Inspirasyon
Mula sa MormonWiki
Ang inspirasyon ay isang banal na pamamatnubay na nagmumula sa pamamagitan ng mga pag-uudyokng Banal na Espiritu. Ito ay ang pinaka-karaniwang anyo ng pagpapahayag na ipinagkaloob ng Diyos. Ang mga karapat-dapat na mga miyembro ng Ang Simbahan ni JesuCristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, o mga Mormons, ay nakakatanggap ng kaloob ng Banal na Espiritu sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay pagkatapos ng bautismo.Ang timtimang pakikipagsamahan ng Banal na Espiritu ay nagbibigay kakayahan sa mga karapat-dapat na miyembro upang makatanggap ng inspirasyon sa kanyang personal na buhay, buhay pamilya, negosyo at mga tungkulinsa simbahan. Ang Banal na Espiritu, gayunman, ay kayang magbigay ng inspirasyon sa mga tao sa lahat ng relihiyon sa anumang oras, yamang ang lahat ay mga anak ng Diyos.
Ang personal na paghahayag ay nagmumula bilang isang patotoo ng katotohanan at bilang pamamatnubay sa espiritwal at pansamantalang mga bagay. Nalalaman ng mga Banal sa Huling Araw na ang mga pag-uudyok ng Espiritu ay maaaring matanggap sa lahat ng munting bahagi ng buhay, kabilang ang mga pang-araw-araw, kasalukuyang mga desisyon.Sa kawalan ng paghahanap ng inspirasyon ng Pinakamakapangyarihang Diyos, paanong ang sinuman ay makapag-iisip ng gumawa ng sa mahalagang pagpapasya katulad ng “Sino ang aking makakasama?” “Ano ang aking magiging trabaho?” “Saan ako maninirahan?” “Paano ako mamumuhay?” Ang ilang mga alituntunin at mga patakaran ay nararapat kung ang isa ay magiging tagatanggap ng paghahayag at inspirasyon. Kanilang ibinibilang (1) na subuking maging matapat at wagas na panatilihin ang mgautos ng Diyos, (2) na maging espiritwal na angkop bilang isang tagapagtanggap ng mga banal na mensahe, (3) na humingi sa Diyos sa mapagkumbaba at taimtim na panalangin, at (4) na magsaliksik ng mga kasagutan kasama ang walang pag-aalinlangang pananampalataya.
Paano natatanggap ang inspirasyon?
Panno natatanggap ang inspirasyon? Si Enos ay nagpahayag, “At samantalang ako ay nasa gayong pagpupunyagi sa espiritu, masdan, ang tinig ng Panginoon ay sumaisip kong muli” (Enos 1:10). Ang isang tao ay hindi nararapat na makarinig ng isang naririnig na boses. Ang espiritu ng pagpapahayag ay dumarating sa pamamagitan ng banal na pagpapatunay. “Oo, masdan, sasabihin ko sa iyo sa iyong isipan at sa iyong puso, sa pamamagitan ng Espiritu Santo, na pasasaiyo at mananahan sa iyong puso.” (Ang Doktrina at mga Tipan 8:2).
Pangasiwaan at Inspirasyon?
Kapag tayo ay tumahan sa presensiya ng Diyos nating Ama sa Kalangitan, tayo ay pinagkalooban ng pangasiwaan. Ito ay nagbibigay sa atin ng pagkakataon, ng pribelehiyo, na pumili kung ano angating gagawin – upang gumawa ng malaya, walang hadlang na pagpili. Noong ang amang Adan ay inilagay sa Hardin ng Eden, siya ay binigyan ng ganitong kapangyarihan, at tayo ngayon ay nagtataglay nito. Tayo ay inaasahan na gamitin ang mga kaloob at talento at mga kakayahan, ang isipan at paghatol at pangasiwaan kasama na sa atin ay pinagkaloob.
Ngunit, sa kabilang banda, tayo ay inutusan na saliksikin ang Panginoon, upang hangarin ang kanyang Espiritu, upang makamit ang espiritu ng pagpapahayag at inspirasyon sa ating mga buhay. Tayo ay nagtutungo sa Simbahan at ang isang nauukol sa batas na tagapangasiwa ay naglalagay ng kanyang mga kamay sa ating ulo at nagsasabi, “Tanggapin ang Banal na Espiritu.” Ito ang nagbibigay sa atin ng kaloob ng Banal na Espiritu, na siyang nararapat sa timtimang pakikipagsamahan ng miyembro ng pagka Diyos, batay sa pagiging matapat.
