Doktrinang Mormon
Mula sa MormonWiki
Doktrinang Mormon- Isang Panimula
Doktrinang Mormon- Mga Pangunahing Doktrina ng Simbahang Mormon
Ang doktrina ay isang bagay na itinuturo bilang prinsipyo o kredo ng isang relihiyon…isang alituntunin, teorya, o prinsipyo ng batas. Ang mga sumusunod ay listahan ng mga pangunahing doktrina ng Simbahan ni Hesu Kristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, na hindi tinatalaga na tinatawag na Simabahang Mormon. Sa Doktrina at mga Tipan, sinabi ng Tagapagligtas na: “At binibigyan ko kayo ng kautusan na turuan ninyo ang isa’t isa ng doktrina ng kaharian. Masigasig kayong magturo at ang aking biyaya ay dadalo sa inyo, upang kayo ay lalong ganap na matagubilinan sa teorya, sa alituntunin, sa doktrina, sa batas ng ebanghelyo, sa lahat ng bagay na nauukol sa kaharian ng Diyos, na kapaki- pakinabang ninyong maunawaan.”
Ang Likas na Katangian ng Diyos
Ang Doktrinang Mormon ay hindi nagsasaad ng paniniwala sa tatluhan (tatlong Diyos sa iisang katauhan). Hindi rin naniniwala ang mga Mormons na ang Diyos ay isang espiritu na walang katawan, na pumupuno sa kalakihan ng kalawakan. Ang mga Mormons ay naniniwala na ang Diyos ay isang katauhan na mayroong perpekto, maluwalhati at nabuhay muli na katawan na mayroong laman at buto. Ang mga Mormons ay naniniwala sa Diyos ng pagmamahal, na Siya ring makapangyarihan at nakaaalam ng lahat. Naniniwala din ang mga Mormons na kahit na ang Diyos ay makapangyarihan Siya din ay nag-uukol sa tao. Naniniwala sila na ang Diyos ay nakikinig at sumasagot ng mga panalangin ng kanyang mga anak. Naniniwala ang mga Mormons na si Hesu kristo ay anak ng Diyos, ang Kanyang nag-iisang anak sa katawan, ang Mesiyas, ang tagapagligtas ng mundo. Naniniwala sila na si Kristo ay perpekto, nabuhay muli na mayroong laman at buto. Naniniwala din sila na ang banal na espiritu ang pangatlong myembro ng Diyos at isang katauhan na espiritu, upang sa gayon siya ay maaaring manatili sa sa puso ng mga mabubuti at magsilbi bilang isang mang-aaliw, konsensya, at tagapagpatotoo ng katotohanan. Ang tatlong katauhan na ito ay may iisang pagkaka-ayon. Sa gayong diwa, sila ay nagiisang Diyos.
Hesu Kristo
Ayon sa Doktrinang Mormon, ang mga Banal sa mga Huling Araw ay hindi naniniwala na ang Diyos ay nagsimula bilang espiritu, pumarito sa daigdig bilang si Kristo na mayroong katawan, nabuhay muli, at isinuko ang kanyang nabuhay muli na katawan at bumalik sa kanyang walang katawan na kalagayan. Ang mga Banal sa mga Huling Araw ay naniniwala na si Kristo ay ang unang ipinanganak ng mga espiritu sa buhay bago pa man ang buhay sa mundo, at siya ay nagboluntaryo na maging iniikirang nilalang upang maisakatuparan ang Plano ng Kaligayahan. Siya ay sumang-ayon na ipagkaloob ang kanyang sarili bilang sakripisyo para sa mga kasalanan ng sanlibutan. Ang mga Mormons ay naniniwala na si Kristo ay ipinanganak ni Maria, tulad ng lahat ng mga Kristiyano, at ginawa lamang niya ang kagustuhan ng kanyang Ama buong buhay niya. Sila ay naniniwala na si Kristo ay walang kasalanan.
