Kapatawaran

Mula sa MormonWiki

Forgiven.jpg

Ang pagpapatawad ay ang kilos ng pagbibigay kapatawaran sa isang nagkasala o isang pagkakasala. Kapag ito ay ginamit sa mga Banal na Kasulatan, ito ay maaaring mangahulugan bilang patayong anyo ng kapatawaran, ng pagpapatawad ng Diyos sa tao, o isang pahalang na anyo ng kapatawaran, ang pagpapatawad ng isang tao sa isa pang tao. Kung ang isang tao ay nakatanggap ng kapatawaran mula sa Diyos, ito ay ginawa lamang posible sa pamamagitan ng pagtubos na ginawa ni Hesu Kristo. Nilalaman [Itago]


Mga nilalaman

Ang Doktrina ng Kapatawaran Mula sa Diyos

Ang pangangailangan ng kapatawaran mula sa Diyos ay dumarating mula sa paglabag sa Diyos sa pamamagitan ng kasalanan, o pagkilos ng laban sa kalooban ng Diyos. Ang lahat ay nangangailangan ng kapatawaran, dahil ang lahat ay nagkakasala (Ecclesiastes 7:20, Roma 3:23). Ang kapatawaran ay dumarating bilang resulta ng pagsisisi (Doktrina at mga Tipan 58:42) at ito lamang ay posible dahil sa Pagtubos ni Hesus Kristo (Mosias 4:2, Doktrina at mga Tipan 60: 7). Pagtanggap ng kapatawaran Mula sa Diyos Marahil na ang unang kinakailangan na sangkap sa pagtanggap ng kapatawaran mula sa Diyos ay ang pagsisisi (Doktrina at mga Tipan 138:19). Sa karagdagan sa o may kaugnayan sa pagsisisi, iba pang bagay ang tila mahalaga upang makatanggap ng kapatawaran sa ating mga kasalanan. Kabilang dito ang pagkilala ng ating kasalanan (Awit 32: 5), ang bukal sa loob p na pagsamba sa Diyos ng higit sa anumang bagay o sinuman(Josue 24: 19), panalangin (1 Nephi 07:21, Enos 1: 5), at pagpapatawad ng lahat ng nagkasala sa atin (Lucas 6:37, Doktrina at mga Tipan 82: 1). Ito ay interesante na tandaan na habang ang pag-amin ng kasalanan at panalangin ay malapit na kaakibat ng mga doktrina ng pagsisisi, ang prinsipyo ng pagpapatawad sa iba upang makakuha ng kapatawaran ay natatangi sa kapatawaran.Ang pagpapatawad sa iba ng kanilang mga kasalanan o kasalanan laban sa atin ay ikinokonsidera sa ibaba.

Maraming mga halimbawa ng kapatawaran ang matatagpuan sa mga Banal na kasulatan kabilang ang pagpapatawad ng Diyos kina Adan, Moises, Paul, Alma, Joseph Smith at marami iba. Isa pang halimbawa na maaaring maging kapaki-pakinabang upang isaalang-alang ay ang kay Enos, na ang maikling tala ay matatagpuan sa Aklat ni Mormon. Si Enos, ang anak ng propetang si Jacob at ang pamangkin ni Nephi, ay pumunta sa mga bundok upang mangaso, at habang siya ay nangangaso, siya ay nagsimulang pag-isipan ang mga tinuro ng kanyang ama tungkol sa kaligayahan at buhay na walang hanggan. Nang siya ay nagbulay-bulay, siya ay nagsimulang makaramdam ng isang pangangailangan upang manalangin sa Diyos, na kanyang ginawa. Si Enos sa huli ay nakatanggap ng kumpirmasyon mula sa Diyos na ang kanyang mga kasalanan ay napatawad na, ngunit hindi bago niya nagawa ang kanyang tinatawag na “pakikipagbuno” sa Diyos” pagkatapos na siya ay nagdasal ng buong araw.” Para kay Enos, ang kapatawaran ay isang bagay na tunay niyang ninanais at pinagtrabahuan bilang karagdagan sa mga hakbang na kaniya ng nagawa bilang parte ng kaniyang pagsisisi.

