Ang mga Paniniwala ng mga Mormon sa Sangkatauhang Trahedya
Mula sa MormonWiki
Kapag ang mga tao ay nahaharap sa mga trahedya minsan sila ay nagtatanong sa kanilang mga sarili kung bakit. Ang mga ilang hindi relihiyosong mga tao ay maaaring akalain na ang pagkakaroon ng sangkatauhang trahedya ay patunay na ang Diyos ay hindi umiiral o walang pakialam sa sangkatauhan. Ang mga relihiyosong tao na may pananampalataya sa Diyos at isinasama Siya sa pagpapaliwanag sa mga sankatauhang mga pangyayari ay maaaring subukin na ipaliwanag ang pagkakaroon ng mga trahedya sa maraming iba’t ibang mga paraan, minsan ay sa pamamagitan ng pagsusubok na matangi sa pagitan ng mga sitwasyon na ito ay mga kabayaran ng mga kilos ng tao at sitwasyon na kung saan ang Diyos ay tila pumapagitna ng mas direkta.
Ano ang masasabi ng Mormonismo tungkol sa sangkatauhang trahedya at ang layunin nito sa buhay ng tao? Walang anumang tiyak na opisyal na pahayag tungkol sa isyung ito sa Simbahan ng Mormon, ngunit marami ang maaaring sabihin sa pamamagitan ng pagsusuri ng mga salita ng mga propeta, apostol at ibang pang mga manunulat ng Mormon.
Ayon sa Presidenteng Hugh B. Brown, “ang makarelihiyon na pananampalataya ay nagbibigay ng kapanatagan na ang sangkatauhang trahedya ay hindi isang walang kabuluhang pagpapakita ng puwersang pisikal. Ang buhay ay hindi kung ano ang katawagan ni Voltaire sa mga ito, ‘isang masamang biro’; ito ay isang tunay na lugar ng pag-aaral ng disiplina na kung saan ang may-akda at ang guro ay ang Diyos” (Ulat sa Pagpupulong, Oktubre 1969, Ikatlong Araw – Pulong pang-umaga, p. 107). Sa ibang salita, ang sangkatauhang trahedya ay may layunin sa mga mata ng Diyos. Ito ay isang kagamitang pampapadalisay na tumutulong sa mga kalalakihan at kababaihan upang mapabuti ang kanilang buhay, kahit na ito ay may kasamang paghihirap.
Ang kasaysayan ng Mormonismo ay puno ng mga halimbawa ng mga paghihirap at trahedya na tila sumasalungat sa paniniwala ng isang relihiyon na naghahayag na “ang tao ay gayon, upang sila ay magkaroon ng kagalakan” (2 Nephi 2:25). Ang Propetang Joseph Smith, ang nagtatag ng Mormonismo, ay kailangang humarap sa mga trahedya sa buhay at ng lumaon ay napatay sa edad na 38. Si Hesu-Kristo, ang tunay na pangulo ng Ang Simbahan ni Hesu-Kristo ng mga Banal sa Huling Araw, ay ganap na pamilyar sa paghihirap, at ganap Niyang tanggap ito bilang bahagi ng Kanyang misyon. Kahit na Siya ay naghirap ng higit sa sinumang tao na kailanman ay nabuhay, ganap Niyang nalalaman ang pagkakaroon at layunin ng Diyos. Kasalungat nito, binabanggit ng sangkatauhan na ang paghihirap ay bilang patunay na walang Diyos.
Kaya bakit ang mga tao ay kailangan na maghirap? Bakit ang mga musmos at inosenteng mga bata ay maagang namamatay sa mga banggaan ng kotse? O bakit ang mga terorista ay dapat ibangga ang eroplano sa kambal na mga tore ng Sentro Pandaigdigang Kalakalan sa New York? Upang maunawaan ang mga ito at ang mga hindi mabilang na mga katulad na mga kaganapan, ito ay maaaring makatulong upang matanong kung tunay bang hinahayaan ng Diyos ang kaganapan o kung pinahihitulutan Niya itong mangyari.
Ang mga Mormons ay naniniwala na ang Diyos ay makapangyarihan at Siya ay may kapangyarihan na kontrolin ang mga kaganapan sa ating buhay, kabilang na ang pagpawi sa lahat ng sakit at hadlangan ang lahat ng mga aksidente. Gayunpaman, ito ay malinaw na hindi Niya ito ginagawa sa lahat ng oras. Bakit?
Malayang Pangasiwaan at ang Tatlong Yugto ng Buhay
Ang Mormonismo ay naghahayag na isa sa mga pangunahing batas ng ebanghelyo ay isang malayang pangasiwaan, na nagdudulot ng walang hanggang pagsulong. Kung tayo ay pipilitin ng Diyos na maging maingat at matuwid sa lahat ng oras tayo ay hindi maaaring matuto at lumago. Ang ilang mga tao na namumuhay sa mundong ito ay nagsasanhi ng isang malaking bahagi ng paghihirap. Sa pamamagitan ng pagpapahintulot ng mga taong ito ng kanilang malayang pangasiwaan, pinahihintulutan sila ng Diyos na patotohan ang pagpaparusa sa kanila, “na ang paghahatol na kanyang isinasagawa sa kanila sa kaniyang poot ay maaaring maging matuwid; at ang dugo ng walang sala ay tumayo bilang saksi laban sa kanila, oo, at sumigaw ng malakas laban sa kanila sa huling araw “ (Tingnan ang Alma 14:8-11).
