Kahinhinan

Mula sa MormonWiki

Modesty.jpg

Ang mga miyembro ng Ang Simbahan ni Jesukristo ng Mga Banal sa mga Huling Araw ay palaging hinihikayat na magsuot ng maayos na pananamit, at ito ay kinakailangan sa pagsusuot ng damit na pangtemplo. Kahit noong sinauna pang simbahan ni Jesukristo ang mga miyembro ay hnihikatat na na "maging mahinhin ,maayos sa pananamit" (tingnan sa 1 Timothy 2:9). Ang Gabay sa mga kasulatan ng Simbahan ay nagsasaad na ang kahinhinan ay "kaanyuan na nagpapakita ng kapakumbabaan, katamtaman, at disente. Ang isang taong may kahinhinan ay umiiwas sa pagmamalabis at pagkukunwari".

Ang mga pinuno ng Simbahan ay nagbigay ng karagdagang tagubilin tungkol sa kahinhinan na mababasa sa pampleto na may pamagat na Para sa Kalakasan ng Kabataan sa ilalim ng bahagi na may pamagat na Pananamit at Kaayusan. Mababasa sa bahaging ito na:

Ang mga propeta ng Diyos ay pinagpapayuhan ang kanyang mga anak na manamit ng may kahinhinan. Sa pamamaraan ng iyong pananamit ay masasalamin kung ano ang nilalaman ng iyong kalooban. Ang iyong damit at ayos ay nagpapadala ng mensahe sa iba tungkol sa iyo at iniimpluwensyahan ang pagkilos mo at kilos ng iba. Kung maganda ang iyong ayos at mahinhin ang pananamit, inaanyayahan mo ang Banal na Espiritu upng maging palagiang kasama mo at maaari itong magdulot ng mabuting impluwensya sa mga nakapaligid sa iyo.

Huwag mong ibababa ang pamantayan mo sa pananamit. Kapag ginawa mo ito, nagpapahayag lamang na ginagamit mo ang iyong katawan upang makakuha ng atensyon at pagsang-ayon at ang kahinhinan ay mahalaga lamang kung kinakailangan.

Hindi katanggap-tanggap ang pagsusuot ng maiikling pantalon at palda, masisikip na kasuotan, mga kamisetang hindi natatakpan ang tiyan, at iba pang malalaswang kasuotan. Ang magsusuot ng damit na halos lumilitaw ang dibdib o likod o sa anumang paraan ay hindi kanais-nais na pagmasdan. Ang mga kabataang lalaki ay nararapat din na magpakita ng kahinhinan sa kanilang kaanyuan. Nararapat na iwasan ang lahat ng pagmamalabis sa kasuotan, kaanyuan, at ayos ng buhok. Kinakailangan na laging malinis at maayos at iwasan ang maging kakaiba o hindi angkop ang kasuotan, kaanyuan at mga asal. Tanungin ang inyong sarili: "Magiging komportable kaya ang pakiramdam ko kapag ako ay tumindig sa harapan ng Panginoon?"

Balang araw ay tatanggapin ninyo ang inyong endowment sa templo. Ang inyong pananamit at pag-uugali ay nararapat na makatulong sa inyo na paghandaan ang banal na oras na iyon.

Magpakita ng paggalang sa Diyos sa pamamagitan ng naaangkop na pananamit sa pagdalo sa mga pagpupulong sa simbahan, maging kung araw ng sabbath man, o ibang araw ng linggo.

Ang pananamit ng may kahinhinan ay nagpapakita ng paggalang hindi lamang sa Diyos subalit maging sa katawan na ipinagkaloob niya sa kanyang mga anak. Sa 1 Corinto 3;16-17, isinasaad na:

Hindi ba ninyo alam na kayo ay templo na Diyos at naninirahan sa inyo ang kanyang Espiritu? Parurusahan ng Diyos ang magwasak ng templo niya. Sapagkat banal ang templo ng Diyos at kayo ang templong iyan.

Matapos kainin nina Adan at Eba ang bunga, nakita nila na sila ay mga hubad, at binigyan sila ng Panginoon ng damit na maisusuot sa kanilang sarili. Kay Adan at maging sa kanyang asawa, gumawa ako, ang Panginoon ninyong Diyos, ng mga damit na yari sa balat, at isinuot sa kanila.(Moses 4:27) Kahit dadalawa pa lamang sila noon sa mundo, at naikasal na sa isa't-isa, ipinag-utos pa rin ng Diyos na sila ay madamitan nang maayos mula nang sila ay mahulog mula sa paraiso. Ito ay nagtuturo ng kabanalan ng katawan. Ang pagsusuot ng damit na may kahinhinan ay isang paraan ng pagpapakita ng paggalang sa Panginoon, at naghihikayat ng mahinhin at magandang asal.

Mga kagamitang pansarili
Sa ibang wika