taong gumawa ng isang malubhang pagkakamali ay madalas na magdagdag ng iba pa sa pamamagitan ng pagpapalagay na huli na ang lahat para sa kanila.Kailanma’y di pa huli ang lahat! Hindi kailanman! Habang ang iyong mga tukso ay mas malubha kaysa sa amin, iyan ay isinasaalang-alang sa hatol ng Panginoon. Sinabi niya na "ang kanyang habag [ay angkop] ayon sa mga kondisyon ng mga anak ng tao" (Doktrina at mga Tipan 46:15). Iyon ay makatarungan lamang. Ang isang malaking kontribusyon sa Doktrinang Kristiyano ay ang paliwanag sa Aklat ni Mormon kung paano ang katarungan at awa at pagsisisi at kapatawaran ay nagtratrabaho ng magkakasama upang burahin ang pagkakasala (tingnan sa Alma 42). Ang ideya na nakapanghihina ng loob na sa isang pagkakamali (o kahit na kalipunan ng mga ito) ay huli na ang lahat ay hindi nanggaling sa Panginoon. Sinabi niya na kung tayo ay magsisisi, hindi lamang niya tayo patatawarin sa ating pagkakasala, kakalimutan din niya ito, at hindi na muling aalalahanin (tingnan sa Isaias 43:25; Hebreo 8:12; 10:17; Doktrina at mga Tipan 58:42; Alma 36:19).

(Boyd K. Packer, Let Not Your Heart Be Troubled [Salt Lake City: Bookcraft, 1991], 51.)

Bahagi ng batayan na nagpapakita na lubos ang katarungan at kahabagan ng Diyos ay ang pinagsama-samang talaan kung saan tayo din lamang and gagawa (tingnan sa Alma 41:7). Gamit ang mga ito, tayo ay makatarungang hahatulan, ang paghahatol na isasama ang ating pagsunod sa mga panlabas na ordinansa ng ebanghelyo kasama ang lahat ng kanilang mga tipan.

(Neal A. Maxwell, Lord, Increase Our Faith [Salt Lake City: Bookcraft, 1994], 75.)

Makakamit ng mga batas ng Diyos ang kanilang mga layunin sa pamamagitan ng katarungan, kahabagan, at ang pagtubos ni Hesu Kristo. Ang simbahan ay nababahala sa lahat ng mga ito, partikular na sa habag at ang pagtubos .... Sa kanyang relasyon sa katarungan at habag, ang pagtubos ay ang paraan kung saan ang hustisya ay nagsilbi at ang habag ay pinalawig. Sa layuning ito, ang Mesiyas " inihandog niya ang kanyang sarili na isang hain para sa kasalanan, upang tugunin ang layunin ng batas para sa lahat ng yaong may bagbag na puso at nagsisising espiritu; at walang sinumang maaaring makatugon sa mga layunin ng batas" ( 2 Nephi 2:07; tingnan din sa Roma 5:18-19.) Isa sa mga pinakadakilang pahayag ng banal na kasulatan, ipinaliwanag ni Alma na dahil sa pagtubos, " aangkin ng awa ang nagsisisi, at ang awa ay darating dahil sa pagbabayad-sala;." ( Alma 42:23.)

(Dallin H. Oaks, The Lord’s Way [Salt Lake City: Deseret Book Co., 1991], 216-218.)


Mga Ideya para sa araw-araw na pamumuhay

Narito ang tatlong mga ideya na makakatulong sa atin upang maintindihan at maisagawa ang mga doktrina at prinsipyo ng katarungan at habag:

1. Linangin ang nasirang puso at nagsising kaluluwa

• Tandaan na wala tayo kung wala and Panginoon— “Ako nga ang puno ng ubas at kayo ang mga sanga. Ang nananatili sa akin, at ako sa kanya, ang siyang nagbubunga nang sagana, sapagkat wala kayong magagawa kung kayo'y hiwalay sa akin.” (Juan 15:5). Ang awa ay dumarating sa mga taong mapagpakumbaba at matuturuan. Ang awa ay lumilingid sa mga mapagmalaki at mapagmataas kung saan kailangan silang husgaan at hatulan kung sila man ay di humingi ng kapatawaran

• Tandaan natin na magagawa natin ang anu man sa gabay ng Panginoon — “. . . sapagkat sa kanyang lakas ay maaari kong magawa ang lahat ng bagay” pahayag ni Ammon (Alma 26:12). Sa pagsandal sa kamay ng Panginoon, dinadala natin ang ating mga sarili sa ligiran ng awa, “na nangingibabaw sa katarungan, at nagbibigay ng daan sa mga tao upang sila ay magkaroon ng pananampalataya tungo sa pagsisisi” (Alma 34:15).