Ang Epekto ng kapatawaran Mula sa Diyos

Kung ang isang tao ay nakatamo ng kapatawaran mula sa Diyos, ang kapatawaran ay kumpleto at buo. Ito ay napakakompleto na ito ay maihahalintulad sa "paglimot” ng Diyos sa ating mga kasalanan (Hebreo 8:12, Doktrina at mga Tipan 58:42). Ito rin ay inihahambing sa pagkuha ng isang bagay na namantsahan ng pulang pula, at paghugas ng mantya ng kompleto upang maging purong puti, tulad ng nyebe (Isaias 01:18).

Kapatawaran Mula sa Tao

Tulad ng nabanggit sa itaas, isang kinakailangan para sa kapatawaran na hiwalay mula sa mga kinakailangan para sa pagsisisi ay ang patawarin rin ang iba. Patungkol sa pagpapatawad ng iba, ang mga banal na kasulatan ay itinuro sa mga tao na patawarin ang mga taong tunay na nagsisisi sa mga bagay na kanilang ginawa (Mosias 26:29), sinuman sila (Doktrina at mga Tipan 64:10) o kung gaano karaming beses silang nagkasala sa atin (Mateo 18:21, Doktrina at mga Tipan 98: 40 Moroni 6:08). Ang kabiguan na patawarin ang iba ay may epekto sa kapasidad ng isang indibidwal upang makatanggap ng kapatawaran. Malinaw na itinuro ng Tagapagligtas na kung ang isang indibidwal ay ayaw na patawarin ang ibang mga tao, ang indibidwal na yaon ay hindi rin makatatanggap ng kapatawaran. (Mateo 6:15, 3 Nephi 13:14). Ang Tagapagligtas ay nagturo ng isang mahalagang talinghaga tungkol sa mga prinsipyo sa likod ng pagpapatawad sa iba. Nagkwento siya ng tungkol sa isang hari na natagpuan na ang isa sa kaniyang mga lingkod ay nagkautang sa kanya ng isang malawak na kabuuan ng pera, at kanya ng hinanda ang lahat ng mga gamit ng kanyang lingkod upang ipagbili upang matulungan ang pagbabayad ng utang nito sa kanya. Ang lingkod ay nagmakaawa sa hari para sa mas mahabang oras, at ang hari, dahil sa pagkakaroon ng habag, ay pinatawad ang kanyang lingkod sa lahat ng kaniyang naging utang. Ang parehong lingkod ay iniwan ang hari at sa wakas natagpuan ang isang tao na nagkautang sa kanya ng pera, bagaman ito ay isang maliit na halaga lamang. Sa parehong paraan tulad ng orihinal na lingkod nagsumamo rin ang lingkod na ito para siya ay bigyan ng awa. Sa kasamaang palad, ang pagsumamo niya ay nahulog lamang sa mga binging tainga, at ang orihinal na lingkod ay ipinatapon ang nagkautang sa kanya nang maliit lamang na halaga sa bilangguan. Ang impormasyon tungkol sa nangyaring ito ay nakarating sa hari, na naging tunay na galit sa alipin. Ang hari ay nadama na kung siya ay handa na patawarin ang isang malawak na kabuuan ng pera, ang alipin ay dapat na handa rin na patawarin ang isang arendante sa pagkakautang nito ng maliit lamang na halaga. Ang hari ay binawi ang kanyang habag at kapatawaran at ibinigay ang lingkod sa "mga nananakit” hanggang ang lahat ng bagay ay kaniya ng nabayaran. Ang Tagapagligtas ay tinapos ang kanyang kwento sa pamamagitan ng malinaw na pagsasabi sa kanyang mga disipulo, “Gayundin ang gagawin sa inyo ng aking Ama na nasa langit kung hindi ninyo patatawarin nang buong puso ang inyong mga kapatid." (Mateo 18:35). Hindi Karapat-dapat para sa kapatawaran May mga ilang mga sawing kaso rin kung saan ang mga indibidwal ay nakagawa ng mga kasalanan na hindi kayang mabigyan ng kapatawaran. Ang mga "walang kapatawarang kasalanan" ay naiintindihan bilang ang pagtanggi sa Banal na Espiritu (Marcos 3:29) at pagpatay.

