Kamatayang espiritwal

Mula sa MormonWiki

Guerra no ceu.jpg

Ang kamatayang espirituwal ay “pagkahiwalay mula sa harapan ng Panginoon,” ang pariralang paulit-ulit na ginagamit sa mga kasulatan upang tukuyin ang kataga (2 Nephi 9:6; Alma 42:9; Helaman 14:16). Ang mapahiwalay sa harapan ng Panginoon ay may ibig sabihing aktwal na paghihiwalay sa Diyos o mapahiwalay ang damdamin sa mga gawa ng Diyos sa pamamagitan ng makasalanang pamumuhay (ay “mamamatay sa mga bagay na nauukol sa kabutihan”; Alma 12:16, 32; 40:26).

Nilalaman [itago]


Mga nilalaman

Dalawang Uri ng Kamatayang Espirituwal

May dalawang paraan upang tayo ay maputol o mahiwalay sa harapan ng Panginoon, at ang pagkakaiba nito kung minsan ay nagiging sanhi ng pagkalito. Ang Gabay sa Kasulatan ang gumagawa sa kaibhan nito sa pamamagitan ng pagbibigay ng kahulugan ng kamatayang espirituwal bilang “paghihiwalay mula sa Diyos at sa kanyang mga impluwensya.” Sa ibang salita, ito ay ang paghihiwalay alinman sa Makalangit na Ama o ang Banal na Espirito ay matatawag na “Kamtayang Espirituwal.” Ang Aklat ng mga propetang Mormon ay gumagamit ng mga tatak na “temporal” at “espirituwal” kapag nilalarawan ang dalawang uri ng paghihiwalay: Ang ating mga unang magulang ay itinakwil kapwa temporal at espirituwal mula sa harapan ng Panginoon. (Alma 42:7) Ang kamatayang ito ang magpapangyari sa pagkabuhay na mag-uli, at tumutubos sa buong sangkatauhan mula sa unang kamatayan -- yaong kamatayang espirituwal; dahil ang buong sangkatauhan, sa pagkahulog ni Adan na nawalay sa harapan ng Panginoon, ay itinuturing na patay, kapwa sa mga bagay na temporal at sa mga bagay na espirituwal. (Helaman 14:16)

Sa ibang salita, ang mahiwalay sa harapan ng Amang nasa Langit ay tinatawag na “temporal na paghihiwalay,” at ang paghihiwalay mula sa Banal na Espirito ay tinatawag na “espirituwal na paghihiwalay.” Ang temporal na paghihiwalay (mula sa Amang nasa langit) ay minsa’y tinatawag na unang kamatayang espirituwal, o unang kamatayan (2 Nephi 9:15; Alma 11:45; 12:36; Helaman 14:16; Doktrina at mga Tipan 29:41). Ang espirituwal na paghihiwalay (mula sa Banal na Espirito) ay minsa’y tinatawag na ikalawang kamatayang espirituwal, o ikalawang kamatayan (Pahayag 2:11; 20:6, 14; 21:8; Jacob 3:11; Alma 12:16, 32; 13:30; Helaman 14:18-19; Doktrina at mga Tipan:17; 76:37). Ang katagang ito ay maaaring napili sapagkat tinutukoy nito ang pagkakasunod-sunod kung saan ang dalawang kamatayan ay nagaganap sa bawat buhay ng indibidwal- tayo ay unang nahiwalay mula sa Amang nasa Langitnoong dumating tayo sa daigdig para sa ating mortal na buhay (ang unang kamatayan); at tayo ay nahiwalay ng ilang antas mula sa banal na espirito kapag tayo ay nagkasala (ang ikalawang kamatayan).

Mahalagang maunawaan natin ang kahulugan at sanhi ng parehong uri ng kamatayang espirituwal, pati na rin ang ano mang uri ng paghihiwalay ang kinakailangan para sa ating paglaki at pagpaparangal, at ang hindi man. Mahalaga ring maunawaan kung paano nalulutas ang bawat paghihiwalay, at ang mga kundisyon na kailangang matugunan para sa kaayusang mangyayari.

