Ama sa Langit

Mula sa MormonWiki

Ang unang saligan ng pananampalataya ay Ang Simbahan ni Jesukristo ng mga Banal sa mga Huling Araw(simbahang mormon) ay nakakatiyak at simple sa pagsasaad ng aming paniniwala patungkol sa Diyos : Naniniwala kami sa Diyos,ang Amang walang hanggan at sa kanyang anak na si Jesukristo,at sa Espiritu Santo.

Si Joseph Smith ay naghandog ng doktrinang nagpapalinaw sa paniniwalang ito,na naitala sa mga banal na kasulatan ng Simbahan:” Ang Ama ay may katawan na may laman at buto,na nahahawakan tulad ng sa tao; gayundin ang anak;subalit ang Espiritu Santo ay walang katawan na may lamn at buto,subalit isang personahe ng Espiritu;kung hindi,ang Espiritu Santo ay hindi makakapanahan sa atin.”(Doktrina at mga Tipan 130:22)

Ang mga banal sa mga huling araw(mormons) ay naniniwala na ang Diyos ay makapangyarihan sa lahat,nakakaalam ng lahat,at ang kanyang Espiritu ay mararamdaman ng lahat ng tao,sa lahat ng dako. May taglay siyang lubos na kaganapan sa lahat ng mabuting katangian; siya ay maawain,mapagmahal,matiisin,makatotohanan,at hindi nangingilag sa sinumang tao. Habang ang mga miyembro ng simbahan ay sumasangguni sa mga kasulatan para magkaroon ng kaalaman tungkol sa Diyos,ang kanilang pangunahing kaalaman tungkol sa kanyang kalikasan ay napagtibay sa unang pangitain ni Joseph Smith at ito ay maaaring malaman ng bawat isa sa pamamagitan ng pansariling paghahayag sa pamamagitan ng tapat na pagtatanongmula sa Diyos mismo sa pamamagitan ng pansariling paghahayag,ang mga tao ay makakagalaw sa mga pagtatago at kawalang katiyakan ng ganap na kaalaman sa pagkakaroon ng Diyos at kanyang katauhan,katulad ng ginawa ni Joseph Smith. NILALAMAN

1.Ama Nating Lahat

2.Ang Kaugnayan ng Diyos kay Jesukristo at sa Espiritu Santo

3.Kasaysayan ng Diyos

4.Panlabas na ugnayan

'===AMA NATING LAHAT===

Ang mga banal sa mga huling araw ay naniniwala na ang Diyos,Ang Ama,ay literal na ganoon nga-ang Ama nating lahat.Tayo ay mga anak Niya at bilang mgaanak Niya,tayo ay maaaring matuto tungkol sa kanya at mula sa kanya. Maaari tayong magsumikap na kilalanin siya at maging katulad niya. Mahal Niya tayo at kilala niya atayo bago pa man tayo naparito sa lupa,hinahangad niya ang ating kaligayahan sa buhay na ito,at nais niyng makabalik tayo sa kanyang piling upang makasama siya sa susunod na buhay. Ang mga banal sa mga huling araw ay naniniwala na ang buhay natin sa mundo ay bahagi lamang ng ating walang hanggan. Naniniwala sila na sila ay nanirahan kasama ang Ditos bago pa man isinilang at maaari tayong bumalik sa Diyos pagkatapos ng ating kamatayan. Ang konseptong ito ay madalas na tinutukoy bilang plano ng kaligtasan.

