Ang mga Turo ni Joseph Smith

Mula sa MormonWiki

Ito ay ilan lamang sa mga itinuro at mga doktrina na itinatag ni Joseph Smith.

Ang pagtutubos ni Kristo

“Ang pundamental na panuntunan ng ating relihiyon ay ang mga patutuo ng mga Apostol at Propeta, tungkol kay Hesu Kristo, na siya ay mamatay, at inilibing, at muling na buhay sa pangatlong araw, at siya’y pumunta na sa langit; at ang lahat ng mga bagay na tumutukoy sa ating relihiyon na maaaring idag-dag dito. (TPJS p.121)

Pamunuang langit

"Ang aAma ay may bkatawang may laman at mga buto na nahihipo gaya ng sa tao; ang Anak din; subalit ang cEspiritu Santo ay walang katawang may laman at mga buto, kundi isang personaheng Espiritu. Kung hindi ganito, ang Espiritu Santo ay hindi makapananahanan sa atin." (Doktrina at mga Tipan 130:22)

Aklat ni Mormon

"Sinabi ko sa ating mga kapatid na ang Aklat ni Mormon ang pinakatamang libro sa buong mundo, at ang centro ng ating relihiyon, at ang isang tao ay mas mapapalapit sa Diyos sa pagiging masunurin sa kanyang mga tuntunin, kaysa sa ibang mga libro.” (Ang Kasaysayang ng Simbahan, 4:461)

Premortal na Buhay

" Ngayon ipinakita ng Panginoon sa akin, si Abraham, ang mga akatalinuhang binuo bbago pa ang mundo; at sa lahat ng ito ay marami ang cmarangal at dakila; At nakita ng Diyos ang mga kaluluwang ito na sila ay mabubuti, at siya ay tumayo sa gitna nila, at kanyang sinabi: Ang mga ito ang gagawin kong mga tagapamahala; sapagkat siya ay nakatayo sa mga espiritung yaon, at kanyang nakita na sila ay mabubuti; at kanyang sinabi sa akin: Abraham, isa ka sa kanila; ikaw ay apinili bago ka pa man isinilang." (Abraham 3:22-23)

Ang Hanggang Pag-unlad

"Anumang alituntunin ng akatalinuhan ang ating matamo sa buhay na ito, ito ay kasama nating babangon sa bpagkabuhay na mag-uli. At kung ang isang tao ay nagkamit ng maraming akaalaman at katalinuhan sa buhay na ito sa pamamagitan ng kanyang bpagsisikap at cpagiging masunurin kaysa sa iba, siya ay magkakaroon ng labis na dkalamangan sa daigdig na darating." (Doktrina at mga Tipan 130:18-19) " At sila na mga nakapanatili sa kanilang aunang kalagayan ay madaragdagan; at sila na mga hindi nakapanatili sa kanilang unang kalagayan ay hindi magtatamo ng kaluwalhatian sa yaon ding kaharian na kasama ng mga yaong nakapanatili sa kanilang unang kalagayan; at sila na mga nakapanatili sa kanilang bikalawang kalagayan ay magtatamo ng ckaluwalhatiang idaragdag sa kanilang mga ulo magpakailanman at walang katapusan. " (Abraham 3:26)

Ang Pagsasamba sa Templo

"Isaayos ang inyong sarili; ihanda ang lahat ng kinakailangang bagay, at magtayo ng isang bahay, maging isang bahay ng panalanginan, isang bahay ng pag-aayuno, isang bahay ng pananampalataya, isang bahay ng pag-aaral, isang bahay ng kaluwalhatian, isang bahay ng kaayusan, isang bahay ng Diyos." (Doktrina at mga Tipan 109:8)

Walang Hanggang Kasal

"SA aselestiyal na kaluwalhatian ay may tatlong kalangitan o antas; At upang matamo ang apinakamataas, ang isang tao ay kailangang pumasok sa orden na ito ng pagkasaserdote [ibig sabihin ang bago at walang hanggang tipan ng bkasal]; At kung hindi niya gagawin, hindi niya ito matatamo. Maaari siyang pumasok sa iba, subalit iyon na ang katapusan ng kanyang kaharian; hindi siya magkakaroon ng apag-unlad. " (Doktrina at mga Tipan 131:1-4)