Temporal na Paghihiwalay

Kahulugan

Ang temporal na paghihiwalay ay tumutukoy sa pagiging hiwalay sa Amang nasa langit sa pisikal na paraan, sa literal na kahulugan na siya ay nasa langit habang tayo ay pababa sa lupa. Halimbawa, bago ang Pagbagsak, sina Adan at Eba ay naglakad at nakipag-usap sa Diyos Ama ng harapan; sila ay nakaharap sa kanyang pisikal na kaanyuan. Pagkatapos ng Pagbagsak, nakaranas sila ng temporal na paghihiwalay kung saan ang mundo ay nahulog at sila ay nahiwalay sa kanyang literal na kaanyuan; maari silang makipag-usap sa kanya sa pamamagitan ng dasal, ngunit “Siya ay hindi nila nakikita” (Moses 5:4). Paliwanag ni Elder Earl C. Tingey,

Espirituwal (kamatayan) ay pagihihiwalay mula sa harapan ng Diyos. Sina Adan at Eba ay may kalayaang kausapin ang Diyos sa Hardin ng Eden. Pagkatapos ng kanilang pagsuway, nawala ang pribilehiyong iyon. Pagkatapos noon, ang pakikipagusal sa Diyos ay sa pamamagitan lamang ng pananampalataya at sakripisyo, kasama ng taos-pusong paghingi. Sa kasalukuyan, tayong lahat ay nasa estado ng espirituwal na kamatayan. Tayo ay nahiwalay mula sa Panginoon. Siya ay nananahan sa langit; tayo ay nakatira sa lupa. Nais nating makabalik sa kanya.

Sanhi Ang temporal na paghihiwalay ay sanhi ng pagkahulog ni Adan at nakakaapekto sa bawat supling ni Adan, kabilang ang maliit na bata na hindi pa nabibilang sa edad ng may pananagutan. Iyon ay, ang bawat supling ni Adan ay ipinanganak sa isang mundong hiwalay sa tahanan ng Diyos Amang nasa langit. Ang pagiging supling ni Adan, kahit si Hesu Kristo ay nakaranas ng temporal na paghihiwalay noong siya ay bumaba mula sa langit at dumating sa lupa.

Pangangailangan

Ang temporal na paghihiwalay ay lubos nating kailangan para sa walang hanggang paglago at pag-unlad upang maging katulad ng Panginoon. Kailangan nating umalis sa harapan ng Diyos Ama upang tayo ay lubusang masuri. Paliwanag ni Elder D. Todd Christofferson,

Kinakailangan sa plano ng Panginoon para sa ating kaligayahan sa hinaharap at kaluwalhatian na tayo ay maging malaya at responsable. Upang ito ay mangyari, kailangan natin ng karanasang hiwalay sa Kanya kung saan ang ating mga pinipili ang siyang magtutukoy sa ating tadhana. Ang pagbagsak ni Adan ang nagbigay ng espirituwal na kamatayan na kinakailangan upang mahiwalay tayo mula sa Panginoon at ilugar tayo dito sa mortal na kundisyon.

Ito ang dahilan kung bakit sinabi ni Alma sa kanyang anak na “hindi kapaki-pakinabang na ang tao ay mabawi mula sa temporal nakamatayang ito, sapagkat iyon ay makawawasak sa dakilang plano ng kaligayahan” (Alma 42:8)

Paglutas

Ang temporal na paghihiwalay ay mapagtatagumpayan kapag ang lahat ng tao ay bumalik sa harapan ng Diyos para sa Paghuhusga. Ang pagbabalik na ito ay hindi magiging posible kung walang pagsisisi: “Dahil sa namagitan para sa lahat, lahat ng tao ay lalapit sa Diyos; kaya nga, sila ay tatayo sa harapan niya, upang hatulan niya”; “ang pagbabayad-sala ang nagdala upang mapangyari ang pagkabuhay na mag-uli ng mga patay, at ang pagkabuhay na mag-uli ng mga patay ang magbabalik sa tao sa harapan ng Diyos; at sa gayon sila ay manunumbalik sa kanyang harapan upang hatulan alinsunod sa kanilang mga gawa, alinsunod sa batas at katarungan” (2 Nephi 2:10; Alma 42:23). Sa puntong iyon, sila ay muling nasa pisikal na presensiya ng Diyos, at and temporal na aspeto ng espirituwal na kamatayan ay napagtagumpayan.

