Kasalanan

Mula sa MormonWiki

250px-Adam Eve Altar Mormon.jpg

Ang paggawa ng kasalanan ay ang tahasang pagsuway sa mga utos ng Diyos o ang kabiguang kumilos ng nararapat sa kabila ng pagkaalam ng katotohanan (tignan ang Santiago 4:17) Ang bawat may pananagutang mortal na kaluluwa ay nagkasala sa ilang antas at sa gayon ay inalis palayo sa presensiya ng Diyos, siya na hindi maaaring tumingin sa kasalanan sa anumang antas ng kapahintulutan. Sa pamamagitan ng Pagtubos ng Hesu-Kristo, ang tao ay maaaring magsisi ng kanilang kasalanan at tumanggap ng kapatawaran buhat sa Panginoon, at sila’y naging parang kailanman ay hindi nagkasala. Ang mga taong palaging nagsisisi sa kanilang kasalanan habang nagsusumikap na sundin ang Panginoon ay balang araw magiging katulad Niya.

Orihinal na Kasalanan

Ang doktrina ng mga banal ng Ang Simbahan ni JesuCristo sa mga Huling Araw ay kaiba sa iba pang pananampalatayang Kristiyano sa kanilang konsepto ng “orihinal na kasalanan”. Dahil sa pagkahulog sa kasalanan ni Adan at Eba, ang lahat ng mga tao na nabubuhay ay nasa makasalanang kondisyon, hiwalay sa Diyos at napapailalim sa pisikal na kamatayan. Gayunman, tayo ay hindi nahatulan sa pamamagitan ng kung ano ang tawag ng marami ay “orihinal na kasalanan”. Sa ibang salita, tayo ay hindi mananagot para sa kasalanan na ginawa ni Adan sa halamanan ng Eden. Ang Propetang si Joseph Smith ay nagsabi, “Naniniwala kami na ang tao ay paparusahan para sa kanilang mga kasalanan, at hindi para sa kasalanan ni Adan.” (Articles of Faith 1:2).

Sa pamamagitan ng Pagtubos, binayaran ng Tagapagligtas ang parusa para sa mga paglabag sa halamanan ng Eden. (tignan ang Moises 6:53). Siya ay nagbigay sa atin ng kasiguraduhan ng muling pagkabuhay at ang pangako na, base sa ating katapatan, tayo ay maaring magbalik sa presensiya ng ating Diyos Ama sa Langit magpakailanman.

Labanan ang Kasalanan

Sa loob ng tatlong araw na paglilingkod ng ating Panginoon sa Bagong Mundo, itinuro niya ang Kanyang doktrina, binigyan Niya ng karapatan ang kanyang mga alagad na magsagawa ng ordinansa ng saserdote, magpagaling ng may sakit, ipanalangin ang mga tao at buong pagmamahal na pagpalain ang mga bata. Habang ang panahon ng ating Tagapagligtas ay nalalapit, payak Niyang binuod ang mga pangunahing mga prinsipyo ng Kanyang ebanghelyo. Kanyang sinabi, “Ngayon, ito ang kautusan: Magsisi, lahat kayong nasa mga dulo ng mundo, at lumapit sa akin at magpabinyag sa aking pangalan, upang kayo ay pabanalin sa pamamagitan ng pagtanggap ng Espiritu Santo, upang kayo ay makatayong walang bahid-dungis sa aking harapan sa huling araw.” (3 Nephi 27:20).

Ang mga pangunahing mga prinsipyo na binalangkas ng mga Guro sa Banal na Kasulatan na ito ay mahalaga para sa atin upang maunawaan at magamit natin ito sa ating buhay. Una ay ang pagsisisi, “ang pagbabalik ng puso at kalooban sa Diyos, at ang pagtalikod sa kasalanan” (Diksyunaryo ng Bibliya, “Pagsisisi,” 760). Habang tayo ay nagsasaliksik at tumatanggap ng mga espirituwal na kaloob ng pananampalataya sa ating Tagapagligtas, tayo naman ay tatalima sa katangian, sa awa at sa biyaya ng Banal na Mesiyas (tingnan sa 2 Nephi 2:8). Ang pagsisisi ay ang matamis na bunga na nanggagaling mula sa pananampalataya sa ating Tagapagligtas at kalakip ang pagtalima tungo sa Diyos at paglayo mula sa kasalanan.