Ang Pagbibinyag sa mga patay

"Ang lahat mga mga taong hindi nagkaroon ng oportunidad na makarinig ng Ebanghelyo, at pinangangasiwaan ng isang inspiradong tao rito sa mundo , dapat nila itong makamtam mula ngayon, bago sila pinal na mahatulan. " (TPJS p.121) "Sa ganito dumating ang atinig ng Panginoon sa akin, sinasabing: Lahat ng nangamatay na bwalang kaalaman sa ebanghelyong ito, na kanilang tatanggapin ito kung sila lamang ay pinahintulutang manatili, ay magiging mga ctagapagmana ng dkahariang selestiyal ng Diyos; " (Doktrina at mga Tipan 137:7) "Ako ay maaaring makapagbigay ng isang amalinaw na pagkakasalin nito, subalit ito ay sapat na malinaw upang iangkop sa aking layunin gaya ng pagkakasalin nito. Sapat nang malaman, sa pangyayaring ito, na ang mundo ay babagabagin ng isang sumpa maliban kung may isang bpag-uugnay ng anumang uri o iba pa sa pagitan ng mga ama at ng mga anak, sa alinmang paksa o iba pa—at masdan ano ang paksang yaon? Ito ang cpagbibinyag para sa mga patay. Sapagkat tayo kung wala sila ay hindi magagawang ganap; ni sila kung wala tayo ay hindi magagawang ganap. Ni sila o tayo ay hindi magagawang ganap kung wala yaong mga nangamatay rin sa ebanghelyo; sapagkat kinakailangan sa pagsisimula ng ddispensasyon ng kaganapan ng panahon, kung aling dispensasyon sa ngayon ay nagsisimula na, na ang isang buo at husto at ganap na pagsasanib, at pag-uugnay na magkakasama ng mga dispensasyon, at mga susi, at mga kapangyarihan, at mga kaluwalhatian ay dapat mangyari, at ipahahayag mula sa mga araw ni Adan maging sa kasalukuyang panahon. At hindi lamang ito, kundi pati na yaong mga bagay na hindi pa ipinahahayag mula pa sa epagkakatatag ng daigdig, subalit maingat na itinago mula sa matatalino at marurunong, ipahahayag sa mga fsanggol at pasusuhin dito, sa dispensasyon ng kaganapan ng panahon. " (Doktrina at mga Tipan 128:18)

Ang Tatlong kaharian ng Kaluwalhatian

"At yaon ding lipunan na umiiral sa atin dito ang iiral sa atin doon, lamang ito ay may kakabit na awalang hanggang kaluwalhatian, kung aling kaluwalhatian ay hindi pa natin ngayon tinatamasa. " (Doktrina at mga Tipan 130:2)

"At sa ganito aming nakita, sa makalangit na pangitain, ang kaluwalhatian ng telestiyal, na walang maaaring makaunawa. At walang sinuman ang makauunawa nito maliban sa kanya kung kanino ito ipinahayag ng Diyos. At sa ganito nakita namin ang kaluwalhatian ng terestriyal na nakahihigit sa lahat ng bagay sa kaluwalhatian ng telestiyal, maging sa kaluwalhatian, at sa kapangyarihan, at sa lakas, at sa nasasakupan. At sa ganito nakita namin ang kaluwalhatian ng selestiyal, na nakahihigit sa lahat ng bagay— kung saan ang Diyos, maging ang Ama, ay naghahari sa kanyang luklukan magpakailanman at walang katapusan; Sa harapan ng kanyang luklukan lahat ng bagay ay yumuyukod sa mapagpakumbabang apagpipitagan, at nagbibigay sa kanya ng kaluwalhatian magpakailanman at walang katapusan. Sila na nananahanan sa kanyang akinaroroonan ay simbahan ng bPanganay; at kanilang nakikita ang gaya ng pagkakakita sa kanila, at cnakaaalam gaya ng pagkakaalam sa kanila, makaraang matanggap ang kanyang kaganapan at ang kanyang dbiyaya; At kanya silang ginawang apantay-pantay sa kapangyarihan, at sa lakas, at nasasakupan." (Doktrina at mga Tipan 76:89-95)

Ang Edad ng Pananagutan

"At muli, yayamang ang mga amagulang ay may mga anak sa Sion, o sa alinman sa kanyang mga bistaka na naitatag, na hindi cnagtuturo sa kanila na maunawaan ang doktrina ng pagsisisi, pananampalataya kay Cristo ang Anak ng buhay na Diyos, at ng pagbibinyag at ang kaloob na Espiritu Santo sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay, pagsapit ng dwalong taong gulang, ang ekasalanan ay nasa ulo ng mga magulang. Sapagkat ito ay magiging batas sa mga naninirahan sa aSion, o sa alinman sa kanyang mga istaka na naitatag. At ang kanilang mga anak ay abibinyagan para sa bkapatawaran ng kanilang mga kasalanan pagsapit ng cwalong taong gulang, at tatanggapin ang pagpapatong ng kamay." (Doktrina at mga Tipan 68:25-27) "At namalas ko rin na ang lahat ng batang namatay bago sila sumapit sa agulang ng pananagutan ay bligtas sa kahariang selestiyal ng langit. " (Doktrina at mga Tipan 137:10)

Salita ng Karunungan

"At lahat ng banal na makatatandang sumunod at gawin ang mga salitang ito, lumalakad sa pagsunod sa mga kautusan, ay tatanggap ng akalusugan sa kanilang pusod at kanilang utak-sa-buto; At makatatagpo ng akarunungan at malaking kayamanan ng bkaalaman, maging mga natatagong kayamanan; At atatakbo at hindi mapapagod, at lalakad at hindi manghihina. At ako, ang Panginoon, ay nagbibigay sa kanila ng apangako, na ang mapangwasak na anghel ay blalampasan sila, gaya ng mga anak ni Israel, at hindi sila papatayin. Amen." (Doktrina at mga Tipan 89:18-21)

Zion

"Kami ay naniniwala sa literal na pagtitipon tipon sa mga taga Israel at sa muling pagbabalik ng Sampong Tribo; na ang Zion (ang Bagong Herusalem) ay muling maitatayo sa kontinente ng Amerika; na si Kristo mismo ang mamumuno sa buong mundo; at, ang mundo au muling mababago at ito’y makakatanggap ng kanyang paradisiakal na kaluwalhatian (paradisiacal glory)." (Ang Artikolo ng Pananampalataya 1:10)

Mga kagamitang pansarili
Sa ibang wika