Pagtanggi sa Banal na Espiritu

Ang pagtanggi sa Banal na Espiritu ay nangangailangan ng higit sa isang tipikal na pagpapatigas ng mga puso laban sa Banal na Espiritu, at ang patotoo na nanggagaling sa pamamagitan ng pananampalataya lamang. Ang Propetang Joseph Smith ay itinuro na upang magkasala laban sa Banal na Espiritu, ang isang tao "ay dapat natanggap ang Banal na Espiritu, nabuksan ang kalangitan para sa kaniya, nalaman ang katotohanan ng Diyos, at pagkatapos ay gumawa ng kasalanan laban sa Kanya. Matapos ang isang tao ay nagkasala laban sa Banal na Espiritu, walang pagsisisi ang nararapat para sa kanya. Kaniyang tinanggihan si Hesu Kristo pagkatapos na ang langit ay nabuksan sa kaniya, at kanya ring tinanggihan ang Plano ng Kaligtasan pagkatapos na ang kaniyang mga mata ay nabuksan sa katotohanan ng mga ito.” Kapag ang pahayag na ito ay ihahambing sa paglalarawan ni Paul tungkol sa mga walang kapatawarang mga kasalanan sa Hebreo 6:4-6 at Doktrina at mga Tipan 76:35, ang isa ay maaaring makakuha ng isang kahulugan nang mga malawak na kaalaman na kailangan upang magawa ang kasalanan ng pagtanggi sa Banal na Espiritu. Ito ay nangangailangan ng isang espesyal na kaalaman, higit pa sa pananampalataya lamang, na ang Tagapagligtas ay tunay, na siya ang Anak ng Diyos, atbp. Sa pagtatakwil sa kanya matapos na ang isang tao ay nagkaroon ng siguradong kaalaman, ito ay parang ang Tagapagligtas ay ipinako muli sa krus na kung saan ay muling samalaglag ang pinaka inosente at walang salang dugo pagkatapos ng pagkakaroon ng pinakamalinaw na kaalaman.. Ito ang pagkakaiba ng kasalanan ng pagtanggi sa Banal na Espiritu sa mga nagawa ng mga kawal na Romano, na ipinako sa krus ang Tagapagligtas. Ang kanilang hindi paniniwala sa kanyang pagka-diyos, o kung sila man ay naniwala ay batay lamang sa pananampalataya; ang kaalaman na kinakailangan upang tanggihan ang Banal na Espiritu ay lumilitaw bilang isang aktwal na kaalaman ng mga katotohanan at pagka-diyos ng Tagapagligtas. Ang kalikasan ng malawak na kaalaman na kinakailangan upang tanggihan ang patotoo ng Banal na Espiritu ay konti lamang ang nakakakuha sa kanilang mga estado ng pagsubok.