Naniniwala sila na siya ay nagturo at nabuhay tulad ng nakalarawan sa Bagong Tipan, at siya ay napako sa krus, na siya ay namatay at nabuhay muli ng ikatlang araw. Ang mga Mormons ay naniniwala na binisita niya ang kanyang mga apostoles at itinatag ang kanyang Simbahan, at bilang isang katauhan na nabuhay muli, binisita at tinuruan niya ang mga Israelita na lumipat sa Amerika at naghihintay para sa kanya. Ang tala ng pagbisitang ito ay matatagpuan sa Aklat ni Mormon. Ang mga Mormons ay naniniwala na dinalaw ni Kristo ang sampung nawawalang lipi para turuan rin sila. Ang mga Mormons ay naniniwala na babalik si Hesus sa kaluwalhatian at ang mga mayroong dalisay na puso ay makasusunod upang salubungin siya at ang kanyang pagdating. Subalit, ang mga Banal sa mga Huling Araw ay hindi naniniwala sa “masidhing kagalakan bago ang pagdurusa”. Ang mga Mormons ay naniniwala sa libong taon na pamamahala ni Hesu Kristo sa Daigdig.
Ang Plano ng Kaligayahan
Nakasentro sa doktrina ng Simbahang Mormon ay ang karunungan na ang Diyos ay may plano sa bawat isa sa kanyang mga anak. Ang plano na ito ay tinatawag gamit ang maraming pangalan: “Ang Plano ng Kaligayahan” at “Ang Plano ng Kaligtasan” ay ang dalawang pinaka-karaniwan. Ang Plano ng Kaligtasan ay nagtuturo na ang mga tao ay namuhay na bago pa man sila dumating sa mundo, sa buhay bago ang buhay sa daigdig bilang mga espiritong mga anak ng Diyos. Kung kayat, sila ay naaayon sa salita na mga anak ng Diyos. Sa kapanganakan, ang mga espiritong anak ng Diyos ay makatatanggap ng mga katawan na makararanas ng kamatayan. Ang buhay sa mundo ay panahon ng pagsusulit at pagtutuklas, panahon upang maghanda para sa pagkabuhay muli at kaluwalhatian. Ang pagbabayad sala ni Kristo ang nagbigay paraan sa mga tao upang magsisi at bumalik sa Diyos na Ama. Ang pagsama ng banal na espiritu ay binibigyan ang mga karapat dapat na mga tao ng pag-abot sa pangsariling rebelasyon at kasagutan sa dalangin naglalaan (kasama ng mga banal na kasulatan) ng angkla at gabay sa makasalanang mundo. Sa kamatayan, ang mga tao ay inililipat sa Mundo ng mga Espiritu, kung saan sila ay mayroong sariling kalayaan para pumili tulad sa kanilang mortal na buhay. Sila gayon ay nabuhay muli- makatatanggap ng perpektong katawan- at huhusgaan ng Diyos. Ang mga tunay na nananampalataya sa Diyos ay mapaparoon ng walang hanggan sa Kanyang kinaroroonan.
Walang Hanggang Pagsulong
Ang Doktrinang Mormon ay nagpapatibay na ang walang-hanggang pagsulong ay pangunahin para sa Plano ng Kaligtasan. Bawat hakbang (o “estate”) ng pagkakayari ay naghahatid sa isang naniniwala na maging higit na katulad ng Panginoon. Ang kanyang pang-unawa at karanasan ay dumarami sa pamamagitan nang unang estado, o buhay bago ang buhay sa mundo, sa pamamagitan ng kanyang ikalawang estado o buhay dito sa daigdig at maging sa kabilang buhay, sapagkat ang karunungan ay nadaragdagan ng walang hangganan. Ang prinsipyo na ito ay nakaaantig para sa mga Banal sa mga Huling Araw. Kung saan ang karamihan sa mga sektang Kristiyano ay walang pangitain sa kabilang buhay maliban sa pagpapahinga at pagkanta ng mga papuri sa Diyos ng walang-hanggan, ang mga Mormons ay tinitignan ang kabilang buhay bilang palagiang pag-aaral at pagbibigay kapangyarihan. Isang kritisismo sa simbahan ay ang mga Mormons ay naniniwala na maaari silang maging katulad ng Diyos. Ang ideya na ito ayon sa pag-iisip ng iba ay pagmamaliit sa kapangyarihan ng Diyos at kanyang kamaharlikaan. Sa kasalungatan, ang kabutihan ng Diyos ay naipapahayag sa kanyang kagustuhan na dakilain ang kanyang mga anak.
