Joseph Smith
Mula sa MormonWiki
Joseph Smith, Jr. (1805-1844)ay ang propeta na nagtaguyod ng Simbahan ni Hesu Kristo ng mga Banal sa Huling Araw. Ang mga Mormon ay tinatawag siyang Propeta dahil, ayon sa nakasanayang tradisiyon ng mga propeta na nakatala sa Luma at Bagong Testamento, sumalalay siya sa rebelasiyon ng Diyos para magturo sa mga tao, at hindi sa kanyang sariling katalinohan at kaalaman. Ang Propetang si Joseph Smith ay isa sa mga pinaka-karismatico at maimplowensiyang larawan sa Storya ng America. Si Joseph Smith ay nagkaroon ng maraming tagasunod sa kanyang buong buhay, subalit marami ring hindi sang-ayon, dahil ang kanyang mga turo ay hindi tinanggap ng karamihan sa nananatiling Kristiyanong comonidad. Dahil karamihan sakanila, ang mga doktrinang kanyang tinuro ay parang wala na higit pa sa kasinungalingan at kabaliktaran sa mga interpretasiyon nila sa Bibliya. Sa simula, ang naging pinakamalalim na punto ay ang karapatan sa pagtanggap ng rebelasiyon ni Joseph Smith, kung saan karamihan sa mga paniniwalang Kristiyano ay natapos sa pagkamatay ng mga apostol ni Kristo.
Storya ni Joseph Smith
Ang mga ninuno ni Joseph Smith ay karaniwang taong bukid na Bagong Englese na lumipat ng lugar mula sa England patungo sa Amerika sa ika-labingpito ng bagong mileniyo at nanirahan sa Massachusetts. Si Joseph Smith ay isinilang ng Desyember 23, 1805, sa Sharon, Vermont, anak ni Joseph and Lucy Mack Smith. Sa kanyang kabataan si Joseph ay hindi nagkaroon ng pormal na edukasiyon, subalit naturuan siyang magbasa, magsulat, at ang mga unang prinsipiyo ng aritmetika; ang kanyang ina ay nag-ulat na lagi siyang nasa meditasiyon at malalim na pagaaral. Ang Pamilyang Smith ay lumipat ng lugar ng maraming beses sa loob ng dalawampong taon. Nang si Joseph ay labing-isang taon pa lamang, ang kanyang pamilya ay lumipat sa Palmyra, New York, kung saan si Joseph ay namuhay ng halos lahat ng kanyang pagbibinata. Ang lugar na ito ay kilala bilang "burned-over district," dahil kadalasan ay meron ditong matinding kasabikang pangrelihiyon. Ibat-ibang sektang kristiyano ay sumoporta sa mga pagpupulong at paghikayat muli, at matindihan silang nagkompitensya para sa mga bagong binyag.
Noong 1820, sa taong apat-napo, si Joseph ay talagang nagulohan tunkol kung saang simbahan siya dapat sumali, at ang nagbibigay away na pagtuturo ng mga relihiyosong ministro ay dumagdag sa hindi niya kasiguradohan. Karaniwan sa kanyang mga naging kapamilya ay nagpabinyag sa simbahang Methodist at Presbyterian. Determinado si Joseph na malaman kung alin sa mga relihiyon na iyon ang tama. Bago niya basahin ang ilang bahagi ng Bibliya sa Libro ni James, nagsasabi na sino man ang kulang sa kaalaman ay "magtanong sa Diyos" (James 1:5), nagdisisiyon si Joseph na dumaing sa Diyos para sa gabay.
Sa kaagahan ng umaga sa tagsibol ng 1820, nagpunta si Joseph sa isang nakatagong kakahoyan upang magtanong sa Diyos kung aling simbahan ang dapat niyang sundin. Habang siya ay nagdarasal, at ilang saglit, ang Diyos Ama at ang kanyang anak, si Hesu Kristo, ay nagpakita sa kanya. Ang esperyensyang ito ay tinatawag na Unang pagpapakita sa Mormonismo at sinasabing ang importanteng pangyayari sa storya ng mga tao, pangalawa lamang sa pagkamatay at muling pagkabuhay ni Hesu Kristo. Ang kahalagahan ng pangyayaring iyon ay umuugnay na rin sa kanyang kahulogan bilang simula ng muling pagbangon ng totoong simbahan ni Kristo sa mundo, na nawala sabay ng pagkamatay ng mga orihinal na apostol.
