Araw-araw na Panalangin

Mula sa MormonWiki
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Ang mga Mormons ay madasaling tao. Ang sabihin na sila ay nananalangin araw-araw ay may malaking kakulangan sa pahayag. Sila ay pinapayuhan sa pamamagitan ng mga kasulatan na laging manalangin. Isa sa kanilang mga kasulatan (3 Nephi 18:20) ay nag-uutos na ang mga Banal ay "kinakailangan kayong mag-ingat at laging manalangin, na baka kayo ay matukso ng diyablo, at maakay niya kayong palayo na bihag niya… Samakatuwid, kayo’s dapat laging manalangin, “ at ang mga Mormons ay ginagawa ito ng may higit na kaseryosohan.


Hangarin ng Panalangin

Napakaraming dahilan upang manalangin at marahil ang mga Mormons ay nananalangin sa bawat dahilang mayroon.

• Upang matuklasan ang nais ng Diyos

Una, mula sa panahon ni Adan at Eba ng sila ay pinatalsik mula sa halamanan ng Eden at hindi na maaaring makipag-usap sa Diyos ng harapan, ang panalangin ang naging paraan ng pakikipag-usap sa Diyos upang malaman ang kanyang kalooban. Sa kawalan ng panalangin, malamang ay wala ring kasulatan, dahil ang pagpapahayag ay karaniwang dumarating sa pamamagitan ng mga panalangin ng mga propeta.

• Upang makakuha ng pagpapala

Ang panalangin ay karaniwang kinakailangan upang makuha ang biyaya o pagpapala mula sa Diyos. Kinailangan Niya na ang bawat tao ay humingi ng kung ano ang kailangan niya. Ang pagdepende sa Diyos ang magpapanatili sa taong maging mababang loob, maasikaso at masunurin.

• Upang ipahayag ang pagpapasalamat

Ipinaliwanag maigi ng Diyos na Siya ay umaasa ng pasasalamat para sa lahat ng biyayang kanyang ibinibigay. Ang kasulatan ay hayagan sa pagtuligsa ng mga taong nakakalimutan na magpasalamat. “Mas matalas pa sa ngipin ng ahas ang isang taong walag utang na loob” ay tumutukoy higit pa sa mga anak ng mga magulang na nauukol sa lupa. Ipinapakita sa Lucas 17:17 ang pagkadismaya ni Kristo nang siyam sa sampung may ketong na kanyang nilinis ay nagpunta sa kanya-kanyang mga gawi ng walang pagpapasalamat.

Ang lider ng Mormon na si W. Eugene Hansen ay nagpapahayag ng masidhing atinsyon sa hindi pagiging mapagpasalamat sa ganitong kaparaanan: “Ito ay sinasabi na ang kasalanan ng kawalan ng utang na loob ay mas malubha pa kaysa sa kasalanan ng paghihiganti. Sa paghihiganti, ibinabalik natin ang kasamaan sa kasamaan, ngunit sa hindi pagtanaw ng loob, ibinabalik natin ang kasamaan laban sa kabutihan” (Ensign, Nobyembre 1989, p. 24)


Kailan Dapat Manalangin at Bakit / Ano ang Dapat Ipanalangin

• Sa panahon ng mga sakripisyo Ayon sa kasaysayan, ang mga Hudyo, gaya ng pagbibigay diin ng Diksyunaryo ng Biblia, ay dapat manalangin ng hindi bababa “sa dalawang okasyon: isang pagpapahayag ng kasalanan sa Araw ng Pagsisisi (Lev. 16:21), at isang paghahandog pasasalamat kapag naghahandog ng unang bunga at ikapu. (Deuternomio 26:3, 13).” Gayunman, habang ang mga Mormons ay tiyak na nagpapahayag ng kanilang mga kasalanan sa panalangin, walang isang araw – maliban marahil sa panahon ng panalanging sakramento sa Linggo – na ginagawa nila ito.

• Bago kumain

Ang kaugaliang Hudyo, ayon kay David at Daniek (BD), ay kinakailangang manalangin muna bago sila kumain. Sinusunod ng mga Mormon ang kaugaliang ito, kahit kung minsan ay sa bahay-kainan kung sila ay maaaring makapagdasal ng tahimik. Sa mga pamilya o mga grupo sa mga tahanan o simbahan, ang isa sa miyembro ng pamilya o panauhin ay nananalangin, upang kumatawan sa lahat, upang magbigay pasalamat para sa pagkain at pagpapala para sa kanilang kabutihan. Kaya’t ang mga Mormons ay nagbibigay pasalamat ng hindi bababa sa tatlong panalangin para sa pagkain sa bawat araw.