Pagkatapos ng pagsisisi, ang mananampalataya ay inaasahang gumawa ng mga banal, pag-ingatan ang tipan, at lumahok sa mga ordinansa na kinakailangan upang makamit ang kaharian ng Diyos. Siya rin ay inaasahan na ipagpapatuloy ang bawat mabuting gawa, gumanap ng higit na serbisyo sa kawang-gawa, at manatili sa katuwiran hanggang sa dulo ng kanyang buhay, na agad na nagsisisi sa anumang pagsuway.

Ang ebanghelyo ni JesuCristo ay sumasakop higit pa sa pag-iwas, pag-alpas at pagiging malinis mula sa kasalanan at ang masamang impluwensya sa ating buhay; ito rin ay mahalaga ring nanghihikayat sa paggawa ng mabuti, pagiging mabuti at maging mas mahusay. Ang pagsisisi sa ating mga kasalanan at paghahanap ng kapatawaran ay kinakailangang pang-espiritual, at dapat nating gawin ito palagi. Subalit ang pagpapatawad ng kasalanan ay hindi lamang o kahit na ang panghuling layunin ng ebanghelyo. Ang magkaroon ang ating mga puso ng pagbabago sa pamamagitan ng Banal na Espiritu na “kami ay wala nang hangarin pang gumawa ng masama, kundi ang patuloy na gumawa ng mabuti” (Mosias 5:2), tulad ng ginawa ng mga tao ni Haring Benjamin (sa Aklat ni Mormon) ay isang kasunduang responsibilidad na ating tinanggap. Ang makapangyarihang pagbabagong ito ay hindi lamang ang resulta ng pagtatrabaho ng mabuti o ang paglago ng higit na disiplina ng isang indibidwal. Sa halip, ito ay ang resulta ng isang pangunahing pagbabago sa ating hinahangad, sa ating motibo, at ang ating katauhan ay ginawang posible sa pamamagitan ng Pagtubos ni Kristo na ating Panginoon. Ang ating mga espirituwal na layunin ay upang mapagtagumpayan natin ang kasalanan gayundin naman ang pagnanais gumawa ng kasalanan, ang parehong pagkasira at bagsik ng kasalanan.

Habang ang tapat na mananampalataya ay itinataguyod ang pagsisikap na maging “ipinanganak na muli”, kanyang mabilis na nauunwaan ang malaking pagitan na naghihiwalay sa kanya, ang isang kaawa-awang makasalanan, mula sa dakilang pagkaganap ng Diyos. Ang ganitong pang-unawa ay nakakagulat, ngunit ang Panginoon ay patuloy na inaakit ang bawat tao na lumapit patuloy sa Kanya.

• Sapagkat masdan, ganito ang wika ng Panginoong Diyos: Magbibigay ako sa mga anak ng tao ng taludtod sa taludtod, ng tuntunin sa tuntunin, kaunti rito at kaunti roon; at pinagpala ang mga yaong nakikinig sa aking mga tuntunin, at ipahiram ang tainga sa aking mga payo, sapagkat matututo sila ng karunungan; sapagkat siya na tumatanggap ay bibigyan ko pa ng karagdagan; at mula sa kanila na nagsasabing mayroon na kaming sapat, mula sa kanila ay kukunin maging ang mga yaong mayroon sila. (2 Nephi 28:30).

Samakatwid, huwag matakot, munting kawan; gumawa ng mabuti; hayaang magsama ang mundo at impiyerno laban sa inyo, sapagkat kung kayo ay itinayo sa aking abato, hindi sila mananaig.

Masdan, hindi ko kayo inuusig; humayo kayo sa inyong mga gawain at huwag na muling amagkasala; isagawa nang mahinahon ang gawaing ipinag-uutos ko sa inyo. Isaalang-alang ako sa bawat pag-iisip; huwag mag-alinlangan, huwag matakot. Masdan ang sugat na tumagos sa aking tagiliran, at gayon din ang bakas ng mga pako sa aking mga kamay at paa; maging matapat, sundin ang aking mga kautusan, at inyong mamamana ang kaharian ng langit. Amen. (Ang Doktrina at mga Tipan 6:34-47).

Mga kagamitang pansarili
Sa ibang wika