Pagkatapos, sa 1823, sinabi ni Joseph Smith na binisita rin daw siya ng isang anghel na nag-ngangalang Moroni, na nagsabi sa kanya tungkol sa isang lumang kasulatan na naglalaman ng mga naging ugnayan ng Diyos sa mga namuhay sa continente ng Amerika. Ipinakita ng anghel kay Joseph ang kakahoyan kung saan nakatago ang mga kasulatan. Kahit papano, sinabi rin sa kanya na kaylangan niya pang mgahintay ng apat na taon bago niya matanggap ang mga kasulatan, at kaylangan niya pang bumalik tuwing isang taon sa lugar din na iyon para makatanggap ng higit pang gabay. Noong 1827, sa wakas si Joseph ay karapatdapat na upang tanggapin ang kasulatan, na nakasulat sa mga gintong papel. Ilang araw, matapos matanggap ang mga gintong kasulatan, sinimulan na ni Joseph Smith ang pagsasaling lingwahe ng mga nilalaman nito sa tulong ng "biyaya ng diyos." Ang resulta ng kanyang tiyaga sa pagsasalin ay nakilala bilang Ang Libro ni Mormon---Ibang pang testamento ni Hesu Kristo, na inilabas sa publiko noong Marso ng 1830. Pagkatapos ng pagpapapubliko ng Libro ni Mormon, noong ika-6 ng Abril,1830, itinaguyod na ng Propeta ang Simbahan at siya ang naging unang presidente nito.
Habang nagtratrabaho sa Harmony, Pensylvania, noong 1825, nakilala ni Joseph Smith si Emma Hale. Noong ika-18 ng Enero, 1827, nagpakasal si Joseph at Emma. Nagkaroon sila ng labing-isang anak(kasali ang dalawa nilang ampon), lima lamang ang nabuhay pagkatapos ng pagkapanganak. Mahal na mahal ni Joseph ang kanyang pamilya, at ang kanyang mga sariling tala ay puno ng mga dasal at pagaalala para sa pangkabutihan ng kanyang pamilya.
Ang Kamartiran
Noong ika-27 ng Hulyo,1844, habang nasa Kulungang Carthage, si Joseph Smith at ang kanyang kapatid, si Hyrum Smith, ay pinatay ng mga masasamang tao kasama ang ilang taong maiitim ang mukha. (Tignan sa Carthage Jail). Matapos ang pagkamaty ng Propeta, si John Taylor, isang saksi sa naging pagka-martir na iyon, ay isinulat ang mga sumusunod: Si Joseph Smith, ang Propeta ng Diyos, ay gumawa ng maraming bagay, hindi lang si Hesus, para sa kaligtasan ng mga tao sa mundong ito, higit pa sa kanino man na namuhay dito. Doctrine and Covenants 135:3 Sa kanyang saglit na pamumuhay, ang Propetang si Prophet Joseph ay nagtaguyod ng mga syudad, gumawa ng maraming banal na kasulatan, at nagpadala ng maraming misiyonaryo sa lahat ng parte ng mundo. Kasali siya sa pagbuo ng mga templo, nagsilbi bilang Alkalde ng Nauvoo, at naging kandidato rin siya sa pagiging presidente ng Stados Unidos.