Ang Tagapagligtas ay ang unang taong nagtagumpay laban sa temporal na paghihiwalay. Ito ay nangyari noong siya ay umakyat sa langit matapos ang kanyang muling pagkabuhay. Ang kalakhan ng pangyayaring ito- isang miyembro ng sangkatauhan na nakaakyat sa tirahan ng Panginoon, sa halip na maiwan sa espiritong mundo na nakabukod sa Panginoon- ay binigyang-diin ng mga sinaunang propeta sapagkat ito ay pang-isahan at walang uliran. Nahulaan ni Abinadi hindi lang ang Pagkabuhay ni Kristo, pati na rin ang kanyang Pag-akyat sa langit, at ang parehong pangyayari ay itinuturing na mga importanteng doktrina ng ibang mga propeta kagaya nina Alma at Nephi anak ni Nephi.

Mga Kundisyon

Dahil ang temporal na paghihiwalay ay nabigyang-giit ng Pagbagsak ni Adan, nang hindi sinasadya, ang mga epekto nito ay nadaig nang walang pasubali. Itinuro ni Samuel na Lamanite na sino man na makasaupil nitong unang espirituwal na kamatayan, kahit na anu mang pagpipili ang kanilang gagawin sa buhay, kapas sinabi niyang "[Kristo] tumutubos sa buong sangkatauhan mula sa unang kamatayan -- yaong kamatayang espirituwal; ... pagkabuhay na mag-uli ni Kristo ang tutubos sa sangkatauhan, oo, maging sa buong sangkatauhan, at magbabalik sa kanila sa harapan ng Panginoon. " (Hel. 14:16--17). Binigyang-diin ni Gerald N. Lund ang kahalagahan ng puntong ito:

Hindi lang ang Pagtubos ni Kristo ang nakapagdadala ng pagkabuhay sa lahat ng walang kundisyon, bagaman dinadala nito ang lahat ng tao sa hukuman kung saan sila ay dinadala sa harapan ng Diyos upang tumayo bago sa kanya para siya ay mahatol. Kung tayo ay dinala muli sa harapan ng Diyos, ang espirituwal na kamatayan, o ang ating pagkakahiwalay mula sa Diyos, ay natapos sa puntong iyon. Ano ang kinakailangang gawin ng isang tao upang mangyari ito? Lubusang wala. Ito, rin, ay walang kundisyon. Gayun pa man ang parehong epekto ng pagbagsak ni Adan [pisikal na kamatayan at temporal na paghihiwalay] ay kusang matutubos ng Tagapagligtas.

Espirituwal na Paghihiwalay

Kahulugan

Ang espirituwal na paghihiwalay ay tumutukoy sa pagiging hiwalay mula sa Banal na Kaluluwa sa espirituwal na paraan, sa matalinghagang kahulugan na, dahil ang Banal na Kaluluwa ay miyembro ng mga Diyos, paghihiwalay mula sa Banal na Kaluluwa ay paghihiwalay din mula sa Diyos. Halimbawa, bago tayo magkasala, may kalayaan tayong maangkin ang impluwensya ng Banal na Kaluluwa. Pagkatapos natin magkasala, ang Banal na Kaluluwa ay mawawala at tayo ay mahihiwalay mula sa Espirito, o “espiriuwal na mawawalay… mula sa harapan ng Panginoon.”

Sanhi

Itong espirituwal na paghihiwalay ay sanhi ng mga indibidwal na kasalanan- habang ang unang paghihiwalay ay sanhi ng Pagbagsak, “ang ikalawa ay [sanhi ng] ating sariling pagsuway.” Naaapektuhan laman ng espirituwal na paghihiwalay ang mga nagkasala, maliban sa mga maliliit na bata na hindi pa umaabot sa edad ng pananagutan.