• Paggising at Pagtulog

Ang bawat Mormons ay nananalangin din sa umaga at gabi. Kadalasan kasama sa mga panalangin na ito ang pag-alala sa mga bagay na kailangan nila ng araw na iyon o kaya’y ano ang kanilang ginawa sa araw na iyon. Sila ay nananalangin para sa kanilang sarili, para sa kanilang mga kaibigan, ang pamahalaan at mga lider ng Simbahan, ang mga misyonero at iba pa na maaaring nangangailangan, bagaman kilala nila ang mga ito o hindi. Sila ay humihingi ng kapatawaran, habag, paggabay, pagtitiis, biyaya at ang presensiya ng Banal na Espiritu. Ito ay nagdadagdag ng dalawa pang panalangin sa mga Mormons sa isang araw.

• Ang pamilyang Mormon ay nananalangin din bilang pamilya, sa bawat araw at gabi, na kung saan ang bawat miyembro ng pamilya ay nagdadagdag ng dalawa pang panalangin sa kanilang araw.

• Ang mga edad pang-Sekondaryang Mormons ay maaaring magsimula ng kanilang karaniwang araw sa pamamagitan ng pagdalo sa seminario, na kung saan ay magdadagdag pa ng dalawang pang panalanging sa kanilang araw. Ang nakakatandang Mormons ay maaaring dumalo sa paaralan, kadalasang minsan o dalawang beses sa isang lingo, na kung saan ay dalawang panalangin ang dadagdag pa sa kanilang bilang.

• Ang nakakatandang Mormon, sa mga araw ng sila ay dadalo sa templo, ay nakikilahok sa maraming panalangin, ngunit tiyak na hindi bababa sa isa pang karagdagang panalangin.

• Ang mga Mormons ay nananalangin sa pasimula at pagtatapos ng bawat pulong sa simbahan. Ang tipikal na linggo ay binubuo ng hindi bababa sa anim pang katulad na panalangin. Dagdag pa ang dalawang sakramentong panalangin, para sa kabuuang walong panalangin ng Sabbath. Kung sila ay magsasagawa ng Pagtitipong Pampamilya, ito ay magdadagdag pa ng dalawa pang panalangin.

• Tuwing tipikal na Lunes, ang mga Mormons ay nagsasagawa ng Gabi ng Pamilyang Tahanan, na nakadaragdag pa ng dalawang panalangin sa araw na iyon.


• Ang mga Mormons ay nananalanging din sa buong araw sa isang particular na tulong. Sila ay dumudulog sa panalangin bago ang isang mahabang paglalakbay o kapag kailangan nilang gumawa ng desisyon. Kung ang isang tao ay may sakit, ang kanyang ama o iba pang may katungkulan tulad ng isang Gurong Pantahanan, ay magbibigay ng isang biyayang pangkalusugan – na nangangailangan ng isa pang panalangin.

• Ang mga araw na kung saan ang Gurong Pumapasyal at Gurong Pantahana ay dumarating (bawat isa sa kanila’y minsan sa isang buwan) ay karaniwang nagdadagdag ng isa pang panalangin.

• Bilang pang-huli, sa 5 hanggang 24 na panalangin bawat araw (ang kadalasa’y 12), ang mga Mormons ay pinapayuhan na panatilihin ang panalangin sa kanilang mga puso sa lahat ng pagkakataon – sa ibang salita, ay manalangin palagi.

Ang mga Mormons ay hindi gumagamit ng nakahandang panalangin, maliban sa pagkakataon ng pagpapala sa sakramento at panalanging paghahandog sa templo.


Paano Magdasal

• Ang mga panalangin ay maaaring gawin ng isahan o sa grupo, kasama ang isang kinatawan na tagapagsalita.

• Ang panalangin ay maaring gawin mag-isa o sa publiko.

• Ang mga panalangin ay maaring gawin ng nakatayo, nakaupo o nakaluhod. Sa mga simbahan ng Mormons, karaniwang ang mga taong nananalangin para sa grupo ay nakatayo habang ang iba ay nakaupo. Ang mga taong nagbibigay ng sakramento ay nananalangin ng nakaluhod.

• Ang panalangin ay maaaring tahimik o malakas. Ang mga panalanging pang-grupo or pormal tulad ng para sa mga sakramento ay malakas.

• Ang mga mata ay maaaring nakapikit or nakabukas. Karaniwang, lalo na sa simbahan, ang mga Mormons ay pumipikit kapag nananalangin.

