Buhay sa Mortalidad

Mula sa MormonWiki

Mormon-mom-baby.jpg

Ang buhay ay dapat na tamasahin. Ang gawain ng Ama na Nasa Langit at ng ating Tagapagligtas na si Hesu Kristo ay ang isakatuparan ang kawalang-kamatayan at buhay na walang hanggan ( Moises 1:39) Marami ang bahagi ng ating pagkakabuhay- buhay bago pa man ang buhay sa mundo, ang mortal na buhay na ito, panahon sa mundo ng mga espiritu, at ang kawalang-hanggan sa langit. Ang artikulo na ito ay titingin sa bahagi ng mortalidad at ang lahat ng pagsubok at kagalakan nito. Ang buhay ay maaaring maging mahirap. Ang buhay ay puno ng kahirapan. Sa parehong oras, ang buhay ay maaari at dapat na maging masayang karanasan, maging katuwa-tuwa. Upang gawin ang buhay na maganda, katuwa-tuwa at may katuparan, kailangan nating tandaan na bumuo ng sistema ng pagpapahalaga na nakapalibot sa ebanghelyo ni Hesu kristo. Ang buhay na ito ay panahon upang maghanda na makita at makilala ang Diyos (Tingnan Alma 34:32) Kapag sinusunod natin ang mga kautusan, tayo ay magiging mabuti. Sa kawastuhan, mahahanap natin ang kaligayahan bilang gantimpala sa mabuting pamumuhay. Ito ang dapat nating hanapin sa buhay na ito.

Ang mga Banal na Kasulatan ay Tinuruan Tayo Moises 3:7- At Ako, ang Panginoong Diyos, ay hinubog ang tao mula sa alabok ng lupa, at hiningahan ang kanyang ilong ng hininga ng buhay; at ang tao ay naging kaluluwang may buhay, ang unang laman sa lupa, ang una ring lalaki; gayon pa man ang lahat ng bagay ay ganoon na bago pa nilalang; subalit ang mga ito ay nilalang na espirituwal at nilikha alinsunod sa aking salita. Ang Ama na Nasa Langit ang Ama ng ating mga espiritu. Sa mortalidad, sinimulan natin ang ating buhay bilang nabubuhay na kaluluwa (na mayroong espiritu at katawan). Tayo ay mga walang-hanggang katauhan, isang banal na anak ng Diyos, na mayroong karanasan sa mundo na tinatawag nating mortalidad. Ang Diyos ay pinahiram tayo ng hininga. Tulad ng pagbigay Niya kay Adan ng buhay, ibinigay rin niya sa atin ang hininga ng buhay (Tingnan Mosias 2:21)