Ang tanging taliwas sa katunayan ay noong ang Tagapagligtas ay boluntaryong nakaranas ng espirituwal na paghihiwalay bilang parte ng pagbabayad-puri kahit na, naituring na walang pagkakasala, hindi siya karapat-dapat nito. Ipinaliwanag ni Elder Jeffrey R. Holland na, “Para ang kanyang pagbabayad-puri ay maging walang hanngan at walang katapusan, kailangan niyang maranasan kung papaano mamatay hindi lang sa pisikal kundi pati rin sa espirituwal na aspeto, upang maranasan kung papaano mawala ang banal na espirito, na nag-iiwan ng isang karanasan nang ganap, kaaba-aba, walang pag-asa lamang.

Pangangailangan

Ang espirituwal na paghihiwalay ay hinding-hindi kinakailangan para ating panghabang-buhay na paglago at pag-unlad upang maging katulad ng Diyos. Ito ay maihahalintulad sa kasalanan, at ang kasalanan ay hindi natin kailangan upang tayo ay maging mas matalino, mas malakas, o maging katulad man ng Amang nasa langit sa kahit na anong paraan, ayon sa sinabi ng maraming propeta. Kaya sinabi ni Alma sa kanyang anak na "kapaki-pakinabang na ang sangkatauhan ay mabawi mula sa espirituwal na kamatayang ito" (Alma 42:9).

Paglutas

Ang espirituwal na paghihiwalay ay mapagtatagumpayan sa hangganan na ang tao ay babalik at mananahan sa espirituwal na presensiya ng Diyos. Mababawi natin ang presensiya ng Banal na espirito sa malaking antas habang tayo ay humihingi ng kapatawaran at sumusunod sa mga kautusan, ngunit ang pinakadakilang hakbang sa pagbabalik na ito ay nagaganap sa pamamagitan ng binyag at pagtanggap sa mga biyaya ng Banal na Kaluluwa.

Kung ang isang indibidwal ay binigyan ng biyaya… ng Banal na Kaluluwa, napagtagumpayan niya ang espirituwal na kamatayan sa isang antas, sapagkat nakarating siya sa harapan ng isang miyembro ng Pagka-Diyos. Ang tungkulin ng Banal na Kaluluwa, tiyak, ay upang tulungan tayong ituloy sa mga unang kundisyon sa parteng ito ng Pagsisisi at tuluyang mapagtagumpayan ang espirituwal na kamatayan sa pamamagitan ng pagbabalik sa harapan ng Ama at ng Anak.

Si Adan ang unang nakatuto at nanaig sa espirituwal na paghihiwalay sa pamamagitan ng pagtanggap sa ordinansang ito:

Sumigaw si Adan sa Panginoon, at siya ay napukaw ng Espirito ng Panginoon, at dinala sa tubig, at nailatag sa ilalim ng tubig, at dinala palabas ng tubig. Kung kaya siya ay nabinyagan, at ang espirito ng Diyos ay pumanaog sa kanya, kung kaya siya ay ipinanganak ng espirito, at naging matulin sa loob ng tao (Moses 6:64--65).

Sa panahong tayo ay nabinyagan at nakumpirma, tayo ay pumapasok sa isang tipan na may kakayahang mabigkis tayo sa Banal na Kaluluwa at payagan tayong matamasa ang palagiang presensiya niya. Ang ordinansang ito at ang tipan ay ang mga paraan ns pagsupil sa espirituwal na kamatayan.

Mga Kundisyon

Dahil ang espirituwal na paghihiwalay ay sanhi ng indibidwal na pagpipili, boluntaryo, ang epekto nito ay kundisyonal na masusupil lamang, batay sa termino ng pagsisisi. Ang resolusyon sa dalawang espirituwal na kamatayan ay magiging posible sa pamamagitan ng pagsisisi. Ngunit, kung ang temporal na paghihiwalay ay nadaig nang walang pasubali, ang espirutwal na paghihiwalay ay tanging masusupil lamang kung tayo ay gagawa at magpapanatili ng mga sagradong tipan.