ANG KAUGNAYAN NG DIYOS KAY JESUKRISTO AT SA ESPIRITU SANTO

Ang mga banal sa mga huling araw ay naniniwala na ang Diyos,ang Ama,si jesukristo at ang Espiritu Santo ay magkakahiwalay at magkakaibang katauhan. Sila ang bumubuo ng tinatawag na Panguluhang Diyos.Ang paniniwala na ang tatlong bumubuo ng Panguluhang Diyos ay magkakahiwalay at magkakaiba ay pinagtibay ng paghahayag nang matanggap ni Joseph Smith ang unang pangitain,subalit ito man ay may katibayan rin mula sa Banal na Kasulatan. Halimbawa sa pagbibinyag kay Hesus,habang siya ay nasa tubig,ang tinig ng ama ay narinigmula sa langit,at ang kanyang Espiritu Santo ay bumaba”tulad ng isang kalapati” at lumuklok kay Jesus(Mateo 3;13-17). Sa ganitong pagkakataon, ang tatlong miyembro ng Panguluhang Diyos ay nagpakita ng magkakahiwalay at sabay-sabay. Ipinahayag din ni Jesus ang kanyang kaibahan sa Diyos Ama nang itinuro Niya na,” dakila ang Ama kaysa sa akin” (Juan 14:28). Sa isa pang lugar ipinahayag ni Jesus,”Hindi humahatol kaninuman ang Ama. Ibinigay Niya sa Anak ang buong kapangyarihang humatol.”(Juan 5:22). Sa bundok kung saan siya ay nagbagong- anyo, ipinakilala mg Diyos ang mortal na si Jesus kina Pedro, Juan at Santiago bilang “ang Minamahal kong Anak” (Mateo 17:5). Ito ay ilan lamang sa mga napakaraming pagkakataon sa Biblia kung saan ang Diyos Ama at si Jesus ay ipinakitang magkaiba at magkahiwalay sa isa’t – isa.

Dahil sa kaisipan tungkol sa magkakahiwalay na kalikasan ng mga miyembro ng Panguluhang Diyos inakala ng iba na ang mga Banal sa mga huling –araw aynaniniwala na ang Diyos ay higit pa sa isa. Datapuwa’t ang mga Banal sa mga huling –araw ay naniniwala na bagamat sila ay kaiba sa isa’t-isa, ang mga miyembro ng Panguluhang Diyos ay lubos na nagkakaisa (iisa) sa kaisipan at layunin. Ang pagkakaisa ng Panguluhang Diyos ay isinalarawan ni Jesus sa kanyang panalangin para sa kanyang mga disipulo na maging isa nawa silang lahat kung papaanong Siya at ang Ama ay nagkakaisa (Juan 17: 21-22). Dito ipinagdasal ni Jesus ang kanyang mga disipulo upang sila ay magkaroon ng pagkakaisa sa isip, layunin, at patotoo. Hindi para sa pagsasanib ng kanilang katangian upang magkaroon ng isang hindi makikilalang katauhan. Ipinagdasal niya na magkaroon sila ng nagkakaisang hangarin, pagnanais, at patutunguhan kahallintulad ng tinataglay na pagkakaisa sa pagitan ni Jesus at ng Diyos Ama.

KASAYSAYAN NG Diyos

Pangkaraniwan nang paniniwala ng mga banal sa mga huling araw na ang Amang Diyos ay minsan nang nagging mortal, katulad natin. May mga naniniwala na siya ay nagging tao kagaya natin; ang iba naman ay naniniwala na siya ay nagging tao kagaya ni Jesukristo. Ito ay matatagpuan sa mga turo ni Joseph Smith:

Dahil sasabihin ko sa inyo kung paanong ang Diyos ay naging Diyos. Iniisip natin na ang Diyos ay Diyos mula sa kawalanh hanggan. Ang isiping Siya ay hindi ganun ay hindi mauunawaan ng ilan. Subalit ang simple at unang alituntunin ng ebanghelyo – para malaman ng may katiyakan ang katangian ng Diyos upang tayo ay makipagtalastasan sa kanya katulad ng pakikipag-usap ng isang tao sa kanyang kapuwa. Ang Diyos, ang Ama nating lahat ay nanahanan sa mundo tulad ni Jesukristo. (king Follet Discourse)

A ng talatang ito aym hinango mula sa sermon na ibinigay ni Joseph Smith bago ang kanyang kamatayan. Ang di inaasahang pagwawakas ng kanyang buhay ang pumigil sa kanya upang isalaysay ang bagay na ito nang mas malinaw. Ang ibang pinuno at miyembro ng Simbahan ay nagpahayag ng higit na pananaw sa ibabg pagkakataon,gayunman. Ang paniniwalang ang Diyos ay minsan nang naging kagaya natin ( o katulad ni Jesus) ay laganap sa mga miyembrong Banal sa mga Huling araw, subalit ito ay hindi isang “pagsubok sa papel ng litmus” ng pagiging Banal sa mga Huling araw……….

