Araw ng Panginoon
Mula sa MormonWiki
SABBATH Sa banal na kasulutan ipinag-uutos na ating “alalahanin ang araw ng Sabbath,upng ipangilin” (Exodo 20:8). Ang mga Banal sa mga Huling Araw ay matatag sa paniniwala sa paangilin sa araw ng Sabbath. Isinaad ni Elder John H. Groberg,” Mayroong direktang kaugnayan ang tamang pagngilin sa araw ng Sabbath at tunay na paggalang sa Diyos,kasama na rito ang pagsunod sa kanyang ibang kautusan.
Mga nilalaman |
PAGNGILIN SA ARAW NG SABBATH
Ang”Para sa Kalakasan ng Kabataan”,isang maliit na aklat ng mga panuntunan na ipinalimbag ng Simbahan para sa mga kabatan,ay nagsaad: Maraming nakalulugod na Gawain ang angkop sa Sabbath.Sambahin ang Panginoon,dumalo sa pagpupulong sa Simbahan,maglaan ng tahimik na sandal kasama ang pamilya,pag-aralan ang Ebanghelyo,sumulat ng liham,sumulat sa inyong talaan,gumawa na talaan ng kasaysayan ng pamilya,at dalawin ang mga may sakit at nag-iisa.Ang inyong pananamit bago,kasalukuyan at pagkatapos ng mga pagpupulong sa Simbahan ay nararapat na magpakita ng paggalang sa kabanalan ng Sabbath.Kapag maghahanap ng trabaho,sabihin s amo ang iyong pagnanais na makadalo sa mga pagpupulong tuwing Linggo at mangilin sa Sabbath.Karamihan sa mga amo ay pinahahalagahan ang mga tauhan na may ganitong katangian.Kung may pagkakataon,pumili ng mga trabahong hindi kinakailangan pumasok tuwing araw ng Linggo.Ang araw ng Llinggo ay hindi holiday o araw ng paglilibang o mga gawaing pampalakasan.Huwag maglilibang o gumastos ng pera sa araw na ito>Ipaalam sa iyong mga kaibigan ang iyong mga pamantayan upang hindi ka nila pilitin na sumali sa mga gawaing hindi angkop sa araw ng Sabbath. Ang ilang mga pinuno ng Simbahan ay nagsalaysay kunh paanong ang Sabbath ay araw para sa pagsamba,pahinga at panahon na inilaan sa pamilya. Ang Sabbath ay araw ng oagsamba.Hindi tayo dumadalo sa mga pagtitipon tuwing Sabbath para lang masiyahan o maturuan lamang. . Dumadalo tayo upang sambahin ang Panginoon. Ito ay isang tungkulin ng bawat isa, at kahit ano pa ang sabihin mula sa pulpit, ang sinumang ibig sambahin ang Panginoon,sa ispiritu at katotohanan,maaari niya itong gawin sa pamamagitan ng pagdalo sa mga pagpupulong,makibahagi ng sacrament, at kilalanin ang kagandahan ng ebanghelyo. Kung ang paglilingkod ay kabiguan sa iyo, ikaw ay nabigo. Walang sinuman ang maaring sumamba para sa iyo; kinakailangan gawin mo ang sarili mong tungkulin habang nag-aabang sa Panginoon.
ANG SABBATH AY ARAW NG PAHINGA
Ang Sabbath ay isang banal na araw kung kalian tayo ay gumagawa ng mga karapat-dapat at banal na Gawain. Ang pagpapaliban ng trabaho at paglilibang ay mahalaga ngunit hindi sapat.Ang Sabbath ay nangangailangan ng makabuluhang pag-iisip at gawain, at kung sinuman ay pinalilipas lamang ito at walang ganagawa, siya ay lumalabag sa batas ng pagngilin sa araw ng Sabbath. Upang maisakatuparan ito,kinakailangang lumuhod para magdasal,naghahanda ng mga aralin,natutulog, nagbabasa ,ng makabuluhang babasahin, at dumalo sa lahat ng pagpupulong kung saan tayo ay inaasahan. Ang kabiguan sa paggawa ng mga bagay na ito ay pagkakasala dahil sa hindi pagtupad.
ANG SABBATH AY ARAW NA INILALAAN ANG ORAS PARA SA PAMILYA
Upang magkaroon ng tunay, protektado, ispirituwal na karanasan tuwing Sabbath, bakit hindi magplano ng gawain kasama ng pamilya at maghanda ng mga gawain na naaangkop sa pagsamba tuwing araw ng Sabbath, habang tinatanong an gating sarili kung paano tayo napapatatag sa ispiritwal at hindi lamang upang pasayahin ang Panginoon kundi tayo rin ay magiging Masaya at malakas an gating pakikipag-ugnayan sa Panginoon.
MGA PAGPAPALA
Maraming mga pagpapala at pangako na ipinagkakaloob sa mga inaalala at tinutupad ang tungkulin sa pagngilin sa kabanalan ng araw ng Sabbath. Muli, mula sa Para sa lakas ng Kabataan, ibinigay ang ganitong impormasyon: Ibinigay ng Panginoon ang araw ng Sabbath para sa inyong kapakinabangan, at iniutos niya sa inyo na ito ay pabanalin. Ang pagngilin sa Sabbath ay magdadala sa inyo palapit sa Panginoon at gayundin ang inyong pamilya. Ito ay magbibigay sa inyo ng kinakailangan ninyong pahinga at pagpapanumbalik ng lakas.
Sa Leviticus 26:2-6 tinutukoy ang iba pang mga pagpapala na ipinagkaloob sa mga sumusunod sa pagngilin sa araw ng Sabbath. Pabanalin niyo ang aking Sabbath at igalang ang aking santuwaryo.Ako ang Panginoon.Kapag lumakad kayo sa aking mga bilin,at dundin ang aking mg autos,at gawin ang mga ito,ay bibigyan ko kayo ng ulan sa takdang panahon,at ang lupain ay magbibigay ng bunga,at ang mga puno sa kaparangan ay magbibigay ng bunga.At ang inyong mga paghahapit ay aabot hanggang sa antigo at ang antigo ay aabot sa panahon ng pag-aani,at inyong kakainin ang inyong tinapay hanggang kayo ay mabusog,at kayoay mananahan sa inyong lupain nang ligtas.At bibigyan ko kayo ng kapayapaan sa lupain at kayo ay hihimlay,at walang sinuman ang sa inyo ay mananakot.
ANONG ARAW SA BUONG LINGGO ANG SABBATH?
Sa kanlurang bahagi ng mundo kung saan karamihan sa mga mamamayan ay mga Kristiyano,at kung saan pagngilin sa araw ng Sabbath ang tradisyunal na ginagawa sa araw ng Linggo. Ang mga banal sa huling araw ay sumusunod sa tradisyon ng Sabbath sa araw ng Linggo. Gayunman,ang mga banal sa mga huling araw sa Israel ay iginagalang ang araw ng Sabbath tuwing Sabado ang araw ng pagsamba na ibinukod-tangi sa bansa at sa mga bansang Muslim,ang mga banal sa mga huling araw ay sumasamba tuwing Biyernes ang araw ng Sabbaty para sa mga Muslim. Sa gayon,ang mga banal sa mga huling araw ay pinanatili ang saysay ng batas na ibinigy ng Panginoon,at ang nasasaad sa batas na ipinatupad sa pamahalaan ng lupain kung saan sila ay naninirahan.
