Huling Paghuhukom
Mula sa MormonWiki
• Maraming mga talata mula sa mga Kasulatan ang nagtuturo na darating ang panahon kung saan ang mga kalalakihan at kababaihan ay tatawagin sa harap ng Diyos upang hatulan: At nakita ko ang mga patay, malalaki at maliliit, na nangakatayo sa harapan ng luklukan; at nangabuksan ang mga aklat: at nabuksan ang ibang aklat, na siyang aklat ng buhay: at ang mga patay ay hinatulan ayon sa mga bagay na nasusulat sa mga aklat, ayon sa kanilang mga gawa. (Revelation 20:12).
• Sapagkat sila ay hahatulan alinsunod sa kanilang mga gawa, at ang bawat tao ay makatatanggap alinsunod sa kanyang mga sariling agawa, sa kanyang sariling nasasakupan, sa mga bmansiyong inihanda; (Doctrine and Covenants 76:111);
• At ito ay nangyari na, na sinabi ko sa kanila na sumasagisag ito sa mga bagay na kapwa temporal at espirituwal; sapagkat darating ang araw na sila ay tiyak na hahatulan sa kanilang mga agawa, oo, maging ang mga gawang ginawa ng katawang lupa sa mga araw ng kanilang pagsubok. (1 Nephi 15:32).
• Ngayon, ang panunumbalik na ito ay darating sa lahat, kapwa matanda at bata, kapwa alipin at malaya, kapwa lalaki at babae, kapwa masama at mabuti; at maging doon ay hindi mawawala kahit isang buhok sa kanilang mga ulo, kundi bawat bagay ay amanunumbalik sa kanyang ganap na kabuuan, gaya sa ngayon, o sa katawan, at dadalhin at lilitisin sa harapan ng hukuman ni Cristo, ang Anak, at Diyos bAma, at ng Banal na Espiritu, na cisang Diyos na Walang Hanggan, upang dhatulan alinsunod sa kanilang mga gawa, kung sila ay mabubuti, o kung sila ay masasama. (Alma 11:44).
• At isinugo ako ng aking Ama upang ako ay aipako sa krus; at matapos na ako ay maipako sa krus, upang bmahikayat ko ang lahat ng tao na lumapit sa akin, at katulad ng pagtataas sa akin ng mga tao gayundin ang mga tao ay ibabangon ng aking Ama, upang tumayo sa harapan ko, upang chatulan sa kanilang mga gawa, kung ang mga yaon ay mabuti o kung ang mga yaon ay masama— At sa dahilang ito ako ay aipinako; kaya nga, alinsunod sa kapangyarihan ng Ama ay hihikayatin ko ang lahat ng tao sa akin, upang sila ay mahatulan alinsunod sa kanilang mga gawa. At ito ay mangyayari, na sinuman ang amagsisisi at bmabibinyagan sa aking pangalan ay mapupuspos; at kung siya ay cmagtitiis hanggang wakas, masdan, siya ay pawawalan ko ng sala sa harapan ng aking Ama sa araw na yaon kung kailan ako tatayo upang hatulan ang sanlibutan. Sapagkat masdan, mula sa mga aklat na naisulat na, at isusulat pa, ay ahahatulan ang mga taong ito, sapagkat sa pamamagitan ng mga yaon ang kanilang mga bgawa ay ipahahayag sa mga tao. At masdan, ang lahat ng bagay ay aisinulat ng Ama; kaya nga, mula sa mga aklat na isusulat ang sanlibutan ay hahatulan. (3 Nephi 27:14-16, 25, 26).
Itinuturo sa doktrina ng Ang “Simbahan ni HesuKristo Ng Mga Banal Sa Mga Huling Araw” na magkakaroon ng isang literal na huling kahatulan.
Ang Huli o pinal Parusa ay natanggap ang pangalan na ito dahil sa nagkaroon at magkakaroon pa ng ibang paghuhukom bago ang huling paghuhukom. Bago ang buhay dito ang mga espiritwal na anak ng Diyos (tingnan ang Plano ng Kaligtasan) ay hinatulan at natagpuan na karapatdapat na pumunta sa lupa at maranasan ang maging isang mortal. Kapag ang mga miyembro ng Simbahan ay handa na upang makatanggap ng mga ordinansa tulad ng pagbibinyag, ang kanilang kahalagahan ay hinuhusgahan na. Pagkatapos ng kamatayan, ang ating espiritu ay bibigyan ng bahagyang paghatol at ito ay itatalaga sa alinman sa espiritwal na paraiso o espiritwal na bilangguan. Ang destinasyon na ito, gayunpaman, ay pansamantala at tumatagal lamang hanggang sa huling paghuhukom.