Sa Moises 1:39, sinasabi na “sapagkat masdan, ito ang aking gawain at aking kaluwalhatian- ang isakatuparan ang kawalang-kamatayan at buhay na walang hanggan ng tao.” Naiiintindihan sa mga ideya ng walang-hanggang pagsulong ay ang konsepto na ang mga mabubuti sa kalaunan ay mamanahin “lahat ng mayroon sa Diyos,” na kinabibilangan ng abilidad na unawain ang sangdaig-digan at ang abilidad upang makalikha. Sa Doktrina at Tipan 88:107 sinasabi na: “At pagkatapos ang mga anghel ay puputungan ng kaluwalhatian ng kanyang kapangyarihan, at ang mga banal ay mapupuspos ng kanyang kaluwalhatian, at tatanggapin ang kanilang mana at gagawing pantay sa kanya.” (“Ang mga Banal ay naiintindihan bilang lahat ay mabubuti) Ang mga myembro ng simbahan ay naiintindihan na imposibleng maging perpekto habang sila ay nasa oras nila dito sa mundo, at upang maging katulad ni Kristo ay kailangan ng malaking pagsisikap maging sa kabilang buhay.
Kaligtasan
Ang doktrinang Mormon ay nagpapanatili na ang lahat ng babae at lalaki ay mabubuhay muli at ang pagkabuhay muli ay isang libreng kaloob ni Kristo sa pamamagitan ng kanyang pagbabayad sala. Ang mga bata na namatay bago marating ang edad ng pananagutan (ikawalong taon), o ang mga tao na kahit kailan ay walang naging pananagutan dahil sa kanilang pangkaisipang kapansanan, ay maliligtas sa pinakamataas na kaharian ng langit na tinatawag na Kahariang Selestiyal. Ang mga Mormons ay naniniwala na ang isang tao ay hindi kayang tubusin ang kanyang sarili sa pamamagitan ng kanyang mga gawain, subalit ito ay nararapat na sundin ang mga kautusan ng Diyos at magtiis sa kawastuhan upang makamit ang kadakilaan. Samakatuwid, parehong gawain at awa ay nararapat upang makamit ang kadakilaan. Sila ay naniniwala na mayroong maraming mga mansyon sa kaharian ng Ama, at halos lahat ng tao ay ay makamamana ng kaharian ng kaluwalhatian. Tanging ang mga “anak na lalaki ng kapahamakan,” yaong mga nakakita kay Kristo at mayroong pepektong karunungan ukol Sa Kanya at pinili na ikaila Siya, ang mabibigo na manahin ang isang kaharian ng kaluwalhatian. (Tingnan ang Doktrina at mga Tipan, Kabanata 76.)
Ang mga Mormons ay hindi naniniwala sa “orihinal na kasalanan” Ang mga sanggol ay ipinapanganak na mga walang sala at hindi nadungisan ng paglabag ni Adan. Ang mga Banal sa mga Huling Araw ay hindi tinitignan si Adan bilang isang makasalan, ngunit bilang isang bayani, isang halal na tagasunod ng Diyos. Sila ay naniniwala na ang kalagayan ni Adan at ni Eba sa hardin ay walang pag-usad- walang sakit, kamatayan, o kapanganakan. Kung hindi lumabag si Adan at si Eba at hindi nila kinain ang ipinagbabawal na prutas, hindi sila nagkaroon ng mga anak. Subalit, ang hardin ay isang paraiso at si Adan at si Eba ay naglakad at nakipag-usap sa Diyos sa lugar na iyon. Nang sila ay lumabag sa kautusan, sila ay napasailalim sa dalawang uri ng kamatayan: pisikal na kamatayan at kamatayang espiritwal o pagkahiwalay sa Diyos. Ang pagbabayad sala ni Kristo ang nagbigay daan upang malampasan ang dalawang uri ng kamatayang ito.
Isang Ebanghelyo
Ang Doktrinang Mormon ay itinataguyod ang paniniwala na ang Plano ng Kaligtasan ay ginawa ng Diyos bago pa man Niya ginawa ang mundo. Ang oposisyon ay bahagi ng kanyang plano. Si Satanas ay tutuksuhin at susubukan ang mga tao sa mundo. Alam ng Diyos na ang tao ay mahuhulog at ipinagkaloob niya si Hesu Kristo, ang tagapagligtas upang magbigay ng pagbabayad sala upang mailigtas ang sanlibutan. Ang mga Mormons ay naniniwala na si Adan ang unang propeta, tagakita at tagapaghahayag, at na ang Diyos ay hinayag sa kanya ang Plano ng Kaligtasan ng buong-buo. Ang mga Mormons ay naniniwala na si Adan at ang lahat ng propeta ay nagpatotoo at nakilala si Kristo, at na ang ebanghelyo ay parating pareho, habang ang mga propeta ay naghahayag ng mga patakaran at mga huwarang pag-uugali na inaakalang angkop sa kanilang dispensasyon.