Kilala siya ng mga tao dahil sa kanyang pananampalataya bilang pinaka implosiyal na pinunong relihiyoso sa storia ng Amerika. Talagang naglarawan siyang kontrobersiyal na umaani ng mga pagsalungat dahil na rin sa hinamon niya ang mga naka-stabilisadong paniniwala. Ang mga myembro ng Simbahan ni Hesu Kristo ng mga Banal sa Huling Araw ay hindi sinasamba ang Propetang si Joseph Smith, subalit iginagalang siya ng buong puso bilang instrumento kung papaano bumalik ulit ang Ibanghelyo ni Hesu Kristo sa mundo. Mga Tala galing kay Joseph Smith “Kapag nagiisip tayo tungkol sa kabanalan at perpeksyon ng ating magaling na Padron, na nagbukas ng daan kung papaano tayo makakapunta sa kanya, kahit na ang pagsasakripisiyo ng kanyang sarili, ang ating mga puso ay natutunaw sa ating kalooban dahil sa kanyang bulontaryong pagpapakombaba. At pag tayo rin ay nagiisip, na tinawag niya tayo upang maging perpekto sa lahat ng bagay, upang tayo ay maging handa para makita siya sa kapayapaan pag siya ay dumating sa kabanalan kasama ang kanyang mga banal na anghel, gusto nating hikayatin ang ating mga kapatiran ng may paninindigan, upang maging mapagpakumbaba at madasalin, upang maglakad ng may katutohanan bilang mga anak ng ilaw at ng araw, at nang magkaroon sila ng basbas ng diyos upang makaya lahat ng mga temptasiyon, at para matalo lahat ng mga kasamaan sa karapatdapat na pangalan ng ating Diyos na si Hesu Kristo. Para maging sigurado, mga kapatid, na ang araw na iyon ay totoong malapit na, na ang Padron ng bahay ay lilitaw at isasarado ang pinto, at walang sino man hindi lang sa mga mayroong damit pangkasal ay papayagan na magpakasaya sa isang lugar sa haponan ng kasal! [See Matthew 22:1–14.]” Sulat galing kay Joseph Smith at mga saserdote sa mga kapatiran sa Geneseo, New York, ika-23 ng Nobyembre, 1833, Kirtland, Ohio, Talaan ng Simbahan. “Tinatanggap namin ang mga banal na kasulatan sa aming mga kamay, at inaamin sa aming sarili na ibinigay sila ng may personal na inspirasiyon para sa pangkabutihan ng mga tao. Naniniwala kami na ang Diyos ay bumaba para makipagusap mula sa kalangitan at ipahiwatig ang kanyang kagustuhan para sa lahat ng pamilya ng tao, upang bigyan sila ng makatwiran at banal na mga batas, upang maisaayos ang kanilang mga gawa, at gabayan sila sa tamang landas, nang sa darating na panahon ay maari na Niya silang dalhin sa Kanyang sarili, at gawin silang kasama ng Kanyang mga Anak. Storya ng Simbahan, 2:11, 14; punctuation modernized; mula sa “Mga Elder ng simbahan sa Kirtland, para sa mga Kapatiran Nila sa ibang Bansa,” ika-22 ng Enero, 1834, pinubliko sa Evening and Morning Star, Feb. 1834, p. 136; Mar. 1834, p. 142. “Ang mga Batayan ng Katotohanan ay naitayong muli; walang hindi banal na kamay ang makakapigil sa pag-unlad ng gawa; maaaring tumindi ang mga pagsalungat, maaaring magsama-sama ang mga masasamang tao, maaaring mabuo ang mga batalyon, maaaring paninira ay kanilang subukan, subalit ang katoohanan ng Diyos ay matatag na magpapatuloy, nang marangal, at malaya, hanggang sa marating nito ang bawat kontinente, mabisita ang bawat lugar, malinis ang bawat bansa, at marinig sa bawat taynga, hanggang sa matupad lahat ng mga hangarin ng Diyos, at ang Makapangyarihang Jehovah ay sasabihing tapos na ang trabaho.” Storya ng Simbahan, 4:540; mula sa isang sulat galing kay Joseph Smith isinulat mula sa hiling ni John Wentworth at George Barstow, Nauvoo, Illinois, ipinubliko sa Times and Seasons, Mar. 1, 1842, p. 709.