Sa kung sino mang hindi gumaganap sa pananampalataya, nagsisi, mabinyagan, tumanggap ng Banal na Kaluluwa, at magtiis hanggang sa katapisan, ans espirituwal na paghihiwalay ay hindi masusupil. Habang bumabalik sila sa temporal na presensiya ng Diyos para sa Paghatol, tinatanggihan nila ang Banal na Espirito, ang espirituwal na presensiya ng Diyos. Gayun pa man, nasupil nila ang unang espirituwal na kamatayan, ngunit ang ikalawang espirituwal na kamatayan ay mananatiling may kapangyarihan sa kanila, at sila ay mananatiling nakalayas sa harapan ng Diyos. Ang katayuang ito ay kadalasang tumutukoy sa ikalawang kamatayan (Pahayag 2:11; 20:6, 14; Pahayag 21:8; Hakob 3:11; Alma 12:16, 32; Alma 13:30; Helaman 14:18-19; Doktrina at mga tipan 63:17; Doktrina at mga tipan 76:37). Ngunit, ginagawa ng Panginoon ang lahat ng posibleng tangka upang bigyan tayong lahat ng oportunidad na makagawa ng tipan at magsisi, kahit na palawigin ang oportunidad sa mga pumanaw na at sila ay mga espiritong naghihintay ng muling pagkabuhay at paghatol. Ito ay garantiya na sino man ang hindi nagkaroon ng oportunidad sa mortal na mundo, ay magkakaroon at makakatanggap nito.

Paghahambing sa Dalawang Uri

Kaya, and espirituwal na kamatayan ay maaaring tumukoy sa alin man sa dalawang paghihiwalay. Sa mga kasulatan, ang temporal na presensiya ng Panginoon ay malimit na nasasagisag ng kanyang mukha, at ang kanyang espirituwal na presensiya ay malimit na nasasagisag ng kayang boses (tignan sa Genesis 3:8; Enos 1:4, 27; Ether 3:6, 13; Doktrina at mga Tipan 93:1; Moses 5:4).

Temporal na Paghihiwalay Espirituwal na Paghihiwalay Pinagkunan Kahulugan sa mga Kasulatan "Temporal na mahihiwalay mula sa harapan ng Panginoon" "Espirituwal na mahihiwalay mula sa harapan ng Panginoon" Alma 42:7; Helaman 14:16 Pagkakahiwalay mula sa Amang nasa Langit (“Diyos”) Ang Banal na Espirito ("ang kanyang mga impluwensiya") Gabay sa mga Kasulatan, "Kamatayan, Espirituwal"

Sanhi ng Pagkakasala ni Adan Ang ating indibidwal na pagkakasala Tunay sa Pananampalataya, "Kamatayan, Espirituwal"

Pangangailan Lubusang kinakailangan (upang masuri at upang umunlad) Lubos na hindi kinakailangan para sa pag-unlad at pagsubok Alma 42:8–9 Masusupil sa panahon ng Ang huling paghatol Ang tipan ng pagbibinyag 2 Nephi 2:10; Alma 42:23; Moises 6:64–65 Mga kundisyong kinakailnagn upang masupil Wala Paghingi ng Kapatawaran Gerald N. Lund, “Salvation: By Grace or by Works?,” Ensign, Apr. 1981, p. 17 Harapan ay nilalarawan ng Ang mukha ng Diyos Ang boses ng Diyos Genesis 3:8; Deuteronomio 4:12; Enos 1:4, 27; Ether 3:6, 13; Doctrine and Covenants 93:1; Moises 5:4 Paghihiwalay ay nilalarawan ng Impiyerno Ang demonyo 2 Nephi 9

Ang temporal na paghihiwalay, paghihiwalay mula sa Amang nasa Langit, ay sanhi ng pagkakasala ni Adan at umaapekto sa lahat ng salinlahi nang walang pasubali, kahit ang inosenteng bata. Samakatuwid, ito ay masusupil ng walang pasubali sa pamamagitan ng pagsisisi kung saan ang lahat ng tao, kahit mga anak ng ganap na pagkapahamak; ay babalik sa harapan ng Ama upang mahatulan.

