Grasya
Mula sa MormonWiki
Ipinahahayag sa doktrina ng Mormon na kung hindi sa pamamagitan ng biyaya ,walang sinuman ang maliligtas.Sa talatinigan ng Biblia,na kasama sa inililimbag na Banal na Biblia,ay inilarawan ang biyaya bilang bana na uri ng tulong o lakas,na ipinagkakaloob sa pamamagitan ng masaganang awa at pag-ibig ni Jesukristo.Isinasaad pa nito:l
Sa pamamagitan ng biyaya ng Panginoong Jesukristo,naging possible dahil sa pagbabayad-sala na ang sanlibutan ay muling mabuhay sa kawalang kamatayan.Bawat isa ay matatanggap ang kanyang katawan mula sa hukay tungo sa pagkakaroon ng walang hanggang buhay.Sa pamamagitan rin ng biyaya mulu sa Panginoon na ang mga tao, dahil sa kanilang pananampalataya sa pagbabayad –sala ni Jesukristo at sa pagsisisi sa kanilang mga kasalanan ,ay makakatanggap ng lakas at tulong na gumawa ng mabuti na hindi nila magagawa kung sila ay hahayaan na kumilos ayon sa kanilang sarili.Biyaya ang kapangyarihan mula sa Diyos na makapagpapahintulot sa mga kalalakihan at kababaihan na matamo ang mga biyaya sa buhay na ito at magkaroon ng buhay na walang hanggan at kadakilaan maatapos nilang isagawa ang pananampalataya , pagsisisi,at ibinigay ang kanilang buong pagsisikap na sundin ang mga kautusan.
BIYAYA AT MGA GAWA
Kinakailangan bigyan ng halaga na ang mga mormon ay hindi naniniwala na ang mga gawa lamang ng isang tao ang makapagliligtas sa kanya o maaaring makamtan niya ang kaligtasan sa pamamagitan ng sarili niyang pagsisikap. Ang doktrinang Mormron ay naiiba sa maraming Kristiyanong samahan sa pagtuturo na ang biyaya lamang ay sapat na para sa kaligtasan, ngunit ang mga gawa rin naman ay hindi rin makapagliligtas sa isang tao. Ang kinakailangan para sa kaligtasan ay pumasokj ang isang tao sa pakikipagtipan kay Jesukristo, na magsisi sa kanyang mga kasalanan at pagkukulang, sundin ang kanyang mg autos,taglayin ang kanyang Pangalan, at magtiwala sa kanya lamang.Ang sagisag ng pagpasok sa pakikipagtipang ito ay pagpapabinyag.Kapag an isang tao ay pinagsisikapang maging tapat at patuloy na magsisisi sa kanyang mga kasalanan ng buong pagpapakumbaba.ang biyaya ni Jesukristo na inihandog sa atin sa pamamagitan ng walang kapantay na pagbabayad-sala ay makasasapat upang mailigtas siya sa kaharian ng Diyos.Itinuturo ng aklat ni Mormon:
OO,lumapit kay Cristo at maging ganap sa kanya,at pagkaitan ang inyong sarili ng lahat ng kasamaan; at kung inyong pasgkaitan ang inyong sarili ng lahat ng kasamaan,at ibigin ang Diyos ng buo ninyong kakayahan,pag-iisip at lakas,kung magkagayon ang kanyang biyaya ay sapat sa inyo,upang sa pamamagitan ng kanyang biyaya kayo ay maging ganap kay Cristo; at kung sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos kayo ay ganap kay Cristo,wala kayong dahilan na magtatwa sa kapangyarihan ng Diyos.At muli,kung sa biyaya ng Diyos kayo ay ganap kay Cristo,at hindi itatatwa ang kanyang kapangyarihan,kung magk.agayon kayo ay pinabanal kay Cristo sa pamamagitan ng bbiyaya ng Diyos,sa pamamagitan ng pagbubuhos ng dugo ni Cristo,na siyang nasa tipan ng Ama tungo sa ikapagpapatawad ng inyong mga kasalanan,upng kayo ay maging banal na walang bahid dungis.
Walang tao maliban kay Jesukristo lamang,ang namuhay nang walang kasalanan,kung kaya’t ang lahat ay nangangailangan ng biyaya ng Diyos upang maging ganap gaya ng ipinag-uutos ni Jesukristo(Basahin sa Mateo 5:48). Dahil ditto ang mga Mormons ay naniniwala na kinakailangan nating isagawa an gating kaligtasan nas may takot at panginginig(Felipe 2:12).Ang paniniwala ay hindi makasasapat,sapagkat tulad ng sinabi ni Santiago,”maging ang mga diyablo ay naniniwala at nanginginig”(Santiago 2:19).
Ang mga Mormons ay naniniwala na ang paghahandog ng Diyos sa kanyang bugtong na anak upang matubos tayo (Basahin sa Juan 3:16-17) ay ang paraan kung paanong tayo ay nailigtas sa pamamagitan ng biyaya.Kung ang Diyos ay hindi namagitan,tayong lahat ay mawawala sapagkat walang pagsisisi.Ganunpaman hindi ito nangangahulugan na wala tayong gagawin kundi manampalataya kay Jesukristo.Ang biyaya ay hindi makasasapat kung walang pagsisikap sa bahagi ng tumatanggap nito.Sa gayon,ang paliwanag nito ay,”sapagkat nalalaman naming naligtas tato sa pamamagitan ng biyaya,sa kabila ng lahat n gating magagawa”(2 Nephi 25:23).
Sinabi ni Elder Gerald N. Lund na miyembro ng Kapulungan ng Pitumpu :
Nailigtas tayo sa pamamagitan ng biyaya-naligtas dahil sa pagmamahal ni Kristo mula sa pisikal at ispiritual na kamatayan;naligtas ng pagmamahal ni Kristo mula sa pagkahulog ni Adan at n gating sariling pagkahulog;naligtas sa mga kasalanan at paglabag mula sa biyaya at mga handog ng Diyos. Ang kapangyarihan ng pagbabayad-sala ng Diyos aywalang bayad na makakamtan ng lahat mula sa kanya-ngunit an gating mga gawa ng kabutihana ay mahalaga upang makamtan ang handoamng ito sa ating buhay.Ang kasalanan ay naghihiwalay sa atin mula sa Diyos.habang tayo ay nagkakasala,higit tayong napapalayo at higit na mahirap para sa atin na makamtan ang kapangyarihan mula sa Diyos,at ito ay hindi makasasapat upang makaligtas tayo mula sa ating mga kasalanan.
Ang mga munting bata at silang mga may kapansanan sa pag-iisip na hindi nakauunawa ng tama at malil,o hindi maaaring panagutin sa mga maling ginagawa nila,sila ay naligtas ng lubos mula sa biyaya ni JESUS.Dahil ditto ang mga Mormon ay hindi nagbibinyag ng mga munting bato hanggang sila ay sumapit sa gulang na kaya na nilang managot sa kanilang mga ginagawa,at ito ay pagsapit sa gulang na walo.