• Tanggapin ang ating mga propeta at mga pinuno—Ang sino mang mag-uusisa tungkol sa simbahan ay tumatanggap sa mga misyonero ng buong puso at maluwag sa kalooban, bilang simbolo ng pagiging bukas-loob at pagtalima, at kapag ang mga miyembro ng simbahan ay sumasang ayon at tinatanggap ang mga turo ng mga pinuno ng simbahan ng buong puso, makukuha nila ang biyaya at habag ng Panginoon (Doktrina at mga Tipan 99:3)

2. Tanawin ang Katarungan at Habag bilang katangian ng Diyos Ama sa Langit.

• Makikita natin sa Panginoon ang ganap na pagsama sa mga katangian ng katarungan at habag—ang turo ni Alma sa kanyang anak na si Corianton: “At ngayon, ang plano ng awa ay hindi magkakaroon ng kaganapan maliban sa pagsasagawa ng pagbabayad-sala; kaya nga, ang Diyos na rin ang magbabayad-sala para sa mga kasalanan ng sanlibutan, upang maisakatuparan ang plano ng awa, upang tugunin ang hinihingi ng katarungan, at nang sa gayon, ang Diyos ay maging isang ganap, makatarungang Diyos, at isa ring maawaing Diyos” (Alma 42:15).

Ang ating araw-araw na saloobin at gawain ay dapat na nakabatay sa kaugnayan natin sa isang makatarungan at mahabaging Diyos. Tuluyan nating layuan ang kasamaan at kasalanan upang ang katarungan ay hindi maipagkait sa atin; yakapin natin ang mga prinsipyo ng ebanghelyo ni Hesu Kristo upang ang kahabagan ay mapanghawakan natin.

•Tayo ay may takot sa katarungan ng Panginoon—Ang takot sa Diyos na ipinahihiwatig nitong mga salita ay ginamit sa kasulatan upang ipahayag na sumusunod tayo sa Panginoon upang maipakita ang paggalang at respeto, sapagkat alam natin na hindi niya “. . . tinitignan ang kasalanan sa pinakamababang antas nito” (Doktrina at mga Tipan 1:31). At hinihingi ng katarungan ng Diyos na ang mga tao ay nararapat hatulan alinsunod sa kanilang mga gawa (tingnan sa Alma 41:3).

• May pag-asa tayo sa kahabagan ng Panginoon—Alam natin ang ating kawalang-kabuluhan sa harap ng Panginoon (Mosiah 4:11), tayo ay humahayo ng magpakumbaba at magsisi upang humingi ng awa bilang biyaya. Ito ang nararapat na diwa ng ating pang araw-araw na panalangin at dasal.Ang Panginoon ay isang Diyos ng awa at magbibigay ng habag sa mga mabababang-loob (tingnan and Doktrina at mga Tipan 97:2). Ang kanyang habag ay ipinalawig sa atin sa pamamagitan ng Kanyang butihing anak (tingnan sa Alma 12:33). Matatanggap natin ang kahabagan ng Diyos sa pananampalataya tungo sa pagsisisi (tingnan sa Alma 34:16) at ang paghingi ng katarungan ay sapat sa pamamagitan ng pagpapakasakit ni Kristo (tingnan sa 2 Nephi 9:26).

3. Tratuhin ang iba na may awa at kawang-gawa—Marami tayong matututunan tungkol sa habag at ang mga gawa ukol dito sa pamamagitan ng pagiging mahabagin sa ating kapwa; marami tayong matututunan tungkol sa katarungan as sa mga gawa ukol dito sa pamamagitan ng pagtigil sa pagiging mapanghusga at mapanlait sa ating kapwa.

• Hayaan natin na ang Diyos ang siyang maghusga—Patawarin natin ang ating kapwa sa kanilang pagkakasala. Isabuhay natin ang banal na kakanyahan sa pamamagitan ng pagiging maunawain at mahinahon (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 76:68).

•Maging maawain ng walang pasubali—Kung hindi natin ititigil ang paninisi at pananakit sa ating kapwa, kailanman ay hindi natin maipapahayag ang tunay na diwa ng habag, sa gayun man ay binibigyan natin ang iba ng kabutihan sa agam at hinahayaan natin silang tumaas pa sa antas ng kanilang nalalaman (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 88:40). Mapalad ang mga mahabagin, sapagkat kahahabagan sila ng Diyos (tingnan sa Mateo 5:7).

• Magturo batay sa paninindigan—Sa pakikitungo sa iba (lalong lalo na sa ating mga anak), kailangan natin pataasin at palakasin ang kanilang paninindigan sa pagtugon at ang mga kahihinatnan na kasabay at kasama ng pagsunod nito o ang mga kakulangan nito. Kadalasan ang pinakamalaking pagsasabuhay ng habag ay sa maliwanag at tiyak na pagtuturo nito sa mga gawa ng paninindigan at ang halaga nito sa buhay. Sa kaalaman ng isang magulang, wala nang higit na makapagpapaligaya sa kanila kundi ang masaksihan at makita na “namumuhay sa katotohanan” ang kanilang mga anak (3 Juan 1:4).

