Ang Unang Pangitain
Mula sa MormonWiki
Ang Unang Pangitain ay ang pangalan na ibinigay sa matagumpay na kaganapan ng Panunumbalik - ang pagdalaw ng Diyos, ang Ama, at ng Kanyang Anak na si Hesu Kristo, kay Joseph Smith noong tagsibol ng 1820. Ang kaganapan ay kinikilala at pinahahalagahan ng mga miyembro ng Ang Simbahan ni Hesu Kristo ng mga Banal sa mga Huling Araw (mga Mormons) sa buong mundo.
May ilang mga kadahilanan kung bakit ang Unang Pangitain ay mahalaga sa Mormonismo, ngunit ang isa sa pinakamahalaga sa mga ito ay nang dahil dito nagkaroon si Propetang Joseph Smith ng isang bagong pang-unawa sa kalikasan ng Diyos at ni Hesu Kristo. Anuman ang konsepto ng Diyos na na kay Joseph Smith noong una, ay wala ng duda sa kanyang isip pagkatapos ng Unang Pangitain ang tungkol sa kung anong uri ng mga nilalang ang Diyos at si Hesus. Nakuha niya ang pang-unawang ito dahil nakita niya Sila at nakipag-usap siya sa Kanila.
Sa Juan 17:3 mababasa natin na: "at ito ang buhay na walang hanggan, na (kami) ay maaaring makilala Ka, ang tanging tunay na Diyos, at si Hesu Kristo, na iyong isinugo." Ang maayos na pakakakilala sa Diyos ay higit pa sa ang makita Siya at kahit na ang makipag-usap sa Kanya, ngunit ang malaman ang kanyang tunay na kalikasan ay isang kinakailangang hakbang upang makabuo ng pananampalataya sa Kanya upang makakuha ng buhay na walang hanggan at kaligtasan. Salamat sa Unang Pangitain, ang kaalaman sa tunay na kalikasan ng Diyos ay muling napanumbalik sa mundo.
Mga Nilalaman [Itago] • 1 Ang tala ni Joseph Smith sa Unang Pangitain • 2 Bidyu: Ang Unang Pangitain - Ang Likuran at ang Himala • 3 Bidyu: Unang Panalangin ni Joseph Smith • 4 Panlabas na mga Kaugnayan
Ang tala ni Joseph Smith sa Unang Pangitain
Sa isang maikling panahon matapos na ang kanyang pamilya ay lumipat sa Manchester, New York, ang batang si Joseph Smith ay nasaksihan ang isang kakaibang kaguluhan ng relihiyon sa lugar na iyon. Ang rehiyon na ito ng Estados Unidos ay tinatawag na ang "sunog sa distrito," dahil ang pagpapatatag muli ng nga relihiyon ay naabot na ang tarik. Ilang sekta ng Kristiyanismo ang sumuporta sa mga patolda toldang pagtatatag, nangaral ng may pagsisikap, at nakipagkompetensiya sa ibang sekta para sa mga maaaring mahikayat. Ang kaguluhang ito ay nagdala ng dibisyon sa kaniyang komunidad at maging sa kanyang pamilya. Si Joseph Smith ay naalala na siya ay hindi sigurado kung alin sa mga iba't ibang sekta ng relihiyon siya dapat sumali.
Ang pamilya ng kanyang ama ay nabinyagan sa pananampalatayang Presbiteryano, at apat na miyembro ng kaniyang pamilya ay sumama sa lokal na simbahan. Sa ilang panahon, naisipan niya ang pagsali sa simbahang Methodist, ngunit siya pa rin ay nabahala sapagkat naisip niya at kaniyang napagtanto na hindi maaaring ang lahat ng mga ito ay tama. Tinanong niya ang kanyang sarili, "Kung ang isa sa kanila ay tama, ano sa mga ito iyon? At paano ko malalaman kung saan ba sa kanila ang tama?"