Ang laksa ng mga simbahan na nasa mundo ay ang resulta ng pagkakatiwalag sa orihinal na katotohanan na ibinigay sa simula pa lamang ng mundo. Karamihan sa mga kalabisan ng mga relihiyosong pilosopiya na mayroon ay resulta ng mga pananaliksik sa katotohanan ng mga mabuting mga tao at ang kanilang pagmumungkahi ng mga pinakamainam na ideya sa pamamagitan ng pagsabog ng inspirasyon. Kahit na ang mga Banal sa mga Huling Araw ay nananaliksik ng katotohanan at kagandahan saan man ito maaaring mahanap, ang mga Mormons ay naniniwala na ang kabuuan ng totoong ebanghelyo ay maaari lamang manggaling sa kanyang pinagmumulan, diretsong galing sa Panginoon sa pamamagitan ng mga napiling propeta. Ang Mormonismo, samakatuwid, ay hindi bagong simbahan, modernong simbahan o isang Amerikanong simbahan, subalit isang panunumbalik ng orihinal na ebanghelyo sa pamamagitan ng mga modernong propeta.
Kapangyarihan
Ang mga Mormons ay naniniwala na pinipili ng Diyos ang mga bibigyan ng awtoridad upang kumilos sa kanyang pangalan, at na ang awtoridad ay naisasalin o naibibigay ng isang tao na may kapangyarihan na gawin ito. Ang doktrinang Mormon ay nagsasabing nang tinawag ng Diyos si Joseph Smith upang maging isang propeta, wala kahit isa sa mundo ang mayroong awtoridad. Samakatuwid, ito ay ibinigay kay Joseph Smith sa pamamagitan ng mga mensahero galing sa langit. (Tingnan ang Doktrina at Tipan 13:1 at Joseph Smith- Kasaysayan 1:72) Ang awtoridad ng pagkakasaserdote ay kailangan para sa mga tipan, tulad ng pagbibinyag, upang magapos kung ano man ang nasa mundo sa kung ano ang nasa langit.
Kaloob na Espiritu Santo
Ang mga Mormons ay naniniwala na pagkatapos ng pagpapabinyag, sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay ng isang elder ng simbahan, ang nagsisisi ay maaaring matanggap ang kaloob ng Espiritu Santo. Ang Banal na Espiritu ay ang palagiang kasama ng isang myembro, maliban na lamang kung siya ay gumawa ng kasalanan o dinungisan ang kanyang katawan sa paraan na iniwan siya ng Banal na Espiritu. Ang doktrinang Mormon ay iginigiit na ang banal na espiritu ay gagabay, magpapasigla at magbababala at hindi papanigan ang mga udyok ng demonyo. Ang mga Mormons ay naniniwala na ang bawat lalaki at babae na ipinanganak sa mundo ay biniyayaan ng liwanag ni Kristo, na nagsisilbi bilang isang konsensya. Sa pana-panahon, ang mga sumasaliksik at sensitibong mga kalalakihan at kababaihan ay makatatanggap ng udyok at inspirasyon mula sa Banal na Espiritu, subalit isang karapat-dapat na tao na nabinyagan sa ilalaim ng totoong awtoridad ang makatatanggap ng Banal na Espiritu bilang palagiang kasama.
Mga Banal na Kasulatan
Ang mga Mormons ay naniniwala na ang Diyos ay nakikipag-usap sa mga nakikinig na mga tao sa lahat ng lugar at ginagawa Niya ito noong simula pa lamang. Samakatuwid, maraming mga tao sa maraming lugar ang nagsulat kung ano ang nakita ng Diyos bilang naaayon na ibigay sa kanila. Ito ay nangangahulugan na ang mga banal na kasulatan, kasulatan ng mga propeta ay napakarami, mas marami pa sa maliit na koleksyon na tinatawag na Bibliya. Ang mga Mormons ay handa upang makatanggap nang mga banal na kasulatan saan man ito maaring mahanap. Ang mga Mormons ay mayroong kasalukuyang katawan ng mga banal na kasulatan na tinatawag nila bilang mga Pamantayang Gawain na kinabibilangan ng King James na pagsasalin ng Bibliya (parehong ang mga Luma at Bagong Tipan), Ang Aklat ni Mormon, Ang Mahalagang Perlas, at Ang Doktrina at mga Tipan. Ang mga myembro ng simbahan ay naniniwala na ang sampung nawawalang lipi sa darating na panahon ay babalik na mayroong mga banal na kasulatan na sa kanila upang makaragdag sa kasalukuyang koleksyon.