Isa pa sa pangunahing paniniwala sa Mormonismo ay ang plano ng kaligtasan, na itinatag ng ating Diyos Ama, ay may kabilang nag tatlong bahagi o yugto. Ang unang yugto ay kabilang ang ating pangunang mortal na buhay bilang mga anak sa espiritu kasama ang ating Ama sa Langit (bago tayo ipinanganak). Ang pangalawang yugto ay kung saan tayo ngayon, habang tayo ay nabubuhay dito sa mundo, at ang espesyal na layunin ng yugtong ito ay para matanggap ang pisikal na katawan at masubok. Ang huling yuto ay magsisimula pagkatapos na tayo ay mamatay at maisasama ang ating muling pagkabuhay at pagtatakda sa isang kaharian ng kaluwalhatian, batay sa ating mga gawa dito sa lupa.
Ang mga Mormons ay naniniwala na bagaman ang karamihan sa tao ay makakatanggap ng isang sukat ng kaluwalhatian at kaligayahan sa pagkatapos ng buhay (ang ikatlong yugto), ang kapuspusan ng kagalakan at kaligayahan ay nakalaan para sa mga taong sumunod sa mga kautusan ng Diyos at naging kwalipikado para sa pinakamataas na antas ng kaluwalhatian sa Kaharian ng Diyos. Sinabi ng Panginoon: “sapagkat sa daigdig na ito ang inyong kagalakan ay hindi lubos, subalit sa akin ang inyong kagalakan ay lubos.” (Doktrina at mga Tipan 101:36). Tayo ngayon ay nasa ikalawang yugto, at hindi tayo makakaasa na maging malaya mula sa mga problema. Ang nakatatandang si Neal A. Maxwell ay nagturo, “kung ating aalisin ang ating mga saliri na malaya mula sa mga pagkakabuhol ng mundo, tayo ba ay pinangakuan ng isang relihiyon ng kapahingahan o ang Eden ng katiwasayan? Hindi! Tayo ay pinangakuan ng mga luha at pagal! Ngunit tayo ay pinangakuan din ng panghuling pagtatagumpay, ang pagninilay lamang na siyang dumadampi sa kaluluwa ng isang tao. (Ulat sa Talakayan, Oktubre 1974, 16).
Sa pagtatapos, ang Mormonismo ay nagtuturo na ang sangkatauhang trahedya at paghihirap ay mga bahagi ng plano ng Diyos, isang bagay na kailangan nating tanggapin na may pagtitiis at pananampalataya, isang kinakailangang guro na maaaring magturo sa ating ng mga maraming aral. Sa huli, ang malaman kung ang mga trahedya ay dumarating sa ating mga buhay dahil sa mga natural na puwersa, mga masasamang tao, o ang ating mga kasalanan, ay mas may kaunting kahalagahan kaysa ang paraan kung paano tayo tutugon sa kanila. Kung ating pipiliin na matutuo mula sa kanila at gamiting sila para maging malapit sa Diyos kaysa sa pagrereklamo at pagrerebelde, tayo ay mas magiging mabuti kapag sa wakas ay makakatagpo natin ang Diyos Ama sa langit pagkatapos lumipas ng ating buhay dito sa mundo.
Matutong Mahabag
Isa sa mga pangunahing layunin ng sangkatauhang trahedya , ito man ay dulot ng mga natural na pwersa o sa pamamagitan ng mga aksidente o gawang-taong karahasan na pinahintulutan ng Diyos na mangyari, ay upang tulungan ang sankatauhan na matutong mahabag para sa isa’t isa. Maaari tayong tumugon sa kaganapang ito sa paghahanda upang magpagal at tumulong sa abot ng ating makakaya, na dalhin “ang pasanin ng isa’t isa, nang ang mga yaon ay gumaan.;... nahahandang makidalamhati sa mga yaong nagdadalamhati, oo, at aliwin yaong mga nangangailangan ng aliw." (Tingnan ang Mosias 18:8,9) Ang mga Mormons ay tumatayo sa tabi ng mga taong nahahabag at nagsisihanap upang magdala ng kagyat at pangmatagalang tulong sa mga tao na napaimbabawan ng kalunos-lunos na mga pangyayari tulad ng isang lindol, ang isang unos o ng mga malalaking alon. Ang Simbahang ni Hesu-Kristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay kung minsan ay tinatawag na “Simbahan ni Hesus” ng mga taong sa ibang pananampalataya sa mga liblib na bahagi ng mundo bilang Makataong Tulong ng Mormon na umaabot para sa kanila.
Ang mga Mormons ay naniniwala na itinuturo ni Hesu-Kristo ang tungkol sa pagmamahal sa isa’t isa ay nangangahulugan na ito ay isa sa ating mga pangunahing layunin sa ating buhay: upang matuto kung paano mahalin ang bawat isa. Maraming mga tulay ng pang-unawa at pagmamahal ang nabubuo pagkatapos ng paninira ng isang matinding kaganapan, tulad ng ang mga tao ay magkasama sa isang espiritu ng pagkahabag at muling pagsasaayos. Bagaman ang kalungkutan ng pagkawala ng mga mahal sa buhay ay nananatili, ang paggising ng kapangyarihan ng pagmamahal ni Kristo upang hilumin ang ating mga puso at makahanap ng bagong mga simula ay magbibigay kahulugan at kapayapaan kahit na sa harap ng malaking mga trahedya. Ang kaalaman sa plano ng kaligtasan at buhay pagkatapos ng kamatayan ay maaari ring makatulong na magbigay aliw sa mga taong nagluluksa sa pagkawala ng mga mahal sa buhay o mga inosenteng mga bata sa isang trahedya.
