Ang Pagkahulog ni Adan at Eba

Mula sa MormonWiki

Expulsion from the Garden of Eden.jpg

Naniniwala ang mga Mormons na ang pagkahulog ni Adan ay naging bahagi ng plano ng Diyos para sa Kanyang mga anak.

Doktinang Mormon tungkol sa Ang Pagkahulog ni Adan at eba

Ang mga myembro ng Ang Simbahan ni Hesu Kristo ng mga banal sa Huling-araw (ang mga Mormons) ay naniniwala na ang pagkahulog ni Adan ay isang napaka-importanteng pangyayari sa kasaysayan ng mundong ito. Nang inilagay ng ating Amang nasa langit si Adan at si Eba sa Hardin ng Eden, inutusan niya sila na magparami at punuin ang mundo. Ipinagbawal at iniutos din niya sa kanila na huwag kumain ng bunga ng puno ng karunungan sa pagitan ng mabuti at kasamaan, subalit binigyan pa rin sila ng kalayaan at karunungang pumili. Binigyan sila ng Diyos ng dalawang magka-kontrang utos: at iyon ay ang magparami at punuin ang mundo, at huwag kumain ng bunga ng puno ng kaalaman ng mabuti at kasamaan. Ang katutuhanan na binigyan sila ng dalawang magkakontrang utos ay nagbigay sa kanila ng isang aktwal na pagdidisisyon sa pagpili. Sinabi sa kanila ng Diyos na kapag kumain sila ng bunga ng puno ng karunungan ng kabutihan at kasamaan, sila ay “mamamatay". (Abraham 5:13) Hanggat nanatili si Adan at si Eba sa Harden ng Eden, sila ay nanirahan sa mala-paraisong lugar, subalit doon lamang sila sa lugar na iyon. Hindi sila tumatanda, at hindi rin sila pwedeng magkaroon ng anak.

Pag kumain sila ng bunga nung puno ng karunungan, magiging mortal sila; at makararanas sila ng isang tinatawag na "unang pagkamatay," o ang pagkamatay ng katawan. Iyon nga lang, makakaya na nila, sa kanilang panibagong estado bilang mortal na mga tao, na gumawa ng anak. Na nangangahulugan lamang ng pagsunod sa utos ng Diyos na magparami at punuin ang mundo.

Karamihan sa mundo ng kristiyanismo ay naniniwala na ang pagkain ng "pinagbabawal na prutas" ay isang makasalanang gawa kung kaya’t ito ay nangangailangang patawan ng isang marahas na parusa—at ay ang kamatayan. Kahit papaano, ang Diyos ay inimporma si Adan at si Eba na kapag sila ay kumain ng ipinagbabawal na prutas na iyon, ay magiging mortal na tao sila. Ang “mga sumpa" na ipinataw ng Panginoon kay Adan at kay Eba pagkatapos nilang kumain nung prutas, ay sa katunayan hindi mga sumpa, kundi isang pagpapaliwanag lamang ng kung ano maging isang mortal na tao—ang lalaki ay dapat mabuhay gamit ang kanyang lakas kung kaya’t makararanas siya ng pagod at hirap, at ang mga babae naman ay magbubuntis at maglalabas sa mundo ng mga anak kung kaya’t makararanas sila ng sakit at paghihirap.

Ang talaan tungkol sa pagkahulog ni Adam at Eba ay mas naipapaliwanag ng mas maayos sa ang Pearl of Great Price kaysa sa pagkakapaliwanag sa Genesis. [1] Ipinaliwanag doon ang katutuhanan na si Adan ay inutusan na samahan ang kanyang asawa. Nang si Eba ay nalinlang ni Satanas, at kanyang tinikman ang ipinagbabawal na prutas, pareho nilang alam na palalayasin si Eba mula sa hardin. Kaya’t kumain din si Adan ng ipinagbabawal na prutas upang hindi sila magkahiwalay at makasama parin niya si Eba. Ang pagkahulog ni Adan ay nagdulot ng kamatayan sa mga tao sa mundo, bilang isang mahalagang hakbang sa plano ng kaligtasan.

Agad-agad pagkatapos na mapalayas si Adan at Eba mula sa Hardin ng Eden, sila ay naturuan tungkol sa pagtubos ni Hesu Kristo sa ating mga kasalanan, at tungkol sa muling-pagkabuhay ng buong sangkatauhan na maisasakatuparan lamang sa pamamagitan ng pagkamatay at muling-pagkabuhay ni Hesu Kristo. Naintindihan nilang ginawa nila ang tamang disisyon. Ang pag-alis mula sa hardin ay nagsilbi sa kanila upang makagawa sila ng mga anak at upang masimulan na nila ang pag-unlad bilang mga mortal na tao na masusubok habang namumuhay nang malayo sa tabi ng Diyos.