May ilang mga kritiko na nagpapahayag na ang paniniwalang ang Diyos ay minsan nang naging mortal ay nangangahulugan na ang paniniwala ng mga Banal sa mga Huling araw ay “ang Diyos ay hindi lagging Diyos”, subalit ito ay hindi totoo. Bakit?

Sapagkat hindi lahat ng tao ay lubos ang pang-unawa sa kalikasan ng mga nasa kawalang-hanggan. Si Moses ay nakipag-usap sa Diyos nang mukha sa mukha at siya ay nabuhay upang manatiling nakatayo sa kanyang harapan. Ang sabi ng Panginoon: “Masdan, ako ang Panginoong Diyos na Makapangyarihan at Walang hanggan ang aking pangalan sapagkat ako ay walang simula ang mga araw o wakas ang mga taon; at ito ba ay hindi kawalang hangganan? At masdan, ikaw ay aking anak; kung gayon masdan, at aking ipakikita sa iyo ang mga Gawain ng aking kamay, ngunit hindi lahat, sapagkat ang aking mga Gawain ay walang hanggan, at ang aking mga salita, sapagkat ang mga ito ay hindi tumitigil. (MAHALAGANG PERLAS, MOSES 1;3-4).

Subalit bahagi lamang ng mundong ito, at ng mga naninirahan dito ang ibibigay ko sa iyo. Sapagkat masdan, marami nang mundo ang lumipas dahil sa kapangyarihan ng aking salita, at marami ngayon ang nakatindig , at ang mga ito ay hindi mabilang ng sinumang tao, subalit ang lahat ay nabibilang sa akin, sasapagkat ang mga ito ay pag-aari ko at alam ko sila… At kung paanong ang isang mundo ay lumilipasat gayundin ang kalangitan ay ganoon din na dumarating ang iba pa; at walang hanggan ang aking Gawain; ni ang aking mga salita. Sapagkat masdan, ito ang aking Gawain at kadakilaan- ang maisakatuparan ang kawalang kamatayan at buhay na walang hanggan” (MAHALAGANG PERLAS, MOSES 1: 35-39)

Na ang Diyos Ama ay dumaan sa bahagdan ng paninirahan ditto sa mundo, subalit nananatiling laging Diyos, ay mas medaling unawain kung ang mga bahagdan na iyon ay maipaliliwanag. Ang Propetang si Joseph Smith, na naturuan sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na paghahayag mula sa kataas- taasan, ay nagpapakita na tayo ay naririto na mula pa sa kawalang hanggan. Una bilang mga matatalinong nilalang, sumunod bilang mmga espiritung anak ng Diyos, ngayon ay bilang mga mortal na nilalang, at kasunod nito ay bilang mga nabuhay na mag-uli at walang kamatayang nilalang. Makikita natin, ang kaalaman ng Ama nating Diyos ay napakalaki. Na nagagawa niyang gabayan at pamunuan ang lahat ng di mabilang na kaalaman tungo sa walang hanggang kadakilaan. Ipinaliwanag na Joseph Smith ang mga pilosopiyang ito:

Ang isip o talinong taglay ng isang tao ay katumbas ( o kasing kawalang hanggan) ng Diyos mismo. Alam ko na ang aking patotoo ay totoo ; Kung gayon kapag kausap ko ang mga nalulumbay na ito, ano ang nnawala sa kanila? Ang mga namatay na kamag-anak at kaibagan nila ay napawalay lamang sa kanila sa loob ng maiklang panahon; ang kanilang espiritu na nanahan kasama ng Dciyos ay iniwanan ang tabernakulo ng putik sa maikling panahon lamang, at ngayon ay nanantili sila sa isang lugar kung saan sila ay nakakapag-usap tulad ng ginagawa natin sa mundo.