Doktrina at mga Tipan 84:44- Sapagkat kayo ay mabubuhay sa bawat salita na magmumula sa bibig ng Diyos. Tayo ay dapat na mamuhay nang naaayon sa salita ng Diyos. Ito ang ating gabay sa buhay (Tingnan Alma 37:37-47). Ang buhay ay maaaring maging kahanga-hanga kung tayo ay kakapit sa gabay na bakal at manatili sa tuwid at makipot na daan upang makibahagi sa mahalagang prutas. Ang pagmamahal ng Diyos ay magbabalik sa atin sa Kanyang presensya kung tayo ay makikibahagi sa pagbabayad sala ni Kristo. Mateo 16:25-26— Ang naghahangad na magligtas ng kanyang buhay ay mawawalan nito; ngunit ang mawalan ng kanyang buhay alang-alang sa akin ay magkakamit nito. Sapagkat ano ba ang mapapala ng isang tao makamtan man niya ang buong daigdig, ngunit mapapahamak naman ang kanyang sarili? Ano ba ang maibabayad ng isang tao para mabawi niya ang kanyang buhay? Ang ating mga buhay ay kailangang iukol sa paglilingkod sa ating Panginoon at ating mga kapwa tao sa pagpapatatag ng kaharian ng Panginoon (tingnan Joseph Smith Translation Mateo 6:38) Ang ating mga kaluluwa ay mahahalaga (tingnan ang Doktrina at mga Tipan 18:10). Huwag nating isapanganib ang ating buhay na walang-hanggan para lamang sa mga makamundong mga bagay o mga panandaliang kasiyahan. Ang buhay ay napakaikli lamang. Ito ay napakahalaga. Ang halaga ay walang-hanggan sa buhay ng pagbabayad sala ng ating Tagapagligtas. Ang kanyang kamatayan ay hindi dapat maging walang saysay sa ating mga sariling buhay. Kailangan nating angkinin ang mga biyaya ng buhay na walang-hanggan sa pamamagitan ng pagsisisi. Kung hindi natin ito gagawin, kailangan tayong magdusa. (tingnan ang Doktrina at mga Tipan 19:15-19) Romano 6:12—Huwag na ninyong paghariin ang kasalanan sa inyong mga katawang may kamatayan upang hindi na kayo maalipin ng masasamang hilig nito. Ang tukso at oposisyon sa lahat ng bagay ay mga pagsubok sa buhay. Ang buhay ay isang pagsubok (tingnan Abraham 3:25). Hindi dapat tayo sumuko sa laman. Ang ating espiritu ang nagdidikta sa ating katawan. Ang mga katanungan ay: “Ang ating espiritu ba ay malakas?” “Isinusuko ba natin ang ating mga puso sa mga panghihikayat ng Banal na Espiritu?” (tingnan Mosias 3:19). Mahal ba natin ang Diyos ng buong-buo at lubusan? Kung hindi, tayo ay magiging makamundo, mahalay, at mala-dyablo (tingnan Moises 5:13). Alma 12:24- At nakikita natin na ang kamatayan ay sumasapit sa sangkatauhan, oo, ang kamatayang sinasabi ni Amulek, na temporal na kamatayan ; gayunpaman, may isang panahong ipinagkaloob sa tao kung kalian siya ay maaaring magsisi; anupa’t ang buhay na ito at naging isang pagsubok na kalagayan; isang panahon upang maghanda sa pagharap sa Diyos; isang panahon upang maghanda sa walang-hanggang kalagayan na sinasabi namin, na pagkatapos ng pagkabuhay na mag-uli ng mga patay. Ang buhay dito sa mundo ay pansamantalang lugar ng ating pagpapatunay para sa ating walang-hanggang kapalaran. Ito ay isang panahon ng pagsubok upang ating mapatunayan ang ating pagiging karapat-dapat sa pagbalik sa piling ng Diyos. Hindi dapat natin ipagpaliban ang araw ng ating pagsisisi dahil mawawala sa atin ang biyaya ng walang-hanggang buhay (tingnan Alma 34:33-35).

