Dibinidad

Mula sa MormonWiki

Ang LDS ay naniniwala sa banal na potensyal ng mga tao. Kabanalan o likas na pagiging banal, ay may kinalaman sa Diyos, o sa kalikasan ng Diyos. Ang mga miyembro ng “Ang Simbahan ni HesuKristo Ng Mga Banal Sa Mga Huling Araw” ay naniniwala sa isang plano ng walang hanggan pagunlad na kung saan ang mga tao ay maaaring bumuo ng mga katangian ng pagka-Diyos. Sa ibang salita,ang mga tao ay maaring maging kawangis ng Diyos. Kasama sa mga aral ng simabahan ng LDS ang paniniwala sa mga banal na potensyal ng bawat kalalakihan at kababaihan, na mga anak sa espiritu ng Ama sa langit sa panahon ng sinaunang pamumuhay o sinaunang buhay ng tao sa langit. Ang paniniwala na ang Diyos Ama ay ang kataas-taasang nilalang at Kataas-taasang namumumuno sa daigdig, at ang pagunlad sa pamamagitan ng pagpili at pagunlad sa pagkakaunawaan sa pamamagitan ng Kanyang mga espiritwal na mga anak ay naganap sa panahon ng mga sinaunang buhay ng mga tao sa iba't ibang estado, batay sa bokasyon ng bawat indibidwal na espiritu patungo sa katotohanan, liwanag, pagmamahal, at pananampalataya. Itinuturo ng LDS na si Hesus Kristo ay ang panganay ng Ama sa langit sa panahon ng sinaunang buhay ng mga tao, at ang kakayahan ni Kristo upang sumunod sa katotohanan, makita ang liwanag, at kumilos ng may pag-ibig at pananampalataya ay sapat na upang makita ang kaibahan niya sa sinaunang namumuhay na mga tao bilang kawangis ng Diyos. Sa katunayan, si Kristo ay naging isang Diyos sa panahon ng sinaunang pamumuhay ng mga tao at naglilingkod upang isakatuparan ang nais ng Diyos Ama , ang lumikha ng mundo na walang hanggan. Dahil sa pagmamahal ni Kristo para sa mga iba pang espiritwal na mga anak ng Diyos Ama sa langit, Siya ay naghandog na tanggapin ang mga misyon sa lupa upang kumilos sa kanyang buong buhay sa isang hindi makasalanang paraan at mapagtagumpayan ang walang hanggang batas ng katarungan sa pamamagitan ng pagpapakasakit sa mga kaparusahan para sa mga kasalanan ng lahat ng sangkatauhan at sa pamamagitan ng walang hanggan pagtubos , na siya lamang ang maaring makapagpatupad. Siya ay hindi lamang isang espiritu na anak ng Diyos, kundi ang pisikal na anak ng Diyos Ama, nagmana ng kapangyarihan laban sa kamatayan at ang kapangyarihan upang tumanggap ng malaking kaparusahan higit na mas malaki kumpara sa kayang tiisin ng isang mortal na tao. Dahil dito, ang misyon ni Kristo ay naging nakatadhanang bahagi ng plano ng Kaligtasan para sa lahat ng sangkatauhan.

Naniniwala ang mga LDS na ang pagiging banal at pagiging walang kasalanan ni Kristo ang nagkwalipika sa kanya upang bumalik sa kinaroroonan ng Ama sa langit pagkatapos ng Kanyang kamatayan, minana ang muling nabuhay at perpektong katawan at muling sumanib kasama ng Ama sa pagiging marunong sa lahat ng bagay, makapangyarihan, at mapagkawanggawa. minamahal nila ang lahat ng sangkatauhan ng walang pasubali. Kaya, si Kristo ay nag-aalok ng isang paraan kung saan ang iba pang mga espiritwal na anak ng Diyos ay maaaring maging perpekto. Dahil sa pagtubos, at ang mga kalalakihan at kababaihan ay nagsisi at umasa ng lubos sa mga katotohana ng grasya ni Kristo, maaari din silang bumuo ng ilan sa mga katangian ng Diyos, tulad ng pagpapasensya, kalinisan, at mapagkawanggawa. Pagkatapos ng kamatayan, ang lahat ng mga tao ay pupunta sa espiritwal na mundo, na kung saan ang pagulad ay magpapatuloy. Sa espiritwal na mundo, tao pa rin ang may sangay, may kakayahan upang matuto, at may kakayahan na makagawa ng mga pagpipilian. Sa muling pagkabuhay, ang lahat ay makakatanggap ng isang perpekto, nabuhay na muli na mga katawan; ito ang regalo ni Kristo sa lahat ng sangkatauhan. Pagkatapos ng muling pagkabuhay ang paghatol ay darating, kung saan mga lalaki at mga babae ay ititatalaga sa mga kaharian at mga tahanan sa langit na katapat ng kanilang pananampalataya at gawa sa lupa. Magpapatuloy ang pagunlad, habang ang mga kaluluwa ng mga tao magpatuloy upang makakuha ng higit pang karagdagang kaalaman. Sa pamamagitan ng walang hanggang pagunlad, ang mga katangian ng diyos, o pagiging banal, ay maaaring idagdag sa kanila magpakailanman. Ang mga kalalakihan at kababaihan ay maaaring maging katulad ng Diyos, sa pagbabahagi ng Kanyang mga katangian. Kapag sinabi ni Kristo na ang matuwid ay maaaring magmana ng lahat sa kanya, kanyang pinapakahulugan na lahat, pati ang kanyang mga katangian.

Mga kagamitang pansarili
Sa ibang wika