Ako ay nananahan sa immortal na bahagdan ng ispiritu ng tao. Makatwiran ban a sabihin na ang kaalaman ng mga ispiritu ay walang hanggan ngunit ito ay may simula? Ang kaalaman ng mga ispiritu ay walang simula at hindi ito magkakaroon ng wakas. Ito ay magandang pangangatuwiran. Ang alinman na may simula ay magkakaroon ng wakas. Hindi pa nagkakaroon ng pagkakataon na walang ispiritu; sapagkat sila ay katumbas (o kasing kawalang hanggan) n gating Ama sa Langit. Ang unang alituntunin ng taop ay manatila sa kanyang sarili na nananahan kasama ang Diyos. Ang Diyos mismo, nang matagpuan ang kanyang sarili na nasa gitna ng mga ispiritu at kaluwalhatian, dahil siya ay higit ang kaalaman, ay nakita niyang nararapat na magtatag ng mga batas kung kayat ang lahat ay magkakaroon ng pagkakataon na maging katulad niya. Ang kaugnayan na mayroon tayo sa Diyos ay naglalagay sa atin sa sitwasyon na maaari tayong umunlad sa kaalaman. Mayroon siyang kapangyarihan na magtatag ng mga batas upang turuan ang mga higit na nahina ang kaalaman upang sila ay maluwalhati na kasama niya. Upang sila ay magkaroon ng kaligayahan sa isat-isa, at lahat ng kaalaman, kapangyarihan at kaluwalhatian at kakayahan na kinakailangan upng maligtas sila sa mundo ng mga ispiritu.

Sa Doktrina at mga Tipan bahagi 93[2] sinasabi rito:

Ang tao rin mula sa simula ay kasama na ng Diyos. Ang kaalaman o liwanag ng katotohanan ayhindi nilikha o ginawa o magagawa man lang.

Ang mga Mormon ay pinararatangan na pinaliliit ang kadakilaan ng Diyos sa ppamamagitan ng 1) pagtuturo ng nilalaman ng plani ng kaligtasan; at 2) sa pagsasabing ang tao ay maaaring maging kagaya ng Diyos. Ss kabilang dako, ang pilosopiya ng mga banal sa mga huling araw ay nagpahayag na ang Ama nating Diyos ay inialay ang kanyang buong kapangyarahan sa kawalang hanggan sa iisang layunin na madala ang lahat ng nilalang sa buong santinakpan na nasa karamihan ng planeta tungo sa iisang lugar kung saan sila ay makakapantay niya sa kaligayahan at kaluwalhatian.

ANG KALOOBAN NG DIYOS

Ang panalangin ng Panginoon,na ibinigay ng Panginoon mismo bilang halimbawa kung ano ang dapat hilingin ng mga totoong disipulo,ay naglalaman ng kahilingan na “sundin ang inyong kalooban dito sa lupa tulad ng sa langit”. Tiyak na ito ay nangangahulugan na dapat saliksikin ng tao kung ano ang ibig mangyari ng Diyos at pagkatapos ay gawin ito. Hindi lamang ang Biblia subalit maging ang lahat ng batayang kasulatan ng Simbahang Mormon- ang Aklat ni Mormon, ang Doktrina at Mga Tipan, ang Mahalagang Perlas- maging ang Saligan ng Pananampalataya- ay sumasang-ayon sa kautusang ito. Ngayon, paano kayang ang isang tao ay makaaalam kung ano ang kalooban ng Diyos? Bakit napakahalaga nito? NILALAMAN

