Ikapu
Mula sa MormonWiki
Ang salitang ikapu ay literal na nangangahulugan bilang isang ikasampung bahagi, na mas madalas na may kaugnayan sa 1 / 10 bahagi na ibinibigay sa Diyos. Ang pagbibigay ng ikapu ay iniutos sa Bibliya; Tulad nina Abraham at Jacob at iba pang sinaunang propeta na nagbayad ng ikapu, (tingnan ang Levitico 27:32), ang mga kasapi ng Mormon na simbahan din ay nagbibigay ng sampung porsiyento ng kanilang taunang kita.
Sa isang paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang unang propeta ng Simbahang Mormon, ang Panginoon ay isinaad kung paano maayos na makapagbibigay ng ikapu. ”At pagkatapos nito, yaong mga hiningan ng ikapu ay magbabayad ng ikasampung bahagi ng lahat ng kanilang tinubo taun taon; at ito ay mananatiling batas sa kanila magpakailanman, para sa aking banal na pagkasaserdote, wika ng Panginoon" (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 119). Para sa mga Mormons, ang tithing ay tinitingnan bilang pagbibigay lamang ng isang maliit na bahagi nang kung ano ang talagang pagmamay-ari ng Panginoon.Lahat nang tinataglay ng isang tao ay talagang pagmamay-ari ng Panginoon; kung kaya ang pagbibigay lamang ng ikasampung bahagi pabalik ay talagang hindi karamihan para ibigay sa Panginoon. Ang pagbabayad ng ikapu nang mayroong nararapat na saloobin ay isa ring paraan ng mga tao upang kanilang maipakita ang kanilang pag-ibig sa Diyos at lahat ng naibigay Niya sa kanila.
Ipinapakita sa ilang mga banal na kasulatan na ang mga biyaya mula sa pagbabayad ng ikapu ay parehong temporal at espiritwal, at ang kabiguan na magbayad ng isang matapat na ikapu ay isang uri ng pagnanakaw (tingnan ang Malakias 3:8-12; Doktrina at mga Tipan 64: 23-25; 85: 3,) Sa Malakias 3:10 sinasabi na, “Dalhin ninyo nang buong-buo ang inyong mga ikasampung bahagi sa tahanan ng Diyos upang matugunan ang pangangailangan sa aking tahanan. Subukin ninyo ako sa bagay na ito, kung hindi ko buksan ang mga bintana ng langit at ibuhos sa inyo ang masaganang pagpapala." Sa mga taludtod na ito ay malinaw na ang Panginoon ay nangako ng mga biyaya sa mga tao na bukal sa loob na nagbabayad ng matapat na ikapu. “Ang Pangulong J. Reuben Clark, isang modernong propeta, ay sinabi ng paulit ulit na ang Diyos ay hindi pahihintulutan ang isa sa kanyang mga Banal na anak na nagbabayad ng tapat na ikapu at mga handog na mamuhay nang wala ang mga nararapat sa buhay. (tingnan Marion G. Romney, "Ang pagpapala ng isang tapat na ikapu," New Era, Enero-Pebrero 1982, 45).
Ang mga miyembro na matapat na nagbabayad ng ikapu ay pinangakuan rin ng mga espiritwal na mga biyaya. "Sa tingin ko ito ay hindi maayos na kilala sa Simbahan na ang pagbabayad ng ikapu ay may masyadong maliit na koneksyon sa pera. “Ang Tithing ay may kinalaman sa pananampalataya" (A. Theodore Tuttle, sa Conference Report, Abril 1970, 86).
Ang ikapu ay ginagamit upang makatulong na magtayo at magpanatili ng Simbahan. Pagkatapos na ito ay ibinigay sa mga obispo, ang tagapamahala ng kapisanan, ito ay ipinapadala sa mga punong-himpilan ng Simbahan. Pagkatapos nito, ito ay isasama sa iba pang mga ikapu at ipinamamahagi sa pagbabayad ng pagtatayo at pagpapanatili ng mga templo, simbahan at iba pang mga ari-arian Simbahan. Ito rin ay ginagamit upang pambayad para sa mga paglilimbag ng mga libro, at iba pang materyales na ginagamit upang magturo ng ebanghelyo. Ang ilan sa mga ito ay ginagamit din upang tulungan ang mga misyonero at suportahan ang trabaho ukol sa kasaysayan ng pamilya.