At sa gayon tayo ay naharap sa dalawang panukala. Ang isa ay dapat tayong magabayan sa pamamagitan ng espiritu ng inspirasyon, ang espiritu ng pagpapahayag. Ang isa naman ay naririto tayo sa ilalim ng direksyon na gamitin ang ating pangasiwaan, upang mabatid kung ano ang dapat nating gawin sa ating sarili; at tayo na kinakailangang magtatag ng magulong balanse sa pagitan ng dalawang ito, kung tayo ay susunod sa isang kadahilanan na magbibigay sa ating ng kaligayahan, kakuntentuhan at kapayapaan sa buhay na ito at mag-aakay sa walang hanggang gantimpala sa kahariaan ng ating Ama.
Tayo ay hindi madalas nakatatanggap ng inspirasyon o paghahayag kung atin itong hinihiling. Minsan tayo ay naaantala sa pagtanggap ng paghahayag, at kung minsan tayo ay naiiwan sa ating sariling paghahatol. Hindi natin maaaring pilitin ang mga espiritwal na mga bagay. Ito ay dapat maging. Ang layunin ng ating buhay na magtamo ng karanasan at malinang ang pananampalataya ay maaaring maging kabiguan kung ang ating Ama sa Kalangitan ay nagpapatnubay sa atin sa bawat kilos, maging sa bawat mahalagang kilos. Kinakailangan nating gumawa ng mga desisyon at maranasan ang mga kahihinatnan, ito ay upang malinang ang kompiyansa sa sarili at pananampalataya.
Ang Panginoon ay umaasa na gagamitin ng mga tao ang kanilang dahilan at pangasiwaan upang gumawa ng mga pagpapasya. Kaniyang inaasaan na sila ay kikilos upang maintindihan ang kanilang mga pagkakataonat gumawa sila ng kaisipan mula sa sanhi at bunga. Kaniyang inaasahan na sila ay gagawa ng maraming mga bagay sa kanilang sarilingpagpapasya na kalugod-lugod at kagalang-galang, at Kaniyang inaasahan na hindi dapat na patnubayan ang Kanyang mga anak sa bawat minuto ng pakikitungo sa buhay sa mundo. Pagkatapos na ang pagsisikap ay magawa, ang inspirasyon ay kapakinabangan sa lahat ng mapagkumbabang lubos na humingi:
Tayo ay may karapatan sa espiritu ng paghahayag, ngunit kung ano ang aking sinusubukang ituro ay mayroong tamang paraan at proseso, at may mga kondisyon na kailangang nating maisakatuparan bago natin masumpungan ang espiritu. Ito ay ating tungkulin na humayo at harapin angating mga problema at pagkatapos ay magpayo kasama ang Panginoon at magkamit ng nagpapatibay na selyo ng Banal na Espiritu sa mga hangganan na ating nararating; at ang nagpapatibay na selyong iyon ay ang espiritu ng paghahayag.
Ang Diyos ay nagkakaloob sa atin ng karunungan sa mga bagay na ito. Ang Diyos ay nagkakaloob sa atin ng tapang at ang kakayahan na tumayo sa ating mga sariling paa at gamitin angating mga sariling paa at gamitin ang ating pangasiwaan at ang mga kakayahan at kapabilidad na ating tinataglay; pagkatapos tayo ay maging buong sapat na mapagkumbaba at masunurin sa Espiritu na iyuko angating kagustuhan sa kanyang kagustuhan, upang makuha ang kanyang nagbibigay-tibay at nagpapatotoong selyo ng pagsang-ayon, upang makapasok sa ating mga buhay sa ganung paraan ang espiritu ng paghahayag. At kung atin itong gagawin, wala ng katanungan patungkol sa kahihinatnan; ito ay kapayapaan sa ating buhay, ito ay kadakilaan at karangalan at dignidad sa buhay na darating.