Habang nananaliksik ng mga banal na kasulatan sa Spring ng 1820, nang siya lamang ay labing apat na taong gulang, si Joseph ay nabasa ang sumusunod na talata sa unang kabanata ng Sulat ni Santiago:
“Nguni't kung nagkukulang ng karunungan ang sinoman sa inyo, ay humingi sa Dios, na nagbibigay ng sagana sa lahat at hindi nanunumbat; at ito'y ibibigay sa kaniya.”(Santiago 1:5)
Ang halamanan ng mga puno (na ngayon ay kilala bilang ang "Sacred Grove") kung saan si Joseph Smith ay lumuhod upang manalangin ay isang kilalang destinasyon para sa mga bisita.
Si Joseph Smith ay nadama ng malalim ang kasulatang ito. Kaniyang ginunitang muli, "wala kailanmang kahit anung kasulatan ang nagbigay nang higit na kapangyarihan sa puso ng tao nang higit pa sa ginawa nito ngayon sa akin." (Joseph Smith-Kasaysayan 1:12) Siya ay nagpasya na kumilos sa kanyang impresyon, at isang umaga ay pumunta sa isang liblib na halamanan ng mga puno malapit sa sakahan ng kaniyang pamilya, lumuhod, at nagsimula ng kanyang unang bokal na panalangin.
Halos kaagad pagkatapos na siya ay nagsimula ng kaniyang dalangin, si Joseph ay natagpuan ang kanyang sarili na nasa isang pakikibaka sa isang makadiyablong impluwensiya, na sa isang ganap na sandali ay pinigilan ang kanyang pagsasalita. Isang makapal na kadiliman ang natipon sa paligid niya, at si Joseph ay naniwala na siya sa lalong madaling panahon ay ganap na mawawasak. Gayunman, ipinagpatuloy niya ang kaniyang panalangin ng tahimik, at hiningi niya ang tulong ng Panginoon. Sa pinaka sandali na siya ay handa na upang bumaon sa dusa, kaniyang naitala:
Nakita ko ang isang haligi ng liwanag na eksakto sa ibabaw ng aking ulo, na higit na maningning pa kaysa sa araw, na bumababa ng paunti-onti hanggang sa ito ay nahulog sa akin. Pagkatapos ay natagpuan ko ang aking sarili na nakaalpas mula sa kaaway na gumapos sa akin. Nang ang liwanag ay nagpahinga sa akin, nakita ko ang dalawang personahe, na ang liwanag at kaluwalhatian ay sumisinhay sa lahat ng paglalarawan, na nakatayo sa itaas ko sa hangin. Isa sa Kanila ang nagsalita sa akin, tinawag ako sa aking ngalan at sinabi, habang itinuturo ang isa-Ito ang Aking minamahal na Anak. Pakinggan Siya! [1] (Joseph Smith-Kasaysayan 1:16-17)
Nang si Joseph ay nakabawi at nakayanan na muling magsalita, kaniyang tinanong ang dalawang personahe kung saang relihiyosong sekta siya dapat na sumali. Siya ay sinabihan na huwag sumali sa anuman sa mga ito, dahil ang lahat ay nagtuturo ng maling mga doktrina at may isang anyo ng kabanalan ngunit "tinatanggihan ang kapangyarihan nito."
Ang opisyal na tala ng Unang Pangitain ni Joseph Smith ay matatagpuan sa mga Banal na Kasulatan ng Simbahan. Ito ay dapat na tandaan na si Joseph ay nagbigay ng walong hiwalay na mga akawnt ng pangitaing ito sa loob ng maraming taon. Tulad ng inaasahan, ang mga tala ay hindi eksaktong pagsasaulit ng isa't isa, at ang ilang mga tala ay iniiwan ang mga mahahalagang mga detalye, ngunit ang bawat isa ay nagbibigay ng bahagyang iba't-ibang perspektibo sa pambihirang kaganapang ito. Ang opisyal na tala ay pinili para sa layunin na dahil ito ay ang pinaka kumpleto sa lahat ng mga tala at dahil ito ay ang nais na ipalimbag ni Joseph Smith sa mundo.