Ang espirituwal na paghihiwalay, pagkakahiwalay mula sa Banal na Kaluluwa, ay sanhi ng indibidwal sa kasalanan, at umaapekto lamang sa mga taong may pananagutan at sa mga sumusuway sa mga bilin. Samakatuwid, masusupil ito nang may pasubali sa pamamagitan ng pagsisisi lamang sa mga taong humihingi ng kapatawaran, noong natanggap nila ang mga biyaya ng Banal na Espirito at sumunod sa kanyang harapan sa pamamagitan ng patuloy na pagsunod sa kagustuhan ng Diyos.


Pinapayak na Paliwanag

Nagkaroon ng pagkalito noong nakalipas na panahon dahil sa mga mas payak na paliwanag ng espirituwal na kamatayan na hindi naaayon ng lubos sa mg detalye sa Aklat ng Mormon. Sa maraming paliwanag ng espirituwal na kamatayan sa mga publikasyon ng simbahan, ang pinasimpleng notion ay binibigay na pawang mananagot para sa espirituwal na paghihiwalay. Iyon ay, ang espirituwal na kamatayan ay ipinaliwanag hiwalay mula sa Diyos sa pananagutan sa pagkakasala, kung saan nasusupil lamang ito batay sa kundisyon ng pananampalataya at paghingi ng kapatawaran. Ang temporal na paghihiwalay (dahil kay Adan at masusupil nang walang pasubali sa araw ng paghahatol) ay hindi kailangmang nabanggit bilang “espirituwal na kamatayan.”

Ayon sa naturang paliwanag, lahat ay makakasupil sa pisikan na kamatayan kahit na anong gawin nila, kung sila ay muling mabubuhay, subalit may mga kaukulang kinakailangan na dapat makamtan ng isang indibidwal upang masupil ang espirituwal na kamatayan. Halimbawa, sinabi ni Pangulong Ezra Taft Benson,

Sa gayon, siya ay ating naging Manunubos- tinubos niya tayong lahat mula sa pisikal na kamatayan, at tinubos ang iba sa atin mula sa espirituwal na kamatayan ans sino mang susunod sa mga batas at ordinansa ng ebanghelyo.

Sa teknikal na kahulugan, gayun pa man, ang pisikal na kamatayan is hindi lamang ang natatanging balakid na walang pasubaling isusupil. Ang unang espirituwal na kamatayan ay siya ring kailangang sugpuin ng walang anu mang kinakailangan o kundisyon, dahil lahat ay babalik sa harapan ng Ama para sa paghahatol. Gayun pa man, ito ay hindi ganap na tumpak upang sabihin na tayo ay tinubos lamang mula sa espirituwal na kamatayan kung matutugunan ang mga tiyak na mga kundisyon. Ipinaliwanag ni Gerald N. Lund kung bakit mahalaga itong mga teknikal na usapin:

Upang gawin ang pagbabalik ng Diyos (pagsupil sa espirituwal na kamatayan) na kondisyonal, noong ang paghihiwalay mula sa kanya ay orihinal na sanhi ng pabagsak ni Adan, ay nangangahulugang tayo ay nagdurusa bilang parusa sa pagkakasala ni Adan, at ito ay hindi ang kaso… Gayun pa man, ang dalawang epekto ng agbagsak ni Adan [pisikal na kamatayan at temporal na paghihiwalay] ay kusang natubos ng Tagapagligtas.

Ang mga pahayag sa espieituwal na kamatayan tulad ng isang nabanggit ni Pangulong Benson ay maaaring ituring bilang isang pinasimpleng paliwanag.Ang paliwanag na ito ay hindi mananagot para sa temporal na pahihiwalay nang walang pasubali (sa kaibahan, nilinaw ng Aklat ng Mormon ang katotohanang iyon, tulad ng sa Helaman 14:16). Itong pinapayak na paran ng pagtuturo ay hindi dapat ituring na hindi husto o kaya hindi tumpak o hindi kumpleto, bilang madalas na kaso sa paglilinis ng mga malalalim na doktrina upang maunawaan sila sa mga baguhan sa napabalik na ebanghelyo.