Kung minsan, gayun man, ang anak ng Diyos ay nagiging desperado. Ano mang pilit na subukin na lutasin ang kanyang mga problema, walang mga pagbabago, at kanyang matatanto na siya ay walang kapangyarihan na lutasin ang mga ito sa kanyang sarili. Sa mga pagkakataong katulad nito, naririnig ng Panginoon ang sinuman sa Kanyang mga anak na inilalapit ang kanyang sarili sa paanan ng Panginoon sa walang pag-asang pagpakumbaba at mga pagsamo para sa tulong. Ang tao ay dapat umasa sa walang hanggang pananaw at magtiwala sa inspirasyon ng labis na kikilos sa mga ito. Isang halimbawa ay ang inspirasyon na natanggap ng Presidenteng Wilford Woodruf. Kumilos sa kanya sa pamamagitan ng Panginoon na magtatag ng isang nagpipinong planta ng halamang pinagkukunan ng asukal sa Utah. Ang lahat ng isipang pangnegosyo ay tila kumukutsa laban sa panukala, at kahit ang mga apostol ay labis na nagdududa. Si Presidente Woodruff ay nakipulong kasama nila habang kanilang pinag-aaralan ang lahat ng opinyon na sumasalungat sa ganung desisyon. Kanyang sinabi,
Mula sa araw na natanggap ko ang kaalaman ng kabanalang ng ebanghelyo ni JesuCristo na nahayag sa pamamagitan ng Propetang Joseph Smith, mula sa araw na ako ay lumabas bilang isang mapagkumbabang saserdote upang ipahayag ang ebanghelyong iyan, kahit na ito ay kahalintulad ng kamatayan sa aking harapan, kung ang landas ng tungkulin na ang ebanghelyo ay kailanganin ako na lakarin ay tinawag ako upang harapin ang kamatayan, hindi ako kailanman liliko sa kanan o liliko sa kaliwa; at ngayon ang inspirasyon ng Panginoon sa akin ay itayo ang paggawang ito. Sa bawat oras na iniisip ko na iwanan ito, mayroong kadiliman; at sa bawat oras na iniisip ko na ipatayo ito, mayroong liwanag. Ating ipatatayo ang paggawaang kung ito ay magpapasilakbo sa Simbahan (Sa Ulat ng Kumperensiya, Hunyo 1919, 8-9).
Ang paggawaan ay naging labis na tagumpay at ang iba pa ay ginawa
Pagkilala sa Inspirasyon
Isa sa mga mahirap na leksyon sa pamumuhay sa mundo ay ang pagtalakay sa pagkilala ng tinig ng Diyos kung ito ay nangungusap sa atin. Ang mga Banal sa mga Huling Araw, kahit na sila ay may taimtimang pakikipagsamahan ng Banal na Espiritu, ay kinakailangan matutuhan na kilalanin ang inspirasyon mula sa Diyos mula sa kanilang sariling mga ideya, lalo na sa kanilang ipinanganak ng may malalim na nais. Ang mga propeta ay nagbigay ng mga panuntunan upang makatulong na kumilala ng tunay na inspirasyon mula sa sariling saloobin ng tao:
Sa kanyang mas kilalang anyo, ang paghahayag o inspirasyon ay nanggagaling sa pamamagitan ng mga salita o mga kaisipan na ipinapahiwatig sa isipan (tignan ang Doktrina at mga Tipan 8:2-3; Enos 1:10), sa pamamagitan ng kagyat na kaliwanagan (tingnan ang Doktrina at mga Tipan 6:14-15), sa pamamagitan ng positibo o negatibong mga damdamin tungkol sa iminungkahing mga kurso ng aksyon, o maging sa pamamagitan ng pagbibigay inspirasyon sa mga pagtatanghal, talagang ang mga sining ng pagtatanghal. Tulad ng sinabi ng nakatatandangg Boyd K. Packer, “Ang inspirasyon ay dumarating higit bilang isang damdamin kaysa sa isang tunog” (Boyd K. Packer, “Mga Panalangin at mga Kasagutan,” Pangkalahatang Pagpupulong, Oktubre 1979). Ipagpalagay na ikaw ay pamilyar sa mga ganitong iba’t ibang mga anyo ng paghahayag o inspirasyon, Pinili ko na talakayin ang paksang ito sa mga paraan na magkakaibang klasipikasyon – ang layunin ng kumunikasyon. Kaya kong kumilala ng walong magkakaibang mga layunin na naihahanda sa pamamagitan ng komunikasyon mula sa Diyos: (1) upang magpatotoo; (2) upang maghula; (3) upang magbigay kaginhawaan; (4) upang magbangon; (5) upang magpahayag; (6) upang pumigil; (7) upang magtibay; (8) upang humikayat.
Ang inspirasyon mula sa Diyos ay hindi uudyukan ang isang tao upang suwayin ang mga utos ng Panginoon. Ang Panginoon ay mabibigay lamang ng paghahayag na makakatulong upang maitatag ang kaharian at kumilos sa kapakinabangang espirituwal ng Kanyang mga anak. Ang bawat isa ay makatatanggap ng paghahayag upang ang kanilang mga sariling buhay. Ngunit kung nilayon ng isang tao na tumanggap ng paghahayag para sa ibang tao na labas sa kanyang sariling saklaw ng responsibilidad – katulad ng isang miyembro ng Simbahan na umaagkin na mayroon paghahayag upang patnubayan ang isang tao na kung saan siya ay walang pamamahalang kapangyarihan ayon sa ayos ng Simbahan – maaari mong masiguro na ang ganung mga paghahayag ay hindi nanggaling sa Panginoon. Ang pinakamahusay na paraan upang makilala ang inspirasyong ibinigay bilang inspirasyon ay sa pamamagitan ng karanasan:
Ang isang tao ay maaaring makinabang sa pamamagitan ng pagpansin sa unang pagpapahalata ng espiritu ng paghahayag; halimbawa, kung nararamdaman mo na ang purong katalinuhan ay dumadaloy sa iyo, ito ay magbibigay sa iyo ng kagyat na bugso ng mga ideya… at kung kaya sa pamamagitan ng pag-aaral sa Espiritu ng Diyos ang pag-iintindi sa mga ito, ikaw ay maaaring lumago sa mga prinsipyo ng paghahayag” (J. F. Smith, patnugot, Mga Aral ng Propetang Joseph Smith, p. 151).
Hindi natin laging matatanggap ang inspirasyon o paghahayag sa panahong ito ay ating hinihiling. Kung minsan naaantala ang pagtanggap natin ng paghahayag, at kung minsan tayo ay naiiwan sa ating sariling paghahatol. Hindi natin maaaring pilitin ang mga espiritwal na mga bagay. Ito ay nararapat lamang. Ang layunin ng ating buhay na magkamit ng karanasan at malinang ang ating pananampalataya ay magiging kabiguan kung ang ating Amang Makalangit ay nagtuturo sa atin sa lahat ng ating ginagawa, maging sa bawat mahalagang gawa. Kailangan nating gumawa ng mga pagpapasya at danasin ang mga kahihinatnan upang mapagyaman ang ating tiwala sa sarili at pananampalataya. Maging sa mga decision na sa isip natin ay lubhang mahalaga, kung minsan ay nakatatanggap tayo ng sagot na hindi sa ating mga panalangin. Hindi ito nangangahulugan na ang ating mga panalangin ay hindi narinig. Ito ay nangangahulugan lamang na tayo ay nanalangin tungkol sa isang desisyon na kung saan, para sa isang dahilang o sa iba, tayo ay gagawa na wala nang patnubay ng paghahayag. Marahil tayo ay humihingi ng patnubay sa pagpili sa pagitan nga mga alternatibo na may parehong katanggap-tanggap o parehong hindi katanggap-tanggap. Ang sagot na hindi ay malamang dumating sa isang tao na nagsasaliksik ng patnubay sa pagpili sa pagitan ng dalawang mga alternatibo na parehong katanggap-tanggap sa Panginoon. Kahilintulad din, ang Espiritu ng Panginoon ay marahil hindi magbigay sa ating ng mga paghahayag sa mga bagay bale-wala. (Oaks, “Paghahayag”).
“Ito ay isang dakilang bagay na humingi ng impormasyon sa mga kamay ng Diyos, o upang lumapit sa Kanyang presensiya: at tayo ay nakakaramdam ng pagkatakot na Siya ay lapitan sa mga paksa na maliliit o walang kahihinatnan.” (Joseph Smith, Ang Kasaysayang ng Simbahan, 1:339).
Kung saan ang pagpili ay maaaring makagawa ng tunay na kaibahan sa ating mga buhay – halata man o hindi – at kung saan tayo ay namumuhay na ayon kasama ang Espiritu at nanaliksik ng kanyang patnubay, tayo ay makasisiguro na ating matatanggap ang patnubay na kinakailangan natin upang makamit ang ating layunin. Ang Panginoon ay hindi tayo hahayaang walang umaalalay kung ang isang pagpapasya ay mahalaga sa ating panghabang-buhay na kapakanan (Oaks, “Paghahayag”).