At si aEva, na kanyang asawa, ay narinig ang lahat ng bagay na ito at natuwa, nagsasabing: Kung hindi dahil sa ating paglabag tayo sana ay hindi nagkaroon ng mga bbinhi, at kailanman ay hindi nalaman ang mabuti at masama, at ang kagalakan ng ating pagkakatubos, at ang buhay na walang hanggan na ibinibigay ng Diyos sa lahat ng masunurin. (Moses 5: 11)

Ang mga Mormons ay pinag-uusapan ang pagkain sa ipinagbabawal ng prutas bilang isang y“pagsuwa," hindi bilang isang "kasalanan." Hindi ito naging isang makasalanang gawa, kundi ay isang kinakailangang gawa na lakas-loob binitbit ni Adan at ni Eba sa kanilang mga sarili. Pagdaaan ng maraming taon, ipinaliwanag ni Moses ang isa sa kanyang mga pangitain kung saan nakita niya si Adan at si Eba na nagsasaya: At sa araw na yaon, pinapurihan ni Adan ang Diyos at anapuspos, at nagsimulang bmagpropesiya hinggil sa lahat ng mag-anak sa mundo, nagsasabing: Purihin ang pangalan ng Diyos, sapagkat dahil sa paglabag ko ang aking mga mata ay namulat, at sa buhay na ito ako ay makatatamo ng ckagalakan, at muli sa dlaman aking makikita ang Diyos.(Moses 5:10)

Isang Propeta sa Libro ni mormon ay malalimang nagpaliwanag sa kung ano ang silbi ng pagkahulog ni Adan at ni Eba, lalo na ipinaliwanag niya ang kalayaang punili ng tao at ipinaliwanag niya ang pangangailangan ng isang tagapagligtas ay ang pagtubos para sa sangkatauhan: At upang maisagawa ang kanyang mga walang hanggang alayunin sa kahihinatnan ng tao, matapos na kanyang malikha ang ating mga unang magulang, at ang mga hayop sa parang at ang mga ibon sa himpapawid, at sa lalong maliwanag, lahat ng bagay na nilikha, ay talagang kinakailangan na may isang pagsalungat; maging ang bipinagbabawal na cbungang-kahoy na kasalungat ng dpunungkahoy ng buhay; ang isa ay matamis at ang isa ay mapait. Anupa’t ipinagkaloob ng Panginoong Diyos sa tao na siya ay akumilos para sa kanyang sarili. Samakatwid, ang tao ay hindi makakikilos para sa kanyang sarili maliban kung siya ay bnahikayat ng isa o ng iba.

At sila ay nagkaroon ng mga anak; oo, maging ang amag-anak ng buong mundo. At ang mga araw ng mga anak ng atao ay pinahaba, alinsunod sa kalooban ng Diyos, upang sila ay bmakapagsisi habang nasa laman; kaya nga, ang kanilang kalagayan ay naging kalagayan ng cpagsubok, at ang kanilang panahon ay pinahaba, alinsunod sa mga kautusan ng Panginoong Diyos na ibinigay sa mga anak ng tao. Sapagkat ibinigay niya ang kautusan na ang lahat ng tao ay kinakailangang magsisi; sapagkat ipinakita niya sa lahat ng tao na sila ay dnaligaw, dahil sa kasalanan ng kanilang mga magulang.

At ngayon, masdan, kung si Adan ay hindi lumabag, hindi sana siya nahulog, manapa siya ay nanatili sa halamanan ng Eden. At lahat ng bagay na nilikha ay tiyak sanang nanatili sa dating kalagayan kung saan sila naroroon matapos na sila ay likhain; at sila sana ay tiyak na nanatili magpakailanman, at walang katapusan. At sila’y hindi sana nagkaroon ng mga aanak; anupa’t sila sana ay nanatili sa kalagayan ng kawalang-malay, walang kaligayahan, sapagkat hindi sila nakakikilala ng kalungkutan; hindi gagawa ng mabuti, sapagkat hindi sila nakakikilala ng kasalanan. Ngunit masdan, ang lahat ng bagay ay ginawa sa karunungan niya na anakaaalam ng lahat ng bagay. Si aAdan ay bnahulog upang ang tao ay maging gayon; at ang tao ay cgayon, upang sila ay magkaroon ng dkagalakan.

At ang aMesiyas ay paparito sa kaganapan ng panahon, upang kanyang bmatubos ang mga anak ng tao mula sa pagkahulog. At dahil sa sila ay tinubos mula sa pagkahulog sila ay naging cmalaya magpakailanman, nakikilala ang mabuti sa masama; kumikilos para sa kanilang sarili at hindi pinakikilos, maliban sa kaparusahan ng dbatas sa dakila at huling araw, alinsunod sa mga kautusang ibinigay ng Diyos. Anupa’t ang tao ay amalaya ayon sa laman; at lahat ng bagay ay ipinagkaloob sa kanila na kapaki-pakinabang sa tao. At sila ay malayang bmakapipili ng kalayaan at cbuhay na walang hanggan, sa pamamagitan ng dakilang Tagapamagitan ng lahat ng tao, o piliin ang pagkabihag at kamatayan, alinsunod sa pagkabihag at kapangyarihan ng diyablo; sapagkat hinahangad niya na ang lahat ng tao ay maging kaaba-abang katulad ng kanyang sarili. At ngayon, mga anak ko, nais ko na kayo ay umasa sa dakilang aTagapamagitan, at makinig sa kanyang mga dakilang kautusan; at maging matapat sa kanyang mga salita, at piliin ang buhay na walang hanggan, alinsunod sa kalooban ng kanyang Banal na Espiritu; (2 Nephi 2:15, 16, 20-28)

Mga kagamitang pansarili
Sa ibang wika