Helaman 12:1- At sa gayon natin mamamasdan kung gaano kahuwad, at gayon din ang kahinaan ng mga puso ng mga anak ng tao; oo, nakikita natin na ang Panginoon sa kanyang walang hanggang kabutihan ay pinagpala at pinananagana ang mga yaong nagtitiwala sa kanya. Ang Diyos ay tinuturuan tayo ng mahalagang katotohanan sa mga banal na kasulatan. Ang ating mga puso ay di-matatag. Ipinaliwanag pa niya sa taludtod 2-3 ng Helaman kabanata 12 na kung natatanggap natin ang mga biyaya at lahat ay tumatakbo ng maayos, nakalilimutan natin ang ating Panginoon dahil na rin sa kadalian ng landas. Madalas, tayo ay hindi mapagpasalamat hanggang hindi nawawala sa atin ang regalo o biyaya sa buhay. Kung kaya naman, ang Panginoon ay patuloy tayong pinapaalalahanan sa pamamagitan ng pagpaparusa. Ngayon na naunawaan natin ito, hindi ba at mas magiging madali para sa ating buhay na tayo ay matuto ng karunungan sa ating pagkabata (tingnan Alma 37:35), tumanggap ng payo mula sa Panginoon (tingnan Jacob 4:10), at makinig sa mga salita ng ating mga propeta (tingnan 3 Nephi 12:1-2)? Ang mga Modernong Propeta ay Nagsalita Ang buhay ay mayroong apat na tiklop na layunin- Una sa lahat, tayo ay dumating sa mortal na pamumuhay upang matanggap ang pisikal at namamatay na katawan. Kung walang pisikal na katawan, ang tao ay limitado sa kanyang kaunlaran at tanging sa pagkakaroon ng espiritu at katawan na napagsama ng palagian lamang matatanggap ng tao ang kabuuan ng kagalakan; kung kayat nabubuhay tayo ngayon bilang bahagi ng kawalang hangganan. Ating tinanggap ang plano na iyon sa buhay bago pa man ang buhay sa mundo, at tayo ay nagalak sa pagkakataon na mapunta sa mundo. Ikalawa, tayo ay naparito sa mundo upang magkaroon ng karanasan- karanasan na mayroong pisikal at mortal na mundo. Ang ikatlong layunin ng buhay ay ang bigyan tayo ng pagkakataon upang patunayan ang ating mga sarili (Abraham 3:25) Upang patunayan na maging sa presensya ng kasamaan at kasalanan kaya nating mamuhay na mayroong magandang buhay. Upng patunayan na kahit na mayroong mga tukso, mayroon tayong lakas at ugali upang kumapit sa mga prinsipyo ng ebanghelyo. At ang ikaapat, ang buhay na ito ay inilaan upang magbigay ng pagkakataon na tulungan ang Ama na Nasa Langit sa Kanyang dakilang plano, at magagawa natin iyon sa pamamagitan ng marangal na pagiging magulang. Tayo ay nakikipagtulungan sa ating Ama na Nasa Langit sa pagtulong na maihanda ang mga kulandong upang pamahayan ng mga espiritu ng kanyang iba pang mga anak. (Ezra Taft Benson, The Teachings of Ezra Taft Benson [Salt Lake City: Bookcraft, 1988], 27.) Sa kahit ano pang pangyayari natin maaring mahanap ang ating mga sarili, kung sa gitna ng trahedya, sa sakit ng masamang-asal, o lamang sa araw-araw na pagsusumikap na mamuhay na naaayon sa buhay ng nananampalataya [anak ng Diyos], kailangan nating tandaan “ang karera ay hindi para sa mga mabilis, ni ang laban ay para sa mga malakas, ngunit siya na nagtiis hanggang sa wakas ang maliligtas.” (Marvin J. Ashton, Be of Good Cheer [Salt Lake City: Deseret Book Co., 1987], 21.) Ang buhay ay isang misyon, hindi lamang ang pamumusa ng isang kandila sa gitna ng pag-asang liwanag at isang sigabo ng hangin na papatay sa pagkasisindi nito magpakailanman…Samantalang dito, mayroon tayong kaalaman na kailangang makamit, trabaho na kailangang gawin, serbisyo na kailangang ibigay. Tayo ay naririto na mayroong kagila-gilalas na mana, isang banal na pagbibigay kapangyarihan. Gaano kaiba ang mundong ito kung ang bawat tao ay mauunawaan na ang lahat ng kanyang gawa ay mayroong walang hanggang bunga. Gaano mas magiging kalugod-lugod ang ating mga taon kung sa ating pagtitipon ng karunungan , sa ating mga relasyon sa ibang tao, sa ating mga gawaing pangnegosyo, sa ating pakikipagligawan at pagpapakasal, at sa ating pagpapalaki ng pamilya, ating kikilanlanin na ating binubuo bawat araw ang mga bagay na bumubuo sa kawalang-hangganan. .. Ang buhay ay walang-hanggan. Mabuhay ng bawat araw na para bang ikaw ay mabubuhay ng walang-hanggan, sapagkat tiyak na makakamit mo ito. (“Haligi ng Katotohanan,” Ensign, Enero 1994, pahina 2, 4.) (Gordon B. Hinckley, The Teachings of Gordon B. Hinckley [Salt Lake City: Deseret Book Co., 1997], 174.) Tayo ay mga anak na lalaki at babae ng Makapangyarihang Diyos. Tayo ay may tadhana na kailangang isakatuparan, buhay na kailangang isapamuhay, isang kontribusyon na kailangang gawin, at isang layunin na kailangang makamtan. Ang hinaharap ng ating bansa sa mabilis na nagbabagong panahon na ito ay naghihintay para sa ating marka ng impluwensya. Ang paglaki ng kaharian ng Diyos sa mundo ay, sa isang bahagi, natutulungan ng ating debosyon. (Thomas S. Monson, Be your Best Self [Salt Lake City: Deseret Book Co., 1979], 119.) Ang pag-alam kung tayo ay mamumuhay na hindi malayo ang tingin at makasarili o mamuhay para sa kawalang-hanggan ay isang pangunahing desisyon na nagbibigay kulay sa bawat araw ng araw-araw na pamumuhay. Sa pamumuhay ng buhay ng “pagbibigay pasalamat araw-araw” (Alma 34:38) habang nasa gitna ng kahirapan at ang mga naitututro nito ay imposible kung walang antas ng kababaang-loob. (Neal A. Maxwell, Meek and Lowly [Salt Lake City: Deseret Book Co., 1987], 4.)

