Binyag
Mula sa MormonWiki
Ang pang-apat na Article of Faith ay nagsasabi na ang mga myembro ng [[Ang Simbahan ni Hesu Kristo ng mga Banal sa Huling-Araw, o ang mga Mormon, "ay naniniwala na ang unang prinsipiyo at kautosan ng Ebanghelyo ay ang mga: una ay ang Pananampalataya sa Diyos na si Hesu Kristo; pangalawa ay ang Pagsisisi; pangatlo ay ang Pagpapabinyag sa pamamagitan ng pagpapalubog sa tubig upang mahugasan ang mga kasalanan; pang-apat ay ang Pagpatong ng kamay para sa biyaya ng Banal na Spirito. Ang Simbahan ni Hesu Kristo ng mga Banal sa Huling -Araw ay ginagamit ang Binyag sa pamamagitan ng pag-lubog sa tubig. Ang Binyag ay tipikal na ginagawa sa isang spesyal na baptismal font at ito ay isang simbolikal na libing at muling pagkabuhay bilang isang disipolo ni Hesu Kristo. (Upang mapatatag ang simbolo ng muling pagkakabuhay, ang mga baptismal fonts ay laging nasa mas mababang lebelo ng lupa.) Katulad ng maraming Kristyano, ang mga Mormon ay naniniwala na ang isang taong nagsisi at nabinyagan ay mapapatawad ang kanyang mga naunang kasalanan. Kaylanman, ang Binyag ay hindi ginagawa bago ang ika-walong kaarawan. Ayon sa mga rebelasyon sa mga huling-araw, ang edad na walo ay sinasabi bilang ang edad kung kaylan ang mga bata ay nagiging accountable para sa kanilang mga kasalanan, ibig sabihin kaya nilang pumili sa pagitan ng tama at mali at maintindihan ang kahalagahan ng pagsisi. Kung hindi kaya ng isang tao ang pumili sa pagitan ng tama at mali (ie. iyong mga may malalang sakit sa utak, at iba pa.), sila ay nahatulang hindi kabilang para sa kanilang mga kasalanan t hindi nangangailangan ng binyag, sa kahit na ano mang edad. Sila ay hindi kasali sa pagtubos na ginawa ni Hesu Kristo , bilang mga batang namatay bago ang edad ng pagkasali. Ang Libro ni Mormon at mga bangong rebelasyon ay mahigpit na ipinagbabawal ang nakasanayang binyag para sa mga bagong panganak. (Tignan sa Doctrine and Covenants 68:27 at Moroni 8:4-23.) Ang binyag ay kinikilala lamang pag ito ay isinagawa ng isang taong humahawak ng tamang autoridad, tumutukoy sa saserdohe ng isang Priest sa Aaronic Priesthood o mas mataas pang saserdohe. Ang mga Mormon ay naniniwala na ang binyag ay kaylangan upang makapasok sa kaharian ng Diyos pagkatapos ng buhay sa mundong ito, katulad ng mga paniniwala ng maraming Kristiyano. Ang paniniwalang ito ay nagpapakita ng isang problema, kahit papano, para sa milyon-milyong katao na namuhay at namatay nang walang oportunidad na kahit marinig man lang si Hesu Kristo, o kahit mabinyagan man lang. Dahil dito, ang mga Mormon ay naniniwala sa ordinansa ng Binyag para sa mga Patay. Ang tarabahong ito ay ginagawa lamang sa mga templo , at ginagawa ng isang taong umaarte bilang pamalit (proxy) sa taong namatay na. Ang mga Mormon ay naniniwala na ang mga ordinansa lamang tulad ng binyag para sa mga patay, ay gumagana kung ang taong namatay na, bilang isang ispirito, ay kusang tinatanggap ang trabahong nagawa sa kanayang kalahati. Kung ang ordinansa ay tinanggap ng yumao, siya ay magkakaroon na ng oportunidad upang mkapasok sa kaharian ng Diyos, katulad ng pagkakaroon ng oportunidad na maturuan at mabinyagan habang sa mundo.
