Benditadong Langis
Mula sa MormonWiki
Ang Benditadong langis ay ginagamit ng mga may hawak ng priesthood sa Ang Simbahan ni Hesu Kristo ng mga Banal sa huling-araw para sa pagpapagaling ng mga may sakit.
Noon ang langis ay ginagamit sa pagbibigay ng basbas sa mga may sakit, ito ay benditado, dedikado, at binasbasan, sa pamamagitan ng mga humahawak ng Melchizedek na Priesthood, para sa anointing ng mga ma sakit sa tahanang may pananampalataya:
May sakit baga ang sinoman sa inyo? ipatawag niya ang mga matanda sa iglesia; at ipanalangin nila siya, na pahiran nila ng langis sa pangalan ng Panginoon: At ang panalangin ng pananampalataya ay magliligtas sa may sakit, at ibabangon siya ng Panginoon; at kung nagkasala siya, ay ipatatawad sa kaniya. (James 5:14, 15).
"Ito ay ang langis at hindi ang lalagyan na siyang benditado, at walang kawalan ng kaangkupan sa pagbabasbas ng langis sa isang malaking lalagyan at pagkatapos noon ay ang pagbuhos nito sa mas maliit na lalagyan. Ang isang magandang uri ng langis ng oliba ang siyang dapat gamitin, at pagkatapos na ito ay maging benditado, hindi ito dapat ihalo(mahalo) sa anumang ointments o mga pang-pahid at hindi rin ito dapat ginagamit nang basta-basta nalang. " [<cite_link_label_group->]
Ang mga mas nakatatanda sa simbahan ay palaging mayroong benditadong langis na pwede nilang gamitin kaylan man lalo na sa mga emerhensiya, at ang mga maliliit na lalagyan ay pwedeng magagamit na maaaring ikabit sa tale o kadena ng mga susi. Kapag ang benditadong langis ay ipinahid na para sa pagpapagaling ng may sakit, karaniwang ay may mga dalawang mga mas nakatatandang kasangkot. Iyong isang mas nakatatanda ay siyang nangangasiwa sa langis (isang patak na kung saan ay nakalagay sa ulo ng taong may sakit), at tinatawagan ang kapangyarihan ng Panginoon sa ngalan ng may sakit. Ang pangalawang mas nakatatanda ay magsasabi isang pababasbas para sa pagpapagaling at pagbibigay ng kaluwagang loob.