Mga Ideya Para sa Araw-araw na Pamumuhay

Narito ang apat na stratehiya na maaaring pagmuni-munihin upang makuha ang lubos sa buhay

1. Ang buhay ay yaong pinipili mong gawin Mamili ng mabuti- Tandaan na mayroon kang kapangyarihan upang mamili nang iyong mga tugon sa buhay at lahat ng iyong pamamahala sa kilos. Magkaroon ng ugali na mayroong pag-asa- mayamaya ang mga bagay ay maaari at magiging mas mabuti (Tingnan 2 Nephi 2:27). Maging positibo- Ang isang negatibong pananaw ay minsay nagiging nakakokontento sa sarili Panghawakan ang iyong mga pamantayan- isapamuhay ang iyong mga pagpapahalaga at mga prinsipyo. Kung hindi mo ito gagawin, ikaw ay magdurusa mula sa iyong pagkakasala at ang iyong kredibilidad sa mata ng iyong mga anak at mga kaibigan ay maaaring mawala. Mag-isip ng pangmatagalan- maglinang ng isang pangitain para sa buhay. Magtakda ng mga layunin at gumawa ng mga plano. Maghanap ng walang-katapusang kagalakan kaysa panandiliang mga kaligayahan. Ang mga panandaliang kaligayahan ay hindi nakakapawi sa paghahangad para sa pangmatagalang kasiyahan at kagalakan. Ang mga panandaliang kasiyahan, kung narating na nito ang kanilang katapusan, ay maaaring punuin ang buhay ng kahungkagan at hindi habas na pagkagutom para sa isang bagay na mas mataas.

2. Ang buhay ay ang kasalukuyang sandaling ito Huwag hintayin na tamasahin ang buhay- Tamasahin ang paglalakbay ngayon Ang buhay ay ngayon—Ang buhay ay hindi “naroroon.” Ito ay “naririto”-kung paano ka tumutugon sa sandali-sa pamamagitan ng- mga damdamin, mga pangyayari, at mga pagkakataon iyan ay “ang iyong mundo” Maaari mong isipin ang bawat sandali bilang isang natatanging yugto ng pamumuhay, o bilang isang pabigat. Lahat ng ito ay sa kung paano ka tutugon. Ang buhay ay isang himala- Ang buhay ay kasiglahan, isang pakiramdam ng “pagiging buhay” na mayroong sarili nitong milagrosong pangmatagalang enerhiya ng pagiging mabuti. Maging sa panahon ng sakit at karamdaman, ang isang mapagmahal sa buhay na tao ay kumakapit sa bawat sandali ng pamumuhay bilang isa muling pagkakataon na matamasa ang pagsikat ng araw, mapanuod ang paglubog ng araw, humanga sa gawa ng kalikasan, hawakan ang kamay ng minamahal, at magningas ng isang kaluluwa- malalim na pag-asa para sa mas maayos na panahon na darating. Panatilihin itong payak- Huwag pagurin ang iyong sarili. Masyadong maraming “bagay” ang maaaring gawin ang buhay na mahirap at minsay mabigat. Panatilihin ang bawat sandali na puro at payak. Manatiling malusog- Alagaan ang iyong sarili; karapat-dapat kang makatanggap ng puwang at oras. Kailangan mong kumain ng maigi, makakuha ng sapat na pahinga, at magehesisyo ng palagian. Muli, ito ay iyong pili.