1.Paano Malalaman at Gawin ang Kalooban ng Diyos

01.1 Manalangin upang malaman ang kalooban ng Diyos

01.2 Tanggapin ang kalooban ng Diyos sa pamamagitan ng Espiritu Santo

01.3 Gawin ang kalooban ng Diyos ng buong puso

01.4 Gawin ang kalooban ng Diyos ng buong tiwala, pagtitiis, at pag-asa

2.Kahalagahan sa pagsunod sa Kalooban ng Diyos

02.1 Mga Pagpapala at mga Pangako sa pagsunod sa kalooban ng Diyos

02.1.1 Makikilala ang totoong Doktrina

02.1.2 Ang mga panalangin ay matutugunan/ Ang mga kahilangan sa pagsunod sa kalooban ng Diyos ay makakamtan

02.1.3 Mananahanansa Kawalang Hangganan

02.1.4 Mamanahin mo ang mundo magpakailanman

02.1.5 Mapapabilang ka sa Pamilya ni Kristo

02.2 Mga sumpa sa hindi Pagsunod sa kalooban ng Diyos

PAANO MALALAMAN AT GAGAWIN ASNG KALOOBAN NG DIYOS

MANALANGIN PARA MALAMAN ANG KALOOBAN NG DIYOS

Si Pablo ay nagbigay rin ng halimbawa nang manalangin siya para sa mga taga Colosas at”patuloy na idinadalangin sila nfg kaalamang kaloob ng Espiritu upng lubusan nilang maunawaan ang kanyang kalooban”(1:9). Karamihan sa nga Mormons ay araw-araw na nagdarasal upang malaman ang kalooban ng Diyos dahil nauunawaan nila ang kahalagahan nito kahit sa mga mumunting bagay. Gayunman, ang mga tapat na Mormons ay hindi tumitindig sa gitna ng pamilihan at magdasal para sa bawat bibilhin. Umaasa na lang sila sa tulong ng Espiritu Santo upang bigyan sila ng babala kung sila ay bumibili ng anumang bagay na maglalagay sa kanila sa panganib, katulad halimbawa kung nakabili sila ng may lason na toothpaste.

TANGGAPIN ANG KALOOBAN NG DIYOS SA PAMAMAGITAN NG ESPIRITU SANTO

Nalalaman ng mga Mormons kung paano makakaasa sa tulong ng Espiritu Santo sa pamamagitan ng mga paghahayag sa mga huling araw. Sinasabi sa Doktrina at mga Tipan 124:5,”Sapagkat ipagkakaloob sa inyo sa pamamagitan ng Espiritu Santo na malaman ang aking kalooban. “

GAWIN ANG KALOOBAN NG DIYOS NG BUONG PUSO

Ang mga Mormons ay maalab ang damdamin-puno ng pagmamahal,pagsamba,respeto at paggalang-sa mg ispiritwal na bagay.Pinipilit nilang sundin ang payo no Pablo sa ng taga Efeso na gawin “ng kusang loob ang kalooban ng Diyos”(6:6)

GAWIN ANG KALOOBAN NG DIYOS NANG BUONG TIWALA,PAGTITUUS AT PAG-ASA

Isinaad sa Hebreo 10:35-36 na “Kaya’t huwag kayong mawawalan ng pananalig sa Diyos,sapagkat taglay nito ang dakilang gantimpala.Kinakailangang kayo’y magtiis upang masunod ninyo ang kalooban ng Diyos at matanggap ang kanyang ipinangako”. Sa pamamagitan ng mga paghahayag sa mga huling araw,ang mga Mormons ay naniniwala na ang pangakong ito ay isa pang salita na nangangahulugan ng pag-asa.Ang pag-asang ito ang nagbibigay sa kanila ng tiwala,pagtitiis,at kagalakan na siyng kinakailangan sa makabagong mundo ngayon. KAHALAGAHAN NG PAGSUNOD SA KALOOBAN NG DIYOS MGA PAGPAPALA AT PANGAKO SA PAGGAWA NG KALOOBAN NG DIYOS MAKIKILALA MO ANG TOTOONG DOKTINA

Ipinahayag ni Kristo na ang sinumang gumagawa ng kalooban ng Diyos ay magkakaroon ng inspirasyon na matanggap at makilala ang totoong doktrina. Sinasabi sa Juan 7:15-17 “Nagtaka ang mga Judio at ang sabi nila’Saan kumuha ng karunungan ang taong ito gayong di naman nag aaral?’ Sumagot si Jesus,’Hindi akin ang inaaral ko kundi sa nagsugo sa akin. Matatalos ng sinumang ibig tumupad sa kalooban ng Diyos kung ang itinuturo ko’y mula sa Diyos o nagsasalita lamang ako lamang ako ng ganang aking sarili.” Pinagtibay ito ng kasulatan sa mga Huling Araw sa pagsasabing”Subalit sa kanya na gumagawa ng aking kalooban ipagkakaloob ang mga misteryo ng kaharian,at ito sa kanya ang magiging balon ng buhay na tubig,na dumadaloy patungo sa walang hanggang buhay” (Doktrina at mga Tipan 63:23) Ang banal na kasulatang ito-at ng iba pang sumasang-ayon sa isinalaysay dito-ay lubhang napakahalaga sa mga Mormons. Ilang milyon na bilang ng mga nagbalik-loob ay sumapi sa simbahan dahil sila ay tapat at totoo ang kanilang hangarin na makapaglingkod sa Diyos.