Pagpatay

Ang pagpatay, o ang labag sa batas na pagkuha ng isang inosenteng buhay, ay pangalawa lamang sa pagtanggi sa Banal na Espiritu sa mga tuntunin ng mga kasalanan na walang kapatawaran. Ito ay lumilitaw na pangalawa sa mga nabanggit na kasalanan ng dahil sa isang bahagyang pagkakaiba sa mga kasulatan tungkol sa resulta ng pagpatay. Ito ay malinaw na ang isang indibidwal na pumatay matapos na pumasok sa Bago at Walang-hanggang Tipan ay hindi na magkaroon ng pagkakataon na ang kanyang pangalan ay maisusulat pa sa Libro ng Buhay ng Kordero (Doktrina at mga Tipan 132:13). Gayunman, sa Alma 39: 6 ito ay iniuugnay na para sa mga taong pumatay, maaaring "... hindi madali para sa kanya na makakuha ng kapatawaran." (Diin ay idinagdag) Ang paglalarawan ni Alma na ito sa "hindi madali" para sa isang tao na makakuha ng kapatawaran ay bahagyang naiiba mula sa maraming iba pang mga kasulatan patungkol sa mga resulta ng pagpatay, na nagbibigay suhestiyon na marahil may ilang mga bihirang pagkakataon na kung saan ang pagpatay ay maaaring mapatawad. Ito ay malinaw, gayunpaman, na ang mga pumasok sa banal na mga tipan, at lumabag sa pamamagitan ng labag sa batas na pagkuha ng isang inosenteng buhay, ay hindi makatatanggap ng kapatawaran mula sa Diyos.

Iba pang mapagkukuhan ukol sa kapatawaran

Mga Mormon na mapagkukuhan ukol sa Kapatawaran

Kasulatan para sa kapatawaran

Isang Mormon na Patnubay sa kapatawaran

________________________________________ 1. ↑http://dictionary.reference.com/browse/forgive 2. ↑ ang pagsisisi ay isang paksa na komprehensibo at sapat na upang talakayin ng mag-isa. 3. ↑ habang itong maikling synopsis ay maaaring maging kapaki-pakinabang sa pag-unawa sa konsepto ng kapatawaran, higit na benepisyo ang makukuha sa pamamagitan ng pag-aaral sa kuwento ni Enos ng direkta. 4. ↑ Kahit na ang konsepto na ang Diyos ay kakalimutan ang ating mga kasalanan ay makatutulong sa pag-unawa sa lalim ng Kanyang pagpapatawad, upang imungkahi na ang Diyos ay talagang nakakalimutan ang isang bagay ay taliwas sa kalikasan ng Diyos higit na ang kanyang kahulaan o ang Kanyang kapangyarihan na malaman ang lahat. Ito marahil ay mas mahusay na imungkahi na hindi na niya naaalala ang mga aksyon bilang mga kasalanan, ngunit mga aksyon lamang na walang mga negatibong resulta na nakaakibat. 5. ↑ Habang ang isang mahigpit na pagbabasa ng mga kasulatan ay nagpapahiwatig sa sangkatauhan na sila ay obligado lamang na patawarin ang isang tao ng 490 beses, ang konteksto ay nagpapahiwatig na ang Tagapagligtas ay sinusubukan na ituro na ang kapatawaran ay hindi isang bagay na may nakalakip na mga numero, na sinusubukang gawin ng mga relihoyosong mga iskolar sa panahon ni Hesus. Ang “pagbibilang” sa kung ilang beses nang ang isang tao ay pinatawad ay taliwas sa prinsipyo ng pagpapatawad kung saan ang kasalanan ay dapat ng “kalimutan”. 6. ↑ Tingnan ang Mateo 12:32 para sa mga pagkakaiba sa pagitan ng pagsasalita laban kay Kristo at laban sa isang siguradong patotoo kay Kristo. 7. ↑ Mga Turo ni Propetang Joseph Smith, p. 358 8. ↑ tingnan Doktrina at mga Tipan 132:27 para sa isang karagdagang paliwanag ng mga resulta ng pagpapadanak ng inosenteng dugo. 9. ↑ Ang mga modernong kasulatan ay binabanggit na isa lamang na mortal na nilalang ang kwalipikado na ituring bilang "anak ng kapahamakan," at iyon ay si Cain.

Mga kagamitang pansarili
Sa ibang wika