3. Ang buhay ay napagyayaman sa pamamagitan ng serbisyo sa iba Ang buhay ay pagsasama-sama- Bawat tao ay maaaring magkaroon ng pagsasama-sama, kahit na ang tao na sa isang pangyayari ay pinagkaitan ng pangunahing pamilya at mga kamag-anak. Paano naging gayon? Dahil ang taong iyon ay maaari pa ring makatulong at magbigay serbisyo sa iba mula sa malalim na pangako para sa sangkatauhan, mula sa malalim na diwa ng obligasyon upang gawin ang mundong ito na mas maayos. Tumingin ng higit sa iyong sarili lamang- Palagian na maglaan ng oras na tumingin labas ng iyong sarili. Ang iyong pinakamasamang mga araw ay yaong kung ikaw ay sobrang nag-aalala para sa iyong sariling kapakanan. Ang pagiging makasarili ang sumisira sa mga kagandahan ng buhay. Saliksikin na ipatayo ang kaharian ng Diyos- Ang ating kagalakan at kaluwalhatian ay dumadaloy mula sa pagiging isang instrumento sa kamay ng Panginoon upang tulungan ang ibang tao na lumapit patungo kay Kristo (JST Mateo 6:38; Alma 29:9-10) Hangaring magbigay serbisyo sa iba- Ang kagalakan ay katangi-tangi (Tingnan Alma 36:24)

4. Ang buhay ay isang napakasayang akyat pataas, isang hakbang sa bawat panahon Tumindig sa iyong kakayahan- Ang buhay ay isang patunay ng pinakamataas na asam at pagkamaaari ng isang tao. Ang buhay ay wala kung hindi isang pagkakataon na tumayo sa mga pakpak ng sariling transendensya at pagkakadalubhasa sa sarili sa pinakamataas na antas kung saan ang isa ay may kakayahang abutin. Makikita sa kaugnay na kahulugang ito na ang buhay ay parating isang biyaya at isang positibong pagsubok. Maghanda ng mabuti- Itatag ang iyong sarili para sa lakbay ng buhay. Bahagi ng kagalakan ng buhay ay ang paghahanda na umakyat ng mas mataas. (Tingnan Doktrina at mga Tipan 88:119) Makipagkomunikasyon ng mayroong pag-aaruga. Ang mga hindi naisakatuparang mga inaasahan ay madalas na nagbibigay ng negatibong tugon. Maging totoo sa iyong mga pangako. Ikaw ay makararamdam ng mas maayos kung iyong iiwasan ang pagsakit sa iba sa pamamagitan ng di pagtupad ng iyong mga pangako. Gawin mo na ito ngayon- Ang pagpapaliban ay nagsasanhi sa iyo na mag-aksaya ng mas maraming enerhiya maging bigo nang mas pa sa maaari mong magugol upang matapos ang gawain sa simula pa lamang. Ito rin ay maaaring bigyan ka ng pakiramdam ng pagkadismaya.