ANG MGA PANALANGIN MO AY MATUTUGUNAN/ANG MGA KAHILINGAN SA PAGSUNOD SA KALOOBANG DIYOS AY IAPAGKAKALOOB

Ang apostol na si Juan sa 1 Juan 5:14-15 ay nagsabi: Hindi tayo nag-aatubiling lumapit sa kanya,sapagkat alam nating ibibigay niya ang anumang hingin natin na naaayon sa kanyang kalooban. Yamang alam nating dinirinig nga niya tayo,alam din nating ibinibigay niya ang hinihiling natin sa kanya . Ang mga Mormons ay naniniwala na ang panalangin ng mga tapat ay palaging sinasagot sa iba-ibang paraan: Hindi,Oo,o Hindi Ngayon. Naniniwala rin sila na kapag humiling sila ng isang bagay na ayon sa kalooban ng Diyos,ito ay palagi nilang tinatanggap,kaya’t gayon na lang ang kahalagahan na malaman kung ano ang kalooban ng Diyos.

MANANATILI KA MAGPAKAILAN PA MAN

Sa 1 Juan 2:17 sinasabi na,” ang sumusunod sa kalooban ng Diyos ay mabubuhay magpakailanman.” Ang mga Mormons ay naniniwala na ang tao ay mayroon na noon at mananatiling mayroong tao,kahit pa man bilang Espiritu. Naniniwala rin sila na ang lahat ng tao ay isinilang sa mundo ay muling mabubuhay at muling tatanggapin ang kanilang pisikal na katawan. Magkagayunman,ang talatang ito sa Juan ay tumutukoy sa mga sumusunod,sa ganang pagsunod sa Diyos –at ito ay nagagawa lamang ng mga tunay na tapat at masunurin. MAMANAHIN MO ANG MUNDO MAGPAKAILANMAN

Naniniwala ang mga Mormons na kapag bumalik si Kristo uapang maluwalhating pagharian ang mundo sa Milenyo-kapag dumating ang araw ng pagbabagong-anyo-“siya na nagtitiis nang buong pananampalataya at ginagawa ang kalooban ng Diyos,siya rin ay magtatagumpay at makakatanggap ng mana sa lupain” (Doktrina at mga Tipan 63:20) Ang Simbahan ay naniniwala na silang mga buong tapang na sinusunod ang Diyos sa isip,salita at gawa ay gagantimpalaan g literal na tahanan dito sa mundo magpakailanman.

MAPAPABILANG KA SA PAMILYA NI KRISTO

Sinabi ni Kristo sa atin,”Sapagkat sinumang sumusunod sa kalooban ng aking Amang nasa langit ang siya kong ina at mga kapatid” (Mateo 12:50) Ang mga Mormons ay isinasaalang alang ang mapabilang sa pamilya ni Kristo sapagkat ito ay isang pagpapala at labis ang kanilang pagmamahal sa kanya. SUMPA SA HINDI PAGSUNOD SA KALOOBAN NG DIYOS

“Masdan,ibibigay ko sa inyo sa araw na ito ang isang pagpapala at isang sumpa; Isang pagpapala,kung susundin niyo ang mga utos ng Panginoon ninyong Diyos ; na aking ipinag-uutos sa inyo sa araw na ito; at isang sumpa kapag hindi ninyo sinunod ag mga utos ng Panginoon ninyong Diyos,subalit lumihis kayo ng daan..”(Deutronomio 11:26-28). Dahil naniniwala ang mga Mormons na ang pagsuway ay magbubunga ng pagpapaalis at pagkakahiwalay sa Diyos mgapakailanman,buong tiyaga nilang piagsisikapan na sumunod,at kung dahil sa kahinaan,sila ay mahulog mula sa tanda sila ay nagsisisi at ginagawa ang lahat upang maisaayos ang anumang pagsuway o masamang nagawa.

Mga kagamitang pansarili
Sa ibang wika