Ang Teolohiyang Mormon
Mula sa MormonWiki
Hindi tulad ng mga tagasunod ng ibang relihiyon, ang mga miyembro ng Ang Simbahan ni HesuKristo ng mga Banal sa Huling Araw (Mormons) ay hindi lamang nakabatay sa sinaunang banal na kasulatan bilang batayan ng kanilang pananampalataya. Batay ang teolohiyang mormon sa paghahayag, sa sinauna man o moderno, na siyang ipinagkakaloob ng Diyos sa Kanyang mga Propeta. Tinatanggap ng mga Mormon ang Bibya, at ang Aklat ni Mormon bilang banal na kasulatan. Isinasama din nila bilang banal na kasulatan ang Doktrina at mga Tipan--ang aklat ng paghahayag na ibinigay kay Joseph Smith and sa kanyang mga kahalili--at ang Mahahalagang Perlas. Bilang karagdagan, tinataggap ng mga mormon ang aral ng mga buhay na propeta bilang banal na kasulatan. Kaya nga, ang teolohiyang mormon ay nakabatay sa sinauna at patuloy na paghahayag, na siyang ipinagkaloob ng Diyos and ipagkakaloob sa Kanyang mga propeta. Sa pamamagitan ng mga pagpapahayag na ito. naniniwala ang Mormon na ang Diyos ang ating Ama sa Langit, si HesuKristo, at ang Banal na Espiritu Santo ay mga natatanging personahe na may hiwalay na mga tungkulin ngunit gayunpanman ay may iisang layunin. Ang Ama sa Langit at si HesuKristo ay may niluwalahati katawan na may laman at buto samantalang habang ang Banal na Ghost ay isang Espiritu na walang laman at buto.
Naniniwala ang mga Mormon na ang lahat ng tao ay literal na espiritwal na anak ng Diyos, na tayo'y namuhay kasama Niya bago pa man tayo nabuhay dito s mundo, at tayoy maaring makabalik at mamahuhay kasama Niya. Sa panahon ng buhay natin bago ang buhay na ito kasama ang Ama, Siya ay naghanda ng isang plano(na madalas tawagin ng miyembro ng simbahan “Ang Plano ng Kaligtasan”) na kung saan tayo na Kanyang mga anak ay makakabalik at mamuhay kasama ang Ama and tamasahin ang mga biyaya ng kawalang kamatayan at buhay na walang haggan.Marahil ang pinakadakilang biyaya ng buhay na walang haggan na sa pamamagitan ng Pagbabayad Sala ni HesuKristo, ay makasama natin ang ating pamilya dito sa mundo ng magpasawalang hanggan.
Sentro ng teolohiyang Mormon ay ang katotohanan na si HesuKristo ay literal na Anak ng Diyos na naparito sa mundo upang isagawa ang Pagbabayad Sala, na kinapapalooban ng Kanyang pagdurusa sa Getsamane at ng kalbaryo sa krus at ang Kanyang matangloy na pagkabuhay na mag-uli. Naniniwala ang mga Mormon na walang ibang daan para matanggap ng lahat tao ang kaligtasan maliban sa pamamagitan ni HesuKristo. Sa pamamagitan ng pagbabayad sala ang lahat ng tao na nabuhay sa mundo ay muling mabubuhay na maguli, at ang lahat ay maaring malinis sa kanilang mga kasalanan. Lahat ng ibang doktrina ay mababa sa doktrina ng ang Pagbabayad sala ni HesuKristo.
Ang mabubuting gawain, kabilang ang mga ordenansa ay mga pangunahing parte ng Teolohiyang Mormon. Kung walang paggawa, ang sangkatauhan ay di kainlaman magkakaroon ng pagkakataon sa mga biyaya ng Pagbabayad sala ni HesuKristo dahil, kahit gustuhin Niya na iligtas ang lahat ng kanyang mga anak, ang Diyos ay hindi maililigtas ang kanyang mga anak maliban kung hahayaan nating siyang maging kasama natin sa lahat ng bagay. Bukod don, ang mga ordenansa na siyang magpapahintulot sa atin upang matamo ang biyaya ng Pagbabayad sala ni HesuKristo, ay kinakailangan isagawa ng mga kalalakihang hawak ang Pagkasaserdote. Ang pagkasaserdote an awtoridad na kumilos sa pangalan ng Diyos.