Gayunpaman, wala nang higit na makapagpapasakit sa mga magulang kundi ang makita ang mga anak na magdusa sa kinahinatnan ng paglabag sa utos at batas ng Panginoon. Maaari tayong matuwa kasama nila, at makiisa sa kalungkutan nila, sapagkat natutunan nila ang doktrina ng katarungan at habag batay sa kanilang karanasan.

Larawan para sa ating panahon

“Pagkilala sa Habag” Noong Huwebes, ika-9 ng Hunyo taong 1842, naghatid ng talumpati si propetang Joseph Smith tungkol sa kahabagan sa mga kapatid natin sa Female Relief Society sa Nauvoo—kalakip ay masarap na pagkaing espirituwal. Halimbawa ng kanyang karunungan ay ito: “Walang bagay ang masasabing tunay na nararapat upang gabayan ang tao sa kanilang pagtalikod sa kasalanan kundi ang pagtangan sa kanilang mga kamay, at gabayan sila ng may pagmamahal. Kung ang tao ay magpapakita ng konti at hamak na kabaitan at pagmamahal, makapangyarihan pa man ito sa aking isip, kahit na ang kabaliktaran nito ay may kakayahang suyurin ang malupit na damdamin at makapagpapalungkot sa isip ng tao (HC 5:23-24). Gayunpaman, “Ang Panginoon ay hindi tumitingin sa katayuan ng kasalanang nagawa, subalit kung ang tao ay nagkasala, may mga kundisyong dapat sundin para sa kanila. Lahat ng banal na relihiyon ay naghahangad ng kadakilaan: kagagawan ng demonyo ang hadlangan ang isipan ng tao at ang pag-unlad nito, sa pamamagitan ng pagsilaw sa isipan ng isang tao ang kanyang pansariling kadakilaan. Kung mas napapalapit tayo sa ating Panginoon, mas nauudyok tayong maging mapagmalasakit sa sawing kaluluwa; nararamdaman natin na kailangan natin silang ipasan sa ating mga balikat, at ipukol ang kanilang kasalanan sa ating likod… kung hiningi mo ang kahabagan ng Panginoon, maging mahabagin ka din sa iyong kapwa” (HC 5:24). Sa wakas: “Malimit na diktahan ng mga matatalinong lalaki at babae si Kapatid na Jospeh sa pagsasabing, “O, kung ako si Kapatid na Joseph, gagawin ko ito at iyan;” ngunit kung sila ay nasa kalagayan ni kapatid na Joseph, malalaman nila na ang mga tao ay hindi madaling iturong sa kaharian ng Panginoon, kundi pakitunguhan sila kahit na mahirap man ang daranasin, hangga’t tugunan ito ng Panginoon ng may Katarungan. Ang kasalanan ay di nangangailangan ng batayan, ngunit, ang kahabagan ay siyang nangangailangan ng mga katunayan” (HC 5:24).

Ang mensahe ay malinaw: kailangan nating busugin ng kahabagan at mahabang pagtitiis ang mga tupa ng Panginoon. Ipinahayag ng Tagapagligtas na “Mapalad ang mga mahabagin, sapagkat kahahabagan sila ng Diyos” (Mateo 5:7). (Richard J. Allen)


Buod Wala nang pahayag ang maaaring humigit pa sa sinabi ng nakababatang Alma—siya na pangunahing may kapangyarihan sa pagpapalakad ng katarungan at kahabagan—ibinigay sa kanyang anak na minsa’y naliligaw ng landas at bugnot na si Corianton: “O anak ko, hinihiling ko na huwag mo nang itatatwa pa ang katarungan ng Diyos. Huwag mo nang pagsikapang bigyang-katwiran ang iyong sarili sa pinakamaliit na punto nang dahil sa iyong mga kasalanan sa pamamagitan ng pagtatatwa sa katarungan ng Diyos; kundi hayaan mong ang katarungan ng Diyos, at ang kanyang awa, at ang kanyang mahabang pagtitiis ang manaig sa iyong puso; at hayaan mo na ito ang magdala sa iyo sa alabok ng pagpapakumbaba” (Alma 42:30). Gayunpaman, itinuro ni Alma kay Corianton ang parehong payo na angkop sa ating lahat: Magsisi kayo at humayong maglingkod sa kaharian ng Panginoon, ituro sa kapwa ang aral tungkol sa katarungan at kahabagan, upang sila ay makagawa ng tipan ng kaligtasan kasama ang Panginoon at parangalan sila sa pamamagitan ng pananampalataya, hanggang sa dulo. • Ang paksang ito ay hango sa What We Need to Know and Do, ni Ed J. Pinegar at Richard J. Allen.

Mga kagamitang pansarili
Sa ibang wika