Paano tayo mahahatulan?
Itinuturo sa doktrina ng mga banal sa mga huling araw na ang mga tao ay hinahatulan sa pamamagitan ng tatlong iba't ibang mga talaan: talaan na kung saan iniingatan sa daigdig; mula sa aklat ng buhay, na ang patotoo ay iningatan sa langit: at ang kanilang mga sarili. Ang mga aral sa manwal ng Prinsipyo ng Ebanghelyo,na nilimbag ng Simbahan, ay ipinapaliwanag ng mabuti kung paano ang mga kalalakihan at kababaihan ay siyang tagapagingat ng talaan ng kanilang buhay: May isa pang talaan na maaaring gamitin upang tayo ay husgahan. Ang Apostol na si Pablo ay itinuro sa atin na ang ating sarili mismo ang pinaka kumpletong talaan ng ating buhay. (tignan ang MGA TAGA-ROMA 2:15, 2 MGA TAGA- CORINTO 3:1-3) Naka-imbak sa ating katawan at isipan ang kumpletong kasaysayan ng lahat ng bagay na atin ng nagawa. Si Pangulong John Taylor ay sinabi ang katotohanang ito: "[Ang mga indibidwal] nagsasabi ng kuwento para sa kanyang sarili, at maging saksi laban din sa kanyang sarili ....ang mga talatang ito na isinulat ng mga tao mismo sa mga tapyas ng kaniyang sariling isip -mga talata na hindi maaaring magsinungaling- sa araw na yaon ay malaladlad harap ng Diyos at mga anghel, at sa mga taong umupo bilang hukom. (Daniel H. Ludlow, ed.,Ang pagsasalita ng mga Propeta sa mga huling araw, pp 56-57).
Higit sa lahat,tayo ay higit na makakasigurado na ang lahat ng mga paghuhukom ay magiging makatarungan, dahil ang paghatol ay nanggaling hindi mula sa isang mortal na hukom at inampalan, kundi mula sa Makapangyarihang hukom sa lahat at ang perpektong mga talaan ng ating buhay. Sa aklat ng 1 Samuel,sinabihan ng Panginoon ang mga propeta: "Tumingin hindi sa kanyang mukha, o sa taas ng kanyang katayuan; dahil sila ay aking tatanggihan: dahil sa ang Panginoon ay tumitingin hindi gaya ng pagkakita ng tao; dahil ang mga tao ay sa panlabas na anyo , ngunit ang PANGINOON ay tumitingin sa puso. " Ang Panginoon ay hahatulan ang kanyang mga anak hindi lamang nakabatay sa kanilang mga pagkilos, ngunit pati sa pamamagitan ng kanilang mga saloobin, at sa pamamagitan ng kanilang mga haka. Sa Hebreo 4:12 ating nabasa na ang Panginoon "ay umiintindi ng mga saloobin at mga haka ng puso," at kanyang sisiguraduhin na ang lahat ay makatanggap ng isang makatarungang paghatol.
Mormon doctrine takes into account that many millions of people have lived on this earth who have received no knowledge or very slight knowledge of Christ or the Plan of Salvation. People will be judged according to the knowledge they have obtained.
• Sapagkat masdan, may isang kapighatiang igagawad sa kanya na pumiling sumunod sa espiritung yaon; sapagkat kung pinili niyang sumunod sa kanya, at mananatili at mamamatay sa kanyang mga kasalanan, siya rin ay umiinom ng akapahamakan sa kanyang sariling kaluluwa; sapagkat siya ay tatanggap bilang kanyang kabayaran ng isang bwalang hanggang kaparusahan, sapagkat lumabag sa batas ng Diyos, na salungat sa kanyang sariling kaalaman. (Mosiah 2:33 - emphasis added).
• Samakatwid, siya ay nagbigay ng abatas; at kung saan bwalang batas na ibinigay ay walang kaparusahan; at kung walang kaparusahan ay walang paghatol; at kung walang paghatol ang mga awa ng Banal ng Israel ang aangkin sa kanila, dahil sa pagbabayad-sala; sapagkat sila ay ililigtas ng kapangyarihan niya. Sapagkat ang apagbabayad-sala ang makasisiya sa mga hinihingi ng kanyang bkatarungan sa lahat ng cyaong walang dbatas na ibinigay sa kanila, sila ay maliligtas mula sa yaong kakila-kilabot na halimaw, kamatayan at impiyerno, at sa diyablo, at sa lawa ng apoy at asupre, na walang hanggang pagdurusa; at sila ay ibabalik sa yaong Diyos na nagkaloob sa kanila ng ehininga, na siyang Banal ng Israel. (2 Nephi 9:25, 26).
Those who die without having gained a knowledge of the atonement during mortality will have the gospel preached to them in the spirit world: At ang mga napiling sugo ay humayo upang ipahayag ang akalugud-lugod na araw ng Panginoon at ipahayag ng bkalayaan sa mga bihag na nakagapos, maging sa lahat ng magsisisi ng kanilang mga kasalanan at tatanggap ng ebanghelyo. Sa ganito ang ebanghelyo ay naipangaral sa yaong mga anangamatay sa kanilang mga kasalanan, na walang nalalaman sa bkatotohanan, o sa paglabag, na tumanggi sa mga propeta. Sa kanila ay itinuro ang apananampalataya sa Diyos, pagsisisi mula sa kasalanan, bpagbibinyag alang-alang sa iba para sa ckapatawaran ng mga kasalanan, ang dkaloob na Espiritu Santo sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay, At lahat ng iba pang alituntunin ng ebanghelyo na kinakailangan nilang malaman upang maging karapat-dapat ang kanilang sarili upang sila alinsunod sa mga tao sa laman ay amahatulan, subalit mangabuhay alinsunod sa Diyos sa espiritu. (Doctrine and Covenants 138:31-34). At sila rin ang mga yaong aespiritu ng tao na bnakabilanggo, na dinalaw ng Anak, at cnangaral ng debanghelyo sa kanila, upang sila ay mahatulan alinsunod sa mga tao sa laman; Na hindi tumanggap ng apatotoo ni Jesus sa laman, subalit pagkaraan ay tinanggap ito. (Doctrine and Covenants 76:73, 74).
Sino ang hahatol sa atin?
Sa Juan 5:22 ipinaliwanag na ang Ama sa langit ay ibinigay ang responsibilidad ng paghatol sa Kanyang Anak na si HesuKristo. "Ang Anak,at hindi ang Ama, ang siyang Hukom ng buong mundo, subalit ang kaniyang mga kahatulan ay ginawa alinsunod sa kalooban ng Ama at sa gayon ito ay makatarungan. . . . "Dahil si Hesus ang Anak ng tao ng Kabanalan siya ay binigyan ng kapangyarihan upang isagawa ang paghuhukom, na maluklok upang maging hukom sa dakila at huling araw, upang tawagin ang lahat ng mga tao na patungo sa imortalidad na tumayo sa harap ng kaniyang tarangkahan"(Bruce R. McConkie,Komentaryo sa Doktrina ng Bagong Tipan, 1:190, 192, 195). Pagkatapos ay tatawagin ni Kristo ang iba upang tulungan siya na humatol. Ang orihinal na labindalawang Apostoles ay tatawagin ng tagapagligtas upang humahatol sa labing dalawang lipi ng Israel, tulad ng ipinaliwanag sa Matthew 19:28: At sinabi ni Jesus sa kanila, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na kayong nagsisunod sa akin, sa pagbabagong lahi pagka uupo na ang Anak ng tao sa luklukan ng kaniyang kaluwalhatian, kayo nama'y magsisiupo sa labingdalawang luklukan, upang magsihukom sa labingdalawang angkan ng Israel.
Ang Labindalawang Alagad ni Kristo na tinawag mula sa mga tao ng Nephites upang hatulan ang mga Nephites at Lamanites. Si Joseph Smith ang siyang humahawak ng mga susi ng paghuhukom para sa mga taong nakatira sa mga Huling dispensasyon ng panahon.
Ano ang layunin ng paghuhukom?
Ang layunin ng paghatol ay upang magtalaga ng mga indibidwal sa isang kaharian ng kaluwalhatian. "Tayo ay ipapadala sa isa sa apat na mga lugar: ang makalangit kaharian (ang pinakamataas na antas ng kaluwalhatian), ang panlupa kaharian (ang pangalawang antas), ang kaharian telestial (ang pinakamababang antas), o panlabas ng kadiliman (ang kaharian ng diablo- -hindi isang antas ng kaluwalhatian) "(Prinsipyo ng Ebanghelyo). Ang paghahatol na ito ay ang huli at ang katapusan, ngunit ito din ay parehong patas at maawain. Ang bawat indibidwal ay makakatanggap ng mas maraming kaligayahan at kaluwalhatian gaya ng pagpapahintulot sa kanila ng kanilang mga pagpipilian.