• Ang ulo ay maaaring yumukod o itaas. Ang mga Mormons ay karaniwang nakayuko ang ulo.

• Ang mga kamay ay maaaring nakatiklop o nakataas para sa Diyos. Ang mga Mormons ay karaniwang hindi ginagawa ang alinman sa mga ito, libang ito’y sa publiko.

• Ang mga panalanging hindi pang-agaran panalangin para sa agarang tulong sa pagkabalisa ay sumusunod sa anyo ng Panalangin ng Panginoon:

Kilalanin ang Diyos sa isang magalang at tamang paraan tulad ng Ama Namin sa Langit. (Ang mga Mormons ay hindi nananalangin kay Kristo o kahit kanino pa kundi lamang sa kanilang Ama, katulad ng pagdulog ni Kristo sa kanyang panalangin.

Pasalamatan mo Siya para sa lahat ng kanyang pagpapala. (Ang mga Mormons ay naniniwalang maayos at tama lamang na magpahayag muna ng pasasalamat para sa mga binigay ng Diyos bago humiling ng karagdagan.)

Humingi para sa mga pangangailangan tulad ng kapatawaran, awa at pagpapala para sa sarili at sa iba.

Hinihiling ang mga ito “sa pangalan ni Kristo Hesus.” (Binibigyang diin ng mga Mormons na si Kristo ang kanilang tagapagtaguyod, na siyang may karapatan na humingi sa Diyos para sa mga bagay na hindi karapat-dapat sa kanilang sarili.)

Tapusin sa “Amen.”

Maghintay at making para sa mga kasagutan. (Ang mga lider ng Mormon ay nagtuturo na upang makatanggap ng gabay o paghahayag ay nangangailangan na ang taong nananalangin ay makinig para sa kasagutan – ang Diyos ay maaaring nakikipag-usap ngunit kung walang sinuman ang nakikinig, ay hindi nila maririnig kung ano ang Kanyang sinasabi.

• Ang mga Mormons ay naniniwala na ang Diyos ay sasagot kung 1) ang panalangin ay taos-puso, 2) ang taong nananalangin ay naniniwalang ang Diyos ay umiiral, minamahal Siya at sasagot, 3) ang tao ay matuwid at tumatawag sa Pagtubos ni Kristo para sa kanyang karapatan sa petisyon, at 4) ito ay kararapat para sa kanya. Hindi sila naniniwala na ang ritual na pagbulong-bulong ay magreresulta ng kahit ano. Ang taong humihingi ay dapat totoo sa kaniyang sinasabi – kailangan niyang maging tapat sa Diyos. Siya ay dapat sumubok na mamuhay sa kung ano ang ibinigay sa kanya ng Diyos. Kinakailangan niya ring magtiwala na sa kaya’y ibibigay kung ano man ang kanyang hinihingi - kung ito ay nararapat, halimbawa ay kinakailangan o nababagay. Ang Diyos kung minsan ay sumasagot ng “Hindi” o “Hindi ngayon – balang araw.” Si Neal A. Maxwel, isang apostol, ay nagpahayag ng ganito: “Ang paghingi sa panalangin ay nagturo sa akin, ng paulit ulit, na ang baul ng langit kasama ang lahat ng pagpapala ay mabubuksan lamang sa pamamagitan ng isang kumbinasyon. ” Ang tagapagbuwag ay madadapa kapag may pananampalataya; ang pangalawa ay kapag may sariling katuwiran; at ang ikatlo ay kapag kung ano lamang ang hinahangad ay, sa paghatol ng Diyos – hindi sa atin – tama sa atin.”

Ang ilang mga Mormons ay paminsan-minsang may pribadong panalangin kung saan, pagkatapos ng pagbubukas ng panalangin, ay para lamang nakikipag-usap sa kanilang Ama sa langit. Ito ay isang pagbubuhos ng kanilang pagmamahal na kung saan ipinapahayag nila ang kanilang nararanasang alalahanin o pasasalamat (Ang ilang mga Mormons ay kadalasang nagbibigay ng panalangin sa tuwing nais lamang nilang ipahayag ang pasasalamat sa lahat ng bagay na kanilang maisip). Ang ilang sa mga panalangin ay maaring mahaba, kalahating oras o higit pa. Maaring mayroong mga luha o kaya tawa. Ang ganitong uri ng panalangin ay malakas na humihikayat sa Banal na Espiritu at kadalasang ang resulta sa mga taong nananalangin ay nakakapagtaas, naliliwanagan at nagagabayan ng tiyak na sagot – pagpapahayag.