Ang Kiskisan ng Haun

Mula sa MormonWiki


Ang Kiskisang Haun o (Haun’s Mill) ay isang pinagtitirhan sa Missouri sa Sapa ng Shoal na itinatag ni Jacob Haun, isang Banal sa mga Huling Araw na nahikayat mula sa Green Bay, Wisconsin. Noong 1835, siya ay lumipat sa lugar na umaasa na maiwasan ang ilan sa mga pag-uusig na ang ibang mga Banal sa lugar ay nararanasan. Ang panirahan ay mayroong isang kiskisan, bakalan, at ilang mga tahanan. Mga 20-30 na mga pamilya ang nakatira malapit sa gilingan ng palay, at 100 na mga pamilya pa ay naninirahan ng nakapaligid sa lugar. Noong Oktubre 25, 1838, nagkaroon ng isang labanan sa Ilog ng Crooked sa pagitan ng mga Mormons at ng isang grupo ng mga tao na tinatakot ang mga pamilyang Mormon ng maraming araw na. Sumunod sa labanang ito, si Joseph Smith ay sinabi sa mga miyembro na ang lahat ng mga Banal ay dapat na lumipat sa malayong kanluran para mabigyan ng proteksyon. Si Jacob Haun ay hindi nais na mawala ang kaniyang ari-arian at kaniyang kinumbinsi ang marami sa mga iba pang mga residente na manatili na lamang sa kiskisang Haun. Sila ay nagpasya na kung sila ay aatakihin, gagamitin nila ang panday bilang isang muog. Ang mga tanod ay nasa paligid ng lugar upang protektahan at matiyagan ang lugar.

Noong Oktubre 28, sa probinsya ng Livingston (ang probinsya kung saaan ang kiskisang Haun ay naroroon) si milisiya Colonel, Thomas Jennings, ay nagpadala ng isang tao upang magsaayos ng isang kasunduan ng kapayapaan sa mga residente ng kiskisang Haun. Ang magkabilang panig ay sumang-ayon na panatilihin ang kapayapaan. Nang sumunod na araw, isang grupo ng mga tao ang nagpasya na kanilang aatakihin na ang kiskisang Haun. Sa hapon ng Oktubre 30, 240 na tao ang lumapit sa kiskisang Haun. Si Joseph Young Sr ay inilarawan sa kanyang sulatan kung ano ang kanilang ginagawa ng araw na iyon, Ang mga bangko ng Shoal Creek sa magkabilang gilid, ay kinabibilangan ng mga bata na nagpapampalakasan at naglalaro, habang ang kanilang mga ina ay kabilang sa domestikong mga gawain, at ang kanilang mga ama ay nagtratrabaho sa pagguguwardiya sa kiskisan at iba pang mga ari-arian, habang ang iba ay kasama sa pagtitipon ng mga pananim para sa kanilang konsumpsyon sa taglamig . Ang panahon ay tunay na maligaya, ang araw ay suminag ng malinaw, ang lahat ay tahimik, at walang sinuman ang nagpahayag ng pangamba ukol sa mga kakila-kilabot na krisis na malapit na sa amin-maging sa aming mga pinto (Kasaysayan ng Simbahan, 3:184-85).

Noong 4:00 na ng hapon, ang 240 na mga tao ay dumating na sa Haun's Mill. Ang mga kababaihan at mga bata ay tumakbo patungo sa kakahuyan upang makatakas. Isang babae na nagngangalang Amanda Smith ang nagsaad, "Gayon man, kahit na kami ay mga kababaihan, na mayroong mga anak na malumanay, sa aming pagtakbo upang isalba ang aming mga buhay, ang demonyo ay nagbuhos at nagpaulan ng bala matapos na magpaulanan ng bala upang kami ay patayin" (Jenson, LDS na byograpikong Encyclopedia vol. 2). Si Amanda Smith ay nagawang iligtas ang kanyang dalawang anak na babae, ngunit ang kanyang sampung-taong gulang na anak na lalaki, na noon ay nasa bakalan nang ang mga manlulusob ay umatake, ay pinatay, at ang kanyang pitong taong gulang na anak na lalaki (na nasaksihan ang pagpatay sa kaniyang kapatid at pati na rin sa kanyang ama), ay lubhang nasugatan.

Si David Evans, na noon ay isang militar na pinuno para sa Haun's Mill, ay sumigaw para sa kapayapaan nang ang mga manlulusob ay dumating, at iwinagayway niya ang kaniyang sombrero sa hangin, ngunit ang kanyang pagsigaw ay sinagot lamang ng mga tama ng baril. Hindi bababa sa 17 na mga Banal ang namatay sa atake at 13 ang nasugatan, kabilang na dito si Jacob Haun. Kinalaunan, ang propetang Joseph Smith ay sinabi na, "sa Haun's Mill ang ating mga kapatid ay nagpunta ng taliwas sa aking payo; kung hindi sana nila ito ginawa, ang kanilang buhay ay hindi ipinagkait" (Kasaysayan ng Simbahan, 5:137).

Mga kagamitang pansarili
Sa ibang wika