Tamasahin ang mga magagandang kahinatnan-Gantimpalaan ang iyong sarili para sa mga layunin na iyong nakamit at para sa mga bagay natapos ng mabuti Gawing isang espiritwal na karanasan ang buhay— Ang buhay sa mundo ay isang pagsasanay para sa mas maayos na buhay na darating sa kabilang buhay. Walang mga gawang may mas matibay na paniniwala na sugpuin ang makitid na gana ng isang mortal na uri kaysa sa pagnanais, sa pag-asa, at sa pananampalataya na maging karapat-dapat para sa isang buhay na walang-hanggan na ang mga malasakit ng mundong ito ay napapalitan ng kaluwalhatian ng mga walang-hanggang buhay sa Kahariang Selestyal (Tingnan ang 2 Nephi 9:39) Mga Paglalarawan para sa ating Panahon “Natutunan kong Mahalin ang Buhay” Mahal kong Abby: Hindi pa matagal ang nakalipas, ako ay mahiyain, pangit, hindi maganda ang bihis, hindi masaya at walang kasintahan. Hindi ako kailanman ngumiti. Nagsulat ako sa iyo, at ibinigay mo sa akin ang pinakamagandang payo na aking natanggap. Ito na iyon: “Ang susi sa pagiging kilala sa parehong kasarian ay ang maging mabait. Maging tapat. Maging mahusay makitungo. Kung hindi mo kayang maging maganda (o gwapo), maging malinis, maayos manamit, maganda ang pangagatawan, at panatilihin ang ngiti sa iyong mukha!” “Maging malinis sa iyong katawan at isipan. Kung ikaw ay hindi isang “utak,” subukan mo pa lalo. Kung ikaw ay hindi isang magaling na atleta, maaari kang maging mabuting isport. Subukan mong maging pinakamalitaw sa isang bagay. Kung hindi mo kayang sumayaw at kumanta, pag-aralang tumugtog ng isang instrumento.” “Mag-isip para sa iyong sarili, ngunit irespeto ang mga alituntunin. Maging mapagbigay sa pamamagitan ng mabuting mga salita at mapagmahal na mga galaw, ngunit magtira ng mabigat na artilerya para mamaya. Ikaw ay matutuwa na ginawa mo ito. Kung kailangan mo ng tulong, tanungin ang Panginoon. Kung hindi mo kailangan ng kahit ano, pasalamatan ang Diyos.”

Sinunod ko ang iyong payo ng bawat hakbang, at pinanatili itong nakahanda kung nararamdaman ko na ako’y nasa ibaba. Ako na ngayon ay ang pangulo ng ikalawang baitang, at ako ay tumutugtog na ng gitara. Ang pagngiti ay likas na para sa akin, at mahal ko ang buhay. Mayroon na akong kasintahan na naglalaro ng putbol (football), at siya ay mabait at magalang. Ang aking mga grado ay mas mabuti at mayroon akong mas maraming kaibigan kaysa sa pinangarap ko na makamit. Abby, di lamang ikaw ang tumulong sa akin. Tinulungan din ako ng Panginoon. Sinagot niya ang aking mga dalangin.

Ang buhay ay isang regalo mula sa Diyos. Ang ating mga buhay ay kailangang maging ating regalo sa Panginoon. Ikaw ang mamili- ikaw ang mamimili na gawing maganda ang buhay. Ikaw ang may tungkulin. Kaya mong piliin na maging “…kahit na katulad Niya.” (Tingnan 3 Nephi 27:27).

Maging maunawain at mabuti. Tratuhin ang mga tao nang mayroong pagsasaalang-alang. Maaari kang makatulong sa bawat tao na makikilala mo na magkaroon ng isang mas mabuting araw. Maaari kang gumawa ng isang pagkakaiba sa kanilang buhay at pati na rin sa iyo. Maaari mong ipasa ang mga mabubuting gawain-at ito ay laging babalik rin lamang sa iyo sa huli. Mararamdaman mo na ikaw ay may naisakatuparan. Ang buhay ay magiging matamis. Gumawa ng isang pangako na isapamuhay ang buhay sa pinakasukdulan at tamasahin ang iyong oras sa mundo.

Mga kagamitang pansarili
Sa ibang wika