Iba pang katuklasan ang siguradong magagawa. Ang mga Mormons ay tumanggi na itakda o bigyang hangganan ang abilidad ng Diyos upang makipagkomunikasyon sa sanlibutan: Hindi ba ninyo alam na maraming bansa hindi lamang iisa? Hindi ba ninyo alam na ako, ang Panginoon ninyong Diyos , ang lumikha sa lahat ng tao, at naaalala ko yaong mga nasa pulo ng dagat, at na ako ang namamahala sa kalangitan sa itaas at sa lupa sa ibaba; at isinisiwalat ko ang aking salita sa mga anak ng tao, oo, maging sa lahat ng bansa sa mundo? Dahil dito, bumulong-bulong kayo, dahil ba sa kayo ay tatanggap pa ng karagdagang salita ko? Hindi ba ninyo alam na ang patotoo ng dalawang bansa ay saksi sa inyo na ako nga ang Diyos, na naaalala ko ang isang bansa gaya ng iba? Dahil dito, sinasabi ko ang mga gayon ding salita sa isang bansa gaya ng sa iba. At kapag ang dalawang bansa ay susulong na magkasabay, ang patotoo ng dalawang bansa ay susulong ding magkasabay. At ito ay ginagawa ko upang mapatunayan ko sa marami na ako rin ang siyang kahapon, ngayon, at magpakailanman; at sinasabi ko ang aking mga salita alinsunod sa aking sariling kasiyahan. At sapagkat ako’y nakapagsabi na ng isang salita ay hindi ninyo dapat akalain na hindi na ako muling magsasalita; sapagkat ang aking Gawain ay hindi pa natatapos; ni hindi pa hanggang sa katapusan ng tao, ni sa simula ng panahong iyon at magpakailanman. Dahil dito, sapagkat mayroon kayong Bibliya ay hindi ninyo dapat akalain na yaon ay naglalaman na ng lahat kong salita; ni hindi ninyo dapat akalain na ako ay hindi na magpapasulat pa ng karagdagan.
Sapagkat, inuutusan ko ang lahat ng tao, kapwa sa silangan at sa kanluran, at sa hilaga, at sa timog, at sa mga pulo ng dagat, na kanilang isulat ang mga salitang aking sasabihin sa kanila; sapagkat mula sa mga aklat na isusulat ay hahatulan ko ang sanlibutan, bawat tao alinsunod sa kanyang mga gawa, alinsunod doon sa nasusulat.
Mga Pamilya
Ang mga Mormons ay naniniwala na ang pamilya ang pangunahing bahagi ng lahat ng mga lipunan, ngunit higit pa dito, ang pamilya ay maaaring maging isang walang hanggang pagkakaisa, napagsama ng sagradong mga tipan magpakailanman. Sinabi ni Joseph Smith: “At yaong parehong sambayanan na umiiral sa atin dito ay mapaiiral kasama natin doon, ito lamang ang maipasasama sa walang-hanggang kaluwalhatian” Sa gayon, ang mga Mormons ay itinuturing ang pagpapakasal at buhay pamilya ng buong kaseryosohan. Ang mga kasal na ginagawa sa templo ay kapwa maging sa panahon at sa lahat ng kawalang- hanggan.
Moralidad
Kaugnay sa paniniwala ng mga Mormons ukol sa kanilang pamilya ang kanila ring pananaw patungkol sa moralidad. Wari na matangay sa mga napapanahon na mga kasalanan, ang Doktrina ng Mormons ay naniniwala na ang Diyos ay pareho, parati at magpakailanman, kung kaya ang simabahan ay nakadikit sa Sampung Kautusan ng may di mapukaw na katapatan. Ikinokondena ng simbahan ang mga kaugaliang nauukol sa pakikipagtalik na labas sa kasal, kahit na ito man ay sa kaparehas na kasarian o sa kasalungat na kasarian. Ang Proklamasyon sa Mundo ay malinaw na nagpapakita ng pagtingin ng simbahan sa pamilya at moralidad. Ang simbahan ay gumawa ng mga tagubilin para sa mga kabataan sa libreta na tinatawag na “Para sa Kalakasan ng mga Kabataan” upang ituro at linawin ang mga moral na prinsipyo na ito. Ang simabahan ay ikinokondena ang pagpapalaglag maliban sa mga natatanging asunto.
Pagsisisi
Kahit na ang simbahan ay may malinaw at di mapukaw na paninindigan tungkol sa moralidad, ito ring nauunawaan na lahat ng tao ay nagkakasala at ang Diyos ay nagbigay ng plano ng pagsisisi sa pamamagitan ng pagbabayad sala ni Kristo. Ang “Pinitensya” ay hindi isang bahagi ng proseso ng pagsisisi para sa mga Banal sa mga Huling Araw. Ang proseso ng pagsisisi ayon sa doktrina ng mga Mormons ay kinabibilangan ng mga sumusunod: 1) Pighati para sa nagawang kasalanan
2) Paglisan sa kasalanan
3) Pangungumpisal ng mga kasalanan
4) Pagsasauli para sa nagawang kasalanan
5)Paggawa sa loobin ng Diyos pagkatapos na talikuran ang nagawang kasalanan.
Ang pangungumpisal ng maliit na mga kasalanan ay ginagawa sa Diyos habang ang mga pangunahing mga kasalanan naman ay ginagawa sa Obispo. Ang pinakamasamang kasalanan ay ang tinatawag na:”kasalanan laban sa Banal na Espiritu” at kinapapalooban ng pagtanggi kay Kristo matapos na ang isang tao ay may sigurado ng karunungan sa Kanyang Kadiyosan. Ginawa ni Cain ang ganitong uri ng kasalanan. Mayroon siyang personal na relasyon sa Diyos ng siya ay gumawa ng mga tipan kay Satanas. Ang pangalawa ay ang pagpatay sapagkat imposible na makagawa pa ng pagsasauli at ang kasunod ay ang pakikiapid. (Tingnan ang Doktrina at mga Tipan Kabanata 42) Sinusunod ng mga Mormons ang mga payo ng mga banal na kasulatan upang maiwasan ang paghusga ng hindi mabuti sa ibang tao at mapatawad ang lahat ng tao.
Kagalakan
Ilang mga tao ang tumitingin sa mga Mormons at nagtataka kung paano nila nalalampasan ang mahigpit na pamumuhay lalo na ang mga alituntunin ukol sa kalusugan na matatagpuan sa Salita ng Karunungan. Ngunit ang mga Mormons ay naniniwala sa prinsipyo na ibinigay ng Diyos na matatagpuan sa 2 Nephi 2:25: “Si Adan ay nahulog upang ang tao ay maging gayon; at ang tao ay gayon upang sila ay magkaroon ng kagalakan.” Ang mga Mormons ay naniniwala sa nakabubuting katuwaan. Ang kanilang alituntunin ukol sa kalusugan ay pinapalaya sila mula sa adiksyon at ang kanilang moral na alituntunin ay pinapalaya sila sa pagkabuhol sa kasalanan. Subalit, alam nila na ang kabuuan ng kagalakan ay hindi matatamo dito sa mundo: “At sa dahilang ito, kayo ay magkakaroon ng kaganapan ng kagalakan; at kayo ay uupo sa kaharian ng aking Ama; oo, ang inyong kagalakan ay malulubos, maging katulad ng ganap na kagalakang ibinibigay sa akin ng Ama; at kayo ay magiging katulad ko, at maging ako ay katulad na Ama; at ang Ama at ako ay isa.” (3 Nephi 28:10) Ang kabuuan ng kagalakan ay hindi matatamo hanggang ang espiritu at katawan ay hindi pa nagsama ng perpekto sa pagkabuhay muli. Ang totoong ebanghelyo ang mapa na kailangang sundan ng isang tao upang makamtan ang kabuuang ito.
Para sa buod ng mga paniniwala ng Simbahan ni Hesu Kristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, tignan ang mga Saligan ng Pananampalataya.