Ang mga tulad nitong pinapayak na mga paliwanag ng espirituwal na kamatayan bilang isa ni Pangulong Benson na ibinukod ang temporal na paghihiwalay marahil dahil sa prayoridad at sariling kapakanan. Iyon ay, dahil ang temporal na paghihiwalay ay walang pasubaling nasupil na ng Tagapagligtas (noong ang lahat ng tao ay bulaki sa harapan ng Ama para sa Paghahatol), ito ay tila kalabisan na ipaliwanag ang isang problemang ganap nang nasolusyonan. Sa kaibhan, maraming doktrinal na paglalahad ang naglingkod sa layuning manghikayat ng mga tagapakinig upang gumawa ng matalinong pagpili habang ang kanilang mortal na probasyon ay nagtatagal. Kaya, ang espirituwal na paghihiwalay ay isang mas mahalagang doktrina na kailangang ipaliwanag, sahil bawat mortal ay nangangailangan paring supilin ito sa pamamagitan ng kaniyang mga pagpipili. Kapag ang oras at espasyo ng isang Tagapagsalita ay hindi sapat, madalas niyang ilarawan ang espirituwal na kamatayan bilang espirituwal na paghihiwalay lamang, kinakaligtaan ang teknikal na mas tumpak na paglalarawan sa mga ito bilang parehong espirituwal at temporal na paghihiwalay.

Dahil ang ibang mga propeta ay mukhang contento na ipasa ang isang mas teknikal na paliwanag, ang tanong ay maaring tanungin, bakit ang mga sinaunang propeta kagaya ni Samuel na Laminite, Alma, at Hakob ay itinuring na kapaki-pakinabang na maglaan ng mahalagang bahagi ng kanilang mga talumpati upang ipaliwanag na ang temporal na paghihiwalay ay walang pasubaling nasupil na? Isang posibleng dahilan ay upang lumayo sa mga kinaugaliang mga gawain kagaya ng binyag ng mga sanggol (tignan Moro. 8). Marahil na ang ilang mga Nephita, naiintindihan na ang mga sanggol ay nakaranas ng espirituwal na kamatayan (iyon ay, ang temporal na pagkakahiwalay) at ang pagbibinyag ay kinakailangan upang masupil ang espirituwal na kamatayan (iyon ay, ang espirituwal na pagkakahiwalay), pagtibayin na ang mga sanggol ay kinakailangang mabinyagan. Isang paraan upang mapatigil ang kaugaliang iyon ay linawing mabuti ang pagpapaliwanag na may dalawang uri ng espirituwal na kamatayan. Dahil ang binyag ng mga sanggol ay hindi isang lakit na pagkakamali sa gitna ng modernong mga banal, maaaring hindi gaanong kinakailangan linawin itong doktrinal na detalye.

Iba pang posibleng dahilan ang kanilang mga sinaunang tagapakinig ay mas tiyak sa kanilang temporal na pagkakahiwalay mula sa Diyos. Ang pagiging mas malapit sa oras at ang mas pamilyar sa mga kuwento ng Eden o ang higit sa karaniwang kaharian, maaaring naintindihan nila nang mas malinaw kaysa sa pagkakaintindi ng modernong lipunan na may bagay-bagay na hindi tama sa kalagayan ng mga tao, at tayo ay nilikha upang matamasa ang presensiya ng Ama.

Sa pagdamdam sa katotohanang ito, ang tanong ay maaaring sumiklab ng mas madalas kaysa sa ngayon na kung bakit tayo nahiwalay mula sa Ama bago tayo nagkaroon ng sapat na pananagutan na gumawa ng anuman upang marapatin ang isang kondisyon. Samakatuwid, ang kanilang mga propeta ay dapat harapin ang mga tila mararayang kundisyon at ipaliwanag kung bakit walang pasubali itong nasusupil.

Simbolismo sa Tabernakulo

Kapag naintindihan na “ang mukha ng Panginoon” ay maaaring kumatawan sa harapan ng Amang nasa Langit, habang “ang boses ng Panginoon” ay maaaring kumatawan sa harapan ng Banal na Espirito, ang pangunahing prinsipyo tungkol sa pagsupil sa espirituwal na kamatayan ay maaaring makilalasa mga seremonya na naganap sa sinaunang tabernakulo (ang simbolong ito ay nakikita sa mga modernong mga templo) • Ang luklukan ng awa, katumbas ng Luklukan ng Diyos kung saan ang Panginoon ay nanahan, ay nasa Pinakabanal na pook (Banal sa mga Banal), ang kwartong pinakamalayong hulihan sa tabernakulo. Kung ang isang tao ay nakatayo sa silid na iyon, maaari niyang makita ang mukha ng Diyos dahil tumatayo siya ng direkta sa harapn ng Panginoon. • Ang susunod na kuwart, ang Banal na pook, ay hiniwalay mula sa Pinakabanal na pook sa pamamagitan ng isang belo, isang makapal na kurtina. Kung ang isang tao ay nakatayo sa silid na iyon, hindi niya makikita ang mukha ng Diyos, dahil ang belo ang haharang sa pagtingin sa luklukan ng awa na kung saan nakaupo ang Diyos; gayunpaman, maaaring marinig ng tao ang boses ng Panginoon, dahil isang kurtina lamang ang nakalapat sa pagitan nila • Ang susunod na lugar sa tabernakulo ay ang Patyo, isang bukas na lugar na may mga pader sa labas ng Banal na pook kung saan ang mga hayop ay dinadala para sa sakripisyo. Kung ang isang tao ay nakatayo sa loob ng Patyo, hindi niya maaaring makita ang mukha ng Diyos o hindi rin niya maririnig ang boses ng Diyos, dahil siya ay napakalayo at pinapaligiran ng mga iyak ng mga hayop.

Gayun din, noong nanirahan tayo sa langit bago ang ating buhay (ang Pinakabanal na pook), tayo ay nagsasaya sa harapan ng Amang nasa Langit at ng Banal na Espirito (nakikita ang kanyang mukha at naririnig ang kanyang boses). Ang makataong pagsubok ay nangangailangang na dumaan tayo sa kabilang dako ng belo, kung saan hindi na natin natatamasa ang presensiya ng Amang nasa Langit (makita ang kanyang mukha). Gayunman, kung tayo ay mababatak palapit sa Diyos at tumupad sa ating mga tipan (tumayo sa mga Banal na pook), maaari parin nating matamasa ang presensiya ng Banal na espirito (pagdinid sa kanyang boses). Kung tayo ay mabigong gumawa o tumupad sa mga sagradong tipan, matitira “na walang Diyos sa mundo” (sa labas ng Patyo), mawawala sa atin ang presensiya ng parehong Amang nasa langit at ng Banal na Espirito (ni hindi makikita ang kanyang mukha o mapakinggan ang kanyang tinig).

Sa tabernakulo, upang makalapit sa luklukan ng awa (ang luklukan kung saan naroroon at nakaupo ang Diyos), umalis sa Patyo at pumasok sa Banal na pook, ang isang tao ay kinakailangang maglakad pagkaraan sa dambana ng sakripisyo. Muli, upang umalis sa Banal na pook at pumasok sa Pinakabanal na pook, kinakailangang maglakad pagkaraan sa dambana ng insenso. Pinapaalala ng dalawang altar na upang mahatak tayo palapit sa Diyos, kailangan nating gumawa ng mga tipan, isakripisyo ang mga pagkakasalang pinanghahawakan at importante sa atin upang marinig natin ng mas mahusay ang kanyang boses, o kaya ay upang maangkin natin ang Banal na Espirito nang mas malakas. Habang tayo ay nabubuhay sa lupa, ang presensiya ng amang nasa Langit ay palaging babalot sa atin. Ngunit sa katapusan, kung inintindi natin ang kanyang tinig, masupil ang espirituwal na pagkakahiwalay, magiging handa tayo sa pagtawid sa belo papasok sa makalangit na kaharian kung saan siya ay nananahan at makita ang kanyang mukha, sa pagsupil sa temporal na pagkakahiwalay at masiyahan ang kanyang personal na presensiya magpakailanman.

